Chapter 2

1977 Words
NASA bukana ng talon si Orion at nag-iisip nang may mapansin siyang bulto ng tao na palutang-lutang. Wala siyang sinayang na sandali, mabilis siyang lumusong sa tubig at sinagip kung sino man ito. Damn! Napamura siya nang madala niya na ito sa tabi. Mabilis siyang nag CPR at bomba sa dibdib nito. Ilang beses niyang sinipsip ang tubig sa bibig ng babae. Napahinga siya ng maluwang nang umubo ang babae at marahan nagmulat ng mga mata. Pero sandali lang iyon, agad pumikit ang mga mata nito at doon lang napansin ni Orion na may malaking sugat ito sa noo at mga daplis sa bandang hita at tuhod. Agad niyang pinangko ito at dinala sa kanilang teritoryo. “Dude!” Agad na sumalubong sa kaniya ang kaniyang matalik na kaibigan. “Prepare the room. She’s unconscious.” Tumalima ito at sinunod ang kaniyang sinabi. Marahan niyang hiniga ang babae sa malinis na kama at sinimulan gamutin iyon. Walang alinlangan na pinisil niya ang kaniyang braso kung saan nakalagay ang micro chip ng Znthra. Iyon ang nagmistulang on and off button nila sa mundong iyon. Lumabas sa ere ang screen. Isa itong hologram. Tiningnan niya ang items na naipon at gold coins. Napakibit siya ng balikat at nagpunta sa guild shops. Pumili siya ng damit para sa babae. “What happened to her?” Pumasok ang kaibigan niya dala ang healing potion at binigay sa kaniya. “She looks dead to me.” “She’s okay. Call Tala to come over.” Tumalima ito at siya naman ay sinimulang binuhos rito ang healing potion sa sugat na natamo ng dalaga. Mukhang napalakas ang paghampas nito sa bato dahil malalim ang sugat na natamo. Mukha na itong patay titingnan at putlang-putla. Napailing siya, good at hindi ito namatay. Sayang kung sakaling mamatay ito sa loob ng Znthra dahil kung sakaling mamatay ang kung sino man sa loob ng lugar na ito, hindi na ito makakabalik pa sa totoong mundo. Ito ang pinakamasamang katotohanan sa larong ito. Survival. - Napabangon nang deritso si Amulet nang ibang lugar ang mabungawan niya. Nasa isang may kalakihan siyang silid at napapalibutan iyon ng iba’t ibang klaseng desinyo ng mga bato na kumikinang at mga halaman na naggagandahan. Saan ako? Sandali muna niyang kinalkal sa isip kung ano ang nangyari, naalala niya na. Hinahabol siya ng oso at bumagsak siya sa tubig pero bakit buhay pa siya? Akala niya namatay na siya ng tuluyan? “I’m glad you awake.” Natuliro siya bigla nang makita ang banyagang babae na pumasok. Walang kangiti-ngiti ang hitsura nito at emosyon ang mga mata. May dala itong prutas at nilapag sa side table na yari sa kahoy na nakakasilaw ang kintab. “Teka lang! Saan ako?” Napakunot ang noo nito at tinitigan siya ng ilang segundo. Parang binabasa ang kaniyang sinabi at lenggwaheng ginamit. Pagkatapos ay tumango ito na parang nakuha ang kaniyang sinabi. May pinisil ito sa kanang braso nito at may lumabas na hologram screen. Nagtagpo ang kaniyang kilay at nalilito sa nangyayari. Mabilis nitong pinili ang lenggwaheng tagalog sa screen at agad nitong hinawi ang hologram screen at nawala iyon sa hangin. Mas lalo siyang natuliro. Anong nangyayari?! “Nasa aming Guild Territory ka. Tawagin mo na rin akong Tala. Kainin mo na ‘yang prutas na dala ko, masarap ang mga iyan.” Pagkatapos nitong sabihin iyon, lumabas na ito. Naiwan siyang mag-isa at mas lalong dumami ang mga katanungan sa utak niya. Napatingin siya sa sinabi nitong prutas. Nanginginig ang kaniyang kamay na inabot niya ang isang prutas na hindi niya alam ang pangalan. Kulay pula ito na parang dugo. Awtomatikong nabitawan niya ang prutas nang maalala ang mga mata ng osong humabol sa kaniya. Nagsimulang magsipatakan ang kaniyang mga luha nang muling maalala ang nangyari. Niyakap niya ang kaniyang sarili at napasiksik sa isang tabi. Walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha at gusto niya ng umuwi. Hindi siya nababagay sa lugar na ito kung saan man ito. “Here.” Nagtaas siya ng tingin at eksaktong nagdaop ang mata nila ng lalaking estranghero sa kaniyang mata. Nasa palad nito ang prutas na kaniyang nabitawan at gumulong sa marmol na sahig. Napansin niyang isa rin itong banyaga tulad sa babaeng nagpakilala sa kaniya kanina na Tala. “S-Sino ka? B-bakit ako nandito? Saan ako?” sunod-sunod na kaniyang tanong. Puputok yata ang ugat niya sa utak sa mga nangyayari. Kahapon lang pumasok pa siya sa trabaho at nakipagkwentuhan sa kaniyang kaibigan at ngayon? God! Naguguluhan na siya sa tinatakbo ng paligid. Bumuntunghinga ang lalaki at nilagay sa ibabaw ng kinauupuan niyang kama ang prutas. Umupo ito sa silyang nandoon paharap sa kaniya at mataman siyang pinagmasdan. Nakasuot ito ng black leather jacket at boots habang ang panloob nitong damit ay kulay puti. Malinis na malinis itong tingnan. Kulay golden brown ang buhok nito at maputi ang balat. napansin din niyang kulay kalangitan ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya at walang kaemosyon ang mga iyon. “Please… S-saan ako? G-gusto ko ng umuwi… Ayuko na rito.” Muling nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata. Nagmamakaawang tumingin siya rito at tulad kay Tala, may pinisil ito sa kanang braso at lumabas do’n ang isang holograpic screen. Pinili nito ang lenggwaheng tagalog at mabilis na hinawi sa hangin iyon saka siya hinarap. “Una’t una bago ko sagutin ang mga tanong mo, kumalma ka muna. panagalawa, nasa ibang mundo ka. Pangatlo, tanggapin mo na kung bakit ka nandito.” Nababaliw ba ito? Anong nasa ibang mundo siya? Gusto niyang matawa pero luha ang lumabas sa kaniyang mga mata. Litong-lito siya sa mga nangyayari. Gusto niya ng umuwi! “A-anong ibang mundong pinagsasabi mo?” “Nasa mundo ka ng Znthra.” “Znthra?!” para siyang sinabuyan ng asido sa sinabi nito. Tama ba ang kaniyang narinig? Hindi siya nakahuma nang ilang minuto, napatitig lang siya rito at walang masabi. Kumibot-kibot ang kaniyang bibig na may gusto siyang sabihin pero walang kahit isang salita na lumabas doon. Sunod-sunod siyang napailing-iling at ito lang yata ang paraan para tuluyan niyang maintindihan ang sitwasyon na sinabi nito. Paano nangyari iyon? Paanong napasok siya sa nakakamatay na larong ito?! Ito ang larong sinasabi ni Zach. Ito ‘yong laro kung bakit wala na silang kumunikasyon ng lalaking mahal niya. Ito ‘yong laro na mahigpit na pinagbabawal sa kaniya ni Zach. Wala siya sa America para pumasok sa larong ito at— natigilan siya bigla nang maalala ‘yong gabing may humila sa kaniya at sapilitan siyang ipasok sa itim na van. “Give yourself time to rest. Life here is survival.” At iniwan siya nito tulad nung ginawa nung babae kanina. Napaiyak siya nang tuluyan at napatingin sa salamin dingding na nasa kanan. Natuon doon ang kaniyang atensyon. Nakasuot siya ngayon ng puting damit, white boots at naka-braid ang kaniyang mahabang buhok. Muntikan niyang hindi nakilala ang sarili. Walang nagbago sa kaniyang mukha, kung meron man, iyon ay kissable ang kaniyang labi at kumapal ang kaniyang buhok at pilik-mata. Pakiramdam niya ay mas gumanda ang kaniyang hitsura sa salamin o baka nilinlang lang siya ng kaniyang mga mata? Kung nasa loob siya ng Znthra, bakit gano’n pa rin ang kaniyang hitsura? Wala siyang avatar tulad nung napanood niyang Ready Player One at ibang mga VRMMORPG movies? Hindi 3D ang kaniyang nakikita at normal pa rin lahat. Maliban na lang sa mga nakikita niyang kakaibang bagay at sa malaking oso kanina. Muli siyang tumingin sa salamin at lumapit dito. Tinitigan niya ng maigi ang sarili sa malapitan. Sinipat niya ang kaniyang sarili. Kung meron man siyang kakaibang napapansin, iyon ay ang kaniyang balat na parang may mga maliliit na crystal dahil kumikinang ang mga ito. Sa gilid ng kaniyang mata ay may tatlong crytsal na nakaukit at napansin niyang kulay abuhin ang kaniyang mata. Hindi! Hindi ako pwede rito sa Znthra. Hindi ako mabubuhay rito. Sunod-sunod siyang napailing. Pinilit niyang tanggalin ang tatlong crystal sa gilid ng kaniyang mata pero tulad nung tattoong nakaukit sa kaniyang pulsuhan, hindi ito matanggal. Napakagat siya ng labi. Pinigilan niya ang sariling ‘wag umiyak. Andito na siya sa loob ng larong ito pero hindi siya papayag na mabulok hanggang sa mamatay siya ro’n. Matagal niyang tinitigan ang sarili sa salamin bago nagpasyang aalis siya sa silid na iyon. Deritso niyang tinungo ang pintuan. Laking pasalamat niya nang makitang walang tao ron na nagbabantay. Walang Tala at walang Orion. Agad niyang tinakbo ang mahabang hallway. Bahala na kung saan siya dadalhin ng kaniyang paa. Ang gusto niya ay makaalis sa lugar na ito. “Ha?!” napasinghap siya nang pagbukas niya ng isang pintuan, ibang paligid ang kaniyang nakita. Nasa itaas siya ng mataas na puno at sa ibaba, mga bahay na nasa puno rin na kumikinang na parang nga kulitap sa gabi. Para itong tree house pero iba ang desinsyo at dating. Maganda! napakaganda pero wala siyang panahon para punain ang maganda nga pero napakadelikadong lugar. Nasa isang laro nga siya, dahil imposibleng magkakaroon ng ganitong lugar sa normal na mundo. Biglang natuliro ang kaniyang utak. Paano siya makababa? Nagsimulang maguluhan ang kaniyang utak at nalilito siya kung ano ang susunod na gagawin. Wala siyang napapansin na mga tao kaya ito ang pagkakataon sa kaniya na makaalis sa lugar na ito. Inikot niya ang kaniyang tingin. Napahinga siya nang makitang may ibang daanan siyang nakita. Nasa gitna ito ng bahay at may malaking pintuan doon. Wala siyang inaksayang oras, agad niya itong binuksan at napahinga nang makita ang lubid at isang hagdanan. Pinili niya ang lubid pababa, mas madali sa kaniya ang gawin iyon at hindi maabutan nung lalaki. Kahit nanginginig siya sa takot, pinilit niyang pinakalma ang sarili. Ang kaniyang desisyon na umalis sa lugar na iyon ay nagbigay sa kaniya ng tapang. Ayaw niyang manatili ng kahit ilang segundo ro’n at mamatay. Halos napasigaw si Amulet sa tuwa nang makitang nasa ibaba na siya. Agad siyang nagkubli sa gulid ng malaking halaman at pinagmasdan ang paligid. Kung gaano kaganda ang nakita niya sa itaas, mas maganda ang nakikita ng kaniyang mata. Mga halaman na umiilaw sa ganda ng kulay. Mga kabute na naggagandandahan ang kulay at laki. Mga bato na hindi pangkaraniwan ang hugis at kinang. Para itong mga batong mamahalin sa kaniyang tingin. Saglit siyang napahawak sa crytsal na nasa gilid ng kaniyang mata. “Have you seen Orion?” Napasinghap siya nang marinig ang boses na iyon sa kalayuan. Mas lalo niyang siniksik ang sarili sa isang tabi at baka makita siya kung sino man ito. Sumilip siya sa mga ito. Dalawang yabag ang naririnig niyang papalapit sa kaniyang pwesto. Sana hindi siya makita ng mga ito. “He’s with Tala.” Tala? Pag-uulit ng kaniyang utak sa pangalang iyon. “Okay-okay, I know it. I wish we could get out here as soon as possible. This Znthra makes me sick.” “I agree on that.” Nanatili siyang tahimik sa kaniyang pinagtataguan at hinintay ni Amulet na lumagpas ang mga ito. Napahinga siya ng maluwang nang pumasok na ang dalawa sa malaking punong-kahoy. Marahil bahay ng mga ito iyon. Dahan-dahan siyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Tiningnan niya muna ang paligid kung may ibang taong paparating. Wala. Kaya ito na ang pagkakataon na tumakas siya at umalis. Humugot siya ng malalim na hininga at nagbilang sa isip hanggang tatlo. Hindi niya alam kung saan siya unang tatakbo pero bahala na! Agad tumalima ang kaniyang paa pagkatapos niyang magbilang. Mabilis siyang tumakbo at sa pagkakataong iyon namangha siya sa sarili. Parang may sariling isip ang kaniyang paa dahil sa bilis ng takbo niyon, na para siyang isang athlete ng track n’ field. Hindi siya makapaniwala pero mamaya na niya iyon iisipin, kailangan na kailangan niyang makalayo at makatakas. Hindi siya nababagay sa Znthra! Lakad-takbo ang kaniyang ginawa. Hindi siya tumigil at wala rin siyang alam kung saan pupunta. Basta lang siyang tumakbo sa kahit saan deriksyon siya hinihila ng kaniyang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD