Chapter 21

2557 Words
Chapter 21 Heaven's POV Nang makababa kami ng building na iyon ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Agad kong hinanap kung saan naka-park ang sasakyan na maghahatid sa amin sa mansyon at nang makita ko kung nasaan iyon ay doon na agad ako dumiretso. Hindi ko alam kung gagamitin ko ba ang bilis ng isang bampira o sasabay na lang sa paglalakad ni Hell. But of course, I chose the latter. And it feels like eternity nang tuluyan na nga naming narating ang tapat ng sasakyan. Agad kaming pinagbuksan ng pinto ni Butler Sam at sumakay na kami ni Hell. At tila ba ngayon lang talaga natigil ang panonood nila sa akin. Kanina kasi ay ramdam ko na madami pa rin ang nakadungaw sa kani-kanilang floor kahit pa nasa baba na kami at hinihintay na makapasok ng sasakyan. Napapairap na lang ako sa hangin dahil sa pangyayaring iyon. I had that attention noong unang araw namin sa mansyon. "What the fudge was their problem?" tanong ko nang makasakay na rin ng sasakyan si Butler Sam. Yes, I get it na nakilala na nila ako bilang prinsesa. Pero hindi ko alam kung bakit ganoon sila mag-react. Who are they? Bakit parang napakalaking bagay ng pagkakakita nila sa akin. "They are the trainees, mahal na prinsesa," sabi ni Butler Sam habang nagsusuot siya ng kanyang seat belt. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. They are trainees of what? "And they are training to become what?" Halata pa rin sa tono ko ang pakairita but believe me, sinusubukan ko na ang kumalma. "They are training to become a familiar. Lahat po ng nag-aaral sa Westridge ay trainees. Ang they probably recognized you that is why they can't get their eyes off you, mahal na prinsesa," Butler Sam explains and it quite makes sense. Hindi ko lang akalain na may mga nagnanais nang mga familiar sa ganoong mga edad. They are too young to become one. Sigurado ba sila na sa ganoong mga edad nila ay nagpaplano na sila na magpaalapin sa aming mga bampira? Hindi sila magkakaroon pa ng normal na teenage life kung maipapasa nila ang lahat ng pagsubok para maging isang familiar. Well, look at me talking and preaching tungkol sa pagiging trainee to become a familiar ng mga bampira na hindi pangkaraniwan na gawain. Samantalang ganito rin naman ako noong nasa ganiyang edad nila ako. I was a trained vampire slayer nang ganiyang edad. Kung sila ay paglilingkod sa mga bampira, ako naman ay pagpatay. Hindi naman nalalayo dahil parehas naman na may kinalaman sa bampira ang mga nakasanayan namin. Ngunit ako ay napasok sa ganoong gawain dahil may pinaglalaban ako. Hindi ko nga lang alam kung paano at bakit sila napasok sa ganitong gawain. Ang hula ko ay karamihan sila ay anak din ng mga familiar. Siguro ang mga nag-aaral kasi sa De Montecillo High ay mga anak ng familiar ngunit walang plano na maging isa rin na familiar. Ang mga nag-aaral naman dito sa Westridge Academy ay mga nais sundan ang yapak ng kanilang mga magulang bilang mga familiar. "How did they even recognized me?" buong pagtatakha kong tanong dahil mula nang hirangin ako bilang isang prinsesa ay hindi naman na ako nakita pa ng ibang tao. Except sa mga nakasalamuha kong mga familiar sa mansyon. Pero dito sa Westridge ay wala pa naman akong nakakasalamuha except sa mga guards na naaalala kong hindi pa nga ako nakilala kaya sinungitan pa kami ni Hell gayong mga familiar naman pala sila. How come that those students recognized us? "Recently, sinama na kayo ng Alpha sa organizational chart ng buong Alucard dahil ang sabi ng Alpha ay mapapadalas ang pagpunta ninyo rito sa mundo ng mga mortal. At hindi naman daw po siya papayag na hindi magbibigay ng paggalang ang lahat ng familiar sa tuwing makikita kayo o makakasalubong nila kayo," sabi niya. Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa na hindi na lang talaga ako makilala ng iba pang mga familiar. Pero dahil nagawa na ng Alpha ay wala na akong magagawa pa dahil nasabi at mukha na-aanounce na rin niya sa lahat. Kaya ngayon pa lang ay dapat na yata akong masanay na bigla-bigla na lang may yuyuko para sa akin bilang pagbati at paggalang. Dahil sa sinabi ni Butler Sam ay pakiramdam ko tuloy na bawat lugar na pupuntahan ko ay may manonood sa akin. Sa dami ng bilang ng mga familiar ay hindi imposible na mangyari iyon. Butler Sam started the engine at nagsimula na sa pagda-drive. Habang papalabas ng gate ng Westridge Academy ang sasakyan ay saka ko lang napansin ang organizational chart na tinutukoy ni Butler Sam. At sa laki ng LED at 3D billboard na iyon ay imposible na hindi iyon mapapansin ng lahat ng estudyante at maging ng mga nagtatrabaho rito. Kaya hindi na pala talaga dapat ako nabigla pa sa pagakakakilala nila sa akin. Habang nakatingin ako sa chart na nasa billboard ay isa lang ang napansin ko. Na wala roon si Guia. Kahit pa ang laki ng pakinabang ng Alpha kay Guia sa kompanya dahil nauutus-utusan niya ito ay hindi pa rin siya nakakuha ng pwesto. Dinaig pa siya ng ama ni Hell na nasa chart bilang pinuno ng mga daywalker. Vlad is there, too pero nagulat ako dahil nasa pinakababa siya bilang pinuno ng mga familiar. Hindi man lang din naka-indicate sa title ang pagiging prinsipe niya. Well, siguro kaya iyon ginawa ng Alpha ay dahil alam naman na yata ng lahat ng familiar kung sino siya. Of course, siya ang pinuno nila at hindi na dapat pa na ipagdiinan sa kanila ang pagkakakilanlan na iyon ni Vlad. "Wasn't Alpha exaggerting the announcement?" komento ko nang makalabas na kami ng campus. Pwede naman kasi na sa isang bulletin board na lang iyon ipaskil. But the question is kung may bulletin board pa ba sa panahon na ito. Baka kaya sa ganoong paraan nag-announce ang Alpha ay dahil iyon na ang uso sa generation gayon. "Actually, mahal na prinsesa, sa buong site ng familiars niya in-annonce ang lahat. Kaya sigurado ako na lahat ng familiar ay makikilala ka na. Hindi lamang ng mga familiar sa loob ng Westridge," sabi pa ni Butler Sam habang nagpapatuloy sa pagda-drive. Kung may site pala sila ay siguro may maikling introduction doon tungkol sa mga bampira na nasa chart kaya doon inisip ko na baka doon ay naka-indicate ang pagiging prinsipe ni Vlad. Ewan ko pero para sa akin sobrang big deal nu'n. Pero sana ay sa akin lang iyon. Sana ako lang ang may tingin na big deal iyon. Sana lang ay wala lang iyon para kay Vlad. Pero nang mag-sink in sa akin ang sinabi ni Butler Sam ay bigla na lang akong napalingon sa akin. And to my surprise ay nakatingin na pala siya sa akin at mukhang iisa ang nasa isip namin. Parehas kami na biglang nabahala dahil sa nalaman naming iyon. Hindi ito isang magandang balita para sa amin lalo na at nagpaplano kami na tumakas. Kung maging ang mga familiar ay makikilala na ako, sigurado kami na maging sila ay makakasama na sa paghahanap sa amin oras na ipahanap nila kami dahil natuklasan na nila ang sikreto namin ni Hell. Hinawakan naman ni Hell kamay ko upang hindi na ako mag-alala pa. Ayaw ni Hell na isipin ko muna iyon kaya kahit mahirap ay pinagsawalang bahala ko na muna ang ginawang iyon ng Alpha. Sa tingin ko ay mas dapat ko munang pagtuunan ng pansin ang plano namin na pagsunod kay Dr. Carreon. "Kung mapapansin din ninyo, mahal na prinsesa ang paghanga sa kanilang mga mata nang makilala nila kayo..." patuloy ni Butler Sam na tila ay may gusto pa na sabihin. "Yea, I noticed that," sabi ko na may kasama pang tango. Iyon naman kasi talaga ang una kong napansin. Ang kakaiba nilang tingin sa akin. "That is because mula noon ay pinaniwala na sa mga familiar na hindi nila makikita ang prinsesa kahit pa gaano man nila gustuhin at hilingin. Alam ng mga estudyanteng iyon na marami na ang mga sinundan nilang familiar ay namatay nang hindi man lang kayo nasisilayan. Kaya nawala na rin ang pag-asa nila. Kahit pa nang i-announce ng Alpha ang tungkol sa madalas ninyo na pagpunta rito ay hindi na sila umasa pa dahil tila ba suntok sa buwan ang isang pambihirang kaganapan na iyon," mahabang paliwanag niya at napangiwi ako. Parang sobra-sobra nang atensyon ang binibigay nila sa akin sa puntong iyon. Sino ba ako sa tingin nila? Hindi naman ako santo pero bakit para bang halos sambahin na nila ako. "This is just me. Nothing especial," sabi ko. "Kung nalalaman niyo lamang po, mahal na prinsesa na labis ang karangalan ng pagkakakilala sa inyo. Isa lamang po iyan sa pangarap ng isang familiar dahil hindi naman po lahat kami ay magkakaroon ng ganoong klase ng pagkakataon." Napairap na lamang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman akalain na magiging instant celebrity pala ako sa mundong ito. Hindi na ko muli pang nagsalita dahil ayoko nang makarinig pa ng ganoong klase ng mga salita. Ngunit hindi pa man kami tuluyan pang nakakalayo ng Westridge ay napasulyap ako sa isang babae na naglalakad at ang daan na tinatahak niya ay papunta sa Westridge. At base sa kanyang uniform ay sa Westridge siya nag-aaral. "Stop the car," sabi ko at bahagya pa kaming nasubsob dahil sa impact nang tila ay mabigla si Butler Sam sa utos ko. "I'm sorry, mahal na prinsesa, Mr. Levine. Nasaktan po ba kayo?" tanong niya ngunit nahaluan na rin ng kaba. Siguro ang iniisip niya ay magrereklamo. "No, we're fine," sagot naman ni Hell. Hindi na rin naman ako nagreklamo pa dahil naiintidihan ko kung bakit biglaan ang kanyang pagpreno--iyon ay dahil biglaan din naman ang ginawa kong pagpapahinto sa sasakyan. Kaya alam ko sa sarili ko na kasalanan ko. Nilingon ako ni Hell at buong pagtatakha ako na tiningnan dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman nasagot ang pagtatanong sa kanyang mukha, bagkus ay muli kong binalingan ng tingin ang babae sa labas ng sasakyan. Malapit na siya sa pwesto kung saan kami nakahinto. Naagaw ng babaeng iyon ang atensyon ko dahil may kamukha siya na isang kakilala. At ngayon na papalapit na siya nang papalapit sa amin ay mas lalong nagiging malinaw kung sino ang sa tingin ko ay kamukha niya. Dahil hindi ko nabigyan ng kasagutan si Hell ay naramdaman ko na lang na tinitingnan niya rin kung ano ang tinitingnan ko. Agad kong nilingon si Hell upang makita ang magiging reaction niya. Nangunot pa ang noo niya sa simula ngunit nakita ko ang unti-unting pamimilog ng kanyang mukha nang makilala niya ang babae na nakita ko at dahilan kung bakit ko pinahinto ang sasakyan. Kahit pa walang salamin ang babae ay hindi maitatanggi ang malakng pagkakahawig niya sa dati kong roommate na si Tiffany. Nilingon ako ni Hell at marahan ako na tumango bilang kumpirmasyon na parehas naming iniisip na kamukha nga niya si Tiffany. Imposible rin na makalimutan siya ni Hell dahil matagal niya rin na pinaniwalaan na si Tiffany nga ang matagal nang nawawalang prinsesa na pinaniwalaan niya rin na kanyang mate. Nang halos nasa tapat na siya ng sinasakyan namin ay agad kong binuksan ang pinto. Halos mapaatras pa nga siya dahil sa ginawa niya na pag-ilag sa pinto. Sinadya ko talaga na kuhanin ang atensyon niya sa pamamagitan ng halos pagtama sa kanya ng pinto ng sasakyan dahil mula kanina ay sa cellphone niya lang siya nakatingin. Plus the fact na may suot pa siya na headphone. Nang mag-angat siya sa akin ay masama niya akong tiningnan dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero unti-unti ay nanlaki ang dalawa niyang mata dahil sa pagkabigla nang makilala niya ako. Hindi ko naman na pala kailangan na magpakilala sa kanya dahil madali niya lang ako na nakilala. I saw how she mouthed a 'sh*t' at agad siyang yumuko. "Mahal na prinsesa," sabi niya at nag-angat ng tingin. Alam ko na imposible pero inakala ko na siya pa rin si Tiffany dahil sa sobrang pagiging magkamukha kami. Ngunit nang marinig ko ang boses niya ay nakasiguro ako an hindi siya ang dati kong roommate. Kahit kasi ilang dekada na ang nakakalipas ay malinaw na malinaw pa rin sa pandinig ko ang boses ni Tiffany. Tiffany's voice was soft. But this girl's voice is somehow dominant. Kaya alam ko na isang malaking pagkakamali ang isipin na silang dalawa ay iisa. "You are a familiar," sabi ko at marahan siya na tumango. "And your name is..." Hindi talaga ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung sino siya. Alam ko na may kinalaman siya kay Tiffany. Mas lalong tumindi ang hinala kong iyon nang maalala ko na naging isang familiar din siya sa impluwensya ng asawa niya na si Brent. Brent was my one and only familiar. "I am Billie, mahal na prinsesa. Billie Carreon," pakilala niya at bahagya pa na yumuko. Carreon. Hindi nga ako nagkakamali dahil may kinalaman nga siya kay Brent. Naalala ko rin ang sinabi ni Dr. Carreon na naging kaibigan niya si Jom noong mga nasa ganitong edad siya. Kaya naisip ko na maaaring kaibigan nitong si Billie si Jom since mukhang malapit lang ang edad nila sa sa isa't isa. "So you know Brent and Tiffany?" tanong ko pa kahit pa alam ko naman na ang sagot. Si Jom ang pakay ko sa kanya pero tulad ng ginawa ko kay Dr. Carreon ay ayoko siyang diretsuhin lalo pa at ngayon lang kami nagkita nitong si Billie. "They are my great grand parents. Ang lolo ko na si Brent ay ang nag-iisa po ninyong familiar." Hindi na ako nagulat pa na alam niya iyon. Ang pagiging trainee niya bilang isang familiar ay nagpapatunay na umabot na sa kanya ang salinlahi ng pagiging familiar ng kanilang angkan. And I am very grateful with them. Kahit hindi halata. "May klase ka ba ngayon?" tanong ko at muli ay tumango siya. Hindi siya gaano makasagot sa akin dahil nahahalata ko ang intimidation niya sa akin. Alam ko na magiging ganito ang pakiramdam niya ngunit hindi ko naman alam kung paano ko makukuha ang loob niya. Alam ko na magiging malaki ang pakinabang sa akin ng batang ito. Mas nalalapit siya sa edad ni Jom kaya mukhang mas malaki ang chance na siya ang magdala sa akin sa prinsipe ng mga lobo. "You are training to become a familiar of who?" tanong ko pa at nagtakha ako nang makita ang pag-aalinlangan sa kanya na sumagot. Mali ba ako ng tanong? Sa pagkakaalam ko ay kinakailagan mo muna na mamili ng isang bampira o lobo na matapat mong paglilingkuran. Kaya kung nasa training stage na siya ng pagiging isang familiar ay malamang may napili na siya na kanyang paglilingkuran. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagkainip sa sagot niya. Napalunok naman siya at napangiti nang pilit bago niya nagawa na sumagot. "I am training to be a familiar of J-Jom," sabi niya na kinabigla ko. Sa dinami-rami nf mga nangyari ngayong paglabas namin ng Alucard ay ito na yata ng pinakamaganda sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD