ISANG kamay sa noo ni Zasha ang nagpagising sa kanya. Nanginginig siya sa sobrang lakas ng kanyang lagnat. Ramdam niya rin ang tindi ng init ng kanyang pangangatawan. Labis din siyang nanghihina, lalo na't wala pa siyang kain, simula kaninang umaga. Balot na balot siya ng kumot. Bahagya siyang napakunot-noo ng makita ang isang lalake, kasama ng kanang-kamay. "Mataas ang lagnat niya. Kailangan niyang makakain at makainom ng gamot." Bumaling ito sa kanang-kamay na si Henri. Tumango naman ang lalake at saka ito lumingon sa gawi niya. Ngunit 'agad niya ring ipinikit ang kanyang mga mata. Wala siyang balak kumain ni uminom ng gamot. Mas gugustuhin na lang niyang mamatay ng ganito kaysa ang mamatay siya kung paulit-ulit siyang gagahasain ng matandang Del Lusca na iyon! Nasisiguro ni Z

