Chapter 20

2572 Words
Chapter 20 Heaven's POV My eyelid feels heavy when I tried to open my eyes. Alam ko at ramdam ko na mahaba na ang naitulog. Pakiramdam ko na sobrang haba na ng naging pahinga ko. Dahil sa pakiramdam ko na iyon ay bigla akong hindi napakali. Pakiramdam ko ay ang dami ko nang hindi nagawa. Kaya dali-dali akong bumangon kahit pa pikit pa ang isang mata ko. Ngunit pagbangon ko ay naabutan ko na nasa couch si Hell at kumakain ng prutas. Nagulat pa siya nang makita gising na ako. Kaya agad niyang binitiwan ang hawak na bowl at pinatong sa mesa. At saka siya tumayo para maglakad palapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama at hinarap ako. "Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Hell at pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Kung ikukumpara noong bago ako makatulog ay sobrang laki ng pagkakaiba. I feel recharged at bawing-bawi ang lahat ng pagod ko nitong mga nagdaang linggo. Kaya nginitian ko si Hell bago sumagot. "I feel different, Hell. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon," sabi ko. I see relieved in his eyes at halata ang tuwa sa kanya dahil sa sinabi ko. "That is good, Heaven. Mabuti naman at nakatulong ang pagpapahinga mo," sabi niya. Kung nalalaman lang ni Hell ang laki ng tulong ng pagpapahinga sa akin. And thanks to him dahil hinayaan niya ako na magpahinga na muna kahit pa marami pa kaming plano na kailangan naming gawin nang magkasama. Kung hindi ako binigyan ng kasiguraduhan ni Hell na siya na ang bahala sa lahat ay hindi ako mapapanatag at hindi ko rin magagawa ang pumikit man lang. Mabuti na lang at pinagkatiwalaan ko si hell. But I wonder kung gaano ako katagal na nakapahinga. "How long I have been sleeping?" tanong ko sa kanya at tila nag-isip naman siya at nagbilang. "Tatlong araw lang," sabi niya. Yes, it is very normal sa mga bampira ang makatulog nang diretso at matagal. 'Yung iba nga ay inaabot ng ilang buwan. Ngunit dahil may lahi oa rin akong mortal ay hindi ganoon kahaba ang naitutulog ko at naipapahinga ko kapag pinlano ko ang matagal na pagpapahinga. "Did...did Vlad come to visit?" tanong ko dahil iyon agad ang pumasok sa isip ko. Iyon kasi ang dahilan kung bakit hindi ko na kinaya ang pagod. When Vlad walks out, my heart aches for my brother. Kitang-kita ko sa bigat ng mga hakbang niya ang galit sa akin noong naglalakad na siya palabas ng palasyo. And I hope na kahit papaano ay kinumusta ako ng kapatid ko kay Hell kahit papaano. Ngunit sa hitsura at expression pa lang ni Hell ay alam ko na agad na kabaliktaran ng hinihiling ko ang nangyari. Ang it saddens me. Mas lalo pa akong nakaramdam ng lungkot nang umiling si Hell bilang kumpirmasyon. Natiis ako ni Vlad nang ilang araw. Ang ibig sabihin ay hindi biro ang galit na nararamdaman niya para sa akin. Ngunit hinayaan ko na muna ang isipin kong iyon. Kung sa paglipas pa ng mga araw at hindi pa rin ako magagawang bisitahin ni Vlad ay pwede naman na ako na lang ang pumunta sa kanya para mag-effort na humingi ng tawad. Maaaring oras na makita niya kung gaano ako ka-sincere sa paghingi ng tawad ay patawarin niya ako agad. Yes, masyadong mataas ang ego ko. Pero hindi sa mga taong mahal na mahal ko. And I love my brother so much. Ngunit sa ngayon ay may ibang bagay pa ako na gustong malaman na update sa loob ng tatlong araw naipahinga ko. "Kumust si Dr. Carreon?" tanong ko at hindi naman natagalan pa si Hell sa pag-iisip ng sagot dahil inasahan niya rin talaga na itatanong ko 'yun. "He dropped by yesterday para sana magsabi na magbabakasyon na siya three days to go. But I told him na pwede na siyang magbakasyon dahil ang buong akala ko ay aabutin ka pa ng ilang araw. Is that fine?" tanong ni Hell. Siguro ay nasabi ni Dr. Carreon na inutos ko na kailangan niyang magsabi three days before his leave kaya natanong ni Hell kung okay lang ba. At wala naman akong nakikitang mali kaya ayos na lang din sa akin. Pinayagan naman na rin siya ni Hell. "Kaya lang, Hell, paano kung ngayong hindi natin siya nasusundan ay saka pa siya pumunta sa kinaroroonan ni Jom?" tanong ko dahil iyon talaga ang kinakatakot ko. Dahil para sa akin, kung kaya namin na twenty four hours magbantay sa doctor na 'yun ay gagawin namin. "Iyan din ang iniisip ko kung bakit kailangan niya magsabi ng three days before bago siya magbakasyon. At iyon ay upang mapaghandaan natin ang pagsunod sa kanya. Ngunit naisip ko rin Hell na may pamilya siya. At sino ba ang una nating pinupuntahan kapag uuwi tayo galing sa trabaho? Our family, right? Kaya alam ko na sa kanyang pamilya siya muna didiretso at mag-stay roon nang ilang araw." Napag-isip-isip ko rin na tama ang sinabi ni Hell. Ngunit sana lang talaga ay makiayon sa pagkakataon na ito. Dahil wala naman na kaming iba pang gagawin dito ay napagpasyahan na namin na magtungo at bumalik na sa mundo ng mga mortal. Wala naman nang klase ang A-Learning tungkol sa siyensya dahil nga nakabakasyon ang kanilang tagapagsanay. Wala akong paghihingian ng update. Babalik na lang siguro kami rito sa oras na bumalik na rin si Dr. Carreon. Sa pagbaba namin ni Hell ay nabaling ang tingin ko sa kung saan kami huling nagkaharap ni Guia. At tandang-tanda ko pa ang halo lahat ng naging pagtatalo naming dalawa. Hindi ko rin naman akalain na makakapagsalita ako sa kanya ng ganoong mga bagay dahil ang tagal ko rin na napagtiisan ang ugali niya. But because of the pregnancy hormone I have ay hindi na ako nakapagpigil pa. Iyon nga lang ay masyadong napasama dahil nagkataon pa na narinig ni Vlad. Nanumbalik ang lahat ng mga binitiwan kong salita laban sa kanyang ina. Hindi naman ako nagsisisi na sa wakas ay nagsalita ako. Totoo naman kasi lahat ang sinabi ko na ilang dekada ko rin na hindi sinabi. Totoong hindi siya kailangan dito at mas lalong totoo na pinatapon siya roon ng Alpha dahil hanggang sa mundo ng mga tao lang ang kakayahan niya. She doesn't have the guts to be in this royal family. I should not have told her that pero wala na rin naman akong magagawa dahil hindi ko na iyo mababawi pa. Ang kailangan na lang niyang gawin ay tanggapin ang katotohan na iyon. Alam ko na kaya hindi lang siya mapatalsik sa pamilyang ito ay dahil ina pa rin siya ni Vlad. Kaya sana ay ilugar niya pa rin ang kilos niya lalo na sa akin. Kayang-kaya ko siyang mapatalsik sa kaharian na ito ano mang orasna gustuhin ko. Pero dahil nga sa alam niya na ayaw namin na mahati ang loob ni Vlad ay malakas ang loob niya na kalabanin ako. But she should has known better too na oras na mapuno ako ay kaya ko iyong gawin. "Are you okay, Ven?" tanong ni Hell nang mapahinto pa ako dahil sa pag-iisip. Kakapahinga lang ng isip ko pero heto na naman ako at nag-space out na naman. "Yea, you were saying?" tanong ko. "I was just saying na paano kung magkita kayo ni Guia sa mansyon?" tanong ni Hell. Hindi naman ako agad nakasagot dahil sa totoo lang ay hindi iyon ang nasa isip ko sa ngayon. Mas tama yata kung itatanong niya kung paano kung magkita kami ni Vlad sa mansyon. Dahil wala naman akong pakialam kay Guia. Never akong ngkaroon ng ano mang pake sa kanya. Lalo na sa sasabihin at iiisipin niya. Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Hell at alam ko na nahalata niya ang kawalan ko ng pake sa usaping Guia kaya hindi na siya nagtanong pang muli. Ang isipin ko pa lang na muling magkikita kami ni Guia ay bumabalik na agad sa akin ang mga ngiti niya na hindi naaalis sa tuwing nasa harap kami ng mga familiar. And I think I will be needing to deal with those smiles again. Kung noon ay hindi ko alam kung bakit niya kailangan na magpanggap sa harap ng mga familiar gayong nagpapakatotoo siya sa harap ng mga bampira, ngayon ay tila ba may sagot na sa mga tanong kong iyon. And I think the reason why she is like that in front of the mortals is because she knew that they are the only ones that she has. Walang bampira ang magtitiwala sa kakayahan niya kaya ang ginagawa niya ay ang loob ng mga familiar ang kinukuha niya dahil alam niya na sila lang ang kaya niya. Kung maging sila ay mawawalan ng tiwala kay Guia ay baka maging sa mundo ng mga mortal ay wala na siyang paglagyan--o pagtapunan. Dahil kung hindi niya makakasundo ang mga familiar ay sigurado ako na hindi na alam ng Alpha kung saan siya ipapatapon kahit pa sabihin na may silbi siya sa kompanya ng Alpha ay hindi siya nito kailangan para ma-maintain ang estado ng buhay namin sa mundong ito. That is probably the reason why she always wants to standout. And also to earned respect kahit pa sa mga familiar lang. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o maaawa. But one thing is for sure, na ngayon ay alam ko na kung saan man siya nanggagaling. Hindi ko na muling inisip pa si Guia at niyaya ko na lang si Hell na umalis na. Nang tuluyan nga kaming makalabas ng Dark Forest ay ang Westridge muli ang bumungad sa amin. Ganoon pa rin ang kagustuhan namin ni Hell na makapaglibot sa loob ng mga nagtatayugang building ng campus. Baka ilang minuto pa ang itagal namin sa loob ng campus dahil kakatawag pa lang ng guard kay Butler Sam at papunta pa lang siya para sunduin kami ni Hell. Nakikita ko sa mga mata ni Hell ang kagustuhan na pasukin ang Westridge kaya hinawakan ko siya sa braso at nilingon naman niya ako. "Wala naman sigurong mawawala kung susubukan natin na mamasyal kahit ilang minuto lang habang naghihintay sa sundo natin," sabi ko ngunit napakunot ang noo ni Hell na nababakasan din ng pag-aalinlangan sa sinabi ko. Ngunit mayamaya lang ay ngumiti si Hell at napakibit balikat bilang pagsang-ayon. Alam ko naman talaga na gusto niya rin. Kung ako lang ang may kagustuhan ay hindi na ako magsa-suggest ngunit parehas naman kami ni Hell na may gusto kaya sa tingin ko ay wala namang mawawala. Tulad ng kagustuhan namin ni Hell ay pumasok nga kami sa isang building ng Westridge. Na sakto namang maraming estudyante ang nasa labas kaya halos makipagsiksikan na rin kami sa kanila. Hinawakan naman ni Hell ang kamay ko habang sabay kami na naglalakad. At halos ang lahat ng estudyante na nandito ay talagang pinaglilingunan kami ni Hell. Karamihan ng mga babae ay talagang halos tunawin na sa titig si Hell. Ngunit sa tuwing mababaling sila ng tingin sa akin ay ako naman ang titigan nila na tila ba ay kinikilala ako. Like I am someone familiar to them. Pakiramdam ko tuloy ay nasa yearbook ng eskwelahan na ito ang pagmumukha ko. Ganoon sa pakiramdam ang mga tingin nila sa akin. At dahil sa atensyon na binibigay nila sa akin ay bigla akong nakaramdam ng pagkairita at inis. Bigla tuloy akong nagsisi sa ginawa ko na pagyaya kay Hell. Sana pala ay hindi ko na siya niyaya at sa baba na lang namin hinintay si Butler Sam o hindi naman kaya ay sa tapat na lang ng gate. Pero dahil nandito na nga kami ni Hell ay hindi ko naman siya pwede na bast na lang yayain pabalik sa baba. Kaya nagpatuloy na lang kami ni Hell sa paglalakad. Hanggang sa ilang minuto na rin kaming naglalakad at ang mga kaninang tinginan ay nauwi na sa bulungan. "She is the princess." Gamit ang kakayahan ko bilang isang bampira ay narinig ko ang bulong ng isang babae sa kanya. Pinakinggan ko ang iba pang bulungan at halos lahat ay iyon ang sinasabi. They are not sure pero iyon ang kanilang hinala. At hindi naman sila nagkakamali dahil ako ngang talaga ang ang prinsesa. Ngunit hindi ko alam kung paano nila iyon nalaman. Kung alam nila ang tungkol sa pagiging prinsesa ko ay nakakasigurado ako na hindi lang sila basta pagkaraniwan na estudyante lang. Ngunit hindi ko naaamoy ang dugo nila kaya sigurado ako na mga mortal sila. Are they familiars? Mga anak ng familiars? I seriously don't know. Hindi na kasi ako nagkaroon pa ng interes na alamin ang tungkol sa Westridge at hindi na rin ako nagkaroon pa ng update tungkol dito. "Do you think we should go back downstairs now?" tanong ni Hell at alam ko na nahalata na niya ang pagkairita ko sa mga titig ng mga estudyante sa akin dito. "Yea, I think we should," sabi ko. Hindi ko na ulit pa sinubukan na makinig sa mga bulungan nila dahil naririndi na ako. Paulit-ulit na lang sila ng sinasabi. Bakit ba may mga tao na pinanganak lang yata para maging tsismosa? Kung alam nila na prinsesa ako, ang ibig sabihin ay alam nila na bampira ako. Pero bakit naglalakas loob pa sila na pagbulungan ako? Dapat ay alam nila na may kakayahan ako na alamin ang mga pinag-uusapan nila. Nagsimula naman na kami ni Hell na maglakad pabalik sa sa baba. At kapag minamalas ka nga naman ay kailangan ulit naming daanan ang mga estudyante na nadaanan namin kanina. And to my surprise surprise, lahat sila ay nagsisiyukuran sa pagdaan namin sa kanilang harapan. Kung kanina ay inaalala pa lang nila kung sino ako, ngayon ay yuyuko sila nang tila ay mag-sink in na sa kanila kung sino nga ba talaga ako. Sila ang mga nadaanan namin kanina na kung makatingin ay halatang inaalala kung sino ako. Sa paglalakad namin pabalik sa hagdan ay isang pamilyar na mukha ang nadaanan namin. Butler Sam is already here at sinundo pa niya kami rito. Yumuko siya nang magkaharap kami upang bumati. "Paumanhin kung pinaghintay ko kayo, mahal na prinsesa. Nais niyo na po bang umalis?" tanong ni Butler Sam nang mapansin niya ang pagkairita sa mukha ko. Ang buong akala niya siguro ay nairita ako dahil sa matagal na paghihintay namin sa kanya. Kung nalalaman lang sana niya na ang walang katapusan na paninitig ng mga estudyante ng Westridge ang kinaiinisan ko. Hindi naman na ako nagsalita pa at dumiretso na lang ako sa paglalakad nang kasabay si Hell at sumunod naman si Butler Sam. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga estudyante na patuloy na yumuyuko sa dinaraanan dahil hindi ko naman inasahan na makikilala nila ako. Malakas ang loob ko na maglibot dito dahil ang buong akala ko ay normal ako na makakakilos. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako nagyaya pa. Hindi na lang ako nagbigay ng ano mang sagot sa mga yuko nila at diretso na lang ako na naglakad. Wala na kasi akong iba pa na gustong mangyari kundi ang makaalis sa lugar na ito. Napakaraming mata ang patuloy na nanonood sa akin na tila ba maging ang paghinga ko ay gusto nila na masaksihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD