-EL POV-
Nang umalis na ang ate dali dali akong gumayak para pumunta sa starcafe at magpasa ng resume at mag report dahil datihan na ako dito tuwing bakasyon lagi akong pumapasok dito bilang isang cashier masaya ako na kahit papaano nakakatulong ako sa pambaon ko sa school alam kong hindi rin biro ang matrikula ko sa school.
Papunta nako ng palengke upang magpaalam kay mama at papa ng sabihin ni mama na "EL hindi kana mag aapply dun sa cafe at kulang daw ng katulong sa bahay nila sandro at pumayag ako sa ina niya na doon ka nalang mamasukan para sila na magbabayad ng matrikula mo" nagulat ako sa sinabi ni mama pero kita ko yung lungkot na gumihit sa mukha ng aking ama na tahimik lang nakikinig sa amin ni mama "Sige po ma" yun lang ang lumabas sa aking bibig. Ito ang pagkakataon ko para mapalapit kay sandro pero paano ko gagawin yun kung masasaktan ang ate "Sige gumayak kana maya maya darating na ang sundo mo sabi ni balae"
Dali dali kong ginayak ang aking gamit dahil yun ang sabi ni mama maya maya dumating na yung sundo na sinasabi nito sumama ako papunta sa mansyon nagulat pa ako dahil sa aking nakita pagpasok namin sa gate puro puno ng mangga ang aking nakikita parang wala naman bahay dito at taniman lang piangpasyahan kong tingnan ang mga puno na aming dinaraanan maya maya lang naabot na ng aking tingin ang malapalasyong bahay ng mga Alcantara kilalang kilala sa industriya ang kanilang pangalan dahil na rin sa ina nito na dating modelo at ang ama nito na bilyonaryo sa buong bansa hindi rin nahuhuli ang nagiisa nitong anak na si Sandro Alcantara kilala bilang the billionaire's son
Pagkapasok ko ng mansyon bitbit ang aking bag nakita ko kaagad ang ina nito na si Maam Cassandra Alcantara kasama ang anak nito na si Sandro Alcantara kita sa mukha nito ang pagmamahal sa magulang niya maya maya nagsalita ito "Mom i need to go late na ako 10am na nandun na kanina pa si Althea" sagot naman ng ina nito "Okay son ingat ka bye" humalik naman ito sa ina at nagsalita "Bye mom see you later iloveyou" ng umalis ito tinawag ng kanyang ina ang mayordoma na si aling tess at ito ang nagpaliwanag sa akin ng mga dapat kong gawin sa loob ng mansyon pagkatapos ipaliwanag pinakilala ako nito sa lahat ng tauhan na aming kasama araw araw ...
Masaya ang naging takbo ng buhay ko dito sa mansyon minsan laging dumadalaw dito si ate kita ko din ang pagmamahalan ni ate at ni sandro na minsan nakakasakit na pero pinipilit ko nalang iwaksi sa aking isipan ang mga bagay na yun kapatid ako ni ate at hindi tama ang nararamdaman ko na ito tutal malapit na din naman ang pasukan makakaalis na ako dito at makakauwi na rin..
Lumipas ang araw ito na yung araw na pinakahihintay ko ang pag alis ko sa mansyon nalulungkot ako kase hindi ko na makikita sila Aling Tess at si May na naging kaibigan ko sa loob ng mansyon pero kailangan ko umalis upang makapagtapos ng pag aaral ginawa na rin akong scholar ng pamilya alcantara upang kahit doon man lang daw masuklian nila ako dahil sa pagligtas ko sa buhay ni Mrs.Alcantara kung hindi kase ko nagawi sa sala sana ay patay na ito dahil inatake ito buti nalang at nagawi ako at nakatawag agad ng saklolo ..
Pababa nako ng sasakyan dahil hinatid ako ng family driver nila sandro sa bahay namin ng nakita ko kaagad ang mama at dali dali akong tumakbo upang yakapin ito pero iwinaksi lang ang aking kamay pero tulad ng aking ginagawa hindi ko nalang pinansin at nagtuloy tuloy ng pumasok sa bahay ..
Kinagabihan pumunta ang pamilya ni Sandro sa aming bahay upang opisyal na mamanhikan sa aming pamilya lumabas ako ng bahay at hinayaan sila sila ang mag usap para sa kasal daw na idaraos walong buwan mula ngayon dahil ang gusto ng pamilya nito ay ingrande ang magiging kasal .. Nalulungkot ako dahil wala na talaga akong pag asa kay Sandro bakit ganun lahat nalang ba ng minamahal ko iba ang laging mahal tanong ko habang nakatingin sa ulap hindi ko namalayan na may lumandas na palang luha sa aking pisngi. Pagkatapos nilang mag usap usap saka lang ako pumasok ng bahay at natulog nalang dahil may pasok pa bukas...
Kinabukasan may pasok na ipinangako ko dapat maging MagnaCumLaude ako upang ako rin ay ipagyabang ng aking mama .. papasok nako ng nakita ko si Sandro papasok ng bakod isang ngiti ang natanggap ko dito kaya ngumiti nalang din ako ang sakit para sakin ng nakikita silang masaya kelan ba ang panahon ko para maging masaya naman ako ? yan ang lagi kong tanong sa aking sarili ..
Dumaraan ang araw lalo kong pinagbubutihan sa pag aaral narinig kong nagkatampuhan daw ang Ate at Sandro at ayaw ng ituloy ng ate ang pagpapakasal kay Sandro gusto umalis ng ate at sumunod kay mama at papa sa probinsya at doon muna daw mag iisip isip... sila mama at papa isang buwan na ang nakakalipas ng mapagpasyahan dun na muna manirahan sa Isabela upang sila muna ang magmanage ng iniwan ni lolo na malaking taniman ng gulay dun.. Doon kase dati nanggagaling ang mga binebenta nito sa palengke .. Bago umalis ang ate kinausap ko muna ito upang magtanong kung ano ang nangyare ang tanging naging sagot lang sakin ng ate "EL kahit anong mangyari wag na wag mo muna sasabihin sa kuya Sandro mo kung nasaan ako" niyakap ko si ate habang umiiyak " Ate babalik kapo diba" ngumiti ito habang umiiyak "Oo naman sis mag iisip isip lang ako kung dapat paba ituloy ang kasal" ...
Nang maihatid ko ang ate sa sakayan ng bus madilim nako ng makabalik sa bahay at walang ilaw na nakasindi may naulinagan akong tao sa bahay dali dali akong pumasok dahil alam ko naman kung sino ang nasa loob nadaanan ko kase ang sasakyan ni Sandro sa labas .. Bubuksan ko na sana ang ilaw ng bigla nalang akong hablutin ni Sandro sa kamay at isinandal ako sa pader dahil sa gulat hindi agad ako nakapagsalita. Naramdaman ko na lang lumapat ang kanyang labi sa aking labi hindi naman nakaligtas sa akin ang amoy ng bibig nitong amoy alak