LINDSAY Mabilis akong bumitaw mula sa aking pagkakayakap sa kanya. Muntik ko nang nakalimutan na hindi na pala puwede dahil may mahalna siyang iba at ang masaklap may asawa na ito. Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na tingin . Sapat na para malaman nito na galit ako sa kanya. At pagkatapos tinalikuran ko na ito. Ngunit hindi ko pa man na ihakbang ang aking mga paa . Nararamdaman ko ang muling paglapat ng kanyang matitigas na braso at malapad na dibdib sa aking katawan . Muli na naman naghurumentadovang traydor kong puso nang muli kong nalamyos ang kanyang natural na bango na humahalo sa ginagamit nitong pabango. Ganoon pa rin ang epekto ng lalaking ito sa tuwing na papalapit nito sa akin. Hindi ako makakilos dahil sa higpit ng pagkakayakap nito sa akin. Bawat galaw ko para kumalas sa

