Miko BREAKING NEWS!! “Kapapasok lamang na balita. Mayor ng Maynila na si Vincent Arguelas, master mind sa pagdukot ng dalagang nagngangalang Lindsay Fuentabilia. Matatandaan noong nakaraang linggo na inanunsiyo ng former mayor Mauricio Saavedra ang pagbibigay ng isang milyong pabuya. Sinabi na isa sa mga tauhan ng alkalde ang bumaligtad at nagbigay impormasyon sa mga pulis upang matunton ang kinaroroonan ng dalaga.” “Kaagad bumuo ng manhand operation upang madakip ang kasalukuyang alkalde ng Maynila. Nakipagbarilan pa umano ito sa mga pulis at kasamang itinakas nito ang dalaga. Sa ngayon patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad laban sa kay Mayor Arguelas.” Mabilis na pinatay ni daddy ang television at inihagis ang remote control sa mesa. At madilim ang anyong bumaling ito sa mg

