Nang hindi ako gumanti ng halik dahil hindi ko naman talaga alam kung paano humalik ay huminto siya sa paghalik yun ang kinuha kong pagkakataon para itulak siya at patakbong pumunta sa ilaw para buksan ito ... Tila na estatwa naman siya sa kinauupuan niya ng nakita niya na ako yun at hindi si ate kita ko ang gulat sa kanyang mga mata at pagsabunot sa kanyang sarili matagal na katahimikan ang namutawi sa aming dalawa kalaunan ay binasag ko ang katahimikan na namamagitan sa amin. "S-andro gabi na bakit n-nandito ka pa?" nauutal kong tanong tumingin ito sa akin at nagsalita "Where is your sister?!" tila pagalit na tanong niya sa akin kita ko sa kanyang mata ang matinding galit? pero bakit siya nagagalit dahil ba kasalanan na hinalikan niya ako hindi ko nalang muna pinansin ito at sinagot ang tanong niya "Wala si ate dito kung siya ang pinunta mo dito pwede ka ng umalis dahil wala siya dito at matatagalan pa siya sa pagbalik!" sa halip ay pasagot kong sagot dahil na rin sa inis sa kanya ..
Lumipas ang buwan halos walang sandro na nagpakita sa bahay at sa oras na iyon pag aaral ang tinutukan ko ng pansin ng pansin nakakahiya naman sa magulang ni Sandro kung hindi ko pagbubutihan ang pag aaral ko dahil sa ginawa nila kong isa sa scholar ng school na pinapasukan ko .. Papasok nako sa bakod ng bahay napansin ko kung gaano katahimik ang lugar na habang tumatagal nasasanay na akong mag isa na tila walang magulang na kumakamusta man lang sa akin dahil ni balita wala man lang akong natanggap mula sakanila o kung kamusta man lang ba ako hindi rin nila magawa simula ng umalis din ang ate sa bahay napansin ko na parang may laging nagmamasid sa akin sa aming tahanan pero wala naman akong makita na taong gagawa ng ganun sa pamilya namin dahil simpleng pamilya lang naman kami at hindi ko na pinansin iyon..
Araw ng biyernes inimbitahan kami ni John sa birthday niya sa isang bar nagulat pa ako ng ibalita sa akin ni Jas na sila na pala ni John pero ito ay lihim lang daw kung maaari lingid din sa aking kaalaman ayaw ng mama ni john na magkaroon ng girlfriend ang anak nito na galing sa mahirap na pamilya kaya itinago nila ang kanilang relasyon.. Wala naman talaga akong balak umattend ng birthday ni John nagulat nalang ako na ang kaibigan kong bruha na si Jas ay pumunta sa bahay namin "Beshy tara sama ka na" tiningnan ko ang suot nitong damit naka fitted dress ito na pula na hapit na hapit sa kaniyang katawan maganda si Jas maputi parang wala naman sa itsura nito ang anak mahirap "Nako beshy hindi naman ako mahilig sa ganyang party" totoo naman ang sinabi ko wala akong hilig sa ganong party "Beshy minsan lang yun ako nga ayokong pumunta dahil andun sigurado ang kaibigan niya na mayayaman sige kung hindi ka pupunta uuwi nalanh din ako " sinimangutan ako nito alam na alam kung paano ako papayagin "Sige sasama nako beshy nakakahiya kay john ikaw ang girlfriend hindi ka man lang pupunta wait magbibihis lang ako" iniwan ko ito sa sala at dali dali akong umakyat sa itaas upang magbihis nagsuot nalang ako ng jeans na kulay black at tinernuhan ito ng crop top na labas ang pusod ko saka nagsandals nalang ako ng may 3 inches heels siguro naman kahit ganito lang suot ko hindi naman ako mukhang mahirap itinali ko rin ang buhok kong hanggang bewang na kulot ang dulo at nilagyan ko ng tali na bulaklakin ang aking buhok at naglagay ng kaonting make up saka bumaba na .. Nadatnan ko si jas na nakaupo habang may katext sa cellphone " Let's go" tumingin ito sa akin "Beshy ikaw na ba yan?" madalang lang kami ako mag maje up lalo na pag wala naman ganap ayoko naman din mapahiya dahil sigurado mayayaman ang mga nasa bar "Oo okay lang ba suot ko?" tanong ko sa kanya "Shocks beshy ang ganda mo para kang manika sa itsura mo.. Saan mo nabili yang doctors bag na yan" papuri nito at nagtanong "Sis sa online lang 260 sale eh" totoo naman sa online pang mura lang ako yun lang kaya ng budget ko .. Maya maya lumabas na kami at inilock ang pinto nakita kong may dalawang lalaking nakatingin sa amin at napansin kong may baril na nakasusok sa mga gilid nito "Beshy pwede ba bilisan natin nakita mo ba yung naka single na mutor na yun tingnan mo kanina pa nakatingin satin" tumango ito sabay para ng sasakyan "Tara na wag mo pansinin baka hindi naman tayo target nagandahan siguro sa atin" sa halip na sagot niya sa akin... Malapit na kaming makarating sa bar ng tumawag si john at tinanong kung nasaan na kami "Oo babe malapit na kami ni beshy wait lang pababa na kami bye" pagkababa namin nagbayad siya at saka hinawakan ako sa kamay at dumiretso sa loob ng bar hinanap namin kung saan nakapwesto sila John nahagip naman agad namin ang mga ito kasama niya ang mga barkada niya na barkada ni sandro? bakit nandito to siguro naman wala si Sandro ng makalapit kami wala naman nga siya tumabi ako sa tabi ni jas at may natira pang isnag uupo sa tabi ko pero mukhang kumpleto na ang barkada niya nagulat ako ng magsalita si John "Oo nga pala mga pare si Jas girlfriend ko wag kayo maingay kay mommy ah saka si EL classmate namin na bestfriend niya" nagulat ako ng isa isang magpakilala ang mga lalaki Charlie,James, Raver, JC yan ang alam kong pangalan nila mga gwapo wala kang tulak kabigin nagulat nalang kami ng may tumabi sa aking upuan si Sandro "Oh pare anjan kana pala" tumingin ito sa akin "Yes pare may tinapos lang ako sa office wala ang secretary ko ilang buwan na" alam kong tinutukoy nito ay si ate "Oo nga pala pare malapit na kasal ah" tila nabulunan ako nagulat ako sa kamay ni Jas na piniga ang kamay ko "Hindi ko alam kung makikita ko pa ang bride ko ayaw magpakita pinahahanap ko na nga e" nagsalita yung Raver ang pangalan "Pare baka hindi kana mahal" nagulat ako ng magbago ang awra ni sandro at tumaas ang boses "Hindi ko alam pare pero alam ko mahal ko siya at kung sino man yung tinutukoy niyang mahal ako ng malapit sa kanya kaya ayaw niya na ituloy ang kasal dahil lang kung sinong babae yung nagsabi nun papatayin ko siya at pahihirapan masyado siyang hadlang" tila nagulat ako sa sinabi niya at dali daling ininom ang vodka pati ang inumin ni jas nainom ko na napatingin ako ng magsalita si Charlie "chill babe baka malasing ka" gulat naman na tumingin sakin sila sandro, jas at si john " Beshy wag kang pakasagad hindi kita kayang buhatin" tawa lang ang naging sagot ni John "Dont worry jas ako na maghahatid sa kaibigan mo" kita ko naman ang pagsasalubong ng kilay no Sandro "Pare ako na magahhatid kapatid ni Althea yan" sabi ni sandro "So magiging kapatid na pala kita soon pare" halakhak na sabi ni Charlie "No!" yun lang ang narinig kong sabi ni Sandro maya maya bumulong sa akin si Jas " Beshy wag kang magpakalasing kilala kita pag lasing baka ano masabi mo lalo na maghahatidd sayo si sandro" hindi ko naman ito pinansin at pinagtuunan ang alak natatakot ako baka gawin nga ni sandro ang sinabi niya ...
Alas dose ng isa isa ng magpaalam ang mga kaibigan nito at may dalang mga babae liban lang aky Charlie na alas dies pa lang umuwi na dahil tinawagan ng mommy niya at emergency raw ang naiwan sa table ay si john at jas ako at si sandro ng maramdaman kong naiihi ako nagpaalam ako na mag CCR muna papunta ako ng CR ramdam ko na ang hilo at maya maya pa ay nawalan nako ng balanse akala ko sa sahig ang bagsak ko nagulat nalang ako ng may matigas na bagay ang sumalo sa akin bago ako mapunta ng sahig nakita ko si Sandro na nakatingin sa akin pagkatapos ay itinayo ako ng maayos nito at nagpaalam na iuuwi na ako ...