HINDI pa halos nakakababa ng tricycle si Zasha ng marinig niya ang boses ni Aling Bem.
"Zasha!"
Nagmamadali itong lumapit sa kanya. Halos hinihingal ito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
"Bakit ho --"
Nang hawakan nito ang dalawang kamay niya.
"H'wag kang mabibigla. Sinugod sa hospital ang iyong inay!"
Biglang nabitiwan ni Zasha ang dalang pagkain na nasa kamay niya. Ramdam niya ang pamumutla ng kanyang mukha.
Nanginig din ang buong kalamnan niya sa nalaman.
Nagmamadali siyang sumakay ng tricycle. Ni hindi na niya naitanong kung anong nangyari at bakit isinugod sa hospital ang kanyang inay.
Habang nasa loob ng tricycle, tumulo ang sariwang luha sa kanyang mga mata sa tindi ng pag-aalala at takot para sa kanyang ina.
Nagmamadali siyang napatakbo sa loob ng hospital.
Hanggang sabihin sa kanya kung saan dinala ang kanyang inay. Kaagad siyang napatakbo.
Hinihingal siyang napahinto sa harapan ng pinto. Nang bigla iyong bumukas.
"Doc--"
"Ikaw ba ang anak ng pasyente?"
Sunod-sunod siyang napatango habang habol ang paghinga. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ng Doctor.
Napalunok siya nang gumuhit ang kalungkutan sa mukha nito, lalo lang tuloy nadagdagan ang takot na bumalot sa kanyang dibdib.
"Ang inay ko ho? Kumusta ho siya, Doc?"
"Nasaan ang iyong itay?" tanong nito na siyang ikinainit ng magkabilaang sulok ng kanyang mga mata.
Nahirapan din siyang lumunok.
"W-wala ho siya. Iniwan niya kami." Bigla siyang napaiwas ng tingin ng mangilid ang kanyang luha.
Ngunit kaagad niya rin iyong pinunasan at hinarap ito. Nagtaka siya nang gumuhit ang lalong pag-aalala sa mukha nito.
Hanggang sa mabigat itong nagpakawala ng buntong hininga.
"Tatapatin na kita, hija. Malala ang sakit ng iyong ina. At anomang oras, p'wede siyang mawala kung 'di siya 'agad maooperahan."
Muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan kung hindi lang siya nito nahawakan.
Napakurap-kurap siya ng sunod-sunod na pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
Gusto niyang mapahagulhol ng mga oras na iyon, ngunit pilit niyang nilalabanan ang kanyang sarili.
Sa edad niyang labing anim na taong gulang, matured na siyang mag-isip. Hindi rin halata sa kanya na dalaginding pa siya at malaking bulas ang kanyang pangangatawan. Ika nga, nang kanyang ina, sa kanyang itay siya nagmana - pati na ang katalinuhan.
"I'm so sorry, hija."
Akmang tatalikod ito, nang maagap niyang hawakan ang kamay nito. Luhaan siyang tumingala sa lalaking Doctor.
"M-magkano ho kung sakali ang babayaran ko upang maoperahan ang aking ina, Doc?"
Lalong lumungkot ang mukha ng Doctor.
"Aabutin ng milyon. Cancer ang sakit ng iyong ina. At matagal na niya itong iniinda."
Bigka siyang napayuko at mahinang napahikbi. Nanghihina rin siyang napabitaw sa kamay ng Doctor.
Saan siya kukuha ng ganoong pera?
"W-wala na ho bang ibang paraan, Doc? Baka naman p'wede niyong gamutin ang aking inay?"
Malungkot itong napailing.
"Kailangan ng mga kagamitan, hija. Kung walang perang mailalabas, malabong gumaling ang iyong ina. Hindi biro ang sakit niya. I'm so sorry."
Napahagulhol siya nang humakbang na ito papalayo. Ngunit sa tindi ng pagmamahal sa kanyang ina, nagawa niya itong habulin.
Walang hiyang lumuhod siya sa Doctor.
"Please, maawa ho kayo, Doc. Mahal na mahal ko ho ang aking ina. Siya na lang ang kasa-kasama ko sa buhay. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin."
Sunod-sunod akong napasigok. Hawak ko rin ng mahigpit ang kamay nito. Sa takot na iwanan ako nito ng tuluyan.
Malungkot lang na tinitigan siya nito. Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa.
"T-tulungan niyo ho ako. K-kahit pa buhay ko ang maging kabayaran, tatanggapin ko. Tulungan niyo lang ang aking inay. Parang awa niyo na!" Lumakas ang pag-iyak niya sa harapan nito.
Gulat na gulat naman ang reaksyon ng Doctor. Ngunit wala na siyang mapagpipilian. Kailangan niyang dugtungan ang buhay ng kanyang inay.
Anoman ang hilingin nitong kapalit ay gagawin niya, mailigtas lamang niya ang kanyang pinakamamahal na ina.
Ngunit labis siyang pinanghinaan ng kaladkarin siya ng security guard at ilayo sa lalaki.
Nagsusumigaw pa siya ngunit parang bingi ang mga lalaking bumitbit sa kanya palayo.
"A-ang inay ko!" naiiyak na bigkas ko.
ORAS ang lumipas.
Pinayagan siyang muling makapasok upang makausap ang kanyang inay. Kinalma muna niya ang sarili upang maitago ang pamamaga ng kanyang mga mata.
Ngunit alam niyang mapapansin at mapapansin iyon ng kanyang sariling ina.
Ilang mabibigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Zasha bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kuwarto.
Mariin pa niyang nakagat ang ibabang labi ng mangatal iyon sa pinipigilang mapaiyak muli.
Labis na nanginginig ang kanyang katawan sa takot. Takot sa maaaring mangyari sa kanyang ina.
Nahirapan siyang lumunok nang makita ang ina. Mukhang mahimbing itong natutulog.
Sa nanginginig na mga paa, dahan-dahan niya itong nilapitan. Hanggang sa hawakan niya ang kamay nito.
Hindi na naman niya napigilang mapaluha nang maalalang kailangan ng malaking pera upang maooperahan ito.
"Anong gagawin ko, inay?" pabulong na sambit ni Zasha habang tahimik na umiiyak.
Hanggang sa nagmamadaling pinunasan niya ang luha sa mga mata nang maramdamang gumalaw ang kanyang inay.
"A-anak.."
Lihim siyang napalunok nang maramdaman ang panghihina ng kanyang ina.
"Inay.."
Marahan itong ngumiti sa kanya.
"Kumusta ho ang pakiramdam niyo?" Nais mapaiyak ni Zasha sa sariling tanong.
Alam naman niya ang kalagayan nito, ngunit ayaw niyang malaman ng kaniyang ina na malala ang karamdaman nito.
Nang maramdaman ni Zasha ang paghigpit sa kamay niya na hawak-hawak nito.
"Anak, may kailangan kang malaman, bago ako mawala sa mundong ito.." nahihirapang bigkas nito.
Bigla na lang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"A-ano bang sinasabi niyo, inay? Magiging maayos--" Nang bigla itong umiling-iling.
Lalo naman siyang napaluha. Hanggang sa haplusin pa nito ang kaniyang pisngi. Buong pagmamahal siya nitong tinitigan na gusto niyang ikahagulhol.
Ang isiping alam din ng kanyang ina na malala na ang kalagayan nito, sobrang sakit sa dibdib na halos gusto niyang ikaiyak nang labis!
"Makinig ka muna sa akin, anak. Hayaan mo 'kong makapagsalita at masabi ko sa'yo ang lahat." Nagpakawala ito ng buntonghininga.
Walang nagawa si Zasha kun'di ang yumuko at tumango-tango habang pinipigilan ang mapaiyak muli.
Hangga't maaari, hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan sa kanyang inay. Kailangan siya nito.
Nang hawakan nitong muli ang kanyang kamay.
"Anak, una sa lahat, humihingi ako ng tawad. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo mararanasan ang kahirapang nararanasan mo ngayon.." pigil na pigil nitong mapaluha.
Nanunubig naman ang mga mata niyang tahimik na nakikinig sa ina.
"Nagsinungaling ako, anak.." gumaralgal ang boses nito.
Bigla siyang napaangat ng tingin. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Lalo namang namasa ang mata ng kanyang ina.
Bumitaw pa ito ng mabigat na buntong hininga.
"Hindi tayo iniwan ng iyong itay. Kun'di ako ang umalis at nagpakalayo-layo." Pumatak ang luha sa mga mata nito.
Napaawang naman ang kanyang mga labi!
Gusto niyang magtanong ngunit mas pinili niyang manahimik at makinig muna sa sasabihin nito.
"Namasukan ako bilang kasambahay sa pamilyang Del Fio, anak. At 'di ko inaasahan na magugustuhan ako nang iyong ama na si Abier Del Fio. Ang asawa ni Felistia Mondran." Sandali itong huminto at lalo lang itong napaiyak. Suminghot-singhot pa ito.
Para naman natuklaw ng ahas si Zasha sa mga nalaman. Nahirapan din siyang lumunok na para bang siya ay sinasakal ng mga oras na iyon!
Namumula ang mga matang tinitigan siya ng sariling ina.
"Minahal ko rin siya, anak. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon. Hanggang sa nabuntis nga niya ako. Ngunit dahil sa pagbabanta ng kanyang asawa, napilitan akong umalis at magpakalayo-layo."
Biglang nayakap ni Zasha ang sariling ina ng bigla itong humagulhol. Namalayan na lang din niyang tumutulo na ang kanyang luha sa kanyang mga mata.
Pakiramdam ni Zasha lalo lang nadagdagan ang problema niya sa mga nalaman.
"A-alam ba ni itay na buntis ka nang umalis ka --" Nang kaagad itong napailing-iling. 'Di naman nakakibo si Zasha.
Nang seryoso siyang titigan ng sariling ina.
"Makinig ka sa akin, anak. Ikaw ang nag-iisang anak ng iyong itay. Dahil ang tatlong anak ni Felistia na asawa ngayon ng iyong itay, ay hindi niya mga anak."
Bahagya siyang natigilan. Lumunok naman ang kanyang ina.
"Mayaman ang itay mo, anak. At ikaw ang totoong tagapagmana. Sa ngayon, tiyak na alam na niyang may anak siya sa akin. Dahil lihim akong nagpadala ng sulat at umaasa akong matatanggap niya iyon. Inihabilin na kita sa kanya, anak. Alam kong hindi ka niya pababayaan kung sakaling mawala ako sa mundong ito." Muli itong napaluha habang nakatitig sa kanya.
Akmang magsasalita si Zasha..
"Patawarin mo ako, anak. Sana hindi mo nararanasan ang kahirapang nararanasan mo ngayon. Kasalanan ko ang lahat.." basag na bigkas nito.
Nang 'agad naman siyang umiling. Akmang magsasalita si Zasha ng bigla itong matigilan at muling mapahawak sa tapat ng dibdib nito.