Chapter 10

2078 Words
Chapter 10 Heaven's POV Wala na akong iba pang naramdaman kundi galit. Hell looks at me when he hears me grunt. Hindi ko na napigilan. Kahit anong pagpipigil ang gawin ko ay hindi ko na kontrolado ang sarili ko. In-expect ko kay Hell na pakakalmahin niya ako ngunit hindi niya ginawa. Binalik niya lang ng kanyang tingin sa mga sirang puntod sa aming harapan. At alam ko nang wala talaga siyang balak na pakalmahin ako. He expected me to react this way. At siguro ay mas gusto niya na mailabas ko ang galit na pinipigilan ko mula nang malaman ko nangyaring ito. At nagpapasalamat ako na hindi ako pinipigilan ni Hell dahil talagang kailangan kong mailabas ang galit ko ngayon. Natatakot ako na kung maiipon ko ito ay mas lalo nang mahirap na makontrol ang sarili ko. Dahil na rin sa labis na galit na nararamdaman ko ay hindi na ako nagulat nang bigla na namang magbago ang kapaligiran. Ngunit sa pagkakataon na ito ay mas malakas na hangin ang umihip. Sa pagkakataon kasi na ito ay hindi ko na pinipigilan. Dumilim ang paligid at nagsimula nang mabulabog ang mga ipon na ngayon ay mga nagkakagulo nang magliparan sa ere. Nakita ko rin ang pagkabigla sa mukha ni Butler Sam nang mapansin ang nangyayari sa kanyang paligid. At mas nabigla siya nang mabaling sa akin ang kanyang mga tingin. My fangs are exposed. My eyes are burning red. At hindi maitatanggi ang takot sa kanyang mga mata. He should be. Dahil sa totoo lang ay kaya kong pumatay nang mortal ngayon. Kung malalaman ko ngayon kung sino ang may pakana ng lahat ng ito ay hindi ako magdadalawang isip na kitilan siya ng buhay. Alam ko na batas ang mga bampira na bawal na kaming pumatay ng mga mortal. I even almost got punished dahil sa paglabag ko sa batas na iyon. Hindi lamang ako naparusahan dahil ako ang prinsesa. Hindi ko alam kung ganoon pa rin ang magiging hatol sa akin ngunit kahit ano pa man iyon ay isa lang ang nasisigur ko, at iyon ay papataying ko ang mga lumapastangan sa pamilya ko kahit pa ano ang maging kapalit at ano man ang kabayaran. Dinampot ko ang lapida ni mama na napahiwalay sa mga lapida nina kuya, Papa Ismael at Trista dahil na nakakalat lang ang sa kanya. Mukhang hindi pa rin ito naaasikaso dahil hindi man lang nagawa na tabunan na muna ang mga hinukay nilang libingan. Hindi ko alam kung dapat ko bang papanagutin ang sementeryo dahilsa kapabayaan nila. Ngunit iniisip ko rin ang malaking posibilidad na baka hindi mga ordinaryong tao ang may gawa ng mga ito. Dahil sa dinami-rami ng puntod na nandito sa sementeryong ito ay ang mga puntod pa talaga ng pamilya ko ang pinagdiskitahan nila na matagal nang nahihimlay. Saka ko na papanagutin ang namamahala sa sementeryong ito oras na malaman kong mga mortal lang ang nagka-interes. Ngunit sana nga ay mga mortal lang ang may kagagawan ng lahat ng ito. Dahil kung hindi sila mortal ay dalawang lahi lang ang maaari nilang kabilangan. They are either a vampire...or a werewolf. At mas hindi ko iyon matatanggap. Mismong mga kalahi ko pa ang gaganito sa akin. Mahirap tanggapin na ginagawa ko ang lahat upang mapanatili ang kanilang katahimikan ngunit gaganituhin lang nila ako. "Ayos lamang ba ang mahal na prinsesa?" tanong ni Butler Sam. Tinaas naman ni Hell ang kanyang kamay upang pigilan siya sa dapat sana ay paglapit niya sa akin. "She is fine." Iyon lang ang sagot ni Hell at hindi naman na nagtangka pang muli si Bitler Sam na lapitan ako. Naramdaman ko ang paghawak ni Hell sa aking balikat. Dahil sa nailabas ko ang aking galit ay kusa nang humupa ang bigat na aking nararamdaman. Unti-unti akong kumalma at sumunod ang kapaligiran. Nang tuluyan nang bumalik sa normal ang paligid ay niyakap ako ni Hell. Hinaplos niya ako sa buhok upang mas lalo pang pagaanin ang aking loob. "Magbabayad sila, Hell..." sambit ko sa kanyang balikat. "Oo, Heaven. Pagbabayarin natin sila." Nakuha ko ang suporta ni Hell dahil alam ko na nararamdaman niya ang galit na nararamdaman ko. At nakampante ako dahil alam ko na may makakatulong ako. Hindi na namin naisip pa ni Hell na magtagal sa sementeryo at nagpasya na kami na umalis na. Because the more I see their grave, the more I wanted an instant revenge. At alam ko naman na hindi ko agad iyon makukuha kaya ako na mismo ang umiwas sa bagay na alam kong mas makakapagpabigat sa nararamdaman ko. Naglakad na kami papalayo sa mga puntod ng pamilya ko. "May gusto ka bang puntahan?" tanong ni Hell nang makabalik na kami sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan ko nga ba gustong pumunta dahil ang alam ko lang ay ayoko munang umuwi sa mansyon. Nilingon ko si Hell at nginitian siya. "Kahit saan, Hell," sagot ko at tipid naman siyang ngumiti. Siya na ang pinagdesisyon ko dahil alam ko na may plano siyang gawin at puntahan namin ngayong araw. "Sa bahay tayo nina Tyco at Fire," sabi ni Hell kay Butler Sam. Nagsimula naman siya agad na mag-drive. Mabuti na lamang din at alam niya ang bahay nina Tyco rito. Parehas kasi kami ni Hell na first lang na makakapunta roon. Alam ko na kaya roon naisipan ni Hell na pumunta ay dahil maging siya ay alam na kalangan ko ng makakasama na maglibang. Kaya ngayon pa lang ay alam ko nang hindi hahayaan ni Hell na sa mansyon lang kami lagi dahil alam niya na mas maiisip ko ang pamilya ko. Ngunit wala rin naman talaga akong plano na magkulong lang sa mansyon dahil hindi ako matatahimik knowing na pagala-gala lang ang mga taong may kasalanan sa akin. I want them dead at hindi iyon mangyayari kung magmumukmok lang ako sa mansyon. Hindi ko rin ugali na magpalamang. Naging mabilis lang ang aming biyahe hanggang sa lumiko si Butler Sam sa isang subdivision na sa tingin ko naman ay hindi ganoon kalayo sa subdivision kung saan kami tumutuloy. Hinawakan ni Hell ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Nginitian ko siya bilang pasasalamat sa lahat ng suporta niya sa akin. Hindi lamang ngayong may pinagdaraanan ako kundi maging sa mga nagdaan na dekada. Pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate at tumambad sa amin ang malaking bahay. Hindi na kami hinarang pa ng guard sa gate nang makita na si Butler Sam ang nagda-drive so I assume na familiar din ang guard na iyon at ang mag-asawang bampira ang pinaglilingkuran niya. Masasabi ko na maganda rin talaga ang buhay ng pamilya nila rito. Habang marahan na umaandar ang sasakyan namin sa pathway ay natanaw namin ang paglabas ni Burn sa pathway. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya habang nakatanaw dito na tila ba ay kinikilala niya ang sasakyan na ito. At nang tila ay makilala niya ay napatalon pa siya sa tuwa at agad na tumakbo pabalik sa loob ng kanilang bahay at nakasisiguro ako na ipapamalita niya ang pagdating namin. Wala naman siyang ibang pagbabalitaan ng pagkakakita niya sa amin kundi ang kanyang mga magulang kaya alam ko na hindi sayang ang pagpunta namin dahil nandyan sila. Napaisip kasi kami kanina ni Hell dahil baka nga wala sila at nasa kani-kanilang trabaho. Mabuti na lamang din at nandito si Fire. Mukha ngang itutuloy niya ang plano niya noon na pagtira dito sa mundo ng mga mortal at pag-aaral sa Westridge. Wala rin naman akong nakikitang dahilan para tanggihan niya ang opportunity rin. Huminto ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay at sakto naman an lumalabas ng bahay silang pamilya. Hindi na kinailangan pa ni Butler Sam na bumaba ng sasakyan dahil si Tyco na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa amin. "What a pleasant surprise," sabi ni Tyco sa amin at sabay silang tatlo na yumuko sa akin. "Gusto lang namin na maglibang," sabi ni Hell. Mukhang wala siyang plano na ikwento sa kanila ang pagpunta namin sa sementeryo at lalo na ang galit na naramdaman ko. Kaya siguro itatago ni Hel iyon ay dahil alam niya na ayokong magmukhang mahina sa paningin ng ibang tao. Mabuti na lang din at iyon nga ang naisipan ni Hell na gawin dahil ayaw ko rin talaga na malaman nila ang mga nangyari kanina dahil ayaw ko rin na mag-alala pa sila sa akin. "Tamang-tama, kumpleto kami ngayon dito. Pumasok na muna tayo sa loob," yaya sa amin ni Fire. Sabay na naglakad sina Hell at Tyco. May ilang mga bagay sila na pinag-uusapan. Sumunod naman kami nina Fire at Burn. Pinaggitnaan pa nila akong mag-ina. Nasanay na lang talaga ako sa presensya nilang dalawa. Kahit naman ipagtabuyan ko sila ay hindi nila ako pakikinggan. Sa dinami-rami ng pwedeng mamana ni Burn sa kanyang ina ay ang kakulitan pa niya. Naaalala ko pa kung gaano ako naiirita noon kay Fire dahil lagi siyang nakadikit sa akin. At nalaman ko na lang na kaya siya ganoon ay dahil alam niya na gusto ako ni Hell. Kaya pinipilit niya na magkalapit kami at nang makilala niya ako. Kaya nang mahalata ko ang kakulitan ni Burn ay hindi na rin ako nagulat pa dahil alam na alam ko na agad kung kanino siya nagmana. Sina Hell at Tyco sa opisina dumiretso dahil may mga bagay raw na ipapakita si Tyco kay Hell. Samantalang kami naman nina Fire at Burn ay kusina dumiretso. At doon ko napag-alaman na nagluluto pala sila ng para sa kanilang tanghalian. Dahil sa biglaan naming pagdating ay kinailangan pa nila na dagdagan ang kanilang niluluto. May isa silang tagasilbi ngunit naglalaba. Dahil hindi ko naman alam kung ano ang pagkain na kanilang hinahanda ay hindi na rin ako nakialam pa. Hinayaan ko na lang na sila ang kumilos. Nagsabi si Fire na tuturuan niya ako na lutuin ang kung ano mang nililuto nila ngayon ngunit tumanggi ako. Pinanood ko na lang ang kanilang ginagawa at nakipagkwentuhan. "Almost done," mayamaya ay sambit ni Fire. "Tatawagin ko na po sina daddy at uncle Hell," paalam ni Burn at naglakad na palabas ng kusina. Ilang minuto lamang ang lumipas ay bumalik na si Burn kasunod nga sina Hell at Tyco. Sabay-sabay kaming lima na kumain ng tanghalian at marami rin napagkukwentuhan. "How about chilling tonight?" sambit ni Tyco. "What do you think?" tanong naman sa akin ni Hell. Mukhang gusto nilang mag-inom mamayang gabi. At para sa akin ay magandang idea iyon. Gusto ko rin talaga na mag-chill. Na kung hindi nagyaya si Tyco ay ako na ang magyayaya. Matagal-tagal na rin mula nang makainuman ko silang mag-asawa. "Hooray for the chill night," excited naman na sabi ni Burn. Akala ko ang pinakamatutuwa pero nang makita ko ang ngiti ni Burn ay siya pala. "That's a good idea," tanging komento ko at mas lalo silang na-excite sa pagpayag ko. Mostly kasi sa ganitong yayaan ay talagang napipilitan lang ako. Kaya ngayon na pumayag agad ako ay natuwa sila. Nginitian ko na lamang sila. "Tamang-tama, may bagong labas na alak ang company ng Alpha. Ngayon ay may makakasama kami na subukan iyon." Sa pagkakaalam ko ay ang mga alak ng company ng Alpha ang pinakasikat na brand sa mundo. At gusto ko rin na masubukan ang bagong alak nila. Natikman ko na ang ibang alak nila dahil nagdadala sina Fire at Tyco para sa amin ni Hell. Maging si Burn ay dinadalhan din kami. Kaya kahit nasa Alucard lang kami ay natikman na namin ang lahat ng alak ng Alpha. At masasabi ko na talagang masasarap ang mga iyon. "It's brandy. Kaya maghanda na kayo." May panghahamon sa tono ni Burn. Nasabi niya na natikman na niya iyon at masarap din daw talaga. Dahil pili lang ang mga alak na dinadala nila ay marami pa akong hindi natitikman. At plano ko na tikman ang karamihan sa mga iyon habang nandito pa kami sa mundo ng mga mortal. Matapos naming kumain ay hinatid na muna kami ni Burn sa guest room kung saan kami pwedeng magpahinga ni Hell. Mamayang gabi pa namin sisimulan ang inuman kaya marami pa kaming oras para makapahinga. "Magpahinga ka na muna," sabi ni Hell at tumango ako. Nahiga na ako dahil napagod ako sa biyahe. Kaya mabuti na rin na makapahinga na muna kami bago mag-inom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD