LINDSAY Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Ang mga pangako ba ni Vincent o ang media? Pilit kong inisip na baka nagsisinungaling lamang ang mga balita pero hindi, eh. Dahil walang kahit na anino nito ang nagpapakita sa akin. “Gusto kong panghahawakan ang sinasabi sa akin ng Daddy mo anak. Pero may parti ng utak na nakalimutan na lang iyon dahil siguro nakalimutan na niya tayo. Baka masaya na siya sa piling ng babaeng papakasalan niya,” Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hinayaan ko lamang ang mainit na likidong malayang nakawalan sa aking mga mata at dumadaloy sa aking pisngi.Nang sa gayon ay maibsan ang bigat na aking nadarama. Muli kong tinatanaw ang malawak na karagatan. At pinagmasdan ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan. Sana dalhin nito ang sakit n

