Chapter 17

2559 Words
Chapter 17 Heaven's POV Marami pa akong tinanong sa kanya at marami naman akong nalaman tungkol kina Brent at Tiffany. Hanggang sa maalala ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit kami nag-uusap ngayon. Halos makalimutan ko na ang totong pakay ko sa kanya. "How about your lolo's friends? Have you gotten a chance to meet them?" tanong ko at saglit naman siyang nag-isip. Tila inaalala niya ang mga bagay-bagay upang hindi siya magkamali ng isasagot sa akin. Naintindihan ko naman kung natatagalan siya sa pagsagot dahil alam ko naman na talagang matagal na iyon. At swerte na nga akong maituturing dahil may mga naisasagot siya sa akin kahit papaano. "I got a chance to meet some of their friends. Pero hindi ko naman nakilala ang karamihan dahil hindi ko na sila ka-age," sabi niya at tumango naman ako. "He has a friend that does not age," sabi ko at natigilan siya. Kahit pa hindi siya nagsasalita ay alam ko na agad niyang nakilala kung sino ang tinutukoy ko. Hinintay ko na sumagot siya pero walang lumabas na ano mang salita mula sa kanyang bibig. Sa naging reaction niya pa lang na ito ay alam ko na agad na kilala niya si Jom. Hindi ko man alam kung hanggang saan ang pagkakakilala niya sa kanya ay ang malaman pa lang na kilala niya ang prinsipe ng mga lobo ay pag-asa na sa amin. I just hope that he will not refuse to tell us everything about Jom. Ngunit sa pananahimik niyang ito ay alam ko na hindi siya handa na pag-usapan ang prinsipe na kilala niya. "Dr. Carreon?" tawag kong muli sa kanya. Hindi ko pinahalata sa boses ko na naiinip na ako at kanina pa ako naghihintay ng kasagutan. Ayokong magtakha siya kung bakit ako nagtatanong. Siguro ngayon ay wala siyang ipanghihinala. Ngunit oras na lumabas ang tungkol sa pagbubuntis ko ay alam ko na ipapahanap agad kami ng konseho. At imposible na hindi iyon makarating sa kanya. Kung bigla ko na lang itatanong ang kinaroroonan ni Jom ay maaaring pumasok sa isip ni Dr. Carreon na doon namin talaga planong pumunta ni Hell. Kaya ginusto ko na pag-usapan si Jom naturally. At alam ko na hindi naman ako nabigo. "Yes...her had," sabi niya at natuwa naman ako dahil hindi niya iyon tinanggi kahit pa pwede naman siyang magsinungaling na hindi niya iyon alam. "Have you met him?" Muli ay naging tila hindi komportable si Dr. Carreon sa tanong ko at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ang maaari niyang sabihin. Nahalata niya yata na naghihintay ako ng sagot ngunit sana ay hindi naman niya nahalata ang pagkainip ko. Dahil alam niya na naghihintay ako ng sagot ay bumuntong hininga upang muling magsalita. "Yes, mahal na prinsesa. We became friends for a certain age," sabi niya at mas lalong tumindi ang hinala ko na may nalalaman siya tungkol sa kinaroroonan ni Jom. Hindi na rin ako nagulat pa sa sinabi niya na naging kaibigan niya si Jom dahil tulad namin ay hindi rin siya tumatanda. Kaya siguro naging magkaibigan sila nang mga ganitong edad si Dr. Carreon. I just hope na hindi naputol ang pagkakaibigan nila at mas lalong hindi naputol ang kanilang communication. "Up to now?" tanong ko at muli ay saglit na naman siyang natigilan. Kahit maging ako ay nag-aalangan nang pag-usapan si Jom dahil sa mga nagiging reaction niya. Baka kasi habang papadami nang papadami ang nagiging balita ko sa kanya ay sa bandang huli, isa palang masamang balita ang malalaman ko. Sana lang ay huwag naman na kung ano na ang nangyari kay Jom dahil kapag nagkataon ay sigurado na mawawalan na naman kami ng pag-asa. Dahil ang kaisa-isang nilalang na sa tingin namin ay makakatulong sa amin ay hindi na pala mangyayari. Magiging back to zero na naman kami sa pagpaplano. And this time ay hindi ako sigurado kung may maiisip agad kaming paraan ni Hell. Tinitigan ko si Dr. Carreon at sigurado ay nakita niya ang kaunting pagkainip sa mukha ko kaya tumikhim siya. Alam ko na nag-iisip siya ng kanyang isasagot at naghanda para sa muli niyang pagsasalita. "Wala na akong naging balita sa kanya, mahal na prinsesa," sabi niya at napaiwas siya ng tingin nang napatitig ako sa kanya para sana basahin kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Pero naisip ko na baka isipin niya na sobra ang kagustuhan kong malaman ang tungkol kay Jom kung pagdudahan ko ang sagot niya. Kaya dapat ay malaman niya na pinaniniwalaan ko siya. Kahit pa sa totoo lang ay nababasa ko sa mga mata niya na nagsisinungaling lang siya. Sigurado ako na may nalalaman pa rin siya tungkol kay Jom. "Ganoon ba? Siguro naman ay okay lang siya," sabi ko na lang. I will not push my luck today at hindi ko na pahahabain pa ang aming usapan. Ang malaman pa lang na may nalalaman siya tungkol kay Jom ay malaking kaluwagan na sa amin ni Hell. Uunti-untiin na lang namin ang pagtatanong hanggang sa makuha na namin ang kailangan naming sagot mula sa kanya. "Iyan din ang hiling ko, mahal na prinsesa. Sana ay nasa mabuting kalagayan nga ang prinsipe ng mga lobo," sambit niya at tumango ako. Tinapos ko na ang pakikipag-usap sa kanya at nagpaalam na rin ako. Agad kong tinahak ang daan pabalik sa bahay ng mga Levine. At nang marating ko ang kanilang bahay ay hindi ko na nadatnan pa roon si Pinunong Levine. Tanging si Hell na lanag ang nandito at nang tanungin ko kung nasaan ang kanyang ama ay lumakad rin ito agad dahil marami pang pinag-uutos ang aking ama. Nanghinayang naman ako dahil ang buong akala ko ay makakausap ko siya pagbalik ko para sana humingi ng balita tungkol sa ginagawa nilang pagbabantay sa Dark Forest. Hindi na ako nagkaroon pa ulit ng update tungkol sa nilalang na namataan nila noon na tila ay nagmamatiyag sa madilim na kagubatan. Masyado akong na-focus A-Learning at sa mundo ng mga mortal. Pero sana kaya hindi na ulit nagkaroon ng update ay dahil hindi na muling nagpakita ang nilalang na iyon. Hindi rin naman ako nagsisi na mas inuna kong puntahan si Dr. Carreon kaysa ang makausap si i Pinunong Levine dahil hindi naman nasayang ang oras ko a marami rin namang mahahalagang bagay ako na nalaman. Napag-isip-isip ko na magpahinga na muna bago magpatuloy sa pakikipagkwentuhan kay Hell. At nang makapagpahinga na ako ay hinanap ko siya sa buong bahay. Naabutan ko naman siya sa kusina na abala sa pagluluto. I gave him a quick back hug at tinabihan na siya. Saka ko lang naamoy ang bango ng niluluto niya. Napangiti naman si Hell nang makita ang pag-amoy ko sa kanyang niluluto. "Mabango ba?" tanong niya kahit pa alam naman na niya ang sagot. It is very obvious sa mukha ko pa lang. "Super. Matagal pa ba 'yan?" tanong ko pa at bahagya siyang natawa dahil maging ako ay nahalata ko ang pagkatakam sa tono ko. But what can I do? Talaga naman na natatakam na ako. "Mukhang gutom na ang buntis," sabi niya at hinampas ko siya sa braso para suwayin. "Huwag kang maingay, Hell. Baka may iba na makarinig," sabi ko at tumawa naman siya. Hindi naman na siya nagsalita pa ulit at nagpatuloy na lang sa pagluluto. Naupo na muna ako sa dining area para dito na lang din maghintay hanggang sa matapos siya sa pagluluto. At hanggang dito sa dining area ng kanilang bahay ay amoy na amoy ang bango ng niluluto niya. Ilang minuto lang din ang lumipas ay pumasok na si Hell dito sa loob ng dining na bitbit na sa tray ang kanyang mga niluto. At halos matawa ako dahil may may plating pa. Mas lalo akong nagutom nang kitang-kita ko ang usok habang sini-serve niya ang lahat ng niluto niya. Hanggang sa hindi na nga ako nakapaghintay at nagyaya na ako na simulan na namin ang pagkain. Pero hindi agad nagsimulang kumain si Hell dahil mas inuna pa niya na panoorin ako. Sa tuwing ganito si Hell ay talagang lagi ko siyang sinusuway na tigilan na ang labis na pagtitig sa akin. Pero dahil gutom na gutom na ako ngayon ay wala na akong pakialam kahit pa panoorin niya ko sa buong oras pagkain ko. Wala na akong oras na suwayin pa siya dahil wala na akong nasa isip pa kundi ang makakain na. Tulad nga ng inaasahan ko ay pingmasdan ay pinanood ni Hell ang bawat subo ko. At kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata sa tuwing magre-react ako na sobra akong nasasarapan sa niluto niya. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya at sunud-sunod na tango lang ang naisagot ko dahil punung-puno pa rin ng pagkain ang bibig ko. Napangiti si Hell na kahit hindi yata ako magsalita tumango man lang ay alam na alam na niya ang sagot. "How about our baby? Nagustuhan kaya niya?" Nahinto ako sa tanong niya. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka marinig kami ng ibang bampira at mabunyag agad ang sikreto naming dalawa. Pero mayamaya lang ay napangiti ako. Nakita ko kasi sa mga mata ni Hell ang tuwa sa pagbanggit niya sa baby namin. At ngayon lang talaga nagsi-sink in sa akin na isa na talaga kaming pamilya. Natutuwa ako dahil iniisip na niya agad ang gusto ng anak namin kahit pa nasa tiyan pa lamang ito. Natatawa akong tumango. Hindi pa man makakapagbigay ng opinyon ang baby namin ay alam ko na gusto niya ang luto ng kanyang ama dahil hindi naman ako nakaramdam ng ano mang disgusto mula sa tiyan ko. Tinanggap naman niya maging ang amoy ng mga ito. Pakiramdam ko tuloy ay lahat ng ihain ni Hell ay magugustuhan ko dahil makikilala ng baby namin ang mga luto ng kanyang ama. Kahit pa yata ang dating mga hindi ko kinakain ay kakainin ko na rin basta ba alam ko na si Hell ang nagluto. Nang nakalahati ko na ang pagkain ko ay saka pa lang yata nakuntento si Hell sa panonood sa akin. Kaya kumuha na siya ng pagkain na para sa kanya at nagsimulang kumain. Mabagal lang siya kung kumain kaya alam ko na hindi pa siya gutom na tulad ko. Kaya matapos ang ilang minuto ay sabay na kami na halos patapos nang kumain. Pinauna niya lang ako para sabay kaming matatapos. "Kumusta ang mga nilakad mo?" tanong ni Hell nang maubos ko ang mga pagkain na nilagay niya sa plato ko. At sobra akong nabusog dahil madami iyon at mabilis ko naman na naubos. Sinubo ni Hell ang huling kutsara ng pagkain niya at saka ko pinlano na sumagot. "I'm sure he knows Jom," sabi ko. Hindi ko naman nakitaan ng disbelief si Hell kahit pa kinwento ko sa kanya na tinanggi ni Dr. Carreon na may balita pa rin siya kay Jom. I was afraid to tell Hell about this dahil baka mag-doubt siya. Hindi naman kasi inamin ng doctor ang totoo. Pero natutuwa ako na malaman na pinagkakatiwalaan niya ang instinct na mayroon ako. "Pero sa tingin mo ba ay mapapamin mo siya?" tanong ni Hell at saglit akong natahimik dahil inaral kong mabuti kung may chance nga ba. Ngunit bigla akong napailing nang ma-realize ko na isa siyang familiar. And I know how loyal familiars are. Kahit pa ako ang prinsesa ng mga bampira ay alam ko na nasa kanilang amo pa rin ang kanilang loyalty. Sigurado ako na si Dr. Carreon ay familiar ni Jom. Kaya kahit gaano ko pa siya paaminin ay alam ko na mananatili kay Jom ang kanyang katapatan. Kahit pa sabihin na naging familiar ko ang kanyang lolo ay ibang bampira o lobo naman na ang kanyang matapat na pinaglilingkuran. "Sigurado ako na hindi ko siya mapagsasalita kahit pa paulit-ulit ko siya na tanungin at paaminin." Tumango si Hell bilang pagsang-ayon sa sinabi ko dahil alam din niya kung gaano katapat ang mga famiiar sa kanilang pinaglilingkuran. Kaya nilang ialay ang kanilang buhay huwag lang silang mapahamak. Kaya kahit pa pagbantaan ko ang doctor na iyon ay alam ko na hindi niya sasabihin kung nasaan si Jom lalo pa at binilin nito sa kanya bago siya pumasok ng Alucard na huwag ipapaalam sa iba ang kinaroroonan niya. "So what's your plan?" tanong ni Hell. Sa tingin ko ay hinahayaan ako ni Hell na magdesisyon sa pagkakataon na ito. Pinapaubaya na niya sa akin ang lahat dahil pinagkakatiwalaan niya ang desisyon ko. Ganito rin siya sa akin noong nagdedesisyon ako para sa Alucard noong mga panahon na hindi pa niya nalalaman ang tungkol sa hula ng babaylan. Pinagkatiwalaan niya ang lahat ng desisyon ko noon kahit pa hindi naman niya alam kung para saan ba ang lahat ng ginagawa ko. Noong sinabi ko na kailangan kong ihanda ang Alucard ay sinuportahan niya ako sa lahat ng plano ko. Tulad iyon ng ginagawa niya ngayon. Hinayaan niya ako na magdesisyon sa lahat kahit pa buhay ng anak namin ang nakasalalay sa mga desisyon na nakatakda kong gawin mula ngayon. At dahil doon ay mas siniguro ko na hindi dapat ako mabigo. Kailangan naming malusutan at malagpasan ang lahat ng ito dahil hindi biro ang binibigay na tiwala sa akin ni Hell. Kaya nag-isip agad ako mga plano na maaari kong isagot sa tanong niya ngayon. Hindi naman siya naghahanap pero gusto ko na kahit papaano ay may masabi ako para magkaroon naman siya ng idea sa mga plano ko at upang mahingi ko na rin ang opinyon niya. Kahit kasi alam ko na may tiwala siya sa akin ay kailangan ko pa rin kung approve ba sa kanya o hindi. Dahil baka may mga desisyon din siya na nais niyang ibahagi o baguhin sa plano ko. Naghihintay si Hell ng sagot ko sa kanyang tanong pero hindi naman siya nababakasan ng pagkainip. Alam ko na binibigyan niya ako ng oras para kahit papaano ay makapag-isip. Huminga ako nang malalim bago sabihin ang naiisip ko na plano. "Nasabi ko sa kanya kanina na pwede siyang magbakasyo." Tumango-tango si Hell to make me sure na nakikinig siya sa akin. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I am planning to spy on him the moment he goes back in the mortal world." Napakunot naman ang noo niya dahil sa idea ko. Hindi naman na ako nagulat pa sa naging reaction ni Hell dahil inasahan ko na ang pag-aalinlangan niya lalo pa at buntis ako. "You don't expect me to allow you in that mission, do you?" komento ni Hell at bahagyang bumagsak ang balikat ko. "He's our last resort," sabi ko at umiling naman si Hell. Alam ko naman na mahihirapan ako na kumbinsihin siya pero ngayon pa lang ay naiinis na ako. Naiintindihan ko na masyadong delikado lalo na sa kondisyon ko hindi na ako magpapapigil pa. "It is still a no, Heaven." Tumayo na si Hell nang may pinal nang desisyon at nagsimula nang iligpit ang mga pinagkainan namin. Hindi ko alam kung paano pero kailangan ko siyang makumbinsi. We have to spy on him at wala nang ibang pwedeng gumawa nu'n kundi ako. Unless sasaluhin niya ang mission ko na iyon. ,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD