CHAPTER TWO
MAYOR VINCENT ARGUELAS
Tila namagnet ang paningin ko sa magandang dilag na aking nakita. Ang mga ngiti niya’y maihahalintulad sa isang matamis na prutas. I've seen a lot of beautiful girls, pero sa kanya lang ako napahanga. Her beautiful, innocent face and genuine smile—lakas makahawa. Hindi ko namamalayang napapangiti na ako habang pinagmamasdan ang CCTV noong araw ng una ko siyang nakita—at ang kanyang pasasalamat noong pinakyaw ko ang kanyang paninda.
I zoom out her photo then , I run my fingers to her face down to her lips in the screen. What a lovely face! I couldn't help my self, I couldn't take away my eyes off her beautiful face.
Simula noong araw na 'yon, hindi ko na makalimutan ang kanyang magandang mukha na palaging naglalaro sa aking isipan. Maging sa aking panaginip, lagi siyang naroon. At those moments, she not only captured my attention—she also captured my heart. I want to see her every single day.
‘Hindi ko alam kung ano ang mayroon ka? Bakit ako nagkaganito sa’yo? But I don't care who are you, and where she from.’
Nagising ang diwa ko nang biglang may kumatok sa pinto. Napaayos ako ng upo at inayos ang suot kong puting polo.
“Come in!” sigaw ko sa kumakatok. Tumambad sa akin si Oliver na may bitbit na brown envelope. Napasandal ako sa swivel chair habang pinaikot-ikot ang sa aking mga daliri ang hawak kong ballpen and looking straight to Oliver that making him uneasy.
"What took you so long? I've been waiting for you to report to my office for two days!" puno ng iritasyon ang aking tinig. Ayaw kong maghintay. Nanghihinayang ako sa bawat na lumipas na hindi ko man lang siya makikilala. Kailangan ko pang ipahanap siya dahil sa araw na ’yon nakita siya. 'Yon din ang huling araw na huli ko siyang nakita. Hindi na siya pumunta ng City Hall.
“S-sorry, Mayor. Medyo nahihirapan lang ako makahanap ng impormasyon sa kanya. Maging si Flor na nagtatrabaho rito sa opisina hindi alam kung siya nakatira,” pangangatwiran ni Oliver.
“So . . . I guess, dala mo na ang inuutos ko, right, Oliver?
Hindi na ako makapaghintay pa na alamin ang pangalan at buhay ng babaeng kinahuhumalingan ko—or to say it right, the girl I love the most. Hindi ko inaasahang magkakagusto ako sa isang babaeng hindi ko lubos na kilala.
Dati, wala sa akin ang salitang pag-ibig. For me, girls were just for fun. At hindi sa nagmamayabang ako, pero dahil sa aking s*x appeal—with my ravishing looks, masculine body, at naghuhumiyaw kong six-pack abs—ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa akin. Ika nga nila, palay na ang lumalapit sa manok, kaya bawal tanggihan ang grasya.
Pero noon 'yon. Hindi na ngayon.
Nakita ko na ang babaeng nararapat para sa akin. Unang kita ko pa lang sa kanya, I felt something I couldn’t explain. May kakaiba akong nararamdaman sa kanya. I want to be with her.
“Y-yes, of course, Mayor. Don't worry, nandito na lahat ng impormasyon na inuutos ninyo,” saad ni Oliver, sabay abot ng bitbit niyang brown envelope.
I smiled playfully, maaasahan ko talaga itong si Oliver.
“M-mabuti may napagtanungan ako sa kanya. A Kaya pala hindi nagtitinda roon sa City hall dahil lumipat sila nang inuupahang bahay.”
“Good job , Oliver.” inabot ko sa kanya ang puting sobre na naglalaman ng pera.
“Here, pabunos ko sa ’yo. You can leave now,”
“Maraming salamat, Mayor Vincent. Idol talaga kita,” malapad ang ngiting kinuha nito ang pera sa aking at pagkatapos nagmamadali nang umalis. Pagkalabas ng pinto ni Oliver, saka ko pa lang kinuha ang laman ng brown envelope. Una kong binasa tungkol sa kanya.
’Lindsay Fuentabella, labing-walong taong gulang. Panganay na anak ng mag-asawang Linda at Mario Fuentabella.’
“Lindsay. Lindsay... What a nice name?” Napapangiti ako sa isiping bumagay ang kanyang pangalan sa kanyang magandang mukha.
"From now on, you're going to be mine, Lindsay,” I whispered, kissing her photo gently as if she could feel it.
Pero bago ko pa nakalimutan. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang isa sa mga HR staff sa kompanya. Not to mention, aside being a Mayor, I run my own company. "I'm also one of the owners of VAMC—Vincent Arguellas Medical Center."
“Hello, Lucy. I want you to hire Mr. Mario Fuentabella in our company,” diretso kong utos.
“P-pardon, Mayor Arguelas. Sino po si Mario Fuentabella? As far as I remember, we don't have an applicants with that the said name. And besides, hindi na tayo nangha-hire ngayon. Sakto na po tayo ng man power, ” biglang uminit ang aking ulo sa narinig.
“At sino ka para kontrahin ang sinasabi ko? GI suggest you must know your place! At gawin mo lahat ng mga inuutos ko sa ’yo kung ayaw mong masisanti!” I shouted.
“P-patawad po, Mayor Vincent. Yes, po.
gagawin ko,”
Even if Lucy was out of my sight, I know that she is frightened.
“That's good, Lucy . Ipapasa ko na lamang sa iyo ang iba pang impormasyon tungkol sa kanya.” Kaagad kong pinatay ang tawag.
Nagtatrabaho ang ama niya bilang construction worker—kakaunti lang ang kita, kulang pa sa kanilang pamilya. Mas makakabuti kung sa aking kompanya siya magtrabaho. Mas maraming benepisyo. I wanted to help her family. Kaya kong ibigay ang lahat para lang maging masaya si Lindsay ko.
Muli akong nag-dial ng numero sa aking cellphone. Tinawagan ko si Oliver.
“Mayor Arguelas, may kailangan ka pa ba?”
“May ipapagawa ulit ako sa ’yo. I want you to contact Mr. Deogracia for the scholarship of Ms. Lindsay Fuentabella. And take note—hindi puwedeng malaman nila na ako ang nasa likod ng lahat ng ito. Lalong-lalo na ang mga Fuentabella. Understand?”
“Yes po, Mayor. Don’t worry. I’ll take care of everything,” paninigurado niya.
I want her life to become easy. Gusto kong hindi na siya mahirapan pa.
Deep sigh.
Hindi ko inaasahang ang simpleng paghanga ko sa kanya ay mauuwi sa matinding pagmamahal—and it turns into obsession. To think na umabot na ako sa puntong pinasusundan ko na lahat ng kilos niya, kung saan man siya magpunta. Maaring nahihibang na nga ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
I love her so much. At hindi ko hahayaan na kahit sinong kalalakihan ang umaaligid sa kanya.
Nais kong mapalapit sa kanya, at mahawakan man lang siya. Muli kong kinuha ang mga larawang nasa loob ng envelope. Stolen pictures ito ng aking Lindsay—iba’t ibang anggulo, kuhang-kuha ang ganda niya. Napangiti ako habang tinititigan ang bawat larawan niya. Mas lalo siyang gumaganda habang pinagmamasdan ko siya.
I wish I could hug and kiss her...
Ngunit natatakot akong baka gamitin lang siya ng mga kalaban namin sa politika—lalo na ng may maitim na budhi na si Mauricio Saavedra, ang alam kong pinakatuso sa lahat.
Alam kong marami ang naghahanap sa akin ng butas. Alam kong bukod sa mga Saavedra, may isa pang malaking hadlang sa hangarin ko kay Lindsay—walang iba kundi ang aking ama, si Venancio Arguelas. Ngunit hindi ako papayag na maging sa buhay pag-ibig ko ay pakialaman niya ako. No way. Not this time.
Tama na ang minsang naging sunud-sunuran ako sa kanya.
Ginawa ko ang lahat para mapasaya ko lang ang aking ama. Twenty years old pa lang ako nang pasukin ko ang mundo ng politika. Una, bilang SK Chairman, habang Mayor pa noon ang aking ama. Hanggang sa tumakbo siyang Governor, at ako ang ipinalit niya sa puwesto niya bilang Mayor. Sabi nga nila, nasa dugo na namin ang paglilingkod.
And look at me now—isa akong tinitingala sa lipunan. Binansagan at ginawaran ng iba't ibang parangal bilang “Youngest and Fearless Mayor.” Dahil para sa akin, ang batas ay batas. Wala akong pakialam kung sino ang aking binabangga. Para sa akin, dapat lamang parusahan ang dapat parusahan. Managot ang dapat managot.
Pero...
Kaya kong baliin ang batas—ang batas na ako mismo ang gumawa—para lang sa babaeng pinakamamahal ko.
“You’re going to be mine, my Lindsay,” nakangiti kong saad ko.