CHAPTER 4
“Bhe, napansin ko lang ha... Bakit parang lagi ka na lang iniiwasan ng mga manliligaw mo?” tanong ni Ella, halatang nagtataka. Napakunot naman ako ng noo.
“Ewan ko ba sa kanila, bhe. Naku! Bahala sila. Ayaw ko rin naman sa kanila. Masaya na nga ako—wala nang nangungulit sa akin. Bakit mo ba naitanong?” taas-kilay kong tugon kay Ella. Pero sa totoo lang, nagtaka rin ako. Kahit hindi kami mayaman, may ipagmamalaki naman ako. Inamoy ko pa nga ang hininga ko—infairness, mabango kahit Colgate lang gamit namin.
Hindi na rin masama para sa isang babae ang height na 5'6", balingkinitan ang katawan, 25 ang sukat ng beywang, at may makinis na kutis. Bilugan ang balakang, matangos ang ilong, at natural ang mapupulang labi—mana sa mama kong may dugong Kastila. Pero kahit may ilang manliligaw, parang laging isang araw lang sila kung mangulit, kinabukasan ghosting na. Ang weird lang!
“Hmmmp. If I know... babae ka! Wala kang time sa kanila kasi. Alam ko kung sino talaga ang gusto mo,” panunukso ni Ella. Naku, umandar na naman ang pagka-Marites nito.
“Hoy, ikaw, Bhe! Huwag mo akong intri-intrigahin dʼyan. Wala pa sa utak ko ang ganyan. Aral muna bago landi-landi!”
“Grabe ka sa ‘landi-landi’. Eh, hindi ko ba knows na crush mo si—”
Hindi na niya natapos. Agad kong tinakpan ang bunganga niya. Baka may makarinig pa!
“Ang bunganga mo talaga, kahit kailan! Tikom mo nga ʼyan—ang baho ng nilabas!” asar ko, sabay acting na parang nabahuan ako. Tinakpan ko pa ilong at bibig ko.
“Hoy! Namumuro ka na talaga. Nag-toothbrush at nag-mouthwash kaya ako kani—”
Biglang bumagal ang pananalita ni Ella, at napako ang tingin sa pinto. Nagsisigawan at nagsisitilihan na rin ang mga kaklase naming babae. Parang nilagyan ng sili ang mga puwit—grabe kung makahiyawan.
“Besh, hawakan mo ‘tong panty ko. Nalaglag yata!”
“Lagyan mo kaya ‘yan ng perdible, oy,” sagot ko sa ka-OA-han nila. Inirapan lang nila ako. Ako pa tuloy ang maldita. Minsan lang naman ako magsalita. Pero sobrang ingay kasi!
Tinignan ko kung sino ang pinagtitilian nila—hindi ko makita. Kinuyog na ng mga kaklase kong babae. Pati si Ella nawala na sa tabi ko. Nakikikuyog na rin siya.
“Bahala kayo dʼyan. Maputol sana ang trachea nʼyo sa katitili.”
Kinuha ko ang mumurahing cellphone at naglaro ng Plants vs. Zombies—pang-alis inis.
Tahimik na ulit ang paligid, sa wakas! Pero may naramdaman akong presensya sa harapan ko. Hindi ko na lang pinansin. Si Ella lang ‘yan, siguro.
“Ano ba, Bhe? Huwag mo akong istorbohin! Matatalo na ako, oh! Ikaw ang ipapakain ko sa zombie!” maktol ko, hindi inaalis ang tingin sa screen.
Pero nagulat ako nang biglang hablutin ang cellphone ko. Napalakas ang hinga ko, ready na sanang singhalan si Ella...
Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Unti-unting inalis ng lalaki ang suot niyang shades—at halos matunaw ako sa kinauupuan ko. Guwapo. Malinis. Bagong ahit. Amoy na amoy ko pa ang fresh niyang sabong panligo. Nakaka-hypnotize ang tingin niya—intimidating pero... irresistible.
“Ms. Fuentabilia, wipe your mouth. You're drooling over me,” nakangiting sabi niya.
WHAT. THE. HECK?!
Mabilis kong hinigop ang laway ko pabalik at pinahid ang bibig ko gamit ang palad. Diyos ko po! Sa harap ko pa talaga ako naglalaway?! Sa harap ni Mayor?!
Lumingon ako sa paligid—lahat ng kaklase ko, nakatitig. Yung iba, parang nandidiri pa. Sobrang nakakahiya.
“Ms. Fuentabilia, this is what you’re doing inside the classroom? Playing games?” malamig ang boses ni Mayor.
Ang taas ng kilay ko. Since when naging guro si Mayor? Dapat nasa munisipyo siya!
“Mayor Arguelas, good morning! A surprise visit?” bati ng bagong dating naming Math professor, si Mrs. De Guzman. Nakahinga ako ng maluwag.
“Mrs. De Guzman, when I was roaming around, this is what I found. Hindi ba’t bawal ang cellphone sa klase?” sabay taas niya sa hawak kong cellphone.
“Yes po, Mayor. I’m really sorry,” ani ng guro.
“I don’t want this happening again.” At tinalikuran na kami. Naiwan ako, nagdadalawang-isip kung tatawagin ko ba siya para kunin ang cellphone ko.
Pero bago pa ako makakilos...
“Ms. Fuentabilia! Ano pa hinihintay mo? Follow me in my office. Now!” malakas na sigaw niya.
Napalingon ako kay Ella pero nagkibit-balikat lang siya. Tangina, wala man lang tulong!
“Ms. Fuentabilia! I said follow me—now!”
Dahil sa kaba, tumayo ako at naglakad papuntang opisina ni Mayor. Sabi ng sekretarya:
“Come in, Ms. Fuentabilia. Naghihintay na si Mayor sa ‘yo.”
Nanlambot ang tuhod ko. Pagkabukas ng pinto—
“Lock the door,” utos ni Mayor.
“P-po?” Nauutal kong tanong.
“I said lock the door,” ulit niya.
Ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kabado na ako.
Naupo siya sa swivel chair niya. Pinaupo rin niya ako.
“Ms. Fuentabilia, alam mo bang may kaparusahan ang paglabag sa rules ng paaralan?”
Umiling ako. Hindi ko alam na ganito kahigpit. At sa totoo lang, ang dami naming gumagamit ng phone sa klase—bakit ako lang?
“I’m really sorry po, Mayor. Hindi na po mauulit.”
Wala siyang imik. Titig lang siya. Naiilang na akong napakagat sa labi—
“Stop doing that... or else—” Hindi na niya tinuloy. Bumuntong-hininga siya, inilapag ang cellphone ko sa mesa.
“At sino naman si Michael? Boyfriend mo? Bakit ganyan ang messages nʼyo?”
Nagulat ako. Binasa niya?! Napamura ako sa loob-loob ko.
“M-mawalang galang na po, M-Mayor. Hindi ho dapat ninyo pinakaalaman ang gamit ko. Privacy ko po 'yan. Kung ano man po ang nabasa mo sa cellphone ko. Wala po akong dapat ipaliwanag,” lakas loob kong sagot. Naiinis ako sa kanya hindi man lang alam ang ibig sabihin ng salitang privacy.
“What did you say?” tanong niya, lumapit ang mukha. Naibulalas ko pala ‘yung naiisip ko!
Magkadikit na halos ang ilong namin. Naamoy ko ang hininga niyang mabango. Nakalutang ako—
Hanggang bigla niya akong hinalikan.
Hinapit niya ang beywang ko, kaya dumikit lalo ang katawan namin. Ramdam ko ang init, ang tension, ang muscle niya sa braso ko...
Hindi ko alam kung magagalit ba ako, o... mahuhulog lalo.
“These lips of yours are mine. Understand?”