Chapter 4

1686 Words
LINDSAY “Bhe, napansin ko lang, ha. Bakit lagi ka na lang iniiwasan ng mga manliligaw mo?” nagtatakang tanong ni Ella. Naikinakunot naman ng noo ko. “Ewan ko ba sa ka nila, bhe. Naku! Bahala sila, ayaw ko rin naman sa kanila. Masaya na nga ako, eh. Wala ng mangungulit sa akin. Bakit mo ba naitanong?” Nakataas ang kilay kong tanong kay Ella. Pero siyempre nagtataka rin naman ako. Kahit mahirap lang din may ipagmamalaki naman ako. Bahagya ko pang-inamoy ang bibig ko, infairness mabango naman hininga ko kahit colgate lang gamit namin. Hindi na rin masama sa isang babae ang biniyayaan ng 5'6" height, balingkinitan ang aking katawan. Twenty-five ang sukat sa aking beywang, pati pang-upo ko bagay sa, akin ang pagkabilugan nito at maputing kutis. Matangos ang aking ilong at may natural na mapula at makikipot na labi. Dahil may lahing kastila naman ang mama ko sa kanya ko namana ang kagandahan ko. Pero lahat sila isang araw lang magpupursige sa akin at kinabukasan parang takot na takot na silang makausap ako. Ang weird lang! “Hmmmp, if I know babae, ka. Wala kang time sa kanila kasi. Alam kong sino ang gusto mo?” panunukso sabi sa akin ni Ella. Umandar na naman ang pagka intrigera nito dinaig pa ang mga Maritis sa amin kung makahagilap ng chismis. “Hoy, Ikaw bhe. Huwag mo akong maintri-intriga diyan dahil wala pa sa utak ko ang mga ganyan. Kailangan kong pagtuonan ng pansin ang pag-aaral ko. Aral muna bago landi-landi!” “Grabe ang harsh mo sa landi-landi. Parang ʼdi ko knows na crush mo si__” nagmamadali kong tinakpan ang kanyang bibig. Baka may nakarinig pa sasabihin ni Ella. “Bunganga mo talaga kahit kailan. Tikom mo nga ʼyang bibig mo ang baho na ng nilabas,” saad ko na iniinis ko si Ella para maiba naman ang usapan. Umakto pa akong nababahuan, tinakpan ko pa ang aking ibig at ilong. “Hoy! Namumuro ka na sa akin, ha. Nagtooth brush at nagmouth wash kaya ako ka—ni—na,” biglang bumagal kanyang pananalita, habang nakatoon sa pinto ang paningin ni Ella . Pati ang ibang kababaihan nagsisitilihan. Na animoʼy nilagyan ng sili ang mga puwit. Hindi magkaumayaw sa pagtili. Narinig ko pa ang sabi ng katabi kong classmates na babae. “Besh, hawakan mo itong panty ko. Nalaglag na yata,” wika nito na halatang kilig na kilig. “Lagyan mo kaya iyan ng perdible ʼyang panty mo. Oy!” saad ko sa kanya dahil sa ka OA-han ng mga ito. Ngunit inirapan lang nila ako. Minsan lang naman ako magmaldita kadalasan tahimik lang ako rito sa room namin pero sadyang maririndi lang talaga ako sa ingay ng mga ito. Nang tingnan ko naman kung sino ang pinagtitilihan nila hindi ko makita dahil kinuyog na ito ng mga classmates kong mga babae. Pati si Ella ay nawala na rin sa kinauupuan nito at nakikikuyog na rin. “Bahala kayo diyan kung maputol na ʼyang tranchea ninyo sa katitili.” Kinuha ko ang aking mumurahin na cellphone at nagsimulang maglaro ng plants versus zombie. Ito ang libangan ko kapag naiinip at naiinis ako. Habang naglalaro ako ay tumigil na sa katitili ang mga classmates ko. Kaya lihim akong nag pasalamat sa wakas natahimik na rin, kasi kanina parang mabasag na ang eardrums ko sa ingay nila. Ngunit naramdaman ko na lang ang mabigat na presensiya sa aking harapan. Pero hindi ko lamang iyon pinansin dahil tiyak na si Ella lamang iyon. “Ano ba beh, huwag mo nga akong istorbuhin matatalo na ako, oh! Ikaw ang ipapakain ko sa zombie nito,” maktol kong sabi habang sige pa rin sa paglalaro. Nanlaki ang mata ko ng hablutin nito ang hawak kong cellphone. Uminit bigla ang ulo ko dahil sa malapit na akong matalo. Handa na sana akong singhalan si Ella ngunit tila biglang tumigil ang pag-inog ng mundo nang tumambad sa akin ang guwapong nilalang na nasa harapan ko. Dahan-dahan nitong tinanggal ang suot niyang shades. Hindi ko alam, bakit Hindi ko magawang ilayo ang aking paningin sa guwapo at malinis nitong mukha na tila bagong ahit pa lamang. Ang fresh nitong tingnan at amoy na amoy ko pa ang kanyang bath soap na nakapanglilo sa akin. In his alluring, ravishing look. Napaka intimidating ng mga tingin nito sa akin. Napalunok ako ng sunod-sunod habang sinusundan ang bawat galaw ng kanyang adams apple. “Ms. Fuentabilia, wipe your mouth. Your drooling over me,” nakangising saad nito sa akin. Bigla akong natauhan sa kanyang sinabi. Hinigop ko pabalik ang laway ko at pagkatapos nilunok ko ito. Kaagad kong pinahid ang aking bibig gamit ang aking palad. At, shoks! Naglalaway ako sa harapan ni Mayor. Oh, my, God nakakahiya! Sa pagkakataon na ito gusto ko na lamang maglaho sa aking kinauupuan. Nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid, mukha ng mga kaklase kong kababaihan na tila na ba nandidiri sa akin. Biglang rumaragasa ang kaba sa aking dibdib. Ano ba ang ginagawa niya rito? Huwag niyang sabihin na galit pa rin ito sa akin. Hindi pa rin ba siya naka move on, sa nangyari noong nakaraan araw. “Ms. Fuentablia, this is what you are doing inside the classroom? Playing games?” mataas na tono nitong tanong sa akin. Medyo na pataas naman ang kilay ko sa aking narinig. Kailan pa siya naging guro. Eh, hindi ba dapat nasa munusipyo ito dahil sa isa itong alkalde. “Mayor Arguelas, good morning. It's a surprise visit?” bati ng aming math professor na bagong dating pa lamang. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko alam kong ano ang isasagot ko kanina. “Mrs. De Guzman. When I roaming around, this is what I found. Hindi ba dapat mahigpit na pinapapatupad sa eskuwelahang ito ang humawak ng cellphone hanggaʼt nandito sa loob ng classroom?” Itinaas pa ng talipandas na Mayor ang aking cellphone na kanyang hawak. “Yes, po. Mayor. Im really sorry.” hinging paumanhin ng guro namin. “I don't want that it will happned next time,” galit nitong saad. At tinalikuran na kami. Natataranta ako kung tawagin ko ba siya upang hingin ang cellphone ko na nasa kanya pa rin. Ngunit na paigtad ako nang dumagondong sa apat na sulok na silid ang tila kulog nitong boses. “Ms. Fuentabelia! Ano pa ang hinihintay mo? Follow me in my office, now!” ma awtoridad nitong tinig naikinalambot ng mga tuhod ko. Bumaling ako kay Ella para sana humingi ng tulong ngunit nagkibit balikat lamang ito. Hindi ko maiwasan na matakot baka balatan ako nito ng buhay. “Ms. Fuentabilia! I said follow me in my office!” Tuluyan na akong napatayo nang muli na naman ako nitong tinawag and this time kita ko sa mukha nito ang galit. Nag-alangan akong pumasok sa loob ng office ni Mayor. Napag-alaman ko na isa pala ito sa nagmamay-ari nitong school. “Come in, Ms. Fuentabilia naghihintay na si Mayor sa iyo,” ani ng isang babae. Nanlambot ang tuhod ko habang pinipihit ang door knob ng pinto. “Lock the door,” saad nito sa malunanay na tinig. “P-po?” nauutal kong tanong. Nagtataka ako bakit kailangan pang e - lock? “I said lock the door.” ulit nitong sabi nang hindi ako natinag. Sinunod ko ang utos nito at ni- lock ko ang pinto. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib habang naglalakad papalapit kay Mayor na ngayon ay prenting nakaupo sa kanyang swivel chair. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Dahil sa mataman itong nakatitig sa akin. Hindi ko alam sa tuwing magtatama ang aming paningin ay bigla na lang kumabog ng malakas ang aking dibdib at ang puso ko ay maging abnormal ang t***k nito. Nakatungo ang aking ulo sa puting tiles habang nakatayo sa harapan ng kanyang office table. Sininyasan niya akong maupo sa bakanting upuan. “Ms. Fuentabilia, alam mo ba na may kaparusahan ang paglabag mo sa rules and regulations dito sa paaralan?” Mabilis akong umiling dahil totoo naman na hindi ko alam na mahigpit pa lang ipinagbabawal iyon. At isa pa marami ang classmates ko na may hawak na cellphone kahit nagle-lecture ang guro namin sa harap. Pero bakit hindi man lang sila nito pinagsabihan o binigyan ng warning. Gusto ko sanang magprotesta ngunit baka magalit pa ito lalo sa akin. “I'm really sorry po, Mayor. Hindi ko na po uulitin,” hinging paumanhin ko rito. Hindi man lang ito umiimik at nanatiling nakatitig sa aking mukha. Mas lalo ko pang diniinan ang pagkagat sa aking pang-ibabang labi dahil naiilang ako sa tingin niya. "Stop doing that or else_” hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin at bumuntonghininga. Sinundan ko ang kanyang kilos nang ilapag nito ang cellphone ko sa mesa. “At sino naman si Michael? Boyfriend mo? Bakit ganyan ang mga message ninyo?” galit nitong tanong sa akin? Ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala ito Mayor at may - ari sa paaralan namin kundi require rin pala na pakialaman ang personal naming buhay. Parang tatay ko lang ang peg. “What did you say?” nanlilisik ang mata nitong tanong sabay lapit ng mukha nito sa akin. Hindi ko namalayan na naisatinig ko pala ang iniisip ko. Napatutop ako sa aking bibig dahil patay na naman ako nito. Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Pati tungkil ng ilong namin ay napang-abot na. Tila inaantok ako bigla nang malamyos ko ang mabangong hininga nito. Ilang sandali lang naramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa aking labi. Hinapit nito ang beywang ko dahilan nang mas lalong nagkadikit ang aming katawan ramdam ko ang matigas nitong mga muscle. Hindi ko alam kong paano ako magre-act magagalit ba ako dahil sa ninakawan niya ako nang halik ngunit sa kabilang banda tika nagsasaya ang aking kalooban dahil na halikan ako ng isang Mayor Arguelas na pinapangarap lahat ng mga kababaihan namin sa campus. “This lips of yours is mine! Understand?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD