Chapter 16

2586 Words
Chapter 16 Heaven's POV Alam namin ni Hell na buhay ng anak namin ang nakataya sa sugal na ito kaya hindi kami pwedeng magkamali sa mga gagawin namin. Hindi namin pwedeng ipagkatiwala sa iba ang impormasyon na ito kahit pa sa mga pinagkakatiwalaan namin ng sobra. Siguro ay may ilan na makakaintindi tulad nina Fire at Tyco pero siguro ay maiintindihan naman nila kung hindi man namin ipagtapat sa kanila. Ayaw na rin namin sila na abalahin pa at idamay sa problemang ito dahil baka maging sila ay malagay sa tiyak na kapahamakan oras na mapag-alaman ng aming lahi na sila ay nakialam sa aming pagtakas at pinagtakpan kami. Kaya mas mabuti nang wala silang nalalaman. Panatag kaming parehas ni Hell na walang ibang madadamay sa paglayo na gagawin namin. Tinitigan kong mabuti si Hell habang naghihintay sa babanggitin niyang pangalan ng tanging nilalang na makakapagturo sa amin sa kinaroroonan ng prinsipe ng mga bampira. "Naisip ko lang, Heaven, sino ba ang pinakamatalik na kaibigan ni Jom noong nag-aaral pa tayo sa Westridge?" tanong in Hell at hindi naman ako nahirapan na isipin kung sino ang sagot sa tanong niya dahil parang kanina lang naisip ko rin iyon. Pero hindi ko naman naisip ang posibilidad na maaari iyong mag-lead sa kinaroroonan ni Jom. "That was Brent," sagot ko sa tanong niya. "Do you really think..." Hindi ko pa man natutuloy ang sasabihin ko ay tumango-tango si Hell. "Would you cut your communication with your best friend?" tanong ni Hell at napangiwi ako. Wala akong tinuturing na best friend kaya hindi ko alam kung bakit tinanong pa iyon sa akin ni Hell. Pero mukhang naghihintay ng sagot ko si Hell kaya nag-isip na lang ako g isang tao na pinaka-naging malapit sa akin. And that is his twin sister, Frire. Hindi man kami madalas magkasundo noon dahil sa kakulitan niya ay naging malapit naman kami kahit papaano. At ngayon na minsan na lang kami kung magkita dahil nga sa mundo ng mga mortal pa rin sila nakatira ni Tyco ay aaminin ko na nagiging masaya ako sa tuwing nagkikita kami rito. "No," sagot ko sa tanong ni Hell. "Precisely," Hell says then snaps. "Matapos ang issue noon sa V-Tox ay naging bihira lang ang pagsulpot ni Jom. Lagi lang siyang nasa mundo ng mga mortal. And I know for sure na nagpatuloy ang buhay niya roon bilang isang normal na estudyante ng Westridge because that was what he wanted. At sino ang madalas niyang makasama sa mundong iyon? Ang El Gwapitos." Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong natawa nang banggitin niya ang dating pangalan ng grupo nina Jom. Napakunot ang noo niya dahil sa pagtatakha sa pagtawa ko. At sinamaan niya ako ng tingin nang ma-realize kung bakit ako bigla na lamang nagkaganito. "Please, Heaven. I know you are pregnant, but not crazy. I don't think na part 'yan ng pagbubuntis mo. So you must be crazy," sabi ni Hell kaya pinilit kong pigilan ang pagtawa ko dahil alam ko kung gaano kaseryoso ang pinag-uusapan namin. Nang bumalik ako sa katinuan at naka-cope up sa pagtawa ay muli akong nagseryoso sa pakikipag-usap kay Hell. "Okay, but should we ask Dr. Carreon? Hindi kaya magtakha siya? Or if he ever knows Jom, would he tell us where he possibly could be? Sigurado ako na nakarating kay Jom ang balita na magtatrabaho sa loob ng Alucard mismo ang apo ng kanyang kaibigan kaya hindi na ako magtatakha pa kung sinabihan na niya agad si Dr. Carreon na huwag ipapaalam sa sino man ang tungkol sa kinaroroonan niya kung may magtanong man. Kung ganoon nga ay sigurado ako na hinding-hindi magsasalita si Dr. Carreon. Magsisinungaling siya hangga't kaya niya. "Kung pagtatanong lang ay wala naman sigurong masama. Wala namang kahina-hinala roon dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila na naging magkakasama tayo noon. It is normal kung kumustahin natin siya. In a very normal way." Agad naman akong sumang-ayon kay Hell at pinlano na namin kung kailan kami magsisimula sa pakikipag-usap kay Dr. Carreon. Nasabi ni Hell na may lalakarin siya bukas at gusto niyang kausapin ang ama niya. Gusto niyang kumustahin ito dahil matagal na rin mula nang huli silang magkita. Ngunit sinabi ko rin sa kanya na babalik ako bukas ng A-Learning at magbaka sakali kung magkaka-chance ba na makausap ko siya ngayon. Nahirapan pa akong kumbinsihin si Hell na payagan ako dahil ayaw niya talaga akong payagan noong una. Pero matapos ang ilang beses ko pang pangungulit at pagkumbinsi ay napapayag ko rin siya. I just promise him na mag-iingat ako. Talagang mag-iingat ako ngayon dahil hindi na lang buhay ko ang hawak ko. Dalawang buhay na ang nasa katawan ko kaya talagang magdodoble ingat ako. Matapos ang pagpaplano namin ni Hell ay nagdesisyon na kami na magpahinga na muna. Nahiga kami sa kama ni Hell at magkatabing natulog. "Can I sleep?" tanong ni Hell at tumango ako. Alam ko na pagod rin siya dahil ngayon pa lang din siya makakapahinga. Kaya "Sleep well, Hell." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap naman niya ako. Dahil sa yakap ni Hell ay parang gusto ko na rin tuloy na matulog. Pero alam ko naman na hindi ako makakatulog agad dahil sa mga natuklasan namin ngayong araw. Samantalang si Hell naman ay mabilis nakatulog kahit pa ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang magsabi siya na matutulog siya. Nakatulog siya habang nakayakap sa akin. Napag-isip-isip ko na hindi lang ako ang dapat mag-ingat sa pagkakataon na ito kundi maging pati si Hell. Kung mapapahamak at mapapatay siya ay sigurado ako na madadamay kami ng magiging anak namin. Nilingon ko si Hell na nakaunan sa akin balikat. And for the first time mula nang malaman ko na nagdadalang bampira ako ay ngayon lang ako nakaramdam ng tunay na kasiyahan. Kanina kasi ay masyadong overpowering ang takot na nararamdaman ko. Though I feel happy rin naman, pero may pumipigil sa kaligayahan kong iyon. Pero ngayon na pinagmamasdan ko ang payapa na pagtulog ni Hell ay alam ko na malalagpasan din namin ito. Ngayon na may mga plano na kami tungkol sa bagay na ito ay pakiramdam ko na mas mapapdali ang pagharap namin sa lahat ng ito. Kanina kasi ay wala kaming plano kaya pinangunahan ako ng takot. All I can feel right now is pure happiness. Seeing Hell peacefully sleeping and our in my belly. Kung nasa tamang panahon lang kami ay wala na akong mahihiling pa. Beacuse this is actually what I prayed for. Panagrap ko rin na magkaanak. Hindi ko man sinasabi sa iba pero gusto ko ang magkaroon ng batang aalagaan na masasabi kong sa akin nagmula. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na gusto ko nang magkaanak dahil sa batas na mayroon para sa tagapagmana. Pero dahil nga may nalabag kami sa batas ng mga bampira ay hindi ko na mararanasan ang magkaroon ng tahimik na pamilya. Ngunit kahit hindi tama ang panahon na dumating ang anak namin ay wala naman akong pagsisisihan na magkakaroon na kami ng anak ni Hell. Kaya naman namin siyang buhayin at protektahan, may gabay man ng mga bampira o wala. Sanay rin naman kami ni Hell na mamuhay sa mundo ng mga mortal kaya alam ko na hindi kami mahihirapan na mag-adjustsa generation na mayroon na sila ngayon oras na isakatuparan na namin ang plano naming pagtakas. Nabigla rin ako sa gaan ng pakiramdam na nararamdaman ko ngayon knowing na dinadala ko na sa aking sinapupunan ang bunga ng matagal na naming pagmamahalan ni Hell. Ngayon ay matatawag na kami bilang isang pamilya. Dahil nga gaan at aliwalas ng nararamdaman ko ngayon ay hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa mga yakap ni Hell. Matagal din ang naging pagtulog namin ni Hell dahil sumunod na araw na kami nang magising. Agad naman kaming nag-asikaso dahil may kanya-kanya pa kaming plano at pupuntahan ngayong araw. Nauna na ako sa pagligo at nagbihis. Nang matapos ako ay sumunod naman si Hell. "I think dad is already downstairs," sabi ni Hell at tumango ako. "Are you sure you will be fine without me?" nag-aalalang tanong ni Hell at halata pa rin sa kanya ang pag-aalinlangan na paalisin ako nang mag-isa. Pero wala naman na siyang magagawa pa dahil pinayagan na niya ako kagabi pa. "'I will be fine, Hell. Uuwi ako agad pagtapos na pagtapos kong makausap si Dr. Carreon." I don't know what assurance he needs para lang hindi na siya mag-alala pa. Pero hindi na siguro ako dapat pang magulat dahil noon ngang hindi pa ako buntis ay grabe na siya kung mag-alala, ngayon pa kaya na dinadala ko na ang magiging anak namin. "Pwede namang mamaya ka na lang pumunta sa A-Learning pagtapos naming mag-usap ni daddy para pagtapos na kami ay sasamahan naman kita," sabi pa ni Hell pero umiling ako bilang pagtanggi. Kung hihintayin ko pa si Hell ay para na rin akong nagsayang ng oras dahil nagmamadali nga kami sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Jom. Kung ipagmamamay namin nang ipagmamamaya ay baka umabot kami sa punto na wala na kaming oras. Dahil hindi hawak ang oras. Paano na lang kung bigla na lang mabunyag ang sikreto namin ngayong araw nang wala man lang lead kahit papaano sa kung nasaan ang prinsipe ng mga lobo. Wala kaming ibang mapupuntahan. "Please trust me, Hell." Dahil sa pakiusap ko ay napabuntong hininga na lang siya. Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko at ang anak namin. "Okay. I trust you, of course. But please, take care of yourself and take care of our child," sbai na lang ni Hell na nahimigan ko ng pagsuko. Tumango ako at ngumiti naman siya. Matapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpaalam na rin ako kay hell na aalis na muna ako. Tulad nga ng hinala niya kanina ay naabutan namin ang ama niya sa baba nang bumaba na kami. Bumati lang naman ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nagpaalam na rin agad ako dahil may importante pa akong lalakarin. He knows how busy I am kaya hindi na rin siya nagtanong pa. Iniwan ko na silang mag-ama sa bahay nila at lumabas na ako. Sa paglalakad ko papunta sa A-Learning ay wala akong pinapansin na ibang bampira kahit pa sunud-sunod ang bumabati sa akin. Mas mabuti na kung ngayon pa lang ay umiw na ako sa lahat para na rin mas masiguro ang security ng sikreto namin ni Hell. Nakakapanibago lang dahil wala si Hell sa tabi ko habang naglalakad. Nang makarating ako ng A-Learning ay binati rin ako ng mga estudyante na nakakasalubong ko. But just like what I'm doing, wala akong pinansing bati ng kahit sino sa kanila. Dumiretso agad ako sa kwarto kung saan siya nagtuturo. Hindi naman ako nabigo sa sadya ko dahil naabutan ko siy na nagkaklase. Nilingon niya ako at hindi tulad kahapon ay hindi na siya gaano nabigla pa sa pagdating ko. Siguro ay dahil alam niya na nandito na ako at ini-expect niya na mapapadalas ulit ang pagbisita ko. Tinapos lang ni Dr. Carreon ang pagsasalita sa harap ng klase niya at pinuntahan na niya ako rito sa labas ng classroom. Dinala niya ako sa kanyang opisina na nasa katabing kwarto lang upang doon ako kausapin. "Have a sit, mahal na prinsesa," sabi niya kaya naupo ako sa tapat ng desk niya at naupo rin siya sa kanyang upuan. "Update ba ang sadya ninyo, Prinsesa Heaven?" tanong niya at tumango na lang ako kahit pa hindi naman talaga update ang sadya ko rito. "Marahil bukas ay magkaroon ulit kami ng actual activities," sabi ni Dr. Carreon. May ilang mga bagay pa ako na tinanong sa kanya tungkol sa kanilang aralin kahit pa hindi naman talaga iyon ang interes ko ngayon. Hindi ko alam kung paano isisingit sa usapan namin na tungkol sa A-Learning ang mga tanong ko tungkol kay Jom. "You can have your vacation. Just inform us five days prior to your requested date," sabi ko at nakita ko naman ang tuwa sa kanyang mukha nang sabihin ko iyon. Aaminin ko na sinabi ko lang iyon para mapunta kami sa buhay niya sa mundo ng mga mortal. Ngunit nang makita ko ang excitement sa mga mata niya para sa bakasyon ay ngayon ko lang na-realize na may buhay nga rin pala siya sa kanyang mundo. Na ngayon ay hindi na niya napagtutuunan ng pansin dahil nga masyado na siyang na-focus sa pagtuturo dito. Kahit pa nasabi sa akin noon ni Fire na walang sariling pamilya ang doctor na ipapadala niya ay alam ko naman na may natitira pa siyang kamag-anak na gusto niya rin na makasama. "Totoo ba iyan, mahal na prinses?" tanong pa niya at tumango ko. Akala ko ay hindi na matatapos ang pasasalamat niya sa akin dahil lang sa bibigyan ko siya ng bakasyon. Mas lalo pa siyang natuwa nang sabihin ko na isang lingo ang ibibigay ko sa kanya. "You seemed very happy," komento ko. "Kung nalalaman niyo lang po ang tuwa na nararamdaman ko ngayon," sabi pa niya at hindi ko napigilan ang matawa. "Are you happy that you will be able to see your family again?" tanong ko. And i feel stupid for asking that question. Of course he is. Sino ba naman ang hindi matutuwa na makikita na niyang muli ang kanyang pamilya matapos ang mahigit isang buwan na wala man lang kahit anong communication. "I am, mahal na prinsesa," sabi niya. Ngumiti ako. Ngayon ay nakakuha na ako ng chance para magtanong ng tungkol sa pamilya niya. Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. "Speaking of your family..." Hindi ko naman nakitaan ng ano mang pagkailang si Dr. Carreon nang banggitin ko ang kanyang pamilya. They are all familiars at alam ko kung gaano sila ka-proud roon. At natutuwa ako na para sa kanila ay isang karangalan ang makapaglingkod sa aming lahi. Ngunit sana ay ganito rin siya oras na ang prinsipe ng mga bampira na pag-uusapan namin. Naghintay naman siya ng mga sunod kong sasabihin tungkol sa kanyang pamilya. "How was Brent in his remaining last years?" tanong ko. Totoo ang curiosity ko kay Brent dahil minsan ko rin siyang nakasama noong nabubuhay pa siya. "Hanggang sa mga huling sandali ng buhay ng Lolo Brent ko ay talagang pinagmamalaki niya na isa ang pagiging familiar ang pinakatamang desisyon na ginawa niya sa kanyang buhay. Maging ang Lola Tiffany ko ay ganoon din ang pananaw. Pinagmamalaki rin niya na isa siya sa iilang familiar na nagkaroon ng chance na makasama at makilala kayo, mahal na prinsesa." Kahit papaano ay napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na seseryosohin ni Brent ang pagiging familiar niya. Para noong una lang ay halos magpatayan na kaming dalawa. "He was the first person that discovered my real identity," sabi ko at tumango naman siya. "Nakwento nga rin iyan ng lolo ko, mahal na prinsesa." Hindi ko na namalayan na napapasarap na kami sa pagkukwentuhan ni Dr. Carreon. Natutuwa lang ako dahil parang ang sarap balikan ng lahat ng nangyari noon na dala ng mga kabataan namin. Pero hindi tulad noon ay hindi na biro at mababaw na problema lang ang mga kinakaharap namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD