bc

THE BILLIONAIRE'S HEIR [SPG R18]

book_age18+
47
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
badboy
powerful
heir/heiress
drama
bxg
campus
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Zasha Del Fio. Isang tagapagmana.

Ngunit isang malaking panganib ang naka-abang sa kaniya. Ang itinuring nitong mga kapatid ang siyang nagplano upang ipapatay siya para makuha ng mga ito ang kayamanan na dapat ay sa kaniya.

Hanggang sa makagawa siya ng paraan upang makatakas sa itinuring na kapatid na si Judas Mondran na gustong gumahasa at pumatay sa kaniya.

Ngunit ang inaakala niyang ligtas na siya ay isang pagkakamali.

Napadpad siya sa kalagitnaan ng bundok na may kalakihang bahay. Doon niya nakilala ang isang lalakeng arogante at mapanganib.

Christopher Del Lusca. Isang Mafia. Isang pinuno. Kinatatakutan. Mapanganib at makapangyarihan.

Magagawa niya pa kayang makawala sa mga kamay nito? Kung isang gabi, kinuha nito ang pinaka-iingatan niya?!

chap-preview
Free preview
Episode 1 (Zasha)
"Hey, Zha. Wala ka ba talagang balak sumama sa amin?" tanong ni Pamela. Mabilis akong umiling. "Mag-aalala ang inay ko. Sa sunod na lang," wika ko sa mga kaibigan. Ngumuso naman si Kate. "Kailan kaya ang sunod na iyan? Lagi mo na lang sinasabi pero hindi mo naman tinutupad!" "Oo nga!" segunda naman ni Carmela. Napakamot naman ako sa ulo. "Sorry talaga. Hindi kasi ako nakapag-paalam kay inay. Tiyak mag-aalala iyon kung hindi kaagad ako makakauwi." Sabay kagat ng ibabang labi. Bumitaw naman ang mga ito ng buntong hininga. "Sige, basta sa susunod siguraduhin mong makakasama ka na. Kung hindi magagalit na talaga kami sa iyo!" wika ni Pamela. Ngumiti naman ako. "Oo, pangako iyan!" Kumaway ako sa mga ito bago sumakay ng tricycle. Mahigit 30 minuto bago ako makarating sa aming bahay. "Salamat po manong!" Sabay abot ng pamasahe rito. Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay. "Inay, nandito na po ako!" Kumibot ang labi ko ng katahimikan ang sumalubong sa akin. Hindi pa yata nakakauwi si inay. Papasok na sana ako sa kuwarto ng makarinig ako ng ingay sa kusina. Ibinaba ko muna ang bag ko at saka dumiritso sa kusina. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng madatnan ang inay na nakasalampak sa sahig. "Inay!" Hinawakan ko ito sa braso at inalalayang makaupo. Kumunot ang noo ko ng makitang nagkalat ang sitaw sa sahig. Mukhang nalaglag iyon ni inay. "Inay, ayos ka lang po ba? May masakit po ba--" "Ayos lang ako anak." Sabay ngiti nito. Ngunit hindi nawala ang pagkabahala sa mukha ko ng makitang nakahawak ito sa kaliwang dibdib at para bang habol nito ang paghinga. Magsasalita pa sana ako ng haplusin nito ang mahabang buhok ko. "Napagod lang ako anak. Medyo marami kasi ang nilabhan ko kila Aling Susing." Bigla akong naawa para sa ina. Ito lang kasi ang hanapbuhay nito dito sa aming probinsya. Mabuti na lang libre ang paaralan na pinapasukan ko. Ngayong taon, magtatapos na rin ako ng high school. At balak ko munang magtrabaho rin at hindi kakayanin ni inay na pag-aralin ako ng college. "Kapag hindi niyo kaya inay, 'wag niyo na pong pilitin. Sana hinintay niyo na lang po ako." Uminit ang sulok ng mga mata ko. Napapansin ko ang madalas na paghawak ng inay ko sa dibdib nito. Kahit hindi nito aminin, ramdam kong may iniinda itong sakit. Minsan na itong nagpa-check up. At nang tinanong ko ito, dahil lang daw sa pagod. Kailangan lang daw ng pahinga. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Pero hiling ko nga na sana dahil lang iyon sa pagod. Hindi ko kakayanin kong magkakasakit ito. "Hayaan mo na anak. Sa susunod e, hindi ko na pipilitin kung hindi ko kaya. 'Wag ka nang mag-alala." Hinaplos nito ang mukha ko. Napanguso naman ako. Tumingala pa ako upang huminto ang luhang namumuo sa mga mata ko. Pinulot ko ang sitaw na nagkandalaglag. "Magpahinga ka na muna inay. Ako na pong bahala rito. Bukas po ako muna ang maglalaba kila Aling Perla." Tuwing sabado at linggo kasi tumutulong ako sa inay ko sa paglalaba. Ilang bahay din ang pinupuntahan namin para makapaglabada. Kaya kahit papaano nakakabayad naman kami ng maayos sa gastusin sa loob ng bahay. Tulad ng kuryente at tubig. Bigas at ulam din namin. Ang ibinibigay naman nitong baon sa akin ay itinatabi ko na lang. Hindi naman ako nagugutom sa school at may mababait naman akong kaibigan na nanglilibre sa akin. Nagtaka ako ng hindi kumilos ang inay ko. Hindi rin nagsalita. Tiningala ko ito. "Inay.." Mabilis nitong pinalis ang luha sa pisngi nito. "P-pasensya ka na anak. K-kasalanan ko kung bakit naghihirap--" "Inay naman! Sinabi ko naman sainyo na 'wag na po nating pag-usapan iyan." Doon pumatak ang luha sa mga mata ko. Masyadong mababaw ang luha ko. Sa simpleng bagay, napapaiyak na ako. Niyakap ko ito. "Wala ka pong kasalanan. Kung mayroon mang may kasalanan dito ay ang itay iyon. Dahil iniwan niya tayo. Iniwan ka niya." Lalo kung naramdaman ang pag-iyak nito. "P-patawad anak..." "Tama na po inay. Baka magkasakit ka pa. Masaya po ako kahit wala akong itay na kinagisnan. Sapat ka na po inay." Ngunit paulit-ulit lang nitong ibinubulong ang salitang patawad. Niyakap ko na lang ito ng mahigpit at hinaplos ang likuran. "I love you, nay. 'Wag ka na pong malungkot." TULALA ako habang nakatingin sa kisame. Mahimbing ng natutulog si inay ngunit gising na gising pa rin ako. Iniisip ko kung paanong nagawang iwan ng itay ang inay. Dahil napakabait ni inay. Kung ganda ang pag-uusapan, hindi maisasantabi ang ganda ng inay. Maputi ito at makinis. Na siyang nakuha ko rito bukod sa ganda nito. Gustuhin ko mang itanong ang lahat sa inay ngunit hindi ko magawa at sa tuwing nagsisimula itong magkuwento umiiyak na 'agad ito. Ang tanging alam ko lang, iniwan nito ang inay ng malamang buntis ito. Bilang isang anak masakit iyon para sa akin. Dahil nangangarap din naman akong magkaroon ng ama pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kaya ipinangako ko sa sarili na hinding-hindi ako basta-basta magpapaligaw. Magtatapos ako hanggang sa magkaroon ako ng maayos at magandang trabaho. Gusto kong mabigyan ng maayos na buhay ang inay ko. Kung sakali mang magtagpo ang aming landas ng itay ko. Maipapakita ko rito na sa kabila ng pang-iiwan nito, nakaraos kaming mag-ina at nabigyan ko ng magandang buhay ang inay. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko. Kung sa katalinuhan anak, nagmana ka sa ama mo. Tinakpan ko ang bibig ko upang mapigilan ang paghikbi. Iniisip ko pa lang na may ibang pamilya na ang itay ko, gusto kong magalit. Hindi ko naman kasi maitatangging nakakaramdam ako ng selos at pangungulila rito. Kahit naman kasi pagbalik-baliktarin, siya pa rin ang ama ko. ALAS singko pa lang ng umaga gising na ako. Pagkatapos maligo, saka naman ako naghanda para pumunta kila Aling Perla. "Inay, alis na po ako." "Sigurado ka ba anak? Hindi na kita sasamahan?" Ngumiti naman ako sa ina. "Hindi na muna inay. Magpahinga ka na muna po. Kayang-kaya ko na ito!" Sabay pakita ng maliit na muscle sa braso. Natawa naman ang inay bago ginulo ang buhok ko. "Oh siya mag-iingat ka. Uwi ka kaagad." "Opo nay!" Nakatalikod na ako ng maisipan kong tingnan muli ang inay. Napahinto ako ng makitang nakahawak na naman ito sa dibdib at malungkot na nakatanaw sa akin. Ihahakbang ko sana ang mga paa pabalik ng kumaway ito at saka ngumiti. Sumakay ako ng tricycle patungong bayan. Wala sa sariling naglalakad ako patungo sa looban kung nasaan ang bahay nila Aling Perla. Pagkarating kasi ng bayan, maglalakad pa ako ng ilang minuto. "Ayyy!!" malakas na tili ko dahil sa matinis na busina ng sasakyan. Bigla akong napasalampak sa lupa. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko sa pagkatakot. Akala ko talaga tuluyan akong masasagasaan. Kung bakit kasi naglalakad ako sa gitna ng kalsada na malayo ang iniisip. Kulang na lang kasi hindi ko iwanan ang inay ng makita ang kalagayan nito kanina. Napalunok ako ng bumaba ang driver ng sasakyan. Unang bumungad sa akin ang makintab nitong sapatos. "Bulag ka ba?" Bigla akong napa-angat ng tingin. Isang lalaking nakasuot ng mask. Naka-sumbrero din. Nakasuot din ng itim na jacket. Ang malinaw lang yata sa akin ang makapal nitong kilay na sobrang salubong sa pagkakakunot-noo. Sobrang tangkad din nito. Hindi rin nakaligtas sa akin ang malapad nitong dibdib at ma-muscles na mga braso nito. "P-pasensya na po.. hindi ko po sinasadya," garalgal na wika ko. Bigla akong napayuko. Sa sobrang takot at pag-aalala na rin sa inay, tumulo na lang bigla ang luha sa mga mata ko. Napapikit ako ng marinig ang malutong nitong mura. Ngunit kaagad din akong napamulat ng bigla ako nitong itayo. Nanatili pa rin akong nakayuko. Nanginginig pa rin ang katawan ko. "Sa susunod titingnan mo ang dinaraanan mo, miss. Ayoko pa naman sa lahat ay ang tatanga-tanga." At saka ito tumalikod. Nakagat ko ng mariin ang labi ko. Wala akong nagawa kun'di ang habulin ng tingin ang mamahaling sasakyan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook