Chapter 22

2569 Words
Chapter 22 Heaven's POV "You are what?" Kahit pa nahalata ko na ang pag-aalinlangan niya sa pagsagot ay talagang inulit ko pa ang tinanong ko. Hindi ko alam kung bakit siya naiilang na sumagot. She should be proud tungkol sa bampira o lobo na nais niyang paglingkuran. Hindi niya iyon dapat na ikahiya. Bumukas ang pinto ng sasakyan at alam ko na narinig ni Hell ang lahat ng pinag-usapan namin ni Billie sa pamamagitan ng kakayahan niya bilang isang bampira. Nilingon ko si Hell at tumango siya upang kumpirmahin na narinig nga niya ang lahat. At nandito siya ngayon dahil alam niya na maaaring hindi na ako makapagpigil pa sa pagtatanong ng kung anu-ano kay Billie. Hindi ko akalain na makakabuti pa sa plano namin ang ginawa namin na paghihintay kay Butler Sam. Dahil kung may sasakyan na kami paglabas pa lang namin ng Dark Forest ay sigurado ako na hindi na kami magtatagal sa Westridge at hindi na namin maabutan sa paglalakad niya itong si Billie. "So, you kow Jom?" tanong ni Hell. Hindi ko alam kung bakit noong ako ang nagtatanong ay hindi siya mapakali, ngayon na si Hell ang nagtatanong ay hindi naman siya nagdalawang isip na tumango. It is either mas nakaka-intimidate ako dahil prinsesa ako, o hindi naman kaya dahil attracted siya kay Hell. Ngunit kahit na anong hanap ko ng admiration sa kanyang mga mata para kay Hell ay wala naman akong makita. Which is unusual especially in her age. Lahat ng kabataang babae na nakakasalubong namin ni Hell ay talagang sinusundan siya ng tingin. Ngayon lang yata talaga hindi umubra ang charm ni Hell sa isang babae. Maybe because she already has her eyes on someone else. So I conclude na kaya kampante siya na si Hell ang magtatanong ay dahil hindi siya nai-intimidate dito. Since wala naman akong nakikitang mali sa mga tingin niya kay Hell na kung tingnan niya ito ay parang isang normal na kausap lang ay kampante ako na siya na ang kumausap sa kanya. Kahit pa naaalala ko kay Billie si Tiffany na noon ay head over heels kay Hell. But I'm glad she moved on, though. Masaya ako na naging masaya sila ni Brent. Hindi ko na nga lang nagawang ma-witness iyon. "How well do you know him? Did you know he is the werewolf prince?" tanong ni Hell. Hindi ko alam kung hanggang saan willing sumagot si Billie pero as long as si Hell ang magtatanong ay alam ko na mas komportable siya. Pero sa tingin ko ay yayain na muna namin siya na pumasok sa loob ng sasakyan bago pa man may iba na makarinig at makakita sa pag-uusap namin. "Let's go inside first," sabi at nakita ko pa ang pakabigla sa mukha ni Billie. I don't care kung may klase pa ba siya o wala na pero kailangan namin siyang makausap ngayon mismo. Kung hindi namin ito gagawin ngayon ay hindi ko nasisihgiro kung magkakaroon pa ba kami ng chance sa iba pang mga araw. Baka biglang hindi na lang magpakita si Billie lalo pa at nakikita ko ang pagkailang sa mga mata niya sa tuwing mababanggit si Jom. Hindi ko alam kung papayag ba siya o hindi sa gusto kong pag-uusap pero hindi ko na hinintay ay sagot niya at pumasok na ako sa loob ng sasakyan. I told Butler Sam to prepare the customize table of this car. Sinarado ko na rin ang bintana na magsisilbing harang namin sa driver and front seat dahil hindi ako komportable kung maririnig ni Butler Sam ang pag-uusapan namin lalo pa at alam ko na isa siyang matapat na familiar ng Alpha. Hindi naman na ako naghintay pa nang matagal dahil halos kauupo ko lang din ay pumasok na si Billie na umupo naman sa tapat ko. Pumasok na rin si Hell at naupo naman na sa tabi ko. Tabi kaming nakaharap sa trainee na si Billie. "As I was asking...how well do you know Jomarie Alegre?" tanong muli ni Hell nang muling umandar ang sinasakyan namin. Mabuti na lang at customized ang lahat ng sasakyan ng Alpha kaya komportable kaming nakakapag-usap na tatlo at hindi namin nararamdaman na nasa biyahe kami. Bahagya rin naman na nawala ang pagkailang sa hitsura ni Billie nang dito sa isang komportableng lugar na kami nag-uusap. "I knew him since I was a kid. Wala pa akong nalalaman tungkol sa mga bampira at lobo hanggang sa nagkaisip ako at nahalata ko na hindi siya tumatanda." Halatang inaalala ni Billie kung paano niya nakilala si Jom. Kung bata pa lang siya ay kilala na niya si Jom ay nakakasiguro ako naging magkaibigan na rin sila. Na kaya nais niya na maging familiar ni Jom ay dahil sa lalim na rin ng kanilang pinagsamahan. "Was that the reason why you want to become his familiar?" tanong ko. Ayoko sanang mangialam dahil nga hindi siya komportable kapag ako ang nagtatanong tulad ngayon pero hindi ko na talaga napigilan pa ang mapatanong. Hindi ko mapigilan ang hindi mangilam lalo pa sa mga gusto ko na malaman. Pero mayamaya lang ay ngumiti siya nang mapait na hindi ko naman alam kung para saan. Bigla siyang umiling at sa tingin ko ay iyon ang sagot niya sa tanong ko kung iyon ba ang dahiln ng pagnanais niya na maging familiar ni Jom. At napakunot ang noo ko nang mapag-alaman na hindi pala ang posibleng pagkakaibigan nila ni Jom ang dahilan. "Then why?" Hindi rin maitatanggi sa tono ni Hell ang curiosity. Parehas kaming curious kung bakit siya nagte-train na maging familiar ni Jom kung hindi naman pala dahil sa pagkakaibigan nila. Dahil sa totoo lang, isa sa pinaka-pressure na part ng pagiging familiar ay ang alam mo na isang dugong bughaw ang matapat mong pinaglilingkuran. Sila talaga tini-train nang husto. At hindi ka magiging famliar ng isang dugong bughaw kung walang permiso niya. Tulad na lamang ni Jom. Hindi magiging trainee si Billie kung walang permiso ni Jom. Ang nakakagulat lang ay ginusto na ni Jom ang mamuhay nang tahimik dito sa mundo ng mortal pero heto siya at magkakaroon pa ng isang familiar. "I just want to, mahal na prinsesa. Gusto ko lang na paglingkuran siya. Noong una ay ayaw niya po talaga. Pero nang makulitan na siya sa akin ay wala na siyang iba pang nagawa kundi ang pumayag. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiyi nang walang halong pagka-ilang o pagiging peke. Pero hindi ko maiwasan ang mapataas ang kilay ko dahil sa ngiti niyang iyon. Bigla akong kinutuban pero hindi ko naman pwede na bigyan na lang basta ng malisya ang isang simple niyang ngiti. "Kung nakumbinsi mo siya na maging familiar ka niya, ang ibig sabihin ay nakakausap at nakakasama mo siya?" tanong ni Hell at tumango naman si Billie. "Opo. Pero para lang po siyang kabute. Susulpot kung kailan niya gusto," natatawang sabi ni Billie na hindi ko naman kinatuwa. Dahil maaaring hindi niya alam ang kinaroroonan ni Jom kung ganoon lang ang setup ng kanilang pagkikita. "Do you know his place?" diretso kong tanong pero pilit na ngumiti si Billie habang umiiling. Tama nga ako na walang siyang alam. Pero ganoon pa man ay alam ko na madalas nagpapakita sa kanya ang prinsipe ng mga lobo. Mukhang mas mapapalapit kami ni Hell kay Jom kun si Billie ang gagawin naming daan. Hindi nga lang dapat malaman ni Jom na nakausap namin si Billie dahil kung malalaman niya ay baka hindi muna siya magpakita sa dalaga. "Can this chitchat be just between the three of us?" tanong ko at bigla na naman akong nakakita ng pag-aalinlangan sa mga mga mata ni Billie. Alam ko na dahil iyon sa ayaw niyang magsinungaling kay Jom kung magkataon man na magtanong siya rito. "I don't think I would be able to lie to him." Napangiti ako nang muli na naman akong tumama sa mga maaari niyang iniisip. Napakadaling basahin ni Billie. Kahit pa ngayon lang kami nagkakilala ay kabisado ko na agad ang expression ng kanyang mukha. Even her feeling for Jom. Yes, kitang-kita ang glow sa kanyang mga mata sa tuwing magsasalita siya ng tungkol kay Jom. At alam ko na kaya niya gustong maging familiar ni Jom ay para madalas niya itong makasama. Na kaya hindi niya masabi sa amin ay dahil nahihiya siya. At sa tingin ko ay may nararamdamand din naman si Jom sa kanya. Dahil hindi naman niya hahayaan na makapasok si Billie nang tuluyan sa buhay niya bilang nag-iisa niyang familiar kung wala siyang feelings para sa kanya. But that's least of my concern. Ano pa man ang namamagitan sa kanila ay hindi na kami mangingialam pa kahit pa labag sa batas ng mga bampira at lobo ang pakikipagrelasyon sa isang mortal. May sarili kaming problema ni Hell na kailangan naming unahin kaya wala na akong panahon para kwestiyunin pa sila. Hindi rin naman kasi ako sang-ayon sa batas na iyon. Naalala ko pa nga ang mga panahon kung saan hindi ko pa natutuklasan na isa akong bampira. Hindi ko maamin sa sarili ko na naa-attract na ako sa isang bampira. Na wala akong ibang napaglabasan ng lahat ng nararamdaman ko kundi ang mama ko. Hiyang-hiya pa ako noon sa kanya dahil nahulog ako sa lalaki na nagmula sa lahi ng pumatay sa kanya. Kaya naiintindihan ko kung gaano kahirap ang magmahal ng isang immortal. Kaya wala namang kaso sa akin kung sabihin man niya iyon aminin. Pero mukhang hindi niya iyon sasabihin dahil baka ang buong akala niya ay pagbabawalan ko sila. Ngunit ang focus ko ngayon ay ang mapapayag si Billie na mananatili lamang sa aming tatlo ang pagkikita naming ito. Kaya hinawakan ko siya sa kamay na nakapatong sa kanyang hita. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang buong katawan. At alam ko na dahil iyon sa hindi niya inaasahan na paghawak ko sa kanya. Hindi niya akalain na hahawakan ko siya nang ganito. Ngunit ngayon pa lang ay dapat masanay na siya sa presensya ko dahil kung siya ang tanging daan para mahanap namin si Jom ay lagi na niya akong makikita at makakasama. Kailangan kong kuhanin ang loob niya upang hindi siya magdalawang isip na magsabi sa akin ng mga bagay na nalalaman niya. Gusto ko na hindi na siya mag-aalangan pang sumagot sa mga tanong na ibabato ko sa kanya in the future. Nang mag-sink in sa kanya ang paghawak na ginawa ko ay bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nanatiling nakapatong sa kamay. "You do not have to lie to him. We will just have our...secret." Muli siyang napangiwi sa sinabi ko. Hindi ko alam kung paano nga ba siya makukumbinsi pero alam ko na mahihirapan ako. Ang tangng paraan lang siguro ay ang makahanap ako ng isang bagay kung saan wala siyang magiging lusot. I have to know that ace kung saan hindi na siya makakatanggi pa. "Mahal na prinsesa, kasi...hindi po ako sanay nang may nililihim sa kanya," sabi niya at hindi ko naiwasan ang mapangisi. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at sumandal ako sa kinauupuan ko. I cross my arms over my chess at tiningnan siya nang mabuti. At agad siyang napayuko dahil sa pagkailang sa ginawa kong paninitig sa kanya. "So does it mean na wala kang nililihim sa kanya?" tanong ko nang buong pagdududa. Nahimigan yata ni Hell ang tono kong iyon kaya nilingon niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa pagkalito sa ginagawa ko ngayon. Hindi alam ni Hell ang plano ko dahil sa tingin ko ay hindi niya mabasa ang expression ni Billie. He is a boy kaya hindi niya talaga maiintindihan ang mga galaw ng isang babae. Well, except me dahil kaya-kaya ni Hell na basahin ang lahat ng kilos at expression ko. Bahagya kong tinaas ang aking kamay para senyasan si Hell na ako na ang bahala sa lahat. Nagkibit balikat naman siya dahil nakita niya rin sa mga mata ko na confindent ako sa plano kong ito. "Opo, mahal na prinsesa. Wala po akong nililihim kay Jom," sabi niya habang nanatili sa. Mas lalo akong natuwa nang Jom lang ang tinawag niya sa prinsipe ng mga lobo. Plus the fact na magiging isa siyang familiar ni Jom. Ganoon siya kakomportable kay Jom kaya hindi na niya ito tinatawag na Prinsipe Jom. Tulad na lamang ni Hell. I don't allow him to address me as Prinsesa Heaven dahil hindi naman niya iyong kailangan na gawin. Mas gusto kong maramdaman niya at maramdaman ko rin na pantay lang kami. Unless tinatawag niya akong prinsesa kapag gusto niya akong asarin. "Even your feelings for him?" tanong ko at mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin at bakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla. Maging si Hell ay nabigla sa sinabi ko. Ngunit hindi lang pagkabigla ang mababasa mo sa mga mata ni Billie, makikita mo rin na guilty siya sa mga sinabi ko at alam ko na nag-iisip siya ng paraan kung paano malulusutan ang bagay na ito dahil talagang sinadya ko na ipakita sa kanya ang kasiguraduhan sa mukha ko. Dapat niyang malaman na sigurado ako sa mga pinagsasabi ko. Ang pananahimik niya ay isa lamang na patunay. Ngunit oras na maka-recover siya mula sa pambibigla ko sa kanya ay alam ko na itatanggi niya ang lahat. Pero sana ay malaman niya ngayon pa lang na hindi na mababago pa ang isip ko dahil kumbinsido na ako. "What are you saying, Heaven?" tanong ni Hell at nagpalipat-lipat sa amin ni Billie ang mga tingin niya. "Sa tingin ko ay may nararamdaman si Billie para sa prinsipe ng mga lobo," sabi ko at halos malaglag ang panga niya nang walang pakundangan ko iyon na siniwalat kay Hell. Kitang-kita ko ang kagustuhan niya na magprotesta pero hindi siya makahanap ng tamang lita upang salungatin ang mga nilahad ko. Muli siyang binalingan ng tingin ni Hell at nakita ko ang bahagya niyang pagtawa nang makumpirma sa namumulang mukha ni Billie ang katotohanan sa mga sinabi ko. "P-paumanhin, mahal na prinsesa ngunit hindi ko po yata maunawaan ang mga sinasabi ninyo," sabi niya at natawa ako dahil hindi na naman ako nagkamali na itatanggai nga niya ang lahat. "You are in love with Jom, aren't you?" diretso ko nang tanong at hindi na muli pang nakapagsalita si Billie. Hanggang sa mayamaya lang ay napayuko siya. Nagulat ako nang mapansin ang panginginig ng balikat niya. She is crying kaya muli kaming nagkatinginan ni Hell at hindi niya rin inaasahan ang pag-iyak ni Billie. "Wala pong alam si Jom sa nararamdaman ko sa kanya. Alam ko po na isang kasalanan ang nararamdaman ko para sa kanya kaya kung may paparusahan po kayo ay sana ako lang. Maniwala po kayo, walang kasalanan si Jom dahil hindi niya po nalalaman ang lahat," sabi niya habang nakayuko at patuloy na umiiyak. Napangiti ako dahil sa inamin niya. Ang buong akala niya ay mapaparusahan ko sila dahil lang sa nagmamahal sila. Ngunit hindi ganoon ang nasa isip ko ngayon. I would eve encourage them to fight for their love ngunit hindi ko pa naman nasisigurado ang nararamdaman sa kanya ni Jom. Kaya ang magagawa ko lang sa ngayon ay ang humanga sa katapangan ng dalagang nasa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD