Chapter 19

2568 Words
Chapter 19 Heaven's POV Naglakad na kami ni Hell papasok sa loob ng bahay hanggang sa makaharap namin si Guia at Tandang Kresya. Wala namang kakaibang tingin sa akin si Guia na tila ba ay may nalaman siya sa akin. Isang normal na tingin na tila ba nakatingi siya sa isang bagay na pinaka-ayaw niyang makita. And no, it did not offend me at all. Not even once. Tulad ng sinabi ko kanina ay mas gusto ko pa ang ganitong tingin at trato sa akin ni Guia kaysa ang makipag-plastikan siya sa akin sa harap ng mga mortal na hindi ko naman alam kung para saan. Sa harap ng mga bampira ay nagpapakatotoo siya. Pero kapag mortal na mga familiar na ang mga kaharap namin ay napakaamo niya. Siguro ay dahil kilala na ng buong lahi ng bampira ang ugali niya kaya wala na siyang maloloko pa na iba rito. Pero wala naman na akong pakialam at mas lalong wala na akong magagawa pa kung ganoon ang trip niya sa buhay. Pero ngayon pa lang sinasabi ko nang hindi ko makakasanayan ang isang maayos na trato mula kay Guia kahit pa kaharap ang mga mortal. "What brought you here?" tanong ko dahil alam naming lahat na hindi pangkaraniwang tanawin si Guia sa Alucard. Sobrang bihira na lang niya kung pumunta rito. Kaya talagang mapapatanong ka kung bakit at ano ang ginagawa niya rito. "Why? Am I not welcome here anymore?" she asks sarctically na umarte na tila ay nasasaktan. Hindi ako nagdalawang isip na mapairap dahil sa pagkairita. At halos matawa siya sa naging reaction ko. At alam ko naman na talagang kaligayahan niya ang inisin ako. "If only I have the power not to welcome you here anymore," I smiled fakely at mas lalo siyang napangisi dahil sa naging sagot ko. "Trust me, mahal na prinsesa, you have all the power," sabi niya at ngumisi ako upang itago ang inis na mas lalo ko pang naramdaman. Hindi naman ako dating ganito kainis sa kanya noon pero dahil na rin siguro sa pagbubuntis ko ay bumilis ang pagkulo ng dugo ko sa kanya. And I know that Guia is just mocking me. Yes, I have all the power to do that. But I do not have the courage dahil alam ko na maaapektuhan sina Vlad at Master Racul kung maisipan ko man nga na gawin iyon. At isa pang dahilan kung bakit ayaw kong gawin 'yun sa kanya ay dahil para sa akin ay sobrang childish act nu'n. I can be civil with her just never ever provoke me. "We will see...one day..." sabi ko at nawala ang mga ngisi niya. Dahil alam ko na naramdaman at nahimigan niya ang pagbabanta sa tono ko dahil hindi ko naman iyon tinago at sinadya ko na iparinig sa kanya. When Guia is about to speak again, Hell just butt in. "Sorry to interrupt you, ladies...but what brought you here, Madame?" Bumaling si Hell kay Guia na inulit lang ang tanong ko sa kanya. Ang pagkakaiba nga lang ay mayroon siyang paggalang at walang halo na ano mang pagdududa. Napakalayo sa paraan ng pagtatanong ko sa kanya kanina. Well, what can I do? Sa aming dalawa ni Hell ay mas kalmado siya. Bukod sa alam niya na ayaw ko talaga kay Guia ay aminado ako na na-paranoid ako nang makita ko siya na kasama ang babayla. Ngunit ngayon na normal at pinapakita ni Guia ay panatag ako na walang sinabi sa kanya ang babaylan at wala pa siyang nalalaman. Iniisip ko kanina na may nalalaman na siya pero hindi niya lang sinasabi agad dahil gutso niya na isiwalat iyon sa harap ng maraming tao. Ngunit kahit ang pagpapanggap na wala siyang nalalaman ay hindi ko rin naman nahahalata sa kanya. Kaya panatag ako na wala rin talaga pa siyang nalalaman. Mula sa akin ay binalingan naman ni Guia si Hell. Since Hell is my mate ay hindi niya rin ito gusto. Maayos niya lang na pinapakiharapan si Hell dahil maayos siya nitong pinakikisamahan. Walang emosyon naman niya itong tiningnan. Walang galit ngunit wala rin namang pagkagiliw. Still better the way she treats me. "Napag-alaman ko ang mga plano ng mahal nating prinsesa," sagot niya at napakunot ang noo ko dahil sa labis na pagkalito. Sa dami kasi ng plano ko ay hindi ko na alam kung alin doon ang maaari niyang tinutukoy. Hindi naman ako kinabahan sa naging tanong niya dahil nakakasigurado naman ako na hindi iyon tungkol sa plano namin ni Hell na pagtakas. "At anong plano naman iyon?" Hindi ko muling tinago ang pagkairita sa boses ko dahil halata ko na agad sa kanya na may plano siyang makialam sa kung ano man na plano ang tinutukoy niya. Ngunit ngayon pa lang ay sinisiguro ko nang wala siyang mapapala sa pangingialam niya at huwag na siyang umasa pa na makikinig ako sa mga sasabihin niya. "Ang plano mong pagpapaaral sa mga estudyante ng tungkol sa siyensya at agham," aniya at halos antukin ako dahil wala na akong panahon na muling magpaliwanag sa sino man kung bakit ko iyon ginagawa--lalong-lalo na sa kanya. Alam ko na hindi siya sasang-ayon sa kahit na anong gusto ko para sa Alucard kahit pa alam niya na ikabubuti iyon ng buong lahi ng bampira. Sa lahat ng naging plano ko para sa kahirian na ito ay never pa akong nakakuha ng suporta niya. Ngunit gayon pa man ay napagtatagumpayan ko naman. Kaya huwag niyang susubukin na kwestiyunin ang isang ito dahil mapapahiya lang siya. "Matagal nang sinimulan 'yan. Ngayon ka lang nagka-interes?" natatawang tanong ko. Wala na nga siyang magagawa oras na ginusto kong gawin ay ngayon pa niya talaga naiisipan na mangialam kung kailan nasimulan na? "That is my point, Heaven. You did it without even consulting me?" Marahan akong natawa nang marinig ko ang sinabi niya. Hanggang sa ang mahihina ko na pagtawa ay unti-unting lumakas na nag-e-echo na yata sa buong palasyo. Masyado naman yata akong pinaligaya ni Guia sa mga sinabi niya. Ano ba ang pumasok sa isip niya na hihingiin ko ang opinion niya sa bagay na ito? Kahit na kailan ay hindi ako nagsabi ng ano mang plano ko sa kanya. Nalalaman niya lang ang lahat kapag pinag-uusapan namin ni Alpha at Master Racul nang kaharap siya. At doon na nagsisimula ang pangingialam niya. "Did you really expect na ikokonsulta ko sa iyo ang mga plano ko? Do you remember some of my plans that I asked for your permission?" I did not hide the despise in my face and tone. She is being delusional that her opinion matters. Well, maybe to others, yes. Pero kapag ako ang nagdedesisyon ay hinding-hindi ko siya kakailanganin. Kitang-kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Guia at mas lalo pa akong matawa. Hinawakan ako ni Hell sa braso nang mahalata niya ang patuloy ko na pagtawa kahit pa kitang-kita na sa mga mata ni Guia ang galit. Nagsimula nang mamula ang kanyang mga mata ngunit hindi naman ako natinag. Her anger will never scare me. She is just an average vampire na pinalad na maging mate ng ama ko. Kaya alam ko na higit akong mas malakas sa kanya. Kung gusto niya akong kaharapin, alam niya na kahit pa ibuhos niya ang kanyang buong lakas at kapangyarihan ay hindi pa rin siya uubra sa kapangyarihan na mayroon ako. "I am still the woman of this family, Heaven! So whether you like it or not, you have to consult me and consider my opinion in everything that you do and you will do." Tuluyan na nga kong napahalakhak sa sinabi niya. Isang halakhak na punung-puno ng pang-iinsulto. I feel sorry for her. Pinigilan ko naman ang insultuhin siya sa tawa ko pero nahirapan ako dahil sa nakakatawang sinabi niya. "Come again? The woman of this family?" I scoff at mas lalo nang tumalim ang tingin niya sa akin. "Do you really think that you are the woman of this family? For your information, I am the only woman of this family. May plano ka pa na agawin ang titulo kong iyon?" sabi ko habang natatawa pa rin. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para magsalita ng ganitong mga bagay. She is being entitled. "Ganyan ka na ba kadesperada na magkaroon ng posisyon sa pamiya na 'to?" "I am your father's mate," sabi niya. "But not my mother," sabi ko at sa pagkakataon na ito ay siya naman ang natawa. "And that is what I thank for." She seems so proud telling me she does not want me to be her daughter. Ngunit sinabayan ko rin ng ngisi ang mga ngisi niya. "So am I. Just so you know, Guia, that the reason why Alpha sent you in the mortal world is because he saw you as a trash in this palace. He sent you there para kahit man lang sa mundong iyon ay mag-standout ka. And there, you are loved and appreciated by mortals. Sila lang naman ang kaya mong mapasunod. Utusan ka lang ng pamilyang sinasabi mo, Guia." Kitang-kita ko ang panginginig ng labi ni Guia dahil sa labis na galit. Kung kanina ay namumula lang ang mga mata niya, ngayon ay nakalabas na rin maging ang mga pangil niya. Marahan akong hinila ni Hell para patigilin na pero hindi ko siya pinansin. Guia has been provoking me since day one. Ngayon pa lang ako nag-e-enjoy na i-provoke siya and I don't think that I will leave her alone anytime soon. Ginusto niya 'to kaya magtiis siya sa mga salita na maririnig niya sa akin. "How dare you?" Ramdam na ramdam mo sa boses ni Guia ang pagpipigil niya ng galit laban sa akin. Ngunit hinanda ko naman ang sarili ko kung sakali man na sugurin niya ako. Kayang-kaya ko siya na saktan nang hindi lumalapat ang mga palad ko sa kanya. "No, Guia! How dare you? How dare you question everything that I do?" Hindi ko na rin naitago ang galit sa boses ko. Hindi lang siya ang nagpipigil sa galit ngayon dahil maging ako kanina pa rin nagpipigil. "Prinsesa Heaven?" Nawala lang ang galit na nararamdaman ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Vlad. Nang lingunin ko siya ay halata sa kanya ang labis na pagkabigla. At alam ko na ang kinabigla niya ang ang mga nrinig niya sa pinag-usapan namin ng kanyang ina. Hindi ko nga lang alam kung hanggang saan ang mga narinig niya. "Vlad, kanina ka pa riyan?" tanong ko at nilingon si Guia. Ngumisi siya sa akin at naglakad palapit sa kanyang anak na tila ba naghahanap ng kakampi. Sa mga ngisi pa lang sa akin ni Guia ay alam ko na alam niyang kanina pa nakikinig si Vlad. "Yes. I've heard everything. I have heard how you humiliated my mother. Hindi ko alam na ganyan lang pala kaliit ang tingin mo sa amin," sabi ni Vlad. The in his eyes is ver evident. At hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na hindi siya kasama sa mga sinabi ko. Halata rin sa kanya na hindi niya narinig ang lahat kaya ganito na lang siya kung mag-react. Hindi niya narinig ang mga sinabi sa akin ng kanyang ina. "It is not what you think, Vlad--" "It is not what I think? Seriously? Hindi ako bingi. Malinaaw kong narinig ang mga pinagsasabi mo. At pasensya ka na. Pasensya ka na ito lang kami. Pasensya ka na dahil utusan lang kami," sabi ni Vlad at ngumiti nang buong pait. "I did not say you." Sinusubukan ko na itama ang mga pinaniniwalaan ni Vlad na narinig niya pero ayaw niya akong pakinggan. "You did not say my name directly pero sana ay naisip mo na ina ko siya. Ano man ang sabihin mo sa kanya--masama man o mabuti ay nagre-reflect sa akin. And it hurts dahil ganoon din ang nararamdaman ko. Akala ko ay nakakamali lang ako ng pakiramdam, but thanks to you dahil Marahan siyang naglakad paatras hanggang sa talikuran niya kami at naglakad na siya palayo. Hahakbang na sana ako para sundan siya pero pinigilana ako ni Hell. Guia is the one that follows Vlad behind. Hinarap ako ni Hell at hinaplos sa braso. He is trying to calm me down pero hindi maalis sa isip ko si Vlad. Baka magbago ang tingin niya sa akin. Baka magkaroon kami ng gap dahil nangyari na ito. "Hayaan mo na muna siyang magpalamig. I know he will talk to soon," sabi ni Hell at ngumiti. Wala naman akong nagawa kundi ang humiling na sana nga ay tama si Hell. Hindi ko yata kakayanin kung magagalit sa akin si Vlad at magtatanim siya sa akin ng sama ng loob gayong wala naman siyang dapat ikagalit dahil wala naman akong sinabi na masama laban sa kanya. Na-misinterpret lang niya ang lahat. "Kung sana ay narinig niya kung saan nag-ugat kung bakit ako nakapagsalita ng ganoon kay Guia..." I tell Hell. "She is his mother. Oras na humupa ang pagkabigla sa kapatid mo at kumalma na siya ay nakakasiguro ako na kakausapin ka niya upang malinawan siya. Huwag mo na muna silang isipin. Magpahinga na muna tayo," sabi ni Hell at inakbayan na ako. Yumuko lang naman sa akin ang babaylan bilang paalam at hindi na nagsilata pa o nagbigay ng ano mang komento tungkol sa nasaksihan niyang pagtatalo kanina. Bigla rin naman akong nakaramdam ng hiya dahil nasaksihan pa iyon ng isang babaylan. Hindi ko na kasi inisip ang paligid ko. Naglakad na kami ni Hell papunta sa hagdan at dumiretso na sa kwarto namin upang doon ay tuluyan na ngang makapahinga. Wala naman kaming masyadong nilakad ngayon natulad ng sa mga nilalakad namin sa mundo ng mga mortal pero pakiramdam ko ay pagod na pagod akp. Kahit pa halos kapapahiga ko lang din kina Hell kanina. I am so tired physically and emtionally. Pakiramdam ko ay bigla akong napagod na i-handle ang lahat ng ito. Pero alam ko naman na hindi dapat ako tumigil dahil hindi na lang ito para sa akin. "Are you crying?" tanong ni Hell nang makaupo ako sa kama. Nakasandal ako sa headboard habang si Hell naman ay nanatiling nakatayo. Walang ano mang bakas ng pagod sa kanya. It is just a proof na ang pagod na nararamdaman ko ay dahil sa pagbubuntis ko. "I'm just...tired." Nag-isip pa ako ng ibang definition ng nararamdaman ko ngayon pero iyon na yata ang pinakamalapit. Naupo si Hell sa gilid ko at hinaplos naman ako sa buhok. "You're just pregnant. You can rest anytime you want, Heaven. Masama rin sa baby ang mapagod nang sobra." Tumango ako kay Hell. Ayoko man na aminin pero alam ko na sa sarili ko na kailangan ko ng isang mahabang pahinga. Hindi lamang ng katawan kundi maging pati ng pag-iisip. "Paano 'yung mga plano natin?" tanong ko at ngumiti naman si Hell. "Let me handle everything," sabi ni Hell at naalala ko noong unang beses na bumigay ako sa harapan niya. Parang mauulit na naman iyon. At hindi naman ako magdadalawang isip na magpakita ng kahinaan kay Hel. I smiled a him at pumikit na ako. Tulad ng sinabi ni Hell ay sinimulan ko na ang pagpapahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD