LINDSAY
“Mama, aalis na po ako!” Nagmamadali akong nagpaalam sa aking ina.
“Sige, anak. Mag-iingat ka,” tugon ni Mama.
Halos madapa na ako sa pagmamadali. Baka ma-late na ako sa first subject ko! Ang traffic sa lugar namin ay parang karera ng pagong, tapos tinanghali pa ako ng gising dahil sa project na tinapos ko kagabi. Traydor pa ang cellphone ko—hindi tumunog ang alarm!
Habang naglalakad palabas ng gate, napahinto ako saglit nang sumigaw si Mama mula sa loob.
“Anak! Sandali lang!”
“Po?” Balik ako sa loob, may kaba. “Bakit po?”
“Tumawag 'yung agency! Pinasok na daw si Papa bilang regular employee sa kompanya! At may health benefits na rin daw kayo pati si Bunso!” Halos maluha-luha si Mama sa tuwa.
“Talaga po, Ma?” Napatalon ako sa saya. “Thank you, Lord!” Tuwang-tuwa akong niyakap si Mama.
“At hindi lang 'yon…” dagdag pa ni Mama, nangingilid ang luha. “Tumawag din 'yung sponsor mo. Sila mismo ang nag-confirm ng full scholarship mo hanggang makagraduate ka.”
Parang tumigil ang mundo. Ang bigat sa dibdib na matagal ko nang dala, parang gumaan bigla.
“Salamat po, Ma… salamat po talaga…” hinawakan ko ang kamay niya. “Hindi ko po sasayangin.”
“Alam ko naman, anak. Sige na, baka ma-late ka pa.”
Agad akong lumabas ulit ng bahay. Sa puso ko, may bagong lakas. Hindi ako anak ng mayaman, pero may mga taong naniniwala sa akin—at ‘yon ang mahalaga.
---
Pagdating ko sa school, agad kong nakita si Ella, nakatayo sa may gate. Hinihintay pa talaga ako.
“Bakit ang tagal mong babae ka, ha?” aniya, sabay irap. “Kanina pa ako dito! Sabi ko na sa’yo, dadaanan na lang kita. Para hindi ka na naghahabol ng jeep at makatipid ka pa sa pamasahe!”
“Pasensiya na, bhe. May good news kasi! Pinasok na si Papa bilang regular sa kompanya, tapos confirmed na ang full scholarship ko!” bulalas ko, hindi maitago ang tuwa.
“Oh my gosh! Talaga?!” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “I’m so proud of you, bhe! Deserve mo lahat ng blessings!”
“Thank you! Kaya tara na! Ayoko nang ma-late!”
“Wait, hindi pa tayo puwedeng pumasok may hinihintay pa tayo,” tila kiti-kiting tugon ni Ella sa akin. Hindi maitago ang kilig na nararamdam.
“Hinihintay? Sino?” nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya na hinihintay.
“OMG, Lindsay! Nakalimutan mo na ba? Today ang visit ni Mayor Arguelas dito sa school!” impit niyang sambit na halatang pinipigil ang kilig. Ngayon ko lang din napansin na nagkukumpulan na ang ibang studyanti sa labas ng gate. Masyado kasing natuwa ang diwa dahil sa good news.
Buhat sa aking narinig napataas ang aking kilay. Akala ko kung sino'ng artista ang darating.
“And so? Eh, ano naman ngayon kung pupunta siya?”
“Aba! Hindi ka ba kinikilig na makikita mo si fafa Mayor Vincent Arguelas?” Hindi siya tumingin sa akin habang sinasabi ‘yon—nakapako ang tingin sa daan.
“Wala akong pakialam. Tsk. OA lang ang mga tao. Akala mo kung sinong member ng BTS ang darating,” sagot ko habang nakahalukipkip.
“Naku! Sasabunutan na kita! Ikaw lang yata ang walang excitement sa katawan! Huwag kang KJ, Bhe!”
“Hindi ako killjoy, noh! Pero kung si Jungkook o Jimin ang darating? Aba, magpapagulong-gulong pa ako! Pero 'yang si Mayor? Hmm, pass.”
Pero hindi na niya pinansin ang sinabi ko. Bigla na lang nagsitilian ang mga babae’t bakla sa paligid. Ako lang yata ang hindi sumigaw.
“Ahhh! Mayor! Ang gwapo mo! Akin ka na lang, Mayor!” tili ng karamihan.
Napairap ako. Si Ella, muntik nang mapunit ang blusa ko sa paghila sa akin.
“Ahhhh! Fafa Vincent! Ang gwapo mo!” sigaw niya habang niyuyugyog ako.
Isang puting van ang dumating. Lalong lumakas ang sigawan. Bumukas ang pinto at lumabas ang tatlong bodyguards. Sunod ang isang lalaki—fresh-looking, bagong gupit, naka-navy blue polo. Nang lumabas siya ng tuluyan, parang nag-slow motion ang paligid.
Tuwid siyang tumayo, isang kamay nasa bulsa, ang isa'y kumakaway habang ngumiti. Ang puti at pantay ng ngipin niya—parang sa toothpaste commercial.
Bigla akong kinabahan. Rinig ko ang kabog ng puso ko kahit sa ingay. Lalo na nang tumama ang mga mata niya sa akin. Tinitigan niya ako nang matagal bago niya kami nilampasan ni Ella.
Teka lang... Hindi ba kanina lang, sinabi kong hindi ako kikiligin sa kanya?
Uh-oh.
Pero syempre, deadma ako. Baka asarin lang ako ni Ella.
Napapikit ako at tinakpan ang tainga ko sa tili ng mga tao. “Hoy, Gabriel! Tumigil ka nga sa kakasigaw mo riyan!” saway ko sa kanya.
“Hoy! I’m Ella, you know!” flip niya sa imaginary hair. Tinalikuran pa ako.
“Sorry na, bhe! Saan ka ba pupunta?” habol ko.
“Sensitive ako sa pangalan ko, noh!”
“Sorry na please!” Nag-puppy eyes ako para mas convincing.
“Fine. Pasalamat ka love kita. Kung hindi, jinumbag na kita,” biro niya.
Hinila niya ako papunta sa stadium.
“Te-teka, hindi ba dapat nasa classroom tayo?”
“Walang pasok! Nasa stadium ang lahat ng prof. Kaya halika na! Pupuntahan natin ang yummy fafa Mayor ko!”
“Hindi naman siya yummy noh! Mas gwapo pa rin sina Jungkook at Jimin,” sabi ko, hindi ko alam na napalakas pala.
Biglang tumahimik ang paligid.
Lahat ng mata... nasa akin.
“Oops. Sorry,” bulong ko, sabay peace sign.
Atras ako... pero may nabangga ako.
Pagharap ko—ay, ginoo ko!
Si Mayor Vincent mismo! Nakakunot noo, nakatitig sa akin. Galit.
"Excuse me, Miss..." malamig ngunit kontrolado ang boses ng lalaki. "Sino'ng hindi gwapo?" Ang titig niya ay diretso, mabigat — parang sinisiyasat kung totoo nga ang narinig niya.
“Ay, kanding na walang bangs!” bigla ko siyang sinigawan. Shocked ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.
“Hi, M-Mayor... G-good morning po.” Pasmado ang ngiti ko. Pero hindi siya nagsalita—nakatitig lang sa akin. Kinabahan tuloy ako.
Bigla niyang hinawakan ang aking baba. Napalunok ako. Lalo siyang gumwapo sa malapitan!
Tapos... nilalapit niya ang mukha niya.
OMG. Hahalikan ba niya ako?!
Pero bago pa ako makapikit nang tuluyan, may humila sa akin.
Si Ella!
“Pasensya na po, Mayor. Kulang lang sa tulog ‘tong kaibigan ko. Medyo may saltik po talaga siya minsan,” sabi niya, sabay kurot sa tagiliran ko.
“Aray, Gabriel! Bakit ka nangungurot?”
“It’s okay,” sabi ni Mayor. “Next time, pakisabihan ang best friend mo na magdahan-dahan sa pananalita… against me.”
Sinundan niya 'yon ng matalim na titig. Tapos... tinalikuran na kami.
“Tsk. Gwapo sana, kaso ang sungit!” bulong ko sa sarili. Pero syempre, hindi ko na sinabing malakas baka matuluyan na ‘ko. Ayoko pa mamatay nang wala pang jowa!