Kabanata 9

2127 Words
Kabanata 9 Heaven's POV Hindi ko naman maitatanggi na talagang masasarap maging ang mga pagkain na inihahain ngayon sa amin. At base sa tagasilbi na kasama namin ngayon at na nag-asaikaso sa amin ay si Guia rin ang nag-hire sa mga nakatoka rito sa kusina. Personal niyang pinipili ang bawat familliar na naghahangad na makapasok dito sa mansion ng Alpha. Pagdating sa pagiging hands on sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya ay wala naman akong nakikitang mali sa kanya. Talagang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang babae sa pamilya. She has been a caring mother for Vlad and a loving mate with my father. But of course, pagdating sa akin ay iba ang care niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa kanya na mismo nanggaling noon na sa tuwing nakikita niya ako ay naaalala niya ang naging pagtataksil sa kanya ng aking ama. Nabuo ako dahil sa bawal na pagmamahalan ng aking ama at ina. Ngunit hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit hinding-hindi ako matatanggap ni Guia bilang bahagi ng kanilang pamilya. Naalala ko noon na sinabi niya mismo sa harapan ko na ako ang dahilan kung bakit hindi hihirangin na tagapagmana ang kanyang anak na si Vlad. Ako ang panganay. At ang unang anak ng salinlahi ang siyang itinakda. Ngunit hindi naniniwala si Guia sa tuwing sasabihin ko na wala akong pakialam sa trono. Na kung maaari nga lamang na ipasa ko iyon kay Vlad ay gagawin ko ng walang pag-aalinlangan. Kaya ko lang naman iyo tinanggap ay dahil wala naman akong iba pang pagpipilian. Hindi ko maaaring talikuran ang mga responsibilidad ko bilang tagapagmana dahil lang kay Guia. At nagpapasalamat ako dahil naiintindihan ni Vlad ang lahat. Kaya wala na sa akin ang mga sinasabi ni Guia. Her opinion does not matter anyway. She does not like, so am I. Hindi ko naman ugaling ipagsiksikan ang sarili ko at pilitin ang ibang tao na gustuhin ako. I can go on with my life without her so why bother make her likes me? As long as masaya sa kanya ang pamilya ko at malaki ang naitutulong nila niya sa kanila, wala kaming magiging problema. We can be civil since parehas lang naman kami ng kinabibilangan na pamilya. "Kumain ka ng marami, Heaven," sambit ni Hell at pinuno ng iba't ibang uri ng pagkain ang plato ko. Maraming unfamiliar dishes na sa tingin ko ay uso sa panahong ito. Hindi naman na ako nagreklamo pa kahit halos umapaw na ang plato ko. Sa gutom na nararamdaman ko ngayon ay baka kainin ko ang lahat ng ihain sa harapan ko ngayon. Dahil mukha namang masasarap at curious ako sa lasa ng mga pagkain na ngayon ko lang matitikman ay iyon na lamang ang uunahin ko. Hindi ko naman gaano na-miss ang mga pagkain na nakasanayan kong kainin noong mga panahon na dito pa ako nakatira dahil kahit paano ay nakakatikim pa naman ako. May ilang daywalker ang nagdadala sa akin ng mga ganoon dahil alam ng Alpha na hahanapin ko ang mga iyon kaya siya na mismo ang nag-uutos. Isa-isa kong tinikman ang mga putahe na bago sa paningin ko. Ganoon din ang ginawa ni Hell kaya tahimik kaming kumain. "Masarap ang isang ito," sabi ko at tinuro ang isang finger food. Sinubukan iyon ni Hell at kumuha rin. Tumango-tango siya habang patuloy sa pagnguya. "Masarap po talaga iyan, Prinsesa Heaven. Iyan ang best seller sa pastry shop na pagmamay-ari ni Miss Guia. Iyan din ang signature niya dahil siya mismo ang tumukas sa recipe." I roll my eyes mentally. Wala yatang ibang bibig ang mga tao rito kundi si Guia. Obviously, they are so fond of her. I wonder kung ano ba ang treatment sa kanila ni Guia kaya ganito na lamang nila siya kung ipagmalaki. Let me guess, she treats them better than me. But I hope it is for show. Because knowing Guia, she can sometimes have a very terrible attitude. And that is coming from a girl with an attitude? Ironic. Hindi na ako nagtangka pa na muling magbigay ng ano mang komento sa mga bagay-bagay na nakita at na-experience namin dito sa mansyon. Mas mabuti nang sigurado dahil baka kung hindi pa ako titigil sa pagsasalita ay marinig ko lamang muli ang pangalan ni Guia. Kaya tinapos ko na ang hapunan namin ni Hell nang tahimik. I even told the servant to leave us alone. Ngayon na lamang ulit ako makakakain nang walang mgam tagasilbi na nakapaligid. Dahil sa Alucard ay hindi pwedeng walang nakahandang servant na magbibigay ng pangangailangan namin habang kumakain. Kaya ko rin naman na pagsilbihan si Hell ngayon na kaming dalawa lang ang sabay na kumakain. Ngunit ang plano kong pagsisilbi sa kanya ay hindi ko naituloy dahil siya ang nagbibigay ng kailangan ko. Kahit ang pagsasalin ng tubig sa kanyang baso ay hindi ko nagawa. Lahat ng naiiisipan kong gawin para sa kanya ay ginagawa na niya sa akin. Ginagawa na rin niya sa kanyang sarili kaya hindi ko nagagawa pa. Matapos ang hapunan namin ni Hell ay muli na kaming bumalik ni Hell sa kwarto upang doon na magpalipas ng oras hanggang sa kami ay antukin. Tulad kanina nang papunta kami sa dining area ay nahirapan kami na hanapin ang kwarto namin. Mabuti na lamang at muli kaming sinamahan ni Butler Sam at sinundan na lamang namin siya. KINABUKASAN, hindi pa man sumisikat ang araw ay parehas na kaming gising ni Hell. Dahil wala pa naman kaming concrete plan sa kung paano at saan namin sisimulan ang paghahanap sa mga lumapastangan sa libingan ng aking pamilya ay minabuti namin na puntahan na muna ang sementeryo upang makita ko nang personal ang lahat. Hindi ko naman nakitaan ng ano mang pagtutol si Hell at willing naman na samahan ako ano mang oras at sa lahat ng plano ko habang nandito kami sa mundo ng mga mortal. Iyon naman daw ang purpose niya kaya siya nandito, at iyon ay upang may makasama ako. Kahit kasi sabihin na nandito ang Alpha ay mga bagay rin siyang pinagkakaabalahan. At ayoko naman na makihati sa oras niya. Kaya ang tangi ko na lamang hininging tulong sa kanya ang mga koneksyon na mayroon siya na maaaring makatulong sa amin upang mas mapadali ang paghahanap namin. "What time do you want to go?" tanong ni Hell habang hinahawi ang kurtina ng kwarto kaya agad na nadampian ng papasikat pa lamang na araw ang aking balat. So I put my hand over my forehead to block the sunlight from making me dazzle. "Right after breakfast. Only if that would be fine with you," sabi ko dahil ako lang naman itong magpapasama kay Hell at hindi naman ako pwedeng basta na lamang magbigay ng eksaktong oras. "Of course, that would be fine. We have driver naman," he says. I miss driving and so is Hell. Ngunit alam namin na hindi kami makakaalis nang kaming dalawa lang dahil hindi na namin kabisado ang lugar na ito. Iba na ang pasikut-sikot. Hindi tulad noon na kabisado ni Hell kung paano makarating dito. Siguradong hindi kami makakarating sa aming pupuntahan kung ipagpipilitan namin ni Hell na kaming dalawa lang ang aalis. Wala naman sigurong masama kung aaminin namin na kailngan talaga namin ni Hell ng makakasama sa pang-araw-araw namin ngayon. At ang inatas na familiar ng Alpha ay si Butler Sam. Siya na rin ang magda-drive sa amin papunta sa sementeryo. Matapos naming mag-almusal ni Hell ay agad na kaming bumalik sa kwarto. Dahil pakiramdam namin ay late na kami sa aming mga plano ngayong araw ay sabay na kaming naligo. Natagalan kasi kami sa pagkain dahil sa sarap ng mga hinain na pagkain. Ngunit kahit gaano pa kasarap ang pagkain ay hindi ako nagbigay ng ano mang komento tulad ng ginawa ko noon. Nanatili lamang sa aking isip ang lahat ng thoughts na mayroon ako kanina. Pakiramdam ko ay dito kami magge-gain ng weight ni Hell dahil maging siya ay halatang sarap na sarap sa mga pagkain. "Naaalala mo pa ba, Heaven kung saang banyo tayo unang nagkasama?" tanong ni Hell nang patayin niya ang shower kung saan kami parehas na nagbababad. Napakunot ang noo ko sa bigla niyang pagtatanong dahil para bang bigla niya lang naisip kung saan at tinanong niya agad sa akin. Inalala ko kung saan nga ba iyon ngunit hindi ko naman na maalala. Ilang beses na rin kaming nagsasama ni Hell sa iisang banyo at sabay na naliligo. Sa daming beses ay hindi ko na maalala kung alin sa mga iyon ang unang beses. Napangisi naman si Hell nang wala akong maibigay na sagot sa kanya. "Hindi ko na maalala, Hell." Hindi na ako nagsinungaling pa at inamin ko nang hindi ko maalala. Sa ganitong mga bagay ay alam naman namin parehas na siya ay may pinakamatalas na memorya. He has this photographic memory na kahit ipabasa mo sa kanya ang isang pahina ng libro ay agad niyang matatandaan ang halos kabuuan ng nilalaman nu'n. "Sa dorm ninyo ni Fire," sabi niya. And just like a speed of light ay bumalik ang alaalang iyon. Iyon pa 'yung mga panahon na nag-iimbestiga ako sa mga nangyayari sa Westridge. Ang pag-iimbestiga ko sa biglaang pagkawala ni Brent. Hindi ko maiwasan ang matawa nangmay maalala akong eksena nang mga oras na iyon. Tinaasan ako ng kilay ni Hell dahil sa pagtatakha sa kung ano ang tinatawanan ko. "What's funny?" tanong niya. "Wala naman, Hell. Naalala ko lang sa kung paano ka namula nang sinabi ko na maghuhubad ako sa harapan mo." Hindi na lamang basta pagtawa ang ginawa ko dahil napahalakhak na ako. Nakita ko naman ang ginawa niyang pag-irap at muli na lamang binuksan ang shower upang makapagbanlaw na kaming pareho. Nang matapos na kami sa pagligo ay mabilis lang kaming nagbihis at naghanda na sa aming pag-alis. At paglabas pa lamang namin ng pinto ay nakaabang na sa pintuan ng kwarto namin si Butler Sam. Nakaramdam ako ng hiya para sa amin ni Hell dahil pakiramdam ko na kaya dito na niya kami sinundo ay dahil alam niyang naliligaw kami. But then I shudder the thought nang ma-realize ko na wala namang nakakahiya dahil ngayon pa lang naman kami nakapag-stay nang matagal-tagal dito at ngayon ay marami pa kaming oras upang aralin at kabisaduhin ang pasikut-sikot sa napakalawak na mansyon na 'to. Trabaho rin naman nila na paglingkuran kami. When we step out the doorstep ay nakahanda na agad sa tapat ang gagamitin naming sasakyan. Pinagbuksan kami ni Butler Sam ng pinto kaya sumakay na kami ni Hell. Naging tahimik lang ang biyahe namin. Mangilan-ngilan lang ang pagkakataon na nag-uusap kami ni Hell dahil parehas kaming nakatanaw sa bintana ng sasakyan at pinapanood ang mga nadaraanan namin. Para kaming mga bata na nasa isang tour. And I can't wait to tour around. Alam ko na wala kaming oras sa ngayon ngunit oras na mahanap ko ang mga pakay namin dito ay isisingit ko ang pamamasyal dito kahit papaano. Of course, nang kasama ko si Hell. Lagi siyang kasama sa mga plano ko. Hindi ko na alam kung gaano na kaming katagal na bumibiyahe dahil sa pagkaaliw. Hanggang sa mapansin ko na lang na lumiko na ang sasakyan at pumasok na sa isang sementeryo. Maging ang pagtanaw sa mga puntod ay ginawa ko na rin upang hindi na mainip. Kung kailan kasi alam ko nang malapit na kami ay saka pa ako nakaramdam ng pagkainip. Bigla ko na lang nais nang makita ang ginawa nila sa puntod ng pamilya ko. At alam ko na oras na makita ko ito nang personal ay mas titindi ang galit na nararamdaman ko. Hinding-hindi ko sila titigilan. Magsisi man sila ay huli na dahil nagawa na nila. Nababoy na nila ang pamilya. Hanggang sa isang pamilyar na museleyo ang natanaw ko kahit umaandar pa ang sasakyan. Sa sirang gate pa lamang ay alam kong talaga na sila ang sadya ng mga kumuha. Nang huminto na ang sasakyan ay agad akong bumaba ng sasakyan. "Ven!" tawag sa akin ni Hell dahil bilis ng isang bampira ang ginamit ko upang makalapit agad sa puntod ng mga magulang ko. Sinundan naman ako rito ni Hell na ginamit din ang bilis niya upang maabutan agad ako. Nakita ko pa na nagpalinga-linga si Butler Sam nang pagbaba niya ng pinto ay hindi na niya kami matanaw. Nang ibaling niya ang tingin niya rito ay saka niya lang kami nakita. Agad naman siyang naglakad papunta rito. Tiningnan ko isa-isa ang mga puntod ng pamilya ko at naikuyom ko na lamang ang aking kamo nang makita na wala nang laman ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD