Chapter 15

2575 Words
Chapter 15 Heaven's POV Dahil hawak-hawak ni Hell ang kamay ko ay nabawasan kahit papaano ang kaba na nararamdaman ko. Hindi umalis ang babaylan sa kinanatayuan niya at talagang hinintay niya lang ang paglapit namin sa kanya. Yumuko ang babaylan nang magkaharap kami bilang paggalang sa akin. Yumuko rin naman ako sa kanya bilang paggalang sa pinuno ng mga babaylan. Isa ang babaylan sa mga pinakamataas na posisyon sa Alucard. "Isang pagbati, mahal na prinsesa," sabi pa nito pero tango lamang ang nagawa kong sagot sa ginawa niyang pagbati. "Sa wakas ay muli tayong nagkita," sabi pa nito. Sa tono ng pananalita niya ay totoo nga ang sinasabi ng tagasilbi na talagang lagi akong hinahanap ng babaylan. "Totoo po ba na araw-araw ninyo akong hinahanap?" tanong ko agad dahil ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Marahan naman siyang tumawa pero halata na ini-expect na niya ang tinanong ko. Marahil ay hindi niya lang akalain na magiging ganito ako ka-straight forward sa pagtatanong ko. "Nakalimutan ko na hindi ka nga pala marunong magpaliguy-ligoy," natatawa pa niyang sabi at umiling-iling. Pero mayamaya lang din ay nagseryoso na siya. "Ngunit totoo ang iyong tanong na lagi nga kitang hinahanap upang makausap," sabi niya. "Pero bakit po? Ano ang kailangan ninyo sa akin?" Ayoko siyang pagmadaliin sa pagsasalita pero hindi ko na tinago pa sa tono ko ang pagkainip. Sana lang ay nahalata niya 'yon para hindi na ako maghintay at magsayang pa ng oras dahil lang sa pagpapaliguy-ligoy nila. "May mga nakita lamang akong bagong pangitain," sabi niya na siyang dahilan ng paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Hell. Naramdaman niya iyon kaya agad niyang sinagot ng isang banayad na pagpisil ang kamay ko. Nakuntento na ako roon at napanatag na nandito lang si Hell at nakikinig sa mga sasabihin ng babaylan. "Tulad ng?" Pinilit kong itago ang kaba sa tono ko. Pinilit kong maging kalmado sa pagtatanong. "Ang buong akala ko ay isa lamang iyong pangitain. Ngunit nang makita kita ay nalaman ko na hindi lamang pala iyon isang pangitain. Kundi isa nang babala," sabi niya at napakunot ang noo ko. Ano naman ang nalaman niya nang makita niya ako? "What do you mean?" tanong ko. Nilibot ng babaylan ang kanyang tingin sa buong paligid. Upang marahil ay tingnan kung may iba pang bampira ang makakarinig kung ano mang sasabihin niya. Kung ayaw niyang marinig ito ng iba ay sigurado ako na sobrang confidential nito. Nang masiguro ng babaylan na walang ibang bampira ang nakakarinig sa amin ay ngumiti siya. Ngunit kahit pa nakangiti siya ay nakita ko rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ikaw, mahal na prinsesa ay nagdadalang bampira," sabi ng babaylan at hindi ako nakapagsalita. Parang ayaw mag-sink in sa akin ang mga salitang binitiwan niya. Naramdaman ko na lang din ang unti-unting pagluwag ng hawak ni Hel sa kamay ko at alam ko na dahil iyon sa pagkabigla. Umasa ako na baka nagkamali lang ako ng dinig ngunit kung ganito ang naging reaction ni Hell ay sigurado ako na tama ang mga narinig ko. At hindi ito maaaring mangyari. "Are you sure about that?" natatawang tanong ni Hell at marahan na tumango ang babaylan. "Amoy na amoy ko ang dugong bughaw na nananalaytay sa bampira na nasa sinapupunan ng prinsesa na tanging mga babaylan lang ang makakagawa. At hindi magtatagal ay maaari ko na ring madinig ang pintig ng kanyang puso," sabi pa niya. Naramdaman ko na lang ang akbay ni Hell. At ramdam na ramdam ko sa kanyang akbay ang pag-aalala. "Kung totoo nga ang sinasabi ninyo ay hindi ito maaaring malaman ng iba pang bampira. Lalo na ng konseho," sabi ni Hell at muli namang ngumiti ang babaylan. "Tama ka riyan. Makakaasa kayo na hindi ako magsasalita. Ngunit ipapaalala ko sa inyo na delikado oras na matuklasan ng buong Alucard ang tungkol sa pagdadalang bampira ng prinsesa. Handa akong manahimik habang buhay kung ipag-uutos ninyo," sabi niya at kahit papaano ay nabawasan ang takot ko. "Of course, we will ask that from you," sabi ni Hell at tumangong muli ang babaylan. "Ligtas ang sikreto ninyong ito, mahal na prinsesa at Mr. Levine. Kung may iba man na makatuklas ay nasisiguro ako na hindi iyon sa akin nagmula." Dahil desperado na ako na wala ngang ibang makakaalam ng tungkol dito ay wala na kaming magagawa pa ni Hell kundi ang panghawakan ang sinabi ng babaylan. Hanggang sa magpaalam na siya at makaalis sa harapan namin ay hindi pa rin ako makaimik. Pinanood lamang namin ang likod niya na unti-unting lumalayo. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay hindi ko pa rin inaalisan ng tingin ang dinaanan niya. Wala na akong ibang iniisip sa ngayon kundi ang pagdadalang bampira ko. Hanggang sa ma-realize ko na lang na nakahawak na ako sa tiyan ko at hinahaplos na ito. Hinarap ako ni Hell at inalis ang kamay ko na humahaplos sa aking tiyan habang nagpapalinga-linga siya sa paligid. Mayamaya lang ay kinabig ako ni Hell sa baywang at sinabay sa pagtakbo niya gamit ang bilis ng isang bampira. Ilang sandali lang ay nasa kwarto na niya kami. Sa tingin ko ay tama lang ang desisyon niya na rito na muna kami sa kanila dahil siguradong walang ibang tao. Laging nasa misyon ang kanyang ama at si Fire naman ay nasa mundo ng mga mortal. Walang ibang makakarinig sa amin kung pag-usapan man namin ang mga ito. Dahil sa sobrang takot ko ay bigla na lang akong napayakap kay Hell. Kanina ko pa gustong bumigay pero baka makaagaw lang kami ng atensyon ng iba pang mga bampira at mas lalo lang akong mahirapan na magpigil ng emosyon. Hinaplos ako ni Hell sa likuran habang patuloy ako sa pag-iyak sa kanyang dibdib. He keeps on hushing me pero hindi ako matahan. "What should we do now?" tanong ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Ngayon na lamang ulit ako naiyak nang ganito. Ang huling iyak ko na tulad ng ganito ay noong namatay si kuya. At umiiyak lamang ako nang ganito sa tuwing may nawawala sa buhay ko na sobrang mahal na mahal ko. Umiiyak ako dahil ngayon pa lang ay pakiramdam ko nang may maaari na namang mawala sa buhay. Isang napakalaking kasalanan sa mata ng mga bampira ang bata sa sinapupunan ko at alam ko na lahat sila ay hihilingin ang kamatayan ng magiging anak namin Hell hindi pa man siya naisisilang. "Hindi ko rin alam ang mga dapat nating gawin, Heaven ngunit sa ngayon ay isa lang ang nasisiguro ko. Hindi nila maaaring saktan ang magiging anak natin," sabi ni Hell. Lumakas ang loob ko na ipaglaban ang bata dahil sa sinabi ni Hell. Wala kaming ibang magiging kakampi sa laban na ito kundi kaming dalawa lamang. Kahit sa mga sarili naming pamilya ay hindi kami dapat magtiwala. Lalo na sa pamilya ko na hindi papayag na magkaroon ng butas ang aming pamilya. "Paano kung matuklasan nila ang tungkol sa bata?" tanong ko pa at bumitiw si Hell mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Hinwakan niya ako sa baba bahagyang inangat ang mukha ko upang magtama ang aming mga mata. "Malaman man nila o hindi, poprotektahan ko kayo ng magiging anak natin," sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi. "Tumakas na tayo, Hell," sabi ko at natigil si Hell sa kanyang ginagawa. Halata ang pagkabigla sa kanya dahil sa naging hiling ko sa kanya. Hindi niya inaasahan na ang tanging option ko ay ang pagtakas. Ayoko naman talaga sanang gawin ito pero sa ngayon ay ito na ang last resort namin. Habang kalmado pa ang lahat. Habang wala pang ibang nakakaalam kundi kaming tatlo lamang ng babaylan. Hindi pwede na saka lang namin maiisipan na tumakas kaag natuklasan na ng lahat at nagkakagulo na sa buong kaharian. Mas lalong nakadagdag sa takot ko na baka ito pala ang sinasabi sa hula na kaguluhan. Na ang madugong digmaan pala ay sa pagitan ko at ng buong lahi ng bampira. "Tumakas, Heaven? Paano ang responsibilidad mo bilang prinsesa?" tanong ni Hell sa saglit akong natigilan. Mula nang tumira ako rito sa Alucard at mula rin nang tanggapin ko ang pagiging tagapagmana ay alam ko na nabubuhay na lamang ako para sa mga bampira na nasasakuapan namin. Pero ngayon na alam kong sila ang maaaring maglagay sa aking anak sa isang tiyak na kapahamakan ay nakahanda na akong talikuran sila. Ngayon pa lang ay tatakas na ako kaysa naman kami-kami rin ang maharap sa dulo. Bilang respeto na rin sa lahi na minahal ko nang ilang dekada ay ako na ang iiwas sa nagbabadyang gulo. "Mas importante ang kaligtasan ng anak natin, Hell. Gusto ko siyang mabuhay," sambit ko ngunit bakas pa rin sa mukha ni Hell ang pag-aalinlangan. Alam ko na iniisip niya na baka nabibiga lang ako. Dahil alam ni Hell at naging saksi siya kung gaano ako naging ka-dedicated sa pagiging prinsesa ko. Na sa isang iglap lang ay magsasabi ako na tumakas na kami papalayo sa Alucard. Ngunit kaya lang naman ako nagkakaganito ay dahil ang magiging anak na namin ang pinag-uusapan. Parehas lang kami ni Hell na hindi papayag na saktan ng sino man ang mismo dugo at laman namin. Kahit pa mismong mga kalahi ko. "Tama ka, Heaven. Mas importante ang buhay at kaligtasan ng anak natin. Kaya kung talagang desidido ko na sa plano mong paglayo ay iyon ang gagawin natin. Iyon din naman kasi talaga ang plano ko mula nang sabihin kanina ng babaylan na buntis ka. I just did not consider it dahil iniisip din kita," sabi niya at umiling ako. "Huwag mo akong isipin, Hell. I will prioritize our child." Muli akong niyakap ni Hell upang pagaanin ang loob ko. Pero nanatili ang takot na nararamdaman ko dahil alam ko naman na walang sikreto ang hindi nabubunyag. Ngunit bago pa mabunyag sa ibang mga bampira ang tungkol sa pagbubuntis ko ay sisiguraduhin ko na nakalayo na kami ni Hell. Ngunit hindi kami pwedeng basta-basta na lamang umalis dahil kailangan ko munang ilagay sa ayos ang buong Alucard. Bukod roon ay ayokong maghinala ang mga bampira sa bigla kong pagkawala. Dahil kung hindi naman mabubunyag ang tungkol sa pagbubuntis ko ay nasa plano ko pa rin naman ang pagbalik oras na makapanganak ako. Kailangan din muna naming pag-isipan at padesisyunan nang mabuti ni Hell kung saan kami dapat magtungo. Madaling makaamoy at makatunog ang mga bampira kaya sigurado kami na mahihirapan kaming makahanap ng tamang lugar ng pagtataguan namin. At wala kaming ibang pagtutuunan ng panahon kundi ang paghahanap ng lugar na iyon. "Kaya marahil mabilis kang mapagod at naging mainitin ang ulo mo these past few days ay dahil naglilihi ka na," sabi ni Hell at napangiti ako sa kanyang dibdid. Bumitiw ako sa kanyang yakap at hinarap siya. I feel ovewhelmed knowing that Hell is very observant to me. Na kahit ang mga simpleng bagay na ginagawa ko ay napupuna niya. Naalala ko na lagi nga pala akong nagsusungit sa mga familiar na kasama namin sa bahay. Kaya pala sobra ang pagkairita ko kay Guia. Iyon pala ay dahil nga buntis ako. Hindi naman iyon pumasok agad sa isip ko dahil walang paglilihi at pregnancy symptoms ang mga bampira. Pero ang paglilihi ko siguro ay dahil sa pagkakaroon ko ng dugo ng isang mortal. "Saan kaya tayo maaaring magtago?" tanong ko kay Hell at niyaya niya ako na maupo na muna sa kama. "Isang nilalang lang ang pumapasok sa isip ko ngayon na maaari nating hingian ng tulong," sabi ni Hell. Hindi pa man niya sinasabi ang pangalan ng kung sino man ang tinutukoy niya na maaari naming hingan ng tulong ay iyon na rin ang option ko. Kung pumasok siya sa isip ni Hell ay sigurado ako na mapagkakatiwalaan namin siya. "Sino, Hell?" tanong ko. "Ang prinsipe ng mga lobo," sabi ni Hell pero hindi agad ako nagkasagot. Naunahan na ako ng pag-iisip kung mapagkakatiwalaan ba namin ang prinsipe ng mga lobo. Ngunit sa pag-iisip ko ay wala naman akong natatandaan na pagkakataon na nakitaan ko ng ano mang banta sa pagtataksil si Jom. Ngunit bihira na lang namin siyang makita. Sa pagkakaalam ko ay hindi niya tinanggap ang trono bilang susunod na hari ng mga lobo. Kahit pa muli naming sinauli ang kanilang kaharian ay hindi siya umupo sa trono. Bagkus ay hinabilin niya sa aming pamumuno ang pamumuno sa kanilang lahi. Walang ibang gusto si Jom kundi ang normal at tahimik na pamumuhay kaya namuhay siya nang malayo sa Alucard. Wala kaming idea sa kung nasaan si Jom ngunit ang naririnig namin na balita sa prinsipe ng mga lobo ay sa mundo ng mga mortal ito nakatira. Hindi nga lang namin alam kung paano malalaman ang eksaktong kinaroroonan niya. "Do you really think we could trust him?" tanong ko pa. If Hell's answer is yes, then I got no choice but to trust that prince. Wala rin naman akong naging issue sa kanya. Ang tanging naging problema lang namin ay noong mga nag-aaral pa kami sa Westridge dahil sa pangangati ko na makaganti sa mortal niyang kaibigan na si Brent--na lolo ni Dr. Carreon. Other than that ay wala na akong iba pang masasabi sa kanya. Dahil mula nang maisiwalat na ako ang nawawalang prinsesa ay talagang nirespeto niya ang titulo ko. He was even one of those who vowed at me. Ngunit dahil nga sa tagal na hindi na kami nagkikita ay hindi ko alam kung ganoon pa rin ba siya towards us. Sana ay walang nagbago sa kanya. "He is a werewolf, Heaven. Kahit pa halos iisa na ang ating mga kaharian ay hindi pa rin sila sakop ng ating mga batas. They would not mind kung mabuntis ka man nang hindi tama sa binigay na edad ng pangbubuntis ng isang prinsesa. Maaaring mautusan ng Alpha o ng iyong ama na ipapatay ang anak natin, pero hangga't walang utos mula sa kanila ay hindi ka nila papakialaman. Wala si Jom dito sa Alucard kaya imposible na mapag-utusan siya ng pamilya mo," sabi ni Hell at agad kong nakuha ang point niya. At tama ang lahat ng iyon. Hindi pakikialaman ng lahi ng mga lobo ang pagbubuntis ko unless utusan sila ng aking pamilya. "But we have a problem, Hell. Hindi natin alam kung saan siya matatagpuan. Baka mauna pang matuklasan ng bampira ang tungkol sa pagbubuntis ko kaysa ang mahanap si Jom," sabi ko ngunit hindi ko naman nakitaan ng ano mang pagkabahala si Hell tungkol sa sinabi ko na maaari naming maging problema. At sa mga mata niya pa lang ay alam ko nang may nakikita at naiisip na siya na paraan. "Isa lang ang nakikita kong paraan, Heaven. Walang kasiguraduhan, ngunit malaki ang chance na alam niya kung nasaan si Jom," sabi ni Hell. Kung gayon ay may naiisip siyang isang tao o bampira o lobo na makakapagsabi sa amin sa kinaroroonan ni Jom. "Sabihin mo, Hell, sino ang naiisip mo na tanging makakatulong sa atin," inip kong tanong. Kahit na biglaan ang mga plano naming ito ay alam ko naman na pinag-iisipan ni Hell nang mabuti ang lahat ng mga dapat naming gawin at maging ang mga salita na binibitiwan niya. It is a matter of life and death kaya tama lang ang pag-iisip at pagpaplano na ginagawa namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD