DAHIL sa labis na takot, nanginginig nang husto si Zasha kaya hindi siya makalakad ng maayos. At ganoon na lang ang pagkagulat niya ng bigla siyang kargahin ni Del Lusca. Seryoso ang guwapong mukha nito. Mukha nga iyong madilim, at gumagalaw pa ang panga nito. Sa kabila ng takot, mas pinili pa rin niyang magtiwala na hindi siya tuluyang mapapahamak sa kamay nito. Mas gugustuhin niyang mapasa-kamay nito kaysa doon sa lalaking mukhang adik. "K-kaya ko namang maglakad --" Napahinto si Zasha ng bigla itong huminto sa paglakad. Hanggang sa napayuko siya ng tumingin ito sa kanya. Buong akala niya, sisinghalan siya nito. Ngunit isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago muling naglakad. Napakagat-labi na lang siya. Labis siyang nahihiya at mukha silang bagong kasal sa klasi ng pagk

