Chapter 13

2588 Words
Chapter 13 Heaven's POV Tulad nga ng sinabi ng matandang tagasilbi kanina ay narinig ko na dumating na nga ang truck na sakay ang mga kagamitan na ipapalit sa mga nasira nang dahil sa pagwawala ng Alpha. Sabay kaming tumayo ni Hell para sundan ang mga tagasilbi na magbababa at mag-aayos ng mga gamit. Dahil nga sa sinusundan lang namin sila ay hindi na kami nahirapan pa ni Hell na hanapin ang labas ng bahay. At pagtapak pa lamang namin sa labas ay nakita nga namin ang delivery truck at isa-isang binababa ang mamahaling gamit. Nandoon din si Guia na siya namang nabibigay ng instruction sa mga familiar. "Please be careful," aniya. I can't help but scoff because of the sweetness of her tone. "So this is the she speaks with other, huh?" bulong ko. It is really far from the way she talks to me. "Aw, my princess. Don't be jealous." Napangiwi ako dahil sa naging biro ni Hell. Hindi nakakatawa ang biro niya na nagseselos ako sa mga familiar dahil mas maayos ang pakikitungo niya sa iyon kaysa sa akin. There's no way in this world I would crave for her nice treatment. But what do you expect? Alam na alam ni Hell kung ano ang mag ikakainis ko kaya iyon ang lagi niyang ginagawa at sinasabi sa akin sa tuwing gusto niya at nasa mood siya na inisin ako. "Tumigil ka na, Hell," sabi ko at nagkibit balikat naman siya ngunit halata pa rin na nagpipigil ng tawa. "Mahal na prinsesa," nakangiting bati ni Guia nang mabaling naman sa akin ang kanyang paningin. At hindi ko naiwasan ang mapakunot ng noo nang abot tainga ang ginawa niyang pagngiti nang makita ako. Her eyes even shine in happiness. But of course I know she is Guia, kaya hindi nakaligtas sa akin na peke lamang ang mga iyon. At napataas na lang ang kilay ko nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. She even spreads her both arms but I just cross mine over my chest. Ngunit kinilabutan ako nang ma-realize ko ang mga sunod niyang gagawin. And the next thing I know, she kisses me cheeks to cheeks at nagawa pa niya ako na yakapain. Hindi ko aam kung saan niya nakuha ang idea na iyon pero halos masuka ako. This is the very first time na nagkalapit kaming dalawa nang ganoon. At hindi siya maganda sa pakiramdam. Nang bumitiw si Guia mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin ay nanatili ang aking pagkakahalukipkip. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nakaramdam ako ng sobrang inis dahil sa mga ngiti niya na alam ko naman kung gaano kapeke. Sinadya ko rin talaga na ipakita sa kanya ang pagtataas ko ng kilay. "What do you need?" tanong ko dahil wala akong plano na makipagplastikan sa kanya. Kung ginagawa niya ito dahil lang may ibang mga tao ang maaaring makakita at makarinig sa amin ay ibahin niya ako. Kaya ko siyang supalpalin kahit marami pang makakakita sa amin. "Naitawag kasi sa akin ng Alpha ang tungkol sa mga nasirang gamit sa mansyon kaya ito, nagpa-deliver agad ako," sabi niya at tinuro pa ang mga gamit na kasalukuyan pa ring binababa ng truck. "Well, obviously." I smirk pero ngumiti lang naman siya at hindi pinansin ang sarcasm ko. Hindi ko alam kung paano niya natatagalan ang pakikipagplastikan sa akin ngunit na-realize ko na sanay na sanay na siya sa ganitong gawain. Maging ang mga taong nakapaligid sa kanya ay hindi totoo ang pinapakita niya. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya iyon kailangan na gawin. Makapangyarihan siya--both Alucard and here in mortal world kaya I don't think na kakailanganin niya ang sino man para mabuhay. Pero kung ano man ang dahilan niya ay wala na akong panahon pa para alamin iyon. That's least of my concern. Marami pa akong mas makabuluhanng bagay na kaillangan kong pagtuunan ng pansin. Tatalikuran ko na sana si Guia dahil hindi ko kayang tagalan ang presensya niya pero pinigilan niya ako mismo. Napapikit ako nang mariin bago ko siya muling hinarap. I jerk her grip on my hand ngunit hindi pa rin nawawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi. "See you on lunch," sabi pa niya at hindi ako makapaniwala. We will have her on our lunch? Hindi na ako magtatakha kung ang Alpha mismo ang nag-imbita sa kanya dahil wala naman nang iba gagawa nu'n. Imposibleng si Hell dahil kahit gaano niya ako iniinis when it comes to Guia ay hindi naman aabot sa ganito ang kanyang pang-iinis. Kung dito nga siya magla-lunch ay wala na akong magagawa kundi ang sumabay sa kanya dahil nagsabi na rin ako Alpha na sabay kaming magla-lunch. Kung nalaman ko lang sana nang mas maaga na dito planong mag-lunch ni Guia, sana ay nag-isip na lang ako ng palusot. Pero huli na. At ang tangi ko na lang magagawa ay ang sumipot. Hindi rin naman ito ang unnag beses na magkakasabay kami sa hapag. Ngunit kahit na kailan ay hindi ko iyon makakasanayan. "Nakakatuwa naman na makita ang dalawang reyna ng mansyon na ito na magkasundong-magkasundo." Hindi ko tinago ang pagngiwi ko dahil sa sinabi ng matandang tagasilbi na kanina lang ay kausap ni Hell. Tiningnan ko siya nang masama at kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata na tila ba ay aliw na aliw sa amin ni Guia. Ngunit nawala na lamang bigla ang mga ngiti niya nang mapansin ang masama kong tingin sa kanya. Hindi ko gusto ang mga salita na huli niyang binanggit. Muli ay inirapan ko siya. This is the second time na inirapan ko ang matandang ito. She is obviously a pro-Guia kaya huwag siyang umasa na magkakasundo kami. "Let's go, Hell," yaya ko kay Hell at tuluyan ko na silang tinalikuran. Ngunit mayamaya lang ay napahinto ako dahil may nakalimutan pa akong sabihin. Napahinto rin si Hell. Muli kong hinarap sina Guia at ang katabi niyang tagasilbi. "Before I forgot...imposible ang sinasabi mong dalawang reyna. Maaaring asawa siya ng hari pero walang royal blood ang nananalaytay sa kanya. Ako ang nag-iisang babae na may dugong bughaw kaya ako lang ang nag-iisang prinsesa---na magiging reyna." Nakita ko kung paanong unti-unting nawala ang mga ngiti ni Guia na kanina lang ay hindi mabura. It is my time to gave her a smile--a fake smile. Humakbang ako ng isa para mas mapalapit sa matanda. "Uulitin ko...ako lang." I smirk at them at tuluyan na silang tinalikuran. Sinabayan na naman na ako ni Hell sa paglalakad. Hindi siya nagsasalita dahil alam niya na totoo na ang inis na nararamdaman ko. Nanatiling tahimik si Hell hanggang sa makabalik na kami ng kwarto namin. Hindi naman kami nag-usap na sa kwarto kami didiretso pero parehas kami ng nasa isip na dito lang kami dapat pumunta. He surely knows na ayokong mapalapit sa mga tao sa baba. Naupo lang ako sa couch at sa kama naman naupo si Hell. Mas gugustuhin ko pa na mag-stay dito kasama si Hell kahit pa maghapon at magdamag lang kami magtitigan. Kaysa makasama sa baba ang mga tao na kitang-kita ko ang paghanga at pagkagiliw kay Guia. "Narinig ko kanina sa mga familiar na darating din maging Vlad," sabi ni Hell matapos ang ilang minutong katahimikan. At iyan na yata ang pinakamagandang narinig ko ngayong araw. Mabuti naman at naisipan siyang papuntahi ng kanyang ina. Kahit papaano ay nakabawi siya sa pang-iinis na ginawa niya sa akin kanina. Alam ko na makakarating sa iba pang familiar ang ginawa ko sa kanilang star ng mansyon na si Guia pero wala akong pakialam. Wala akong pakialam kahit pa ayawan man nila ako bilang kanilang prinsesa. Mga familiar lamang sila at wala silang boses sa mundo ng mga bamipira. Kailangan nilang tanggapin na ako ang kanilang prinsesa sa ayaw man nila o sa gusto. Naghintay kami ni Hell ng oras hanggang sa makarinig na kami ng katok sa pinto ng kwarto upang sabihin na nakahanda na ang tanghalian. Sabay na kaming tumayo ni Hell at naglakad papunta sa pintuan. Sa pagbukas ng pinto ay nakita ko na isang babaeng tagasilbi ang sumundo sa amin. She is a middle-aged woman. "Pinapatawag na po kayo ng Alpha," sabi niya at taas noo ko siyang tinanguan. Nauna siyang maglakad para susundan na lamang namin siya. Kahit papaano naman ay kabisado na namin ni Hell ang daan papunta sa kusina. Pero mas minabuti na rin namin ang sumunod sa kanya para hindi na kami nangangapa pa. Nang marating na namin ang dining area ay naabutan ko na nasa upuan ko si Guia. Nasa dulo ng upuan ang Alpha, sa kanan niya ay si Master Racul at kattabi naman niya si Vlad. Nasa kaliwang side naman ng Alpha si Guia--which is actually my place. Sa Alucard ay kami ng aking ama ang magkaharap. "I told you, mama, sasabay sa atin ang prinsesa," sabi ni Vlad kay Guia at agad siyang lumipat ng upuan para sa tabi ni Master Racul mauupo ang kanyang ina. "You should have informed me na inakala niya na hindi ako sasabay," sabi ko. Like the usual, ngumiti lang si Guia at tumayo na para lumipat sa kung saan kanina nakaupo si Vlad. "I'm really sorry, mahal na prinsesa," sabi lang ni Guia at naupo na. Hindi niya ako madadaan sa sorry niya dahil alam ko na naman na sinadya niya talaga na roon umupo para inisin ako. Ngunit nanatili akong nakatayo. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko naisipan na maupo na. Pinaghila ako ng upuan ni Hell. Gusto ko sanang mag-walk out agad nang makita ko na sa pwesto ko nakaupo si Guia pero inisip ko na lang ang sasabihin nina Alpha at Master Racul. Nag-expect sila na makakasama ako sa tanghaliang ito at ayoko naman na biguin sila dahil lang kay Guia. She's not worth it para gawin ko iyon sa aking pamilya. Nang makaupo na rin si Hell ay saka lang kami nagsimulang kumain. Sa buong oras na nasa hapag kaming lahat ay hindi ako nagsalita. Ganoon din si Hell na walang naging imik. Sina Guia, Alpha at Master Racul lang ang tanging mga nagsasalita na walang ibang pinag-usapan kundi ang negosyo nila rito. Kung minsan ay nakakasingit si Vlad. At natutuwa ako dahil talagang nakikit ko na interesado siya ganoong bagay. Hanggang sa matapos ang tanghalian ay hindi ako nagsalita. Agad naman akong nagpaalam sa kanila na may mga bagay lang kaming lalakarin ni Hell. Kahit pa sa totoo lang ay wala naman kaming plano ngayon. Tulad ng pinag-utos ng Alpha kahapon ay kasama namin sa pag-alis si Butler Sam. Mas mabuti na rin na siya ang kasama namin kaysa si Guia. "Saan po tayo, mahal na prinsesa?" tanong ni Butler Sam habang marahang nagda-drive palabas ng gate ng mansyon at saglit akong nag-isip. Hindi naman pwede na wala akong sabihing lugar dahil baka makarating sa Alpha na kung saan-saan lang kami nagpa-drive kay Butler Sam. Sinabi ko pa naman na importante ang lalakarin ko. "Sa opisina ng namamahala sa semnteryo tayo," sabi ko at napalingon agad sa akin si Hell. Ngunit kahit nabigla siya sa naging plano ko ay hindi naman ako nakarinig ng ano mang pagtutol mula sa kanya para sabihin na huwag na kaming tumuloy. Alam ko na wala rin siyang maisip na ibang lugar na maaari naming puntahan kaya pumayag na rin siya. "What's your plan?" tanong niya sa akin. "Siguro naman ay may footage ang sementeryo kahit papaano?" sabi ko. Hindi ko alam kung naipagtanong na ba iyon nina Fire ngunit para makasiguro ay mas mabuti na ako na ang mismong sasadya sa opisina at tingnan sa mga CCTV footage ang lahat ng nangyari. Sana lang ay hindi pa iyon nasasabotahe. Makabago na ang panahon ngayon kaya nasisiguro ko na hindi mahirap makakuha ng information. Hindi ko napansin ang biyahe at napansin ko na lang na huminto ang sasakyan sa isang gusali. Nang huminto sa pagda-drive si Butler Sam ay agad siyang bumaba ng sasakyan para pagbuksan kami ng pinto ni Hell. Dinala naman niya kami sa loob ng building. Butler Sam informed the receptionist that I'm the grand daughter of Drake Montecillo kaya hindi na kami nahirapan pa na makapasok sa loob at nakaharap agad namin ang kailangan naming makaharap. Nag-request kami sa admin ng sementeryo na kung maaari ay mapanood namin ang ilan sa mga CCTV footage. But the admin told us na baka mahirapan kami dahil wala kaming maibigay na exact time and date ng CCTV na nais naming mapanood. Ilang footages na rin ang na-playback ngunit wala pa rin kaming nakikita ni Hell. Nakaramdam na ako ng pagkainip kaya minabuti ko na itigil na ito. Nagpa-drive na ulit kami pabalik ng mansyon at umaasa ako na sana ay nakaalis na si Guia. At nang makabalik nga kami ng mansyon ay natuwa naman ako dahil natupad ang hiling ko. Ngunit gayon pa man ay sa kwarto pa rin kami dumiretso ni Hell. At hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin ng familiar. Mukhang naikalat na ng matanda ang ginawa kong pagmamaldita kanina. Well, hindi pa nga iyon pagmamaldita dahil may kontrol pa ako nu'n. They should have met me on late 2010's para mas nakilala nila ako. Nang makarating kami ni Hell ay tinapon ko ang sarili ko sa kama. "I hate her! I really, really hate her!" Hindi ko na napigilan pa ang pagmamaktol. Ang tagal kong pinigil ang inis ko at ngayong kami na lang ni Hell ang magkasama ay hindi ko na pinigil ang inis ko. "How I wish I could kill her!" Sa mga huling kong nasabi ay natawa si Hell. "You know you can not do that," sabi pa niya at napairap na lamang ako sa hangin. Talagang hindi ko siya pwedeng patayin na lamang basta-basta dahil mate siya ng aking ama. Kapag pinatay ko siya ay sigurado ako na mamamatay rin si Master Racul. "I know! At iyon nga ang pinakanakakainis sa lahat." Muling natawa si Hell at hindi ko alam kung bakit nagagawa pa niya ako na tawanan. "Hindi mo siya magagawa na patayin dahil lang sa alam mo na mate siya ng ama mo. Hindi mo siya magagawa na patayin dahil hindi ka masamang bampira, Heaven. Alam ko na kahit gaano mo siya hindi kagusto ay hindi mo siya pagtatangkaan dahil kahit papaano ay ina siya ng kapatid mo. At alam mo na masasaktan si Vlad oras na mawala ang kanyang ina," sabi ni Hell. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko agad iyon mare-realize kung hindi pa sasabihin ni Hell. "Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko, Heaven. I know you more than you know yourself." Hindi na ako muli pang nagsalita dahil alam ko na totoo naman ang mga sinabi ni Hell at ilang beses na niya iyong napatunayan. "If it wasn't for my father and for my brother, hindi ako magtitiyaga sa babaeng 'yon. I just hate her! Ugh! God knows how much I hate her!" Hell just gave me a pat on my shoulder. "You can hate, Heaven. It does not make you a bad person." Matagal pang nakinig si Hell sa mga tantrums ko at pakiramdam ko ay naririndi na siya. Pero ganoon pa man ay patuloy niya pa rin akong pinakinggan hanggang sa tuluyan na akong walang masabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD