Chapter 11

2555 Words
Chapter 11 Heaven's POV Hindi ko alam kung ilang sandali na ang lumipas ngunit nang magising ako ay wala si Hell sa tabi ko o kahit saan pang sulok ng guest room. Naalala kong nasa bahay nga pala kami nina Fire at nandito ako sa kwartong ito upang magpahinga. Napasulyap ako sa bintana at nakita ko na may liwanag pa. Bumangon ako at pagsilip ko sa bintana ay nakita ko na papalubog na rin pala ang araw. Napababa ang tingin ko nang mapansin na may mga tao roon. At namataan ko nga roon sina Tyco at Hell na nag-aayos ng lamesa na siguro ay gagamitin namin mamaya. Malawak ang napili nilang pwesto. May swimming pool at garden. Mukhang masarap nga na pwestuhan iyon kung gusto mo na mag-chill lamang. Nag-angat ng tingin si Hell nang mapansin niya na may nakamasid sa kanila. At agad niya akong nginitin nang matanaw niya ako na nakatanaw sa bintana. I raise my right hand to wave at him at nginitian din siya. Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa at pinanood ko lang naman sila. Nang unti-unti nang binabalot ng kulay kahel ang paligid ay saka lang ako muling napatingin sa langit. A hindi ko mapigilan ang mamangha sa isang tanawin na ngayon ko na lang ulit nakita. Kung pwede nga lang magtagal ang ganitong scenery ngayon dahil gusto ko pa ito na titigan nang mas matagal ngunit alam ko naman na ilang minuto ko lang ito maaaring masilayan. Hindi ko rin naman maaaring asahan na magiging ganito ulit kaganda ang sunset bukas. Alam ko na hindii pare-parehas ang takbo ng pagkakataon. Maaaring mapayapa ang lahat ngayon ngunit bukas ay maaaring madami ang mangyari na makakapagbago ng lahat ng takbo. Tulad na lamang ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako dahil kahit pa anong pag-iisip ang gawin ko ay hindi na maiiwasan pa ang mga pwedeng mangyari. Kahit pa nandito ako sa mundo ng mga mortal ay ang buong Alucard pa rin ang nasa isip ko. Ayoko sana na ma-distract mula sa mga bagay na kailangan ko pang gawin dito ngunit sa totoo lang ay hindi ako makakapag-focus sa mga hinahanap ko dahil alam ko na maaaring malagay sa kapahamakan ang mga kalahi ko ano mang oras. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin. Kapag nandito ako ay Alucard ang nasa isip ko. Kapag naman nasa Alucard ako ay ang pamilya ko ang nasa isip. Dahil sa lalim na naman ng mga iniisip ko ay nagulat na lamang ako nang bumukas ang pinto at niluwa ng pintuan si Hell. Hindi ko man lang napansin na wala na pala sila sa baba at umakyat na pala sila. Ngumiti si Hell habang naglalakad palapit sa akin. He pats my head nang magkaharap kami. "Mula sa baba ay kitang-kita ko na malalim na naman ang iyong iniisip. Halika na sa baba. Let's all eat dinner para masimulan na ang plano," yaya niya sa akin at tumango ako. "Give me a second," sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango. "Sure." Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili dahil ayoko rin naman na paghintayin nang matagal si Hell. Kaya matapos lang din ang ilang minuto ay handa na ako at sabay na kaming lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina nina Fire. Malaki rin ang bahay nila ngunit hindi nakakalito tulad ng sa mansyon kaya mabilis naming natukoy ni Hell ang daan. Nang marating nga namin ang kusina ay naabutan na namin silang tatlo na naghahain ng pagkain. Kaya lumapit kami sa kanila upang dapat ay tumulong ngunit hindi ko na nagawa pa ang dumampot man lang ng ano mang gamit dahil pinigilan na agad kami nina Fire. "What the actul fudge?" reklamo ko at natawa si Fire. "You don't have too, Heaven. Maupo na lang kayong dalawa riyan. Bisita namin kayo kaya hayaan niyo nang kami ang kumilos at mag-asikaso sa inyo." Napairap na lamang ako dahil sa mga walang kwentang pinagsasabi ni Fire. "Okay fine, whatever." Wala naman na akong oras para makipagtalo sa kanya kaya sumunod na lamang ako kay Hell at magkatabi na kaming naupo sa hapag. Ilang sandali lang din ay nakahanda na ang pagkain at tahimik naman kaming kumain. Masasarap din ang mga hinanda nila na sa tingin ko ay mga uso ring pagkain sa panahong ito. Nang matapos kami sa pagkain ay dumiretso agad kami sa labas kung saan hinanda nina Hell at Tyco ang mesa. Nilabas din ni Tyco ang dalawang klase ng alak na ayon din sa kanila ay mga bagong labas ng kompanya ng Alpha. "Marami na ang lumalabas na feedbacks mula sa mga nakatikikim ng alak na ito. So far so good naman. May ilang negative feedbacks na sigurado kaming troll accounts at binabayaran lamang ng mga kalaban nating companh para siraan ang bagong labas na alak," sabi ni Tyco at nagkibit balikat lang naman ako. Wala naman kasi akong plano na makinig tungkol sa company. Hindi ko rin naman iyon mapagtutuunan ng pansin. Hindi naman pwede na mamanahin ko na nga ang trono sa Alucard ay mamanahin ko pa rin maging ang mga ari-arian ng Alpha sa mundong ito. Sa tingin ko ay kayang-kaya na ni Vlad ang lahat tungkol sa bagay na 'yan. Napansin ko na rin noon pa man na malaki ang potential ni Vlad sa pagma-manage niya sa malaking kompanya ng Alpha dahil noon pa man ay nakita ko na ang interes niya sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pamamalakad roon. Alam ko na isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi tuluyanh maiwan ni Vlad ang mundong ito. Dahil na sa pamamalakad ng isang malaking corporation ang passion niya. Oras na manahin ko na ang trono ay alam ko na malaki ang maitutulong ng kapatid kong iyon upang mas magampanan ko nang mas maayos ang tungkulin ko bilang isang reyna. Alam ko hihingin ko ang tulong niya. Dahil siya pa rin naman ang kinikilalang prinsipe ng Alucard. Ngunit kung nanaisin niya na mag-focus sa buhay niya sa mundong ito ay wala rin naman akong magagawa. Mas gugustuhin ko na sundin at gawin niya ang kung ano mang gusto niya. Ang tangi ko lang magagawa ay ang suportahan siya. Kung ako ay walang pakialam sa kompanya, si Hell naman ay tila ba naging interesado sa mga kwento ni Tyco. "Madalas kami sa mansyon, Prinsesa Heaven. Sana ay magpang-abot tayo roon," sabi ni Burn at inabutan ako ng isang baso. She slides the bottle of brandy over the table at sinalo ko naman iyon. Saka ako nagsalin sa baso ko. "Tantiyahin mong mabuti ang iinumin mo, Ven. Huwag kang iinom kung hindi mo na kaya." Hindi pa man ako nakakatungga sa baso ko ay nagsalita ng ganoon si Hell. Fire scoffs at his twin brother's words. "Why on Earth, Hell? As if someone might harm her," reklamo ni Fire at masama siyang tiningnan ni Hell. "I just don't want her to get drunk," Hell protested. Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang magkapatid. They still fight the way they fight before. "And why not? You guys can sleep here over!" Napailing na lang ako habang nakikinig sa patuloy pa rin nilang sagutan. "Will you guys shut up?" Saka lamang sila nanahimik nang magsalita na ako. Kung kanina ay natatawa pa ako sa isip ko dahil sa babaw ng pinagtatalunan nila. Pero ngayon na parang wala na silang planong tumigil ay naririndi na ako. "You said you want to chill but look what you guys are doing? Sa tingin niyo ba ay makakapag-chill tayo sa pagtatalo ninyo?" Fire acts like she zipped her mouth. Hinawakan naman ni Hell ang kamay ko. "Okay, I'm sorry," sabi niya at inirapan ko siya. Inilapit naman niya sa akin ang kanyang upuan. He scoops my waist at hindi naman na ako nagreklamo pa. Pinalagpas ko na lang ang pagtatalo nila. Lumipat kami sa panibagong topic. Marami rin kaming napag-usapan hanggang sa napagpasyahan na namin ang tapusin na ang kasiyahan. "Are you happy?" tanong ni Hell nang makaupo ako sa kama habang siya naman ay inaayos ang kurtina ng bintana na hindi ko pala naayos kanina. Hindi man halata sa akin pero talagang masaya ako ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit hirap ako na maipakita iyon. "Oo naman, Hell. Ikaw ba?" ganting tanong ko. Naghubad ako ng sapatos dahil dito na namin planong matulog. Hindi naman kami parehas na lasing pero ayoko munang bumalik sa mansyon. It feels so empty there. Nagtakha ako nang ilang sandali na rin mula nang tanungin ko si Hell kung tulad ko ba ay masaya rin siya ngunit wala akong nakuha na sagot mula sa kanya. Kaya nilingon ko siya at nanatili siya sa bintana. Ngunit kung kanina ay inaayos niya iyon, ngayon ay bahagya iyong nakabukas na tila ba ay may tinatanaw siya. "Hell?" muli kong tawag sa kanya ngunit hindi na naman niya ako sinagot. Hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan lang ba siya or what pero hindi na ako natutuwa. Kaya tumayo na ako upang lapitan siya. Hinawakan ko si Hell sa balikat at naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagulat kaya napalingon pa siya sa akin. "What's wrong?" tanong ko nang mahalata ko sa kanyang mga mata na may hindi siya sinasabi. Instead of answering my question ay binalik lang ni Hell sa labas ang kanyang mga tingin. Kaya sinundan ko ng tingin ang kung ano mang tinitingnan niya ngunit wala naman akong nakita kundi ang isang madilim na bakanteng lote rito sa subdivision nina Fire. "Hell?" I called him for the nth time at sa pagkakataong ito ay saka niya lang ako nilingon. He smiles at me like nothing happened. "Magpahinga na tayo," sabi niya at tatalikuran na sana niya ako para pumunta sa kama ngunit pinigilan ko siya sa braso. "Anong problema, Hell?" tanong kong muli sa kanya pero nanatili lang ang kanyang mga ngiti sa labi. Umiling siya at inakbayan ako. "May nakita ka ba?" tanong ko kay Hell. Saka lang nawala ang mga ngiti niya at umayos siya ng tayo. Alam ko na nag-aalangan pa rin siya na sabihin sa akin ngunit nakakasiguro ako magsasalita na siya. Alam niya rin kasi na hindi siya makakapaglihim sa akin. Sa tagal ng pagsasama namin ni Hell ay kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Wala na siyang maililihim pa sa akin at ganoon din ako sa kanya. Kaya kahit hindi pa man siya nagsasalita ay alam ko na may iniisip siya. At ang gusto ko lang malaman ay kung ano iyon. Mula kasi nang mapatulala siya sa bintana ay parang hindi na siya mapakali. Kaya alam ko na may nakita siya roon dahil na rin sa mga titig niya sa kawalan kung saan siya maaari na may nakita. "May napansin lang ako na tila may nakamasid rito," sabi ni Hell. Bagaman at may hinala na ako na maaaring ganoon nga ang nakita niya ay nabigla pa rin ako. Muli kong hinawi ang kurtina upang tingnan ang madilim na kapaligiran ngunit wala naman na akong nakita. Muling inayos ni Hell ang kurtina kahit pa alam niya na may tinitingnan pa ako. He does not want me to look for it more kaya nilingo ko siya. "What?" tanong ko. Kung may napansin na pala siya, dapat ngayon pa lang ay hanapin na namin. Hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang mga nakita niya. Alam niya na sobrang nag-iingat kami sa panahon ngayon. "Baka namalikmata lang ako," sabi niya at natawa ako. "Nakikita ko ang pangamba sa mga mata mo tapos sasabihin mo na baka namalikmata ka lang? Alam ko na alam mo na sigurado ka sa mga nakita mo. Hindi ka maaapektuhan ng ganyan kung naniniwala ka na namalikmata ka lang," sabi ko at bumuntong hininga si Hell. Muli niya akong inakbayan at inaya na papunta sa kama. Magkatabi kaming naupo sa kama at hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry, Heaven. Pero naisip ko lang naman na huwag nang sabihin sa iyo ang mga nakita ko dahil ayoko nang dumagdag pa sa pag-aalala mo ang mga nakita ko na wala namang kasiguraduhan," sabi niya. Pinatong ko ang isa ko pang kamay sa mga kamay namin na magkahawak na. "You have to tell me evverything, Hell. We are team here. Hindi pwede na ikaw lang ang may inaalala. Now tell me excatly what you just saw?" muli kong tanong at umaasa na sa pagkakataong ito ay magsasalita na si Hell. Alam ko naman na ako lang din talaga ang inaalala ni Hell kung bakit niya naisip na maglihim sa akin pero hindi ako papayag na si Hell lang ang pumasan ng mga pag-aalalang ito. "Okay, Heaven. I will tell you everything. But first, gusto kong malaman mo na sigurado ako sa nakita ko." Tumango ako. Tama nga ako na alam niya sa sarili niya na hindi lang siya namamalikmata kanina. "I know, Hell. Makikinig ako," sabi kong muli at tumango siya. "Sobrang imposible na makita ang isang mortal sa ganoong kadilim na lugar," sabi ni Hell at tama siya. Walang kailaw-ilaw sa bakanteng lote na iyon. Kaya kung pupunta ka roon ay talagang mangangapa ka sa dilim. Kung nasa malayo ka naman ay hindi ka rin matatanaw dahil hindi ka makakagawa ng ano mang anino dahill walang source of life. "Ngunit paano mo siya nakita?" tanong ko pa. "Dahil sa namumula niyang mga mata." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Napatitig pa ako kay Hell dahil hindi agad ako nakakuha ng ano mang reaction sa inamin niya. Kung namumula ang mga mata ng natanaw ni Hell ay nasisiguro ko na isa iyong bampira. At sino namang bampira ang maglalakas loob na magmatiyag sa amin--sa akin? "May idea ka ba sa kung sino iyon?" tanong ko kay Hell ngunit umiling siya. Maging ako man ay wala rin akong idea. Ngunit isa lang ang nasisiguro ko, iyon ay ang alam ko na iisipin ko ang lahat ng ito sa bawat oras at bawat minuto ng pananatili namin dito. The biggest question I have right now is not who would that be? But how and why would they dare. Masyadong malakas ang loob ng bampirang iyon para panoorin ang mga kilos namin. "Wala rin akong idea, Heaven. But for us not to worry about them that much, isipin na lang natin na maaaring isa lang siyang reaper na pinadala ng Alpha to check on us dahil nabalitaan niya na hindi tayo umuwi ng mansyon ngayon." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Hell. Hindi nu'n maaalis nnag tuluyan ang pag-aalala na nararamdaman ko ngunit kahit papaano ay nabawasan naman. Bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na 'yon. Masyado na kasi akong pinapangunahan ng takot kaya lagi at puro kapahamakan na lang ang tanging nasa isip. "Huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano, Heaven. Sayang naman ang chill night na ito kung sa isang iglap lang ay mapupuno ka na naman ng pag-aalala," sabi pa niya at tumango ako. "Magpahinga na tayo." Banayad akong hinalikan ni Hell sa aking noo at naghanda na kami sa aming pagtulog. Nahihilo na rin ako sa pinaghalong kalasingan at antok. "Good night, Hell," sabi ko sa kanya at nahiga na kami sa kama. "Good night, Heaven."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD