Chapter 6

1341 Words
Kahit hilo na ako dahil sa alak na nainom kita ko ang pagtango ni John at ni Jas habang inaalalayan ako ni Sandro papunta sa kanyang sasakyan naalala ko kung paano sila kasaya ni ate kung bakit laging ang mahal ng malalapit sa buhay ko ay si ate pinipigilan kong tumulo ang luha sa aking mga mata .. Habang nasa byahe kami puro bukambibig ni sandro ay si ate mas lalo akong nasasaktan ako dapat yun at hindi si ate pero kahit isang salita walang lumabas sa bibig ko na aminin ang totoo.. Sa aking pag iisip hindi ko na namalayan na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil kita ng bumaba ako sa kanyang sasakyan siyang pagbaba rin niya pumasok ako sa bakod at dumiretso sa papag sa ilalim ng puno ng mangga sa harap ng aming bahay kita ko ang pag upo niya sa aking tabi at binasag niya ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa "EL asan ba ang ate mo? pinahanap ko na siya sa mga private imbestigator pero wala hindi siya mahanap wala rin siya kung nasaan ang magulang mo?" nagulat ako sa pahayag na sinabi ni sandro " Ano? ang sabi niya sakin pupunta siya sa isabela" may pag alala sa boses ko "Wala siya dun EL alam kong tinataguan niya ko dahil sa babae na tinutukoy niya na mahal ako pero mas mahal niya yung babae na gumugusto sa akin!!" hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko .. Maya maya pa tumayo na siya at nagpaalam pero pinigil ko ito sa braso "Sandro mahal kita matagal na at kung" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumagot siya ng "No! EL! wag mong sabihin ikaw ang sinasabi ng ate mo!" hindi ako kumibo at pinikit ang aking mata bakas sa boses niya ang matinding galit ng magsalita ulit siya "EL oras na may mangyaring masama sa ate mo ako mismo hindi ko alam ang magagawa ko sa iyo ilang buwan nalang kasal nanamin pero ikaw pa yata na kapatid ang sisira nun!" hindi ako kumibo at rinig ko ang hakbang niya papalayo sa akin. Napaupo ako at nag iiyak bakit ba kase si sandro pa ang minahal ko bakit hindi ko mapigilan konti nalang bibitaw nako sa bigat ng dinadala ko .. Lumipas ang isang linggo walang sandro ang nagpapakita sa bahay sa pag iisip hindi ko narinig na kanina pa pala may kumakatok sa pinto nag iisip ako wala naman akong alam na bisita ngayon saka anong oras na rin pero ganun pa man binuksan ko ang pinto na siyang ikinagulat ko kung sino ang kumakatok si "Ate" sinalubong ko ito ng yakap at humalik pa sa pisngi nito kita ko ang lungkot sa mata niya "Ate pasok ka kumain kana ba? Saan ka ate nagpunta?" yan ang tanong ko sa kanya habang sinasara ang pinto ngumiti ito at pinaupo ako sa tabi niya "Oo kumain na ako pero may aaminin ako sayo sis" kinakabahan ako dahil sa binitawan niyang salita pero tinibayan ko ang aking sarili "Ano yun ate" umubo ito na tila tinatanggal ang bara sa kanyang lalamunan "EL pasensya kana kung magpapakasal ako kay sandro dahil na rin sa kagustuhan ni Migs" kumunot ang aking kilay "Sinong migs at anong pasensya Ate?" pagtataka kong tanong "Si Migs boyfriend ko na siya since high school nalulong siya sa sugal at droga at dahil doon tinakwil siya ng magulang niya that time galit siya kay sandro dahil walang bukang bibig ang kanyang ama kung hindi si sandro masipag matalino yun daw ang sinasabi lagi ng papa niya sa kanya.. ang pamilya kase ni sandro ang nagsalba ng kumpanya nila na nalulugi na dahil sa pagsusugal niya kung hindi ito natuklasan ng papa niya baka wala na ang Macapagal Company at dahil nga sa tulong ng pamilya ni sandro lumago ito at mas naging kilala pa pero hindi na siya makabalik sa pamilya niya dahil gusto nito ay magbago siya at gayahin ang kaisa isang anak ng Alcantara" tumango ako habang nakikinig ng mabuti "Si migs din ang dahilan kung bakit ikaw ang nasaksak at hindi si sandro.. ang target talaga nila ay si sandro pero tinulak mo si sandro at nauntog ito kaya nawalan ng malay planado ang lahat kasama ako sa plano na ako ang tatayo na nagsalba sa kanya para sa akin siya mapalapit pati ang pagiging girlfriend ni sandro kasama sa plano" naluha ako sa inamin ni ate pero pinilit kong magsalita "Eh ano ang plano mo ate" tanong ko "Alam kong mahal mo si Sandro sis matagal ko ng alam pero kung hindi ko gagawin yun una ka nilang papatayin" kaya ba may mga taong umaaligid sa bahay "Ayoko man ito gawin dahil hindi ko mahal si sandro pero buhay mo ang hinihingi na kapalit alam mo kung gaano kita kamahal sis" tango nalang ang naisagot ko Matapos ang napag usapan namin ng ate gabi gabi nako sa bar kasama ang mga classmate namin at nandun na rin si jas at john halos sa araw araw lagi akong nasa bar kasama ang mga classmate namin hindi ko na inisip ang kapakanan ko dahil sa ipinagtapat ni ate parang ako pa ang dahilan kung bakit ginawa yun ng ate magpakasal sa taong hindi niya mahal . Ilang beses ko na rin yun sinabi kay sandro ng palihim pero hindi niya ko pinakikinggan dahil lahat ng kinikilos ni ate taliwas sa sinasabi ko hindi naman sila naniniwala sa akin buti pa ngang mamatay nalang ako walang magulang na nagmamahal walang kahit ano. Palabas na kami ng bar magkakaibigan at alam kong medyo tipsy nako ng nakita ko si ate na humahangos na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko nagulat ako ng bigla akong yakapin nito at tatlong sunod na putok ng baril ang narinig ko bago ako matauhan nakita ko si ate na umuubo ng dugo "Ate wag kang bibitiw ha? hindi naman ako galit nagtatampo lang ako sayo kase sana noon mo pa pinaliwanag" kahit hirap ito sa pagsasalita narinig ko pa ang sinabi nito "Ok-ay lang s-is bas-ta pi-li-in mo lagi kung sa-an ka sa-saya ta-pos na pag-hi-hirap mo ma-hal na ma-hal kita sis" kita ko ang kasiyahan na sumilay sa mukha ni ate habang umuubo ito ng dugo bago ipikit ang mata .. Nang makarating kami sa hospital hindi ako makausap dahil tulala ako at umiiyak lang kaya ang mga classmate ko ang ininterview ng mga pulis at rinig ko rin pauwi na sila mama at papa dito sa manila .. Maya maya pa nagulat ako ng nandun si Sandro at nagtatanong kung anong nangyari umiiyak lang ako dahil ramdam ko rin kung paano siya nasasaktan napapikit pa ako ng suntukin nito ang pader dahil sa galit at tumingin pa ito sa akin kita ko sa kanya ang galit at pagkamuhi sa akin. Nang lumabas ang doktor dali dali akong tumayo at nagtanong sa harap nito "Doc kamusta po ang ate ko?" umubo akmng doktor at malungkot kaming tiningnan "Ikaw ba ang pamilya" tanong ni doc. "Opo"sabi ko "Ako po ang fiancee" sabi naman ni Sandro "Sorry ginawa po namin ang lahat ilang beses po namin siyang nirevive at sa huli sumuko na rin po siya" nag uunahan naman tumulo ang luha sa aking mata nakita ko naman kung gaano kagalit sa akin si Sandro inalalayan ako ni Jas at John paupo at inabutan ng tubig hindi ko magawang pumasok sa loob upang tingnan ang ate ako ang may kasalanan ako lang yan ang pumapasok sa isip ko kung sanang sa bahay nalang ako sana hindi na nangyari to. Kinabukasan naman dumating si mama at papa wala pa akong tulog at ramdam ko ang kirot ng aking braso pero hindi ko pinansin bagkus sinalubong ko ang mama at papa habang papalapit isang mag asawang sampal ang binigay ni mama sa akin at ako ang sinisisi kung bakit nawala ang kanyang mahal na anak. alam kong ganito ang mangyayare kasalanan ko naman talaga yan ang itinanim ko sa isip ko ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD