Part 1

2276 Words
***** CARA ***** DALAWANG BESES muna na pagkurap ay saka lang naimulat ni Cara ang kanyang mga mata nang tuluyan. Sa una ay mga eye ball niya muna ang gumagalaw. Nakiramdam muna siya sa paligid. Saka lang siya bumangon nang napagtanto niyang nasa sarili siyang silid, silid nila ni Evo, ng kanyang asawa. Alas-sais y media nang hapon ang itinuro sa kanya nang sulyapan niya ang orasan sa may dingding. She drew a deep, silent breath. Walang duda na nakatulog na naman siya na hindi niya namamalayan kanina. Inatake na naman siya ng sakit niyang narcolepsy with cataplexy, a condition that affects the nervous system. It causes abnormal sleep due to low levels of protein called hyprocretin. Hindi naman nakakamatay ang sakit na ito pero dahil sa pabigla-biglang pagkakatulog na hindi namamalayan ay malaki ang epekto ng narcolepsy sa taong tatamaan nito. Example kapag nagda-drive ang isang taong may sakit na ganito ay puwede siyang maaksidente kapag inatake siya ng biglang tulog. Kadalasan ang taong may sakit na narcolepsy ay nawawalan ng sentro sa buhay dahil sa epekto nito. Katulad na lamang ni Cara na napilitan nang iwanan na ang pagtuturo sa eskwelahang pang-elementarya dahil sa madalas na niyang pagkakaidlip sa klase. Gawa ng kanyang sakit ay hindi na niya nagampanan nang maayos ang pagiging guro niya. Siya na lang din ang nahiya kaya nagpasya na lang siyang umalis sa trabaho kahit na ang sakit sa kalooban niya na iwanan ang kanyang pinakamamahal at pinaghirapan na bokasyon. Ang nagpapagaan na lang ng kanyang loob ay ang kaisipang, at least hindi niya masyadong na-feel ang stigma that time bago siya nagdesisyong magpaalam. Inunawa siya ng mga estudyante niya at mga co-teachers niya. Minahal at nirerespeto pa rin siya noon sa kabila ng nakakatawa niyang sakit na antukin. May mga gamot naman siya. She’s taking medication to manage all the symptoms. She’s taking powerful stimulants during the day and sedative at night. Unfortunately, hindi talaga sila para sa sakit niya dahil magpahanggang ngayon ay wala pa ring lunas ang narcolepsy kaya hindi mga sumapat para matulungan siya sa pang-araw-araw niyang pagtratrabaho. Nakakatulog at nakakatulog pa rin siya anytime na atakihin siya ng sakit niya. Gayunpaman, kahit papaano ay tanggap na niya na sa panahong ngayon ay lifelong problem ang dumapo sa kanya na sakit. Natanggap niya dahil sa tulong ng kanyang doktor at ng kanyang psychiatrist. Isama na rin ang pagmamahal sa kanya ng asawa, kaibigang si Eunice at kanyang pamilya na mga nasa probinsya. Smoothly rising to her feet, Cara took another deep breath. At nang lumakad siya palabas ay napahimas siya sa kanyang noo. Medyo masakit ang ulo niya dahil nasobrahan na naman siya ng tulog. Hindi naman kasi siya puyat kagabi. Inakala nga niya kanina na hindi na siya makakatulog pero nakatulog pa rin talaga siya. So, kung bibilangin niya ay nineteen hours na ang tulog niya. Napailing siya sa sarili. Nanghihinayang siya sa mga oras na nasasayang habang tulog siya. But because she knew she could do nothing as long as there was no cure for her illness, she calmed himself down. Siya rin ang mahihirapan kapag didibdibin na naman niya ang mga epekto sa kanya ng narcolepsy. Itinuloy ni Cara ang paglisan sa silid nilang mag-asawa patungong kusina. Kailangan niyang ituloy ang mga gawaing bahay na hindi na naman niya nagawa kanina. Isa na roon ang paghuhugas ng pinagkainan. Magluluto na rin siya. Nga lang ay nadurog na naman kanyang puso nang naratnan niya sa kusina ang kanyang asawa. Nagluluto si Evo habang naghuhugas ng mga plato. At makikitang kadarating lang nito mula sa trabaho dahil naka-office attire pa rin. Tinanggal lang ang suit jacket nito at ipinatong sa lamesa. Natutop ni Cara ang kanyang bunganga dahil sa hindi niya mapigilang pagluha. She felt a prickle of guilt. Dahil sa sakit niya ay pati responsibilidad niya bilang housewife ay hindi na niya nagagampanan nang maayos. “Hey, why are you crying?” Nabahala si Evo nang nalingunan siya. Dinaluhan agad siya at inalo. “Is something wrong with you, hon? Or nanaginip ka na naman ng masama?” She shook her head NO. Naitanong iyon ng kanyang asawa dahil kasama sa epekto ng narcolepsy ang hallucination, na napupunta sa mga panaginip na sobrang sasama, mga nightmare. Isama na rin ang minsan ay sleep paralysis at sleep apnea na siyang mga kinakatakutan ni Evo na mga reaction ng sakit niya. Ni ayaw nga siyang iwanan sana pero kailangan naman nitong magtrabaho para sa kanilang dalawa. At saka hindi magagawang iwanan ni Evo ang gaming company nito na pinaghirapan nitong itayo. “Huwag ka nang umiyak. Masama sa’yo ang ma-stress,” alo sa kanya ng asawa. After siyang halikan sa noo ay niyakap siya nito ng buong pagmamahal. “Nahihiya na ako sa’yo, Hon. Pagod ka na sa office pero heto’t ikaw pa rin minsan ang gumagawa ng mga dapat kong ginagawa. I’m a useless wife,” aniya habang nakasubsob siya sa dibdib nito. “Don’t say that, Hon.” Bahagya siyang inilayo ni Evo sa pagkakayakap at sa lips naman siya nito hinalikan. “You know how much I love you, don’t you?” he asked afterwards. She pursed her lips and slowly nodded. “Kung gano’n ay dapat ay alam mo rin na gagawin ko ang lahat para sa iyo dahil mahal na mahal kita.” Gamit ang dalawang hinlalaki ay pinunas Evo ang kanyang mga luha. “Gusto mo ako na lagi ang cook dito sa bahay para mas masarap ang ulam natin araw-araw?” nga lang biro nitong dagdag kaya naman napalabi siya. Natawa si Evo. “Just kidding. Ang sarap kaya magluto ng asawa ko.” Pinalo niya ito sa braso. Aminado kasi siya na hindi siya kagalingan sa pagluluto dahil after noong kasal nila, two years ago, lamang siya nagkainteres sa kusina. But at least she was trying her best. Nag-short course siya sa culinary arts last year. Tapos ngayon ay sige siya sa panonood ng mga cooking tips sa YouTube. “Promise mo sa akin na hindi ka magsasawa sa akin, ah?” ungot niya pagkatapos nang malutong na tawa ni Evo. “Oo naman,” mabilis na sagot ni Evo. An appealing smile flashing from his adorable face. “Hinding-hindi ako magsasawa na mahalin ka kaya huwag ka nang mag-alala at iiyak. Pumapangit ka, oh.” Itinuro nito ang kanyang mukha. As if nagsulputan ang madaming wrinkles sa kanyang noo. “Naman, eh!” Parang batang nagmamaktol na tinabig niya ang hintuturo ng asawa, at saka nagpapadyak. Muli siyang niyakag ni Evo. Sa may tuktok niya naman naramdaman ang pagdampi ng mga labi nito. Sa taas na five foot eleven ni Evo at siya naman ay flat five ay kitang-kita na ng kanyang asawa ang kanyang dalawang puyo sa ulo. Tuloy pa sana ang paglalambingan nila pero dahil may nag-doorbell ay napahiwalay sila bigla sa yakapan nila. “Are you expecting a guest?” asked Evo. “Wala naman, but maybe it’s Eunice,” tugon niya. Wala naman kasing bumibisita sa kanya kundi ang matalik niyang kaibigan na iyon. “Or baka si Nang Masing na,” pero kontra ni Evo nang may maalala rin na puwedeng dumating ano mang oras sa kanilang bahay. “Bakit naman pupunta si Nang Masing rito?” tanong niya sa asawa. Surprise showed on her cherubic face. Napakamot muna sa batok si Evo bago sumagot. “Sorry, Hon, but I forgot to tell you na tinanggap ko na ang offer ni Mommy na dito na sa atin si Nang Masing para may kasama tayo rito sa bahay.” Balik kusot ang mukha niya. “Why did you accept? Napag-usapan na natin noon pa na hindi tayo kukuha ng kasambahay, ‘di ba?” “Hindi naman as in magiging ganoon si Nang Masing dito. Tinanggap ko lang siya para may makakasama ka rito sa bahay kapag nasa trabaho ako at—“ Mahaba sana ang eksplenasyon ni Evo pero dahil tinalikuran na niya ito ay natigil ito. Ayaw na niyang marinig ang ano mang sasabihin nito dahil pinamukha na naman nito sa kanya na wala siyang silbi rito sa bahay kaya kailangan na nila ng kasama. Sa isang iglap ay bumalik ang pakiramdam niya na wala siyang silbi na asawa. Her heart squeezed tight in pain. She really wanted to cry again, but because she had a visitor she restrained herself. “Good evening, besh,” hyper na bati sa kanya ni Eunice nang napagbuksan niya ito ng gate. She smiled dryly. “Kotse mo?” “Dito na lang sa labas kasi saglit lang naman ako.” “Okay.” Matamlay niyang isinara at ni-lock ang gate. “Oh, anong meron? Bakit para kang namatayan?” Na napansin agad ng kanyang kaibigan. “Si Evo kasi,” tipid niya munang sabi. Iginiya niya muna si Eunice sa balkonahe. Umupo sila roon. Hindi na rin siya nagtataka kung bakit napadalaw ito. Madalas naman kasi na dinadalaw siya ni Eunice. May time na nagtatagal pero mas madami ang saglit lang. Gusto lang siyang kamustahin or i-check. “What’s with Evo? Inano ka ng asawa mo?” Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago sumagot. Sinabi niya ang tungkol kay Nang Masing. Hindi naman siya against sa matandang iyon dahil ang totoo ay ka-close niya iyon. Naging nanay-nanayan nga niya si Nang Masing noong ilang buwan silang tumira muna sa bahay ng parents ni Evo habang inaayos pa noon ang bahay nilang ito ngayon. Napakabait at napakasipag kasi ng matandang iyon. Wala siyang masabi. Ang kaso ay malaking insulto talaga sa kanya, lalo na sa sitwasyon niya ngayon, na magkaroon sila ng kasambahay. “Parang napakawalang silbi ko na talaga dito sa bahay kapag gano’n,” pagtatapos niya sa kuwento niya kay Eunice. “Ano ka ba naman, Cara? Iyan agad ang naisip mo?” “Ano pa ba? Wala na nga akong trabaho, wala pa akong gagawin dito sa bahay? Ano pang silbi ko?” “I got your point. Pero sa tingin ko ay hindi iyon ang naiiisip na dahilan bakit kukunin na ni Evo si Nang Masing. I think ay gusto lamang ng asawa mo na may kasama ka talaga rito sa bahay niyo. Alalahanin mo na madalas ka nang inaatake ng sleep apnea. Paano kung isang araw ay hindi mo makayanan at tuluyan kang hindi makahinga habang tulog ka? Delikado ‘yon, besh.” Hindi siya nakaimik. “Unawain mo rin Evo dahil kapakanan mo lang ang iniisip niya. Suwerte ka nga dahil siya ang napangasawa ko. Hindi ka niya pinapabayaan,” dagdag pa ni Eunice. May sasabihin sana siya pero hindi niya naituloy dahil may kumalabog sa kabilang bahay. Sabay na napatingin sila ni Eunice roon. Nakangiting nag-peace sign sa kanila ang babae na sexy ang kasuotan. May nahulog yata itong gamit na dala-dala mula sa taxi nitong sinakyan at iyon ang kumalabog. Mababa lang kasi ang mga pagitan ng mga bakod sa mga bahay sa a subdivision nila kaya tanaw ng bawat isa ang magkakapitbahay sa labas. “May kapitbahay na pala kayo riyan?” tanong ni Eunice nang nakapasok na ang babaing sexy. “Ngayon ko nga lang nalaman, eh,” aniya. Matagal din kasing nabakante ang katabing bahay nila mula umalis ang dating nakatira na mag-asawa dahil mga nag-migrate na sa Canada. “Siguro kaninang umaga lang lumipat pero dahil tulog ako ay hindi ko namalayan.” “Siguro nga,” ayuda ni Eunice. “Pero naku po ang sexy at ang ganda niya, ah. Delikado ang mga kalalakihan dito sa subdivision niyo. Lalo na ang mga tigulang. Mabubuhay sigurado ang mga kamanyakan nila.” “Baliw,” sita niya sa kaibigan. Gano’n kasi ang naisip agad. Eunice chuckled. Napangiti na rin siya. “Ang judgmental mo.” “Oh, bakit? Iyong klase niya na hot and sexy kaya ang kinababaliwan ng mga lalaki. Alam mo ‘yan kaya bantayan mo rin si Evo mo. Mahirap maging kapitbahay ang ganoong katuksong katawan.” “Iba ang asawa ko. Kahit maghubad pa ang babaing iyan sa harap niya ay sorry siya dahil hindi siya papatulan ng aking asawa. Matino si Evo ko,” pagtatanggol niya sa asawa. “Amen.” Pabirong nag-sign of the cross na lamang si Eunice. “Ano ‘yon? Why did I hear my name?” Sakto na paglabas ni Evo. “Wala, Hon.” Ngumiti na si Cara sa kanyang asawa. Nawala na ang tampo niya rito. Dahil sa mga sinabi ni Eunice ay napag-isip-isip niya na tama nga lang siguro na may kasama siya rito sa bahay kapag wala ang kanyang asawa. “I have to go,” pag-iiwas naman ni Eunice. Nakatawa ito dahil din sa sariling kapilyahan. “Dito ka na maghapunan. Nakaluto na ako,” pigil rito ni Evo. “Next time na lang dahil ang dami ko pang gagawin. Tapos may faculty meeting pa kami bukas nang maaga,” pero pagtanggi na talaga ni Eunice. Tumayo na ito at nagbeso kay Cara. “Iyang next time na ‘yan ay dito ka na rin matulog para makapagkuwentuhan tayo, ah?” sabi ni Cara. “Oh, sure,” kindat sa kanya ng kaibigan. “Alagaan mo ang kaibigan ko,” tapos ay bilin naman nito kay Evo bago lumakad na. Inihatid ng mag-asawa si Eunice sa labas. Hinintay na makaalis bago sila pumasok ulit. Si Evo na ang nagsara ng gate. Pagkatapos ay magkaakbay silang tinungo ang bahay. Hindi nga lang alam ni Cara kung bakit muling dumapo ang tingin niya sa bahay ng bagong kapitbahay nila. At lalong hindi niya alam kung bakit bigla ay may tumubo na kaba sa kanyang dibdib……….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD