VINCENT “Mama, hindi ako aalis dito hanggaʼt hindi mo_” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na suntok ang tumama sa mukha ko. Bumagsak ako sa semento. Pag-angat ko ng tingin ay tumambad sa akin ang galit na mukha ng ama ni Lindsay baby. “Ano ang ginawa mo ritong hayop ka! Guguluhin mo na naman ang buhay ng anak ko? Ang kapal ng mukha mo na magpakita sa amin rito ano? Kasing kapal ng mukha ng iyong ama na kung akala mo sinong Diyos ang makapang mata ng tao.” Natameme ako sa aking narinig. “Ano at hindi ka makapagsalita? Akala ninyo hindi namin malalaman ang ginawa nila sa anak ko. Muntik pang makunan ang Lindsay namin sa kagagawan ng babae mo! Pero nanahimik kami wala kaming imik dahil pinakiusapan kami ng anak namin. Pasalamat ka dahil inurong namin ang demanda laban

