Chapter 12

2564 Words
Chapter 12 Heaven's POV Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Hell. Agad naman kaming nag-asikaso dahil uuwi pa kami. Pagbaba namin ng kwarto ay sumabay lang kami kina Fire sa almusal ngunit umalis na rin pagkatapos. "Sa mansyon na po ba tayo, prinsesa?" tanong ni Butler Sam nang makasakay na kami ng kotse. Tumango lang ako bilang sagot na nakita naman niya sa rear view mirror kaya agad niyang in-start ang makina ng sasakyan. I kind of feel guilty dahil hindi na kami nakapagsabi kay Butler Sam na hindi kami uuwi ng mansyon. Nawala na rin kasi sa loob namin ni Hell dahil biglaan lang ang naging plano naming iyon. Pero mukha namang may maayos siyang tulog. Kaya sigurado ako na naging komportable rin siya sa pagtulog niya sa sasakyan. O kung sa sasakyan nga siya natulog. Sa tingin ko ay hindi rin naman ako dapat na mag-alala dahil sigurado ako na mas mahihirap na training pa ang napagdaanan nila para maging familiar. Sa tingin ko rin ay sanay naman siya sa ganitong gawain. He is Alpha's personal assistant after all. Sigurado ako na may mga pagkakataon din na nangyayari ito sa tuwing ang Alpha ang sinasamahan niya. Matapos ang ilang sandali pang byahe ay muli ko nang natanaw ang higanteng gate ng mansyon. At nang bumukas iyon ay nakita ko agad ang Alpha na kausap ang mga gwardya. Nakayuko ang mga iyon kaya alam ko na pinapagalitan niya ang kanyang mga familiar. And I wonder kung ano ang naging kasalanan ng mga iyon para pagalitan ng Alpha. Napasulyap ako kay Butler Sam nang mapansin ko na maging siya ay tila ba nabahala. The fear in his eyes is very evident kaya mas gusto ko pang malaman kung bakit. Sa hitsura niya kasi ay para bang alam na niya ang dahilan. Nagkatinginan kami ni Hell at sabay na lang na napakibit balikat dahil parehas kaming clueless sa mga posibleng nangyayari. Nakita ko nang mapasulyap ang Alpha sa sinasakyan namin. He throws his hands dramatically na tila ba dumating ang kanina pa niya hinihintay. At ngayon pa lang unti-unting nagsi-sink in kung bakit siya nandito sa labas at pinapagalitan niya ang mga tao rito sa mansyon. "Hindi ka ba tumawag dito sa mansyon kagabi, Butler Sam?" tanong ni Hell nang ma-realize din kung bakit tila nagkakagulo sila sa labas. "Hindi po, Mr. Levine. Hindi ko po kasi alam na roon kayo magpapalipas ng gabi sa bahay nina Mr. Saavedra. Nakatulog po ako sa paghihintay sa inyo. I'm really sorry," sabi niya habang patuloy sa pagda-drive palapit sa kinaroroonan at napapikit na lang ako nang mariin. Pero hindi rin naman namin siyang dapat sisihin dahil kami naman talaga ang may kasalanan. And I feel guilty dahil mukhang ang mga tao sa mansyon ang sasalo sa galit ng Alpha. "Don't worry. Kami na ang bahala," sabi ko at pilit naman na ngumiti si Butler Sam. Unang gabi pa lamang dito pero gulo na ang dinulot namin sa mga familiar. Nang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng Alpha ay siya na ang nagbukas. Hindi pa man ako nakakababa ay nginitian ko na ang Alpha. At pagtapak pa lang ng mga mata ko sa bato ay humalik na ako sa kanyang pisngi. Yumuko naman si Hell bilang pagbati at paggalang sa Alpha. "Where have you been, Prinsesa Heaven?" tanong ng Alpha. Hindi naman siya galit tulad ng expression niya kanina habang kausap ang mga gwardya ngunit hindi rin maitatago ang naging pag-aalala niya sa mga nakalipas na oras na wala kami sa mansyon "Pasensya na po kayo, Alpha. Hindi na kami nakapagsabi sa mansyon. Pero kina Fire po kami nag-stay overnight," sabi ko at napabuntong hininga siya. Hindi ko naman gusto na pag-alalahanin sila pero nangyari na ang nangyari. "Huwag mo na itong uulitin, mahal na prinsesa. Tinakot mo kaming lahat. Hindi yata namin kakayanin kung muling mawawalang muli ang nag-iisang tagapagmana ng Alucard," sabi niya. Iyon pala ang takot na nakikita ko sa kanyang mga mata. Ang buong akala ng Alpha ay muli akong nawala. Ngunit isang gabi lang naman akong nawala. Ngumiti na lamang ako at niyakap siya. "We're sorry, Alpha. Hindi ko po sinasadya na pag-alalahanin kayo. Hindi na po mauulit," sabi ko at hinaplos naman niya ako sa likuran to tell me it is okay. "Humihingi rin po ako ng tawad, Alpha Drake," sabi ni Hell nang bumitiw ako sa yakap. Tumango naman ang Alpha bilang pagtanggap sa sorry niya. "Hindi po ako nakatawag dito sa mansyon. Patawarin niyo po sana ako," sabi naman ni Butler Sam pero pinaliwanag ni Hell ang lahat sa Alpha dahil ayaw niyang madamay ang mga tao na wala namang kasalanan sa mga nangyari. Inakbayan na lang ako ng Alpha at naglakad na kami papasok ng mansyon. Nakasunod naman sa amin si Hell. "Have you eaten your breakfast?" tanong ng Alpha at tumango ako. "Yes po. Kumain na kami kina Fire bago umalis," sabi ko. "Okay then. Sa lunch na lang tayo magsabay?" sabi niya at tumango akong muli. "Go to your room and take a shower. You stink," biro ng Alpha at napanguso ako. Narinig ko pa ang tawa ni Hell kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napakibit balikat naman siya na tila ba totoo ang sinabi ng Alpha. Buong biyahe kaming magkatabi sa sasakyan tapos hindi man lang niya sinabi na mabaho na ako? "Just kidding, Prinsesa Heaven. But you really need to take a shower. You look kinda mess,"' sabi pa niya at tumango na lang ako. "Butler Sam," tawag niya sa kanyang assistant na nakasunod lang din sa amin. Agad naman itong lumapit sa amin ng Alpha. "Alpha..." aniya na naghihintay ng ipag-uutos at sasabihin ng Alpha. "Tell the familiars to stop searching for the princess." Nagulat ako sa sinabi ng Alpha. Ang ibig sabihin ay nagkaroon ng paghahanap sa akin kahit pa isang gabi pa lang sila na walang balita sa akin? "Opo, Alpha!" "And call Guia, too. Tell her to tell the reapers that the princess is home." Mas lalo ko pang kinabigla nang maging ang mga reapers ay naghahanap din pala sa akin mula pa kagabi? Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto ng saglit kong pagkawala. Ganito sila katakot na muling mawala ang kanilang tagapagmana. Nagpaalam na kami ni Hell sa Alpha at umakyat na sa kwarto namin. Habang naglalakad pa lang kami sa kwarto ay napansin ko na agad ang biglang pananahimik ni Hell kaya alam ko na malalim na naman siyang iniisip. Kaya nang makapasok kami ng kwarto ay agad ko siyang hinarap para makausap. At sa mga tingin ko pa lang sa kanya ay alam na niya agad na napansin ko ang pananahimik niya. Kaya napabuntong hininga siya bilang pagsisimula sa kanyang pagsasalita. "Totoo nga na pinahanap ka ng Alpha sa mga reaper," sabi ni Hell at tumango ako. Parang kanina lang ay pinag-uusapan lang namin iyon at hula lang ang lahat. Ngunit ngayon ay mayroon nang kumpirmasyon. Dahil totoo nga na pinaghahanap kami sa mga reaper ay malaki nga ang chance na isang reaper ang nakita ni Hell kagabi na ang hula niya ay nakatanaw sa amin. "Oo, Hell," sagot ko. "Kung ganoon ay isang reaper nga ang nakita ko kagabi," sambit pa niya at tumango ako. Hell is just stating the obvious kaya hindi ko alam kung may pupuntahan ba ang mga sinasabi niya. "Napapaisip lang ako, Ven..." "Anong mga iniisip mo, Hell?" Bigla akong nag-alala dahil hindi naman mag-iisip ng kung anu-ano si Hell nang walang basehan. Ngayon na napapaisip siya ay alam ko na may saysay ang lahat ng iyon. At gusto kong marinig ang lahat ng thoughts niya. "Kung reaper nga ang nakita ko kagabi, bakit hindi nakarating sa Alpha ang kinaroroonan natin. Bakit umabot ng hanggang umaga ang paghahanap nila? Natigil lamang ang paghahanap sa iyo nang makita ka niya mismo." Bigla rin akong napaisip sa sinabi ni Hell at alam ko na tama siya. Naging mahaba ang gabi para mag-report siya sa Alpha ngunit hindi nakarating sa kanya ang kinaroroonan namin. At hindi ako makaisip ng ano mang dahilan para hindi makapag-report ang reaper na iyon. Kung nakita at nakilala lang sana ni Hell kung sino iyon ay hindi sana kami nag-iisip ng ganito. "Nakakapagtakha na hindi nakarating sa Alpha ang impormasyon na nakuha niya," sabi ko at tumango si Hell. "I was thinking that the reaper that saw might got some trouble kaya hindi siya nakapag-report. Pero hindi, e. Sobrang imposible ang ganoong rason." Pwede rin ang iniisip ni Hell pero tama rin siya na imposible. Ewan ko, hindi ko na rin alam kung ano ang mga dapat naming isipin. Marami kaming nalalaman ni Hell na maaaring mangyari sa hinaharap at sa tingin ko ay iyon dahilan kaya nagiging paranoid kami sa lahat ng bagay. Ngunit sana lang ay wala lang ang mga nakita niya kagabi. Ayoko na pati ito ay dadagdag pa sa mga iniisip ko. Hinaplos ako ni Hell sa buhok dahil nahalata niya yata ang pag-iisip ko. "Maligo ka na, Ven. Shower din ako pagtapos mo," sabi niya at tumango ako. Hinanda ko lang ang mga isusuot ko at pumasok na sa bathroom para maligo at ma-refresh. Umaasa ako na maging ang pag-iisip ko ay ma-refresh din. Nang matapos na kaming parehas ni Hell sa pagligo ay napagpasyahan namin na maglakad-lakad na muna sa loob ng mansyon para ma-familiarize na rin kami rito kahit papaano. Sa ilang minuto pa lang namin na paglilibot ni Hell ay napunta kami sa isang part ng mansyon na magulong-magulo. May mga familiar ang nag-aayos dito. May mga nabasag na chandelier, sira-sirang sofa at mga nabasag na vase. Hindi ko alam kung paano ide-describe kung gaano kagulo ang lugar na ito ngunit para sa akin ay para itong dinaanan ng delubyo. Para na akong nasa ibang lugar dahil malayo ito sa hitsura ng iba pang part ng mansyon. Though ang mga gamit na nabasag at nasira ay halatang mamahalin din. Tiningnan ko si Hell at alam ko na maging siya ay nagtatakha at nagtatanong din sa mga maaaring nangyari sa lugar na ito. Naglibot ako ng tingin at nagbaka sakali na may makitang pamilyar na mukha para may mapagtanungan ngunit wala. Sa laking ng mansyon na ito ay bakit nga ako umasa na makasalubong ang Alpha o maging si Butler Sam man lang. Ngunit dahil curious din si Hell ay mayamaya lang din naglakad siya palapit sa isang matandang tagasilbi na nag-uutos sa mga naglilinis. Agad siyang nag-bow nang makita niya si Hell at nagulat pa nang mamataan din ako. She bows at me either. "Nariyan po pala kayo, mahal na prinsesa," sabi nito na nakaagaw ng pansin ng iba pang tagasilbi kaya mula sa paglilinis ng mga sira at basag na kagamitan ay pumila sila sa harapan ko at sabay-sabay na nag-bow. Hindi ko naman sila pinansin dahil wala naman akong kailangan sa kanila. "Continue what you're doing." Hindi ko naman naitago ang lamig sa tono ko. Pakiramdam ko ay kahit anong gawin ko ay hindi na maiaalis sa boses ko ang lamig dahil naging nature ko na iyon. Sumunod naman ang mga tagasilbi ngunit naiwan sa harapan ni Hell ang matandang familiar dahil nahalata niya yata na nais siyang makausap ng kasama ko. "What happened here?" tanong ni Hell. "Nagwala po ang Alpha nang mapag-alaman na hindi pa umuuwi ng mansyon ang prinsesa," sabi nito at muli akong nabigla. Siguro ay hindi na rin napigilan ng Alpha ang labis na galit kaya maging ang paligid ay nakontrol na rin niya ang mga nangyayari. Tatlo lang kami nina Alpha at Master Racul ang may kakayahan na gumawa ng ganoon. Maging si Vlad ay hindi kaya na ma-control ang kanyang paligid. Ako tuloy ang biglang nanghinayang sa mamahalin at eleganteng gamit na nabasag lang at nasira nang dahil lang sa hindi ko pag-uwi ng isang gabi. Dahil pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa nangyaring ito, gusto ko na ako mismo ang bumili ng mga gamit na maaaring ipalit sa mga nasira pero ang problema lang ay wala akong pera na pwede kong gamitin. Mayroon akong naitatago pero bigay ng Alpha. Ang gusto ko sana ay sarili pera ko ang gagamitin ko. "Ganoon ba? Sige, tapusin niyo na lang 'yan," sabi na lang ni Hell at tumango ang matandang kausap niya. "Opo, Mr. Levine. Naipagbigay alam na rin naman po namin kay Miss Guia ang mga nangyari at nagsabi siya na mamaya lamang ay darating na ang mga kapalit ng mga nasira at nabasag na mga kagamitan." Napataas ang kilay ko sa muling pagbanggit sa pangalan ni Guia. Nagninigning pa ang mga mata ng matanda na tila ba tuwang-tuwa at labis ang pasasalamat sa ginawang iyon ni Guia. "I see..." sabi na lang muli ni Hell. Dahil sa inis ko sa matanda ay hindi ko na napigilan ang irapan siya at basta na lamang talikuran. Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman sa akin si Hell. "You should accept the fact that Guia is the star of this mansion," natatawang biro ni Hell at hinawakan pa ako sa baywang habang patuloy lang ako sa paglalakad. Mabilis niyang nakuha ang dahilan ng pagkainis ko sa matanda. "Whatever. The hell do I care," sabi ko na lang at sa patio kami dinala ng mga paa. Mula rito ay tanaw ang garden maze ngunit wala ako sa mood para pumunta roon. Mas gugustuhin ko na lang na dito na muna tumambay sa patio. Naupo ako at naupo naman sa harap ko si Hell. "Plano mo bang sabihin sa Alpha ang lahat ng natuklasan natin kagabi?" tanong ni Hell kaya napaisip din ako. Ngunit ilang sandali lang din ay umiling ako. Sa tingin ko ay hindi na dapat pang malaman ng iba ang tungkol sa reaper na nakahanap sa amin kagabi ngunit hindi pinaalam sa Alpha dahil parehas din naman kami ni Hell na walang kasiguraduhan sa kung ano nga ba ang mayroon at kung ano ang nangyari sa reaper kagabi. "Hindi na siguro, Hell. Dahil wala rin naman tayong maisasagot sa Alpha kung magtanong man siya ng detalye," sabi ko at tumago si Hell bilang pagsang-ayon. Ngumiti rin siya ngunit nahalata ko na isa lamang iyong pilit na ngiti. "What's wrong, Hell?" tanong ko. "I'm really sorry, Heaven. Kung nakita ko lang sana nang malinaw kung sino ang bampirang iyon ay hindi na sana tayo nag-iisip ng ganito. Ngunit naging mabilis kasi ang pangyayari. Bukod sa nabigla ako ay mabilis din ang ginawa niyang pag-alis.' Marahan akong natawa dahil sa sinabi ni Hell. "Ano ka ba, Hell? Why sorry? Wala ka namang kasalanan. Ang importante ay nakita mo at naging aware tayo," sabi ko. Hindi ko akalain na maaari niyang sisishin ang kanyang sarili. "Still, I should have recognized who was that reaper." Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Hell na nakapatong sa table. "Huwag mo nang pakaisipin pa iyon, Hell. Tandaan mo na wala kang kasalanan. This will be a secret between you and me. At naniniwala ako na matutuklasan din natin kung sino man ang nilalang na iyon." Ngumiti si Hell at tumango. Ayokong sisihin niya ang kanyang sarili dahil alam ko rin naman na wala siyang kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD