Makalipas ang limang araw na ilibing na si ate nasa bahay na kami ng bigyan nanaman ako ng sampal ni mama at inaawat ito ni papa alam kong pagkakamali ko ito kasalanan ko ito tatanggapin ko lahat "Ikaw babae ka wala ka talagang naidulot na mabuti sa pamilya na ito!!! wala!! malandi ka kase alam nanamin ang lahat pinagtapat na ni sandro dahil sayo namatay ang ate mo kung wala ka sana sa bar na yun para lumandi hindi mangyayari to" hindi ako kumibo kase alam kong kasalanan ko "Malandi ka at gusto mo pa pakasalan si Sandro kaya umatras ang ate mo sa kasal na sinabi ng ate mo na ikaw ang pakasalan ni Sandro at hindi siya" nagulat ako sa ipinagtapat ni mama halos maubos na ang buhok ko sa kakasabunot at kakasampal ni mama nanghihina na ako dahil sa tama na rin ng bala sa pagitan ng balikat at dibdib ko na hindi ko man lang napansin dahil ang focus ko kay ate lang kaya ako nalang ang gumamot ng magbihis ako nung gabi na yun. Nang mahimasmasan si mama umakyat ito sa kwarto ko nagulat nalang ako ng may dala na nito ang tatlong bag at inihagis sa akin "Mama?" tawag ko ng patanong kay mama "Umalis kana dito! dahil hindi ko na kaya pang makita ang pagmumukha mo! umalis kana! hanggang wala pa ang papa mo! at wag ka ng humanap ng kakampi! malandi kang bata ka!" hirap man sa pag hakbang dahil sa kirot ng aking sugat sa parteng dibdib lumabas ako ng bahay at umalis malapit nako sa bakod ng masalubong ko si Sandro kita ko ang mapang uyam na ngiti na nakapaskil sa kanyang labi "Saan ang punta ng kriminal?" sa halip na sagutin dumiretso nalang ako at hindi ito pinansin nagulat ako ng bigla niya kong hawakan sa braso at kunin ang bag sa aking kamay "Wag mo kong tatalikuran dahil sa ginawa mong gulo itutuloy natin ang kasal para hindi mapahiya ang pamilya ko" nagulat ako sa sinabi niya totoo ba to sumilip sa aking labi ang ngiti ng agad din napawi "Akala mo tapos na paghihirap mo EL mamatay ka sa kamay ko kung paano ginawa mo sa ate mo mas masahol pa dun ang gagawin ko sayo!" naglakad ito papunta sa sports car niya habang kinakaladkad ako at ipinasok ako sa shotgun seat at dali daling umikot papunta sa driver seat habang lulan ng sasakyan niya parang alam ko na kung saan kami pupunta siguro ay sa mansyon nila
Nang makarating kami sa mansyon sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Tita Cassandra nanginantihan ko rin na ng yakap na mahigpit at umiyak sa balikat nito hinaplos naman niya ang aking buhok upang kumalma kita ko naman kung ang mapanuring tingin ni sandro kaya bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanyang ina "EL condolence pero sorry din kase ikaw ang magshoshoulder ng pagpapakasal ng ate mo dahil naipamigay nanamin ang invitation nakakahiya kung iaatras pa" tango lang ang naisagot ko dito "Sige na pahinga kana sa guest room my future daughter-in-law pinahatid ko na gamit mo dun" habang nakangiti na sabi sa akin nito "Salamat po Tita" yun langa ng katangang nasabi ko
Naging maganda naman ang pakikitungo sakin ng mga magulang ni Sandro kahit papaano nakapag adjust nako pero namimiss ko pa rin ang mama at papa at huli kong balita umuwi na sila ng isabela at ibinenta ang lupa namin na tinitirahan dati sabi ni Jas tuloy tuloy pa rin ako sa pag aaral para hindi naman sayang ang pinampapaaral sa akin ni tita .. Nasa hapagkainan na kami ng mapag usapan ang kasal ilang araw nalang kase kasal nanamin ni sandro at balitang balita ito sa aming eskwelahan maraming nagsasabi na gusto ko din daw ang napatay ko ang ate ko tapos naririnig ko pang malandi ako twing ihahatid din ako ni sandro hindi maubos ubos ang panunuya at panlalait nito sa akin .
Dumating ang araw ng kasal hindi ako masaya pero pinilit kong ngumiti habang papalapit sa altar kitang kita ko kung anong itsura ang pinakikita ni sandro sa akin itsura ng pandidiri sa akin . Natapos ang kasal ng puro pakitang tao lang yata ang ginagawa namin. Lalo na ng umuwi ng bahay alam kong napilitan lang si sandro sa pagpapakasal ng dahil sa magulang niya tuwing matutulog nga kami ako ang nasa lapag at siya sa kama gabi gabi itong umiinom at sinasaktan ako pero tiniis ko yun kase mahal ko siya
Isang Linggo simula ng magpakasal kami nagpaalam ang mga magulang ni sandro na mag i stay muna sa U.S at baka isang taon daw bago ito makabalik dahil na rin nagkaproblema raw ang kompanya sa U.S si Sandro na rin ang nagpapalakad ng kumpanya nila dito sa pilipinas matapos namin maikasal. Ngayon ang alis ng magulang niya pero gusto kong sumama nalang dahil alam ko ang kahihinatnan pag wala ang kanyang mga magulang dito "EL alagaan mo asawa mo ha at mag iingat din kayo dito lalo na at hindi pa nahahanap ang pumatay sa ate mo" bigla akong nalungkot dahil naalala ko ang ate mamaya nga madalaw siya sa sementeryo pagkalabas ko ng school "Yes po Tita" nagulat ito "Anong tita mommy na itawag mo sa akin kelan kaba masasanay?" nagkamot ako ng ulo "Sorry po mommy sige po ingat po kayo ni daddy sa byahe baka ma late po kayo" tumango naman ito at parehas humalik sa aking noo "Sige mom ingat kayo" sabi ni sandro habang nakaakbay sa likod ko ang dalawa nitong daliri para itong diring diri sa akin "Sige ija alis na kami tatawag ako kung may ginawa sayo si San wag kang matakot magsabi" ngumiti ako at tumango" Opo Mommy" ng sumakay ang mag asawa sa sasakyan at hindi nanamin matanaw ang sasakyan ay siyang pagtulak sakin ni Sandro "Subukan mo lang magsumbong EL" ngumiti ito ng may panunuya ..
Umakyat ako sa kwarto upang mag ayos na dahil may pasok pa ako .. Pagkayari kong naligo nagbihis na ako at nag ayos nag make up ng kaunti saka bumaba na upang mag almusal nakita ko kaagad si Sandro na nasa hapag kainan na umiinom ng kape "EL kumain kna baka ma late kapa" sabi ni Aling Tess sa akin "Manang nawalan nako ng gana pakiligpit napo ang pinagkainan ko" yan ang sabi ni sandro hindi ako umimik hanggang sa matapos akong kumain tiningnan naman ako ni Aling Tess na may pagtataka ngunit nginitian ko nalang ito upang hindi na magtanong .. Pag akyat ko sa itaas para kunin ang nakalimutan kong libro sa aming kwarto isang sampal ang dumapo agad sa pisngi ko "Sige EL sumigaw ka kapag narinig ka nila humanda ka lalo sa akin nagsisimula palang ako sa impyernong pinasok mo" umiyak ako dahil wala naman akong alam na ginawa ko para maging sagad sa buto ang kasalanan ko sa kanya.
Gabi gabi lagi siyang umiinom at ginagawa akong punching bag ni Sandro lihim akong umiiyak at buti nalang at laging three fourth ang suot ko at pants pag pumapasok dahil kailangan ay puro business attire ang suot namin hindi makikita ang pasa na natamo ko sa katawan dahil sa uniform namin at pag nasa bahay naman nakaterno ako laging pantulog na mahahaba nasanay nako sa araw araw ba naman naging tattoo ko na yata ang pasa pero nag iiba iba lang ng pwesto .. Isang araw naaya ako ni Jas na umattend sa birthday ng kapatid niyang si Jena pinauna ko ng pauwiin ang driver at sinabi ko na mamamasahe nalang ako nung una ayaw pa ni manong Ronald akong iwan dahil daw papagalitan siya ni Sandro wow as if naman nag aalala amo mo papagalitan ka nun kase wala siyang punching bag . Sabay kami ni Jas pumunta sa kanila nagulat pa ako ng ikwento nito na naghiwalay sila ni John hindi ko na inisisa baka umiyak pa .Pagdating sa bahay nila Jas nakita ko si Ken na andun.. Si Ken ay ang kaibigan namin na anak pala ng isang milyonaryo nagkabidahan kami at nagkainuman "EL kamusta may boyfriend kana ba" sinagot ko naman ito "Wala" sumagot naman si Jas "Pero may asawa yan na nambubugbog" muntik nakong mabilaukan sa sinabi ni Jas wala may tama na ng alak ang kaibigan ko ..