Episode 25

1550 Words

BIGLANG napabalikwas si Zasha mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya at tanging lamshade ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kuwarto. Sunod-sunod siyang napalunok. Hanggang sa tingnan niya kung may tao sa ibabaw ng kama, ngunit wala. Lihim siyang nakahinga ng maayos. Mukhang hindi naman dito matutulog ang lalaking amo ng mga armadong kalalakihan na nasa labas nitong bahay? Anong oras na kaya? Naghanap siya ng orasan, ngunit wala siyang matagpuan. Hindi tuloy niya alam kung anong oras na ng mga oras na iyon. At pakiramdam niya, kumakalam ang kaniyang sikmura. Napahaplos siya sa sariling tiyan habang kandahaba ang nguso. Muli siyang umupo sa mahabang sofa. Hanggang sa maalala ang kanyang itay. Hindi na naman niya naiwasang mapaiyak sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD