Chapter 14

2582 Words
Chapter 14 Heaven's POV Lumipas ang bawat araw at linggo namin ni Hell ngunit walang nangyayari sa plano namin. Bawat maiisip naming idea kung paano malalaman at mahuhuli ang mga nagnakaw sa buto ng pamilya ko ay huli na kami. At alam ko dahil naunahan na kami ng iyon. Sigurado ako na napagplanuhan nila ang lahat maging ang mga iiwan nilang bakas at ebidensya. Alam ko naman na mahihirapan kami sa paghahanap pero hindi ko akalain na magiging ganito kahirap. Pero kahit ganoon pa man ay wala kaming ibang magagawa kundi ang tiyagain ang lahat kung gusto ko talaga na mahanap sila. Pasalamat na lang din ako na hindi ko nakikitaan ng pagod si Hell na samahan ako araw-araw sa lahat ng mga nilalakad ko. "What's your plan today?" tanong ni Hell habang namimili ng mga damit niyang nasa kama. He is only wearing a towel wraps around his waist. His hair is still soaking with water dripping down his masculine body. And I can't help but to admire his perfectly built body. Kahit pa ilang beses ko nang nakita ang kabuuan ng katawan ni Hell ay hindi ko pa rin maialis sa akin ang pagpantasyahan siya. Katatapos niya lang maligo. Nauna akong maligo sa kanya kaya halos patapos na rin ako sa pag-aayos sa sarili ko sa harap ng vanity dresser ng kwarto namin. Bago ko pa malimutan na may plano kaming umalis ngayon ni Hell ay muli na lamang akong humarap sa salamin para magpatuloy na lang sa pag-aayos sa aking mukha. Ngunit nakikita ko ang kanyang reflection sa salamin na hindi pa rin nakakapili ng dapat niyang isuot. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan siya sa paghahanap ng isusuot samantalang sa Alucard lang naman kami pupunta. Plano ko muna sanang umuwi roon para naman gampanan ang tungkulin ko bilang tagapagmana. Gusto kong kumustahin kung ano na ba ang nangyayari sa A-Learning sa nakalipas na isang buwan at kalahati. "Sa Alucard tayo," sabi ako at nabaling sa akin ang tingin ni Hell at kinunutan ako ng noo bilang pagtatakha. Nakalimutan ko na hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang plano ko ngayon dahil maaga siyang natulog kagabi. Kaya siguro natatagalan siya sa pagpili ng isusuot ay dahil ang buong akala niya ay isang formal event na naman ang pupuntahan namin. Kaya nang nakuntento na ako sa light makeup na in-apply ko sa mukha ko ay tumayo na ako para tulungan na si Hell sa pag-iisip ng kanyang isusuot. Pumasok ako sa walk-in closet at naghanap ng shirt and jeans. Lumabas ako at iyon na lang ang inabot ko kay Hell. Wala naman siyang naging reklamo at iyon na lang ang sinuot dahil nakita niya na naka-jeans lang din ako at shirt. May mga damit naman kami sa palasyo at doon na lang kami magpapalit. Nag-ayos lang din sandali si Hell at pwede na kaming umalis ano mang oras. "Let's go?" tanong ni Hell. Ngumiti ako at tumango. Naglakad na kami ni Hell palabas ng kwarto. At tulad ng laging nangyayari mula nang tumira kami rito ni Hell ay hindi ko magawang makasundo ang mga familiar na nagtatrabaho sa mansyon na ito. Ang tanging mga familiar na natatagalan ko ang presensya ay ang mga nagtatrabaho sa bahay nina Fire at Tyco. Kaya nga naging mas madalas pa kami roon kaysa rito sa mansyon. Aalis kami ng umaga, ang balik namin ay hating-gabi na at para lamang matulog. Umuuwi lang kami ng may araw pa sa tuwing gusto kaming makasabay ng Alpha sa pagkain. Hindi ko na pinansin ang mga familiar. Alam ko na ang paninilbihan nila sa aming lahi ay matatagal na at ang iba ay salinlahi na rin kaya as much as possible ay ayokong magkaroon ng problema sa kanila. Pero huwag lang talaga akong makakarinig sa kanila behind my back dahil kayang-kaya ko silang mapatalsik sa mansyon na ito. Nagpa-drive na kami kay Butler Sam. Kung may isang familiar na may pakinabang kami ay wala nang iba kundi si Butler Sam. Para na namin siyang kuya ni Hell kahit pa mas matanda kami sa kanya. Bumaba kami sa tapat ng gate ng Westridge at agad naman kaming pinapasok ng mga guard. Hindi na kami nagsayang pa ng oras ni Hell na maglibot sa kabuuan ng Westridge kahit gaano pa ito nakaka-tempt dahil dumiretso na kami sa Dark Forest. Doon ay magkahawak kamay naming tinakbo ang madilim na kagubatan hanggang sa ilang sandali lang ay nakatapak nang muli ang mga paa namin sa Alucard. Sa tingin pa lang mula rito ay pansin mo na ang labis na katahimikan. Nakakabahala ang kapayapaan ng kaharian namin na sa isang iglap lang ay maaaring mawala ang lahat ng inalagaan ko sa loob ng ilang dekada. Sa paglalakad namin ni Hell papunta sa palasyo ay maraming batang bampira kami na nadaraanan. Ngunit kahit madami ang mga bata na narito ay kapansin-pansin na hindi sila kasing dami ng mga nadaraanan namin noon. At alam ko na dahil ang iba sa kanila ay nasa A-Learning. Kaya nahahati na ang oras ng mga kabataan ngayon. Ngunit balang araw ay ipagpapasalamat nila ang ginagawa kong ito at ang sakripisyo nila. Pumasok na muna kami ni Hell sa palasyo para makapagpalit ng suot namin bago pumunta sa A-Learning. Alam ko kasi na ilang araw din ang ilalagi namin dito ni Hell. Masyadong matagal kaming nawala at kailanga kong bumawi ng oras dito sa Alucard. Ayokong isipin ng mga kalahi ko napapabayaan ko na ang posisyon ko. Nang matapos akong magbihis ay pinasya ko muna na maupo sandali sa kama dahil parang bigla na lamang ako nakaramdam ng pagod. Tiningnan ako ni Hell at napalapit siya sa akin. "What happened?" nag-aalalang tanong niya nang tila ay mabakas sa akin ang pagod. I smile at him at umiling. "Wala, Hell. Napagod lang siguro ako. Can we take a rest first?" tanong ko at naupo si Hell sa tabi ko. "Of course, Heaven. Magpahinga ka na muna. Mula nang pumunta tayo sa mundo ng mga mortal ay hindi ka nagkaroon ng pahinga--physically and emotionally. Kaya siguro dahil naramdaman ng katawan mo na nasa sarili mo na ikaw na palasyo ay saka mo lamang naramdaman ang pagod." Siguro nga ay tama si Hell. Lahat ng pagod ko nitong mga nagdaang linggo ay ngayon ko lang naramdaman. Siguro ay dahil na rin sa alam ng katawan ko na hindi ako dapat makaramdam ng ano mang pagod habang patuloy na naghahanap sa pamilya ko. Ngunit sana ay alam din ng katawan ko na hindi rin dapat ako makaramdam ng ano mang pagod habang inaasikaso ko ang mga bagay na dapat kong asikasuhin dito sa A-Learning. Parehas mahalaga sa akin ang dalawang bagay na pilit kong pinagsasabay. Kung sana ay pwedeng pakiusapan ang katawan ko na saka na lamang siya makaramdam ng pagod kapag na-secure ko na ang future ng Alucard at kapag nahanap ko na ang mga taong nagka-interes sa buto ng pamilya. Kaya lang ay alam ko na imposible iyon. Dahil kahit sabihin na may natatanging kapangyarihan ang lahi ng mga bampira ay nakakaramdam pa rin kami ng pagod. Tulad na lamang ng nararamdaman ko ngayon. Tulad ng hiniling ko kay Hell ay sandali muna akong nagpahinga. He even told me to lie down in my bed para mas makapagpahinga ako nang ayos. Matiyaga naman akong binantayan ni Hell at sinisigurado niya na hindi na titindi pa ang pagod na nararamdaman ko. Hinintay ako ni Hell hanggang sa makabawi ako ng lakas. At ilang sandali pa nga ang lumipas ay naramdaman ko na nga na kaya ko na ang muling magpatuloy sa mga plano namin ni Hell. Maingat niya akong inalalayan hanggang sa makabangon ako sa kama. "Nakapahinga naman na ako, Hell. We should go now," sabi ko nang makatayo ako at nagkaharap kami. Ngunit tulad ng inaasahan ko ay hindi kumbinsido si Hell sa sinabi ko. Alam ko na may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata na tumuloy ngayon. Ngunit hindi ako papayag kung sasabihin man ni Hell na saka na namin ito ituloy. "Are sure, Heaven? Marami pa naman tayong oras dito sa Alucard para bumisita sa A-Learning." Hindi nga akp nagkamali sa sasabihin ni Hell. Kaya agad akong umiling at ngumiti. "Ayos lang ako, Hell. Mag-aayos lang ako," sabi ko at humarap na ako sa malaking salamin para ayusin ang aking sarili. Dahil natural na ang kaputlaan sa lahi namin ay hindi ko alam kung namumutla ba ako dahil sa pagod o talagang dahil lang sa natural ito sa amin. Ngunit minsan lang kasi ako maging maputla dahil may dugo pa rin ng mortal ang nananalaytay sa akin. Minsan ay mamula-mula ang balat ko lalo na noong bumalik ako sa mundo ng mga mortal. Siguro kaya ako namumutla ay dahil hindi na ako nasisinagan ng araw ngayon. Kahit halata pa rin kay Hell na hindi siya kumbinsido ay wala na siyang magagawa pa kundi ang samahan ako sa A-Learning dahil alam niya na magpupumilit ako. Dahil na rin sa alam niya na nakakaramdam na ako ng pagod ay mas lalong hindi niya hahayaan na pumunta ako roon nang mag-isa. Muli kaming nagpatuloy ni Hell sa mga nakaplano naming gawin ngayon. At isa na nga roon ang makausap ni Dr. Carreon para kumustahin kung ano na nga ba ang mga nangyayari sa mga pinag-utos ko sa kanya. Sa paglalakad namin palabas ng mansyon ay isang tagasilbi ang lumapit sa akin. At sa mga tingin pa lang niya ay alam ko na may nais siyang sabihin. "Ano ang iyong kailangan?" tanong ko sa matandang tagasilbi. "Nandito na po pala kayo, mahal na prinsesa. Hindi namalayan ang inyong pagdating dahil abala ako sa kusina. Nais niyo ba na kumain na muna?" tanong niya. Kung ang gusto niyang sabihin ay ang kumain na muna kami, wala akong panahon. Marami akong kailangan na asikasuhin at sinasayang niya ang oras ko. Kakain naman kami kung gusto naming kumain at kung magutom man kami. "No. Is that all?" tanong ko. "May nais rin po sana akong sabihin," sabi niya. Napapikit ako nang mariin dahil ayaw pa niyang sabihin nang diretso. Gusto kong pigilan ang inis ko pero sobra yata kung mainis ako ngayon. Isang tapat na tagasilbi ang kaharap ko ngayon kaya ayoko siyang kagalitan pero pakiramdam ko ay sinasayang niya ang oras ko. May gusto pa akong puntahan at ang gusto ko lang ay makarating agad roon. "Ano iyon? Just spill," inip kong sabi. "Nitong mga nagdaang linggo ay halos araw-araw kayong pinupuntahan ng babaylan," sabi niya na nakakuha ng atensyon ko. Nagkatinginan pa kami ni Hell alam ko na iisang babaylan lang ang naglalaro sa mga isip namin ngayon. "Babaylan? Sinong babaylan?" tanong ni Hell upang makumpirma kung sino nga iyon. "Ang babaylan na si Tandang Kresya." Muli kaming nagkatinginan. Alam ko na agad nabakas sa mukha ko ang kaba sa binalita ng matandang tagasilbi. Hindi ko alam kung ano ang kailangan pa niyang sabihin sa akin bukod sa propesiya pero alam ko naman na hindi iyon basta-basta lang lalo pa at sinasadya na niya ako rito sa palasyo nang halos araw-araw. "Wala ba siyang sinasabi kung bakit?" tanong ko pa. "Wala naman, mahal na prinsesa. Ang hinala ko ay kayo mismo ang nais niyang makausap." Hindi ko mapigilan ang muling mapaisip. Sinenyasan ko na ang tagasilbi na umalis na at hinarap ko si Hell. "Alam ko na kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa isip mo, Heaven, so please, magpahinga ka sa kakaisip ng kung anu-ano." Hell looks frustrated dahil na rin siguro sa mga pag-iisip ko. Gusto ko sanang pakinggan si Hell ngunit ang isip ko naman ang may ayaw makinig sa kanya. "Bakit kaya halos araw-arawin ng pinuno ng mga babaylan ang paghahanap sa akin?" bagkus ay tanong ko. Inakbayan na lang ako ni Hell at nagpatuloy kami sa paglalakad palabas ng palasyo. "Huwag mo na munang isipin iyon, Heaven. Malay mo ay nakita niya lang ang mga dapat gawi para mapigilan ang kaguluhan kaya ang gusto niya ay makausap ka agad," sabi ni Hell. Ganoon na nga lang ang iisipin ko sa ngayon hangga't hindi ko pa nakakausap si Tandang Kresya mismo. Pinilit ko na ipanatag ng isip ko dahil gusto ko sanang mag-focus sa pakikipag-usap kay Dr. Carreon dahil gusto kong malaman ang lahat ng problema at kailangan niya. Nang marating nga namin ang A-Learning ay naabutan pa namin ang sadya naming doctor na nagle-lecture sa mga kabataang bampira na may klase ngayon. Halatang hindi niya inaasahan ang pagbisita ko pero agad rin naman siyang pansamantala na nagpaalam sa kanyang mga estudyante upang saglit ay harapin ako. "Mahal na prinsesa. Pasensya na pero hindi ko inasahan ang pagdating ninyo. Kasalukuyan kaming may aralin," sabi niya at tumango ako. Hindi ko naman siya masisisi dahil ilang linggo rin akong hindi nakabisita rito sa Alucard. "I just want to know kung may improvement ba sa kaalaman ng mga bata?" tanong ko at tiningnan ko ang buo niyang klase. "Marami na akong naituro sa kanila, mahal na prinsesa. Halos lahat ng basic knowledge ay naituro ko na rin. May ilang experimetal activities na rin kaming nagawa. So far, so good. Matatalino ang mga kabataang bampira kung ikukumpara sa mga tao kaya hindi ako ganoon nahihirapan na turuan sila. Pero mas nakabuti na makabago na ang mundo ng mga mortal ay malaki ang advantage na maituro ko ang lahat," sabi niya. Nasabi nga sa akin ni Fire na ilan sa mga kailangan niya sa pagtuturo sa mga activity ay nasa mundo ng mga mortal. Kaya nag-assign na rin ako ng isang daywalker na magbibigay ng mga kailangan ni Dr. Carreon para mas mapadali ang kaniyang pagtuturo. "Mabuti naman kung ganoon. Ipagpatuloy mo lang ang lahat ng ating nasimulan." "Opo, mahal na prinsesa. Makakaasa po kayo," sabi niya. Matapos ang ilang minuto pang pakikipag-usap sa doctor na inatasan kong magturo sa buong A-Learning ay nagpaalam na kami ni Hell. Sa ngayon ay wala na akong gaanong problema sa A-Learning dahil malaki naman ang tiwala ko sa nagtuturo. Hindi rin naman siya pipiliin nina Fire at Tyco kung hindi siya katiwa-tiwala. Nagsimula na kami ni Hell na maglakad pabalik naman sa palasyo. Habang naglalakad ay muling pumasok sa isip ko ang sinabi ng tagasilbi na hindi umano ay paghahanap sa akin ng babaylan. Dahil doon ay bigla na lang pumasok sa isip ko na pumunta sa tirahan ng mga babaylan. Ngunit hindi ko naman alam kung paano yayayain si Hell dahil ngayon pa lang ay alam ko nang hindi papayag si Hell. Habang kumukuha ako ng bwelo para sana magsabi kay Hell na puntahan namin at sadyain ang lugar ng mga babaylan ay parehas na aming napahinto sa paglalakad nang matanaw namin kung sino ang nakatayo sa labas ng palasyo. Mas lumakas ang kaba na kanina ko pa nararamdaman. Halatang may hinihintay siya at nakakasiguro ako na ako ang inaabangan niya sa labas. Nilingon ko si Hell at nakatingin lang din siya kay Tandang Kresya. Nang muli kong balingan ng tingin ang matandang babaylan ay saka lamang niya kami namataan. Ngumiti siya sa akin at bahagyang tinaas ang kanyang kamay. Hinawakan naman ni Hell ang kamay ko at sinabay na ako sa kanyang paglalakad. At sa bawat hakbang namin papalapit sa matanda ay mas lalo pang nadaragdagan ang kaba at takot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD