ISANG yakap mula sa likuran ang nagpagising kay Zasha. Naramdaman din niya ang pag-usod nito sa kanyang katawan palapit sa katawan nito. Mahinang napaungol si Zasha. Akmang babalik siya sa pagkakatulog ng maingat siya nitong iharap sa harapan nito. Bigla siyang napasiksik sa matikas nitong dibdib. Amoy na amoy niya rin ang bango ng katawan nito. Kung noon, nandidiri siya sa lalaki, ngayon gustong-gusto niyang makulong sa katawan nito. Ramdam ni Zasha ang kapayapaan at kaligtasan, sa tuwing nasa tabi niya ito. Kung noon, natatakot siya - ngayon, wala siyang nararamdamang anomang takot. Mas komportable pa siyang yakap-yakap siya nito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng noo niya. Sa isiping may gusto nga ito sa kanya, hindi mapigilan ni Zasha ang makaramdam ng lakas nang

