Part 2

1751 Words
***** CARA ***** "Nang Masing!" Sobrang excited ni Cara na niyakap ang matandang makakasama nila sa bahay nila habang hindi pa nagagamot nang tuluyan ang kanyang sakit. "Naku, bata ka, nagulat naman ako," saad ni Nang Masing sabay hawak sa dibdib. Kasalukuyang nagpupunas kasi ito ng mga display ng bahay. Nakatalikod kanina kaya naman hindi nito talaga namalayan ang paglapit ni Cara. "Sorry po." Napahagikgik naman si Cara nang humiwalay siya ng yakap sa matanda. Tanggap na tanggap na niya na makakasama niya si Nang Masing. Wala na siyang tutol dahil nauunawaan na niya si Evo bakit kumuha ng kasambahay. She fully understands now that her husband thinks only of her safety."Anong oras ka dumating, Nang?" "Kanina pang umaga. Ang sarap kasi ng tulog mo." Cara's smile gradually faded. "Huwag kang mag-alala, iha. Noon ko pa nalaman ang kalagayan mo at nauunawaan ko lahat kahit matanda na ako. Sobrang nalulungkot ako para sa iyo. Kaya nga pumayag ako agad nang sabihin ni Evo na nais niyang makasama niyo ako rito sa bahay niyo. Gusto ko kitang tulungan para hindi ka mas nahihirapan." Bumalik bigla ang mga ngiti niya sa labi niya dahil sa mga sinabing iyon ni Nang Masing. Ewan niya pero hindi man lang siya nasaktan or nakaramdam ulit ng kawalang silbi. Malamang ay dahil ramdam na ramdam niya ang sincerity mula rito. Parang ang nanay or ang lola lang niya ito na nagsalita, nakakagaan ng loob niya. Buong pagmamahal na kinuha ni Nang Masing ang kanyang isang palad. "Sabi ni Evo ay lumalala raw ang sakit mo. Humahaba raw ang oras na tulog mo kaya sobrag naaapektuhan ka. Lagi ka raw nalulungkot sabi ng asawa mo." She bit her lower lip to surpass her tears trying to escape in her eyes. "Feeling ko lang po kasi ay napakawala kong silbi na asawa, Nang, kaya ganoon." Umiling ang matanda. "Huwag na huwag mong iisipin 'yan. Alam mo ba ang sabi sa akin ni Evo?" "Ano pong sabi niya?" Agad siyang nagkainteresado. Batid niya kasi na sa lahat ng tao ay si Nang Masing ang pinagkakatiwalaan ng kanyang asawa. Mas close pa si Evo sa matandang ito kaysa sa Mommy nito. Si Nang Masing kasi ang nag-alaga noon kay Evo. Gayunman ay hindi tinawag ni Evo na yaya si Nang Masing. ‘NANG’ lang talaga. Malamang ay ayaw ni Evo na ituring lamang ang matanda na isang tagapag-alaga. Pamilya na para kay Evo si Nang Masing. "Ang sabi niya ay napakasuwerte pa rin niya dahil ganyan na sakit ang tumama lamang sa iyo na asawa niya dahil kung mas malala pa raw ay baka iyon daw ang hindi niya kakayanin. Mahal na mahal ka ng asawa mo, iha, kaya sana huwag kang panghihinaan ng loob. Labanan mo ang sakit na iyan. Ipakita mo sa sarili mo at sa asawa mo na kaya mo pa ring mabuhay na masaya sa kabila ng sakit na iyan. Magpakatatag ka lang dahil madami kami na nagmamahal sa'yo." Hindi na napigilan ni Cara ang kanyang mga luha. Naglandas ang ilang mga luha sa makinis niyang pisngi. “May nakakaiyak ba sa sinabi ko?” Cara ran a quick hand over her eyes to dash away the tears. Pagkatapos ay ngumiti ulit siya kay Nang Masing nang sobrang tamis. "Ganyan nga, iha. Ngiti lang. Napakaganda mo kapag ngumingiti ka," papuri na sa kanya nito. "Salamat, Nang." Sa ikalawang pagkakataon ay yumakap siya sa matanda. Being in her arms felt good. Pakiramdam na niya ngayon ay nakahanap siya ng kakampi. Ang gaan sa pakiramdam. Mabuti na lang pala at napapayag siya ni Evo na makasama rito ang matanda. Hindi pala nagkamali ng desisyon ang kanyang asawa dahil siya man ay mas panatag na ngayon ang kanyang kalooban. Iyong feeling niya na wala siyang silbi na asawa ay wala na. Ni katiting na pakiramdam na ganoon ay wala nang pumasok sa kanyang puso at isipan. Sa halip ay nawala ang kanyang takot na baka atakihin siya bigla ng kanyang sakit. "Saglit lang at ipaghahanda kita ng makakain," mayamaya ay paalam ni Nanay Masing sa kanya. "Anong gusto mo?" "Kahit ano po, Nang,” tugon niya. “Eh, si Evo po pala? Ano oras siya pumasok sa trabaho? Kumain po ba siya?" "Maaga siya. Pagkahatid niya sa akin rito ay umalis na rin. At oo, kumain siya bago umalis." Tumango-tango siya habang nakangiti pa rin. Pumasok na rin nang tuluyan si Nang Masing sa kusina. Kahit ang matanda man ay kay gaan ng kanyang kalooban na inasikaso ang dadalhing pagkain sa bago niyang magiging alaga. Kapag tinitingnan nito kasi si Cara ay naalala nito ang anak na nasa probinsya na may asawa na roon kaya minsanan na lang nito makita't makasama. "Heto na. Kumain ka na at nang may lakas ka," anang matanda nang binalikan nito si Cara sa malawak na living room. "Carraaaaaa!!! Diyos ko!!!" subalit ay histerya ng matanda nang nakita nitong nakabulagta na si Cara sa sahig at nangingisay na animo'y inaatake ang epilepsy. Nabitawan niya pati ang tray ng mga dala-dala niyang pagkain. "Cara?! Anong nangyayari sa'yo?!" Hindi alam ni Nang Masing kung hahawakan o ano si Cara nang sinaklolohan niya ito. Takot na takot ang matanda. Buti na lamang at naisipan niyang humingi ng saklolo. Nagtatakbo ito nang labas at nagsisigaw ng tulong. “Parang awa niyo na tulong! Tulungan niyo kami!” sigaw nito nang paulit-ulit. Hanggang sa may pumarada na taxi sa tapat ng bahay na katabi ng bahay nina Evo at Cara. Bumaba roon ang babae na sexy ang kasuotan at dinaluhan agad ang matanda upang tugunan kung ano man ang hinihiling nitong tulong. “Lola, ano pong nangyayari? Ano pong maitutulong ko?” "Tulungan mo ako, iha! Inaatake ng sakit niya ang aking alaga! Dalhin natin siya sa hospital!" pagsusumamo ni Nang Masing sa babae. Hinawakan niya pa ito sa braso upang hindi ito tanggihan. Nakikiusap ang tingin nito. Nagbabadya ang mga luha gawa nang matinding nerbiyos. “Relaks lang po. Opo, tutulungan ko po kayo,” sabi ng babae nang naramdaman nito ang panginginig ng matanda. "Kuya, tulungan mo kami! Emergency raw!" pagkuwa’y pakiusap nito sa driver ng taxi na sadyang hindi nito pinaalis kanina dahil naisip nito agad na kakailangan nila ito. Pasalamat ni Nang Masing at hindi rin nagdalawang isip ang driver ng taxi. “Hala! Ano pong nangyari sa kanya?” naibulalas ng babaeng sexy nang nakapasok sila ng bahay at nakita si Cara na nakabulagta. Patuloy pa rin sa pangingisay. “Mahabang kuwento. Dalhin muna natin siya sa ospital.” Naluha na si Nang Masing. “Tara! Tara!” Sumingit ang driver ng taxi. Ito na ang umakay kay Cara. Maingat nitong binuhat si Cara, inilabas, at saka isinakay sa taxi. Hindi na nangingisay si Cara pero wala pa ring malay nang nasa byahe na sila. "Diyos ko, Cara. Gumising ka na, iha," panay na pakiusap nang ninenerbyos pa ring si Nang Masing kay Cara. Ito ang umaalalay kay Cara sa likod ng taxi. "Ano pong nangyari sa kanya? Epekto po ba ‘yan ng sakit niya? Malala po ba ang sakit niya?" usisa ulit ng babaeng sexy. Ito man ay sumama na rin dahil hindi lang para kay Cara ito nag-aalala kundi pati na rin sa matandang si Nang Masing. Sa isip nito'y matanda na si Nang Masing para kayanin na asikasuhin ang pasyente. Baka kung mapaano rin ito. "May sakit kasi ito. Ne-- Narco-- Hindi ko maalala ang tawag do’n pero madalas na nakakatulog siya nang hindi niya namamalayan. Pero wala namang nabanggit si Evo na nagkakaganito rin itong si Cara. Diyos ko, baka ngayon lang nangyari ito," tugon ng matanda. Hindi na nag-usisa pa ang sexy na babae kung sino si Evo na binaggit nito. Malinaw naman na asawa iyon ng pasyente. "Saang hospital pala tayo, Ma'am?" nang sabad ng diver ng taxi. "Sa pinakamalapit na lang ba?" "Sa Malvaro hospital. Bilin sa akin ni Evo na doon dalhin itong si Cara kapag kinakailangan tapos ay hanapin ko raw si Doctor Lapitan," mabilis na sabi ni Nang Masing. "Sige. Doon tayo, Manong," sang-ayon ng sexy na babae. Pinasibad na nga ng driver ng taxi ang kinasasakyan nila. At dahil businang pang-emergency ang ginagawa nito ay pinaparaya sila sa daan. Saglit lamang ay pinagkaguluhan na sa hospital si Cara. "Relax na po kayo. Magiging maayos na po si Cara," pampalubag-loob na wika ng babaing sexy kay Nang Masing. Tumango ang matanda. Gawa ng nerbyos ay hindi na ito makapagsalita pa. Iginiya ito ng babaing sexy sa pasadyang bench sa labas ng Emergency Room. Tahimik nilang hinintay ang paglabas ng doktor mula roon. "Nang, what the hell happened? Anong nangyari sa asawa ko?" Hindi nagtagal ay humahangos na dumating na si Evo. Yakap muna at iyak ang sinalubong ng matanda rito. "Ano na ang sabi ng doktor, Nang? And why didn't you call me right away? Buti na lamang at kinuntak ako ng secretary ni Doctor Lapitan kung hindi ay hindi ko pa alam ang nangyayari kay Cara." Hindi galit si Evo, nasa boses lang nito ang pagkadismaya. Kumawala ng yakap si Nang Masing. "Pasensya na at nataranta kasi ako. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Nakalimutan ko nang tumawag dahil sa matinding takot." "Oo, sobrang emergency na kanina. But don't worry, your wife will gonna be fine," sabad ng sexy na babae. Nainis ito kay Evo dahil nagagawa pa talagang pagalitan ang matanda gayong halos mag-colapse na nga dahil sa matinding pag-aalala kanina pa. "How can you be sure? Lumabas na ba ang doktor?" pabalang na tanong rito ni Evo. Salubong ang mga kilay nito na tiningnan ang nangingialam na babae. Napahiya tuloy ang sexy na babae. "Evo, siya ang tumulong sa akin kaya nadala agad dito sa ospital ang asawa mo," pagtatanggol din ni Nang Masing sa babae. Natameme si Evo. Napahiya rin konti sa inasal. "Rucia Manrique," pakilala na ng sexy na babae kay Evo. Inilahad pa nito ang kamay sa gitna nila. "Bagong kapitbahay niyo ako sa Casa Milan Subdivision." "Evo," simpleng pakilala naman ni Evo tapos ay tinungo ang malapit na pinto ng ER. Sumilip-silip. Animo'y makikita nito roon si Cara. “Pasensiya ka na, iha.” Si Nang Masing na lamang ang humingi ng pasensya sa babaing tumulong sa kanila na Lucia pala ang pangalan. “Ayos lang po,” mabait na sabi naman ni Rucia. Hindi nito pinahalata sa matanda ang pagkadismaya sa inasal ni Evo. First time na may lalaking nagpakita sa kanya ng kawalan ng interes. Lihim na nagngitngit ang kalooban nito……..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD