Chapter 18

1535 Words
Chapter 18 Heaven's POV Hindi ko agad sinundan si Hell at hahayaan ko na sana muna na siya na mapag-isa at makapag-isip. Pero naisip ko rin na hindi matatapos ang pangungumbinsi ko sa kanya kung patatagalin ko pa ito. Kaya sinundan ko na siya at naabutan ko siyang nasa kwarto na. Sa tingin ko rin kasi ay mali ako ng approach. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung mag-react man siya nang ganito. Nakatayo si Hell sa balcony ng kwarto ko. His hands are tightly gripping on the railings at kitang-kita ko sa mga ugat sa kanyang braso ang pagpipigil ng inis. Kaya alam ko na mas mahihirapan pa ako na kumbinsihin siya. kahit pa alam ko na ako ang dahilan ng mga inis niya ngayon ay hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya. Wala naman akong ginawa sa kanya at hinawakan ko lang siya sa kanyang braso nang buong paglalambing. Pero hindi man lang ako nagawang lingunin ni Hell at nanatili ang mga tingin niya sa ibaba ng palasyo. Wala nang mga bata sa ibaba at mangilan-ngilan na lang din ang mga bampira na naglalakad sa ibaba. Oras na rin kasi talaga ngayon ng pahinga kaya ang karamihan ay nasa loob na ng kani-kanilang mga bahay. "Hell naman..." tawag ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. Nanatili ang mga ugat sa kanyang braso kaya alam ko na galit pa rin siya. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ko na alam kung sa akin ba siya nagagalit o sa nais ko na mangyari. At hindi ko na rin alam kung madadaan ko pa ba siya sa mga lambing ngayin. Pakiramdam ko kasi ay mahihirapan ako na suyuin siya lalo na kung pagpipilitan ko ang gusto ko. "Please, Ford. Huwag muna ngayon," sabi ni Hell kaya alam ko na galit nga talaga siya. Tinawag na niya ako sa apelyido ko so I know he is really mad. Alam naman niya na Montecillo na ang apelyido na ginagamit ko pero dahil nakasanayan na niya ang Ford ay iyon pa rin ang tawag niya sa akin kapag gusto niya ng isang formal na pag-uusap. And he can't talk to me as his partner kaya Ford ang tinawag niya sa akin. "Can we talk, Hell?" Nakagat ko ang sarili kong labi dahil sa kaba sa maaari niyang isagot. "Can we not, Heaven?" masungit niyang sabi at tahimik akong napabuntong hininga. "Hell naman, please. Pag-usapan natin 'to," pakiusap ko na sa kanya. Wala na akong magagawa pa kundi ang makiusap sa kanya. We badly need to compromise now dahil hindi kami maaaring magsayang ng oras. "Pwede naman tayong mag-usap ngayon, Heaven. Pero hindi ang tungkol sa plano mo na mag-spy sa doctor na 'yon. Kung iyon ang gusto mo na pag-usapan, huwag mo nang tangkain pa." Sinabi iyon ni Hell nang hindi pa rin man lang ako nililingon. How dare he? Ganoon niya ba ako kaayaw makita? "Can you at least look at me?" Hindi ko na napigilan pa at nagreklamo na ako. Hindi ko gusto ang hindi niya pagtingin sa akin habang nag-uusap kami. Well, yeah, nasabi na niya na ayaw niyang makipag-usap pero hindi niya pwedeng tanggihan ang kagustuhan ko. I will never take no for an answer lalo na sa mga bagay na talagang gusto ko. Kaya sa ayaw at sa gusto ni Hell ay kailangan namin na mag-usap. "Fine, Ford." Finally, mula nang pumasok kami rito sa kwarto ay nagawa na rin niya ako na harapin. Ngunit nananatili pa rin sa mga mata niya ang inis dahil sa mga bagay na pinagpipilitan ko. "Kung talagang gusto mo itong pag-usapan, fine. Now, the only answer I could give you is a no," sabi niya at hindi ako nagsalita. Hindi na rin naman nagsalita pang muli si Hell at nakipagtitigan na lang sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya planong salubungin ang mga titig ko pero wala akong plano na sumukl. Kung makikipagmatigasan siya sa akin ay wala akong ibang magagawa kundi ang makipagmatigasan din sa kanya. Nang ma-realize ko na wala ring planong sumuko si Hell sa pakikipagsukatan ng tingin ay humalukipkip ako. I did it para lang malaman niya na hindi ako papatinag. And I started laughing at the back of my head nang makita ko ang pagsuko sa kanyang mga mata. Nakita ko rin ang unti-unting paglambit ng kanyang expression. Alam ko na hindi niya ako matitiis kahit gaano pa siya kagalit. Kaya umisang hakbang siya upang mas lalo kaming magkalapit marahan niya akong hinaplos sa magkabila kong braso na kasalukuyan pa rin na nakahalukipkip. Hanggang sa kinuha niya ang mga kamay ko at saka lang ako nawala sa pagkakahalukipkip. Nang piskli niya ang mga kamay ko ay saka lang din nawala ang inis ko na kanina lang ay muntik ko nang kinasabog. At hindi lang si Hell ang hindi makakatiis sa akin dahil ganoon din ako sa kanya--imposible na matiis ko siya. "Gusto mo ba talaga na mag-spy sa kanya?" he asked in defeat at tumango ako nang sunud-sunod na parang isang bata na pagbibigyan ng magulang na pagbigyan sa kanyang gusto matapos ang isang mahabang session ng pagpipilit. "We can spy on him. But I will be the only one who can do it," sabi pa niya at hindi naman ako nagpakita ng ano mang violent reaction. Iyon naman kasi talaga ang plan B ko kapag hindi siya pumayag sa kagustuhan ko na mag-spy kay Dr. Carreon. Kung hindi ako ang gagawa ay wala nang iba pang pwede na gumawa kundi siya. Kaming dalawa lang dapat ang makaalam ng lahat ng ito. Kaya hindi kami pwede na mag-utos sa isang reaper o familiar dahil baka magkaroon lang ng problema. This mission will be just between me and Hell. At wala naman akong nakikitang problema dahil alam ko naman na kaya namin itong dalawa ni Hell. Sa tagal na namin na magkasama ay marami na kaming nalagpasan. Lalo pa ngayon na tatlo na kaming magkakasama. Sigurado ako na mas titibay pa kami ni Hell. "Walang problema sa akin, Hell. Tiwala ako na magagawa mo iyon nang naaayon sa gusto ko." Ngumiti si Hell dahil sa sinabi ko. Pero totoo naman na may tiwala ako sa kanya. Sa katunayan nga ay mas may tiwala ako sa kanya kaysa sa akin. Mas tiwala ako na magtatagumpay siya sa pag-spy kay Dr. Carreon kaysa sa dapat sana ay pag-spy ko. Mas panatag ako na malalaman namin ang kinaroroonan ni Jom. "Maraming salamat sa iyong tiwala, mahal na prinsesa. Makakaasa ka na gagawin ko ang lahat ng ano man na iyong ipag-uutos." Nag-genuflect pa si Hell kaya inirapan ko siya. "That is not even a command, Levine." Humalakhak si Hell at inakbayan ako. "You always scare the sh*t out of me, Heaven. Sa iyo lang talaga ako natatakot nang ganito," sabi pa niya habang naglalakad na kami palabas ng kwarto. Hindi namin alam parehas kung saan kami pupunta pero kailangan na bawat minuto sa amin ay maging productive. Napagpasyahan namin ni Hell na bumalik na sa palasyo kaya nagsimula na kaming maglakad. Ngunit nasa tapat pa lang kami ng pintuan ni Hell ay hindi na ako muli pang nakahakbang nang mamataan ko si Guia sa loob. At ang kinabigla ko ay kausap niya ang babaylan na si Tandang Kresya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Bigla akong nagkaroon ng masamang kutob. Naalala ko ang sikreto na nalalaman ng babaylan sa amin ni Hell. Sana nga ay napa-paranoid lang ako pero pakiramdam ko ay maaari niyang sabihin kay Guia ang sikreto namin ano mang oras niya gustuhin. Sana naman ay mayroon siyang isang salita. Sana nang sabihin niya na safe sa kanya ang sikreto namin ay seryoso siya. Sana ay mapanindigan niya na siya ay mapagkakatiwalaan. Hindi ko alam ang gagawin ko sa matandang babaylan oras na masiwalat ang sikreto namin ni Hell nang dahil lang sa kanya. Kahit pa malayo kami sa kanila ay ngumiti sa akin ang babaylan at bahagya na yumuko. Kung aaralin ko naman ang mga ngiti niya ay mababasa mo na totoo ang mga iyon. Sana nga ay wala siyang sinabi kay Guia. Dahil sa dinami-rami ng bampira na pwede niyang pagsabihan ay kay Guia pa talaga. My most hated vampire. Tiningnan naman ako ni Guia. Ngunit hindi tulad ng mga tingin na binabato niya sa akin sa mundo ng mga mortal. Kung doon ay talagang abot tainga ang kanyang ngiti, dito ah wala siyang emosyon. At itong side ni Guia ang pmas gusto ko. Hindi ako naiirita sa mukha niya dahil alam ko na totoo ang pinapakita niya. Ngunit ganoon pa man ay hindi ko pa rin naiaalis ang kaba sa dibdib ko. Hangga't nakikita ko na magkasama sila ay hindi yata maiaalis sa akin ang takot. Hinawakan naman ni Hell ang kamay ko na tila na alam na alam na niya ang mga naglalaro sa isip ko. Nilingon ko siya at nginitian niya ako. I smile back at him dahil kahit papaano ay nawala ang takot na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD