Chapter 1
“Goodbye.”
Parang sumabog ang puso ni Amulet nang mabasa ang huling mensahe sa kaniya ni Zach. Nahihirapan siyang huminga ng maayos pero pinipilit niyang kumalma habang walang awat sa pag-unahan ng pagpatak ang mga luha niya.
“Hindi. Nagbibiro ka lang. Please! You told me you will never join that f*****g life game!” nanginginig ang kaniyang mga kamay habang tinatype ang salitang iyon sa messaging app kung saan sila laging nag-uusap.
Naghintay siya nang ilang minuto na magrereply ito pero wala. Sinubukan niyang tawagan pero nalaman niyang naka-block na siya at kahit anong gawin niyang pagwawala, wala siyang nakuhang sagot. Tuluyan na siyang tinalikuran ng lalaking mahal niya. Mapait siyang napangiti at napatitig sa kawalan habang panay ang patak ng mga luha sa kaniyang mata.
“Ang sabi mo hindi ka papasok… ang sabi mo hindi ka papasok sa larong iyan…”
Simula nung sumama at nagkainteresado ang binata sa larong Znthra pakiramdam niya, lumalayo na ang loob nito sa kaniya. Habang lumilipas ang mga araw at linggo, pakiramdam niya nawawala na ang dating lalaking minahal niya. Pakiramdam niya ay ibang tao na ito at kahit anong pilit niyang pagmamakaawa na bumalik na ito sa dati, walang sagot mula rito.
Guess, it's the end of our love story? Parang ulan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Walang tigil iyon at hinayaan lamang niya ito.
LUMIPAS ang dalawang buwan, hindi na muling nagparamdam sa kaniya si Zach. Hindi niya na ito ma-contact kahit ilang beses din niya itong tawagan. Kahit magpasya siyang puntahan ito sa bahay nito, imposible. Ilang milya ang pagitan nilang dalawa. Nasa Pilipinas siya habang ito, nasa America nakatira at naka-destino bilang isang Mechatronical Engineer. Kung kaya lang niyang pigilan si Zach, kung kaya lang niyang lumipad papunta rito… Ginawa niya na.
. Naiiyak siyang napatingin sa kalangitan nang gabing iyon. Ang daming mga bituin at nasasaktan siya sa bagay na ito. Alam ng kalangitan kung gaano niya kamahal si Zach. Sadyang nagkataon lang na hindi pa na-approve ang kaniyang VISA para sumama agad dito sa America. Nagkataon din na kinailangan nitong umalis na hindi siya kasama dahil nagkaroon ng problema ang pamilya nito. Kaya nangako itong babalik agad at sabay silang babalik ng America at doon manirahan. Mahal nila ni Zach ang isa’t isa pero ano itong nangyari ngayon? Bakit nagkaganito sila? Mapait siyang napangiti. Ang daming mga katanungan sa kaniyang utak pero ne isa sa mga iyon ay hindi niya mabigyan ng kasagutan.
Nagpasya siyang pumunta ng Convenient Store. Marahan niyang siniksik ang dalawang kamay sa suot ng hoodie jacket at nakayukong naglakad sa tahimik at may kalakihang kalye. Mga sampung minuto lang kung lalakarin at dahil wala ng sasakyan nang mga sandaling iyon, nagpasiya siyang maglakad.
“Ito na ba lahat?”
Tumango siya sa naging tanong na iyon ng cashier. Matapos magbayad ng eksaktong halaga, nagpasya na siyang umalis. Pero bago iyon, napasulyap siya sa orasan nasa malaking monitor, maghahating gabi na rin pala. Marahan siyang napabuntunghinga at lumabas na sa Convinient Store.
Dalawang Sandwich Egg at Chuckie drink ang kaniyang binili. Gutom na siya kaya mabilis niyang nilamon ang isa habang naglalakad pauwi. Wala naman problema sa kaniyang dadaanan, dalawang taon na siya sa Quezon City at kahit kailan walang masamang nababalita sa lugar nila kaya kampante lang siya. Kung seguridad lang ang pag-usapan, masasabi ni Amulet na meron ang lugar nila.
Pero nagulat na lang siya nang mula sa kung saan ay may rumaragasang itim na van at ang sumunod na nangyari ay hindi niya matandaan. Basta ang huling naalala niya, nagwawala siya nang may dalawang lalaking humila sa kaniya at agad siyang pinaamoy ng chloroform.
MALABO ang kaniyang paningin nang magmulat siya ng mata. Ilang beses pa niyang kinurap-kurap iyon para maaninag ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa itaas. Mula sa kung saan, may narinig siyang ingay ng sapatos. Hinarang niya ang kamay mula sa nakakasilaw na liwanag at hinintay na mag-adjust ang kaniyang mata.
“You’re awake.”
Napalingon siya sa kinaroroonan ng boses. Isang may edad na lalaki at nakaputi lahat ang suot nito. May mask ito at fully covered ito ng puting kasuotan.
“Saan ako?”
Hindi ito sumagot pero kinuha nito ang kaniyang braso at may tinurok na injection. Napangiwi siya sa sakit. Gusto niyang bawiin ang brasong hawak nito pero nanghihina siya. Wala siyang maramdaman, iyon ang totoo.
“Amulet Gavierra, filipina, 21 years old, currently living in Quezon City by herself. 5’4 ft and 120 pounds. Status, in relationship with Zach Faulkner.”
Gusto niyang ibuka ang bibig at tanungin ang lalaki kung paano nito nalamanang buo niyang pangalan at ang relationship status nila ni Zach. Pero dahil sa gamot na itinurok nito sa kaniya, pakiramdam niya ay namamanhid siya at nahihirapan siyang ibuka iyon. Kahit ang pagkurap ng mata, nahihirapan siyang gawin.
“I’m sorry darling, I only do my job.”
Gusto niyang magtanong pero dahan-dahan hinila ang kaniyang mga mata para pumikit kahit ayaw niya. Marami siyang gustong itanong sa kaharap ng Doctor pero kahit boses niya, hindi niya makapa. Gusto niyang sumigaw at magwala pero malabong magagawa niya iyon.
“You will soon play the Znthra. I’m praying for your survival.”
Ito ang mga katagang huli niyang natandaan at lahat, naging kadiliman..
“She’ll die there for sure.” Mula sa kung saan ay maarteng naglakad ang isang nakapustorang babae. May hawak itong ballpen sa isang kamay at pinaglalaruan nito iyon habang nakatitig sa walang malay na dalaga.
“I know. She looks innocent and fragile,” naiiling na sagot ng matandang lalaki, “But, Oscarios wanted her and I don’t know what’s the reason.”
Napatango naman ang babae at walang emosyong nakatingin sa dalaga. “Goodluck woman. Znthra is a game that will bring nightmare to your life. You’ll soon meet your death.”
Napabuntunghinga ang lalaki at naiiling na lang itong tumalikod at umalis sa loob ng restricted room. Lihim itong nanalangin na sana ay makakaligtas ang dalaga kahit sobrang imposible ng bagay na iyon.
NAPASINGHAP si Amulet nang magmulat siya ng mata at agad siyang nag-ikot ng tingin. Nagulat siya nang ibang lugar ang kaniyang nakikita. Saan ako?! Puro kakahuyan ang nasa kaniyang paligid at asul na kalangitan. P-patay na ba ako?
Kinurot niya ang sarili at napangiwi. Hindi pa siya patay at mas lalong hindi siya nananaginip. Tiningnan niya ang sariling katawan, napahinga siya ng maluwang nang makitang suot pa rin niya ay gray na hoodie jacket, short at rubbershoes. Hindi niya alam kung saan siya ngayon pero isa lang ang nasa isip niya, wala siya sa Quezon City.
Nag-ipon siya ng lakas para tumayo. Bahagya pa siyang natumba sa nararamdamang panlalambot ng kaniyang tuhod. Ilang beses niya munang kinalma ang sarili. Kahit ilang beses niyang tanungin ang sarili kung nasaan siya, wala siyang makuhang sagot.
“Hello? May tao ba rito?!” malakas niyang sigaw pero ang tanging sagot lang ay ang malakas na ihip ng hangin.
Bahagya siyang napapikit. Ang sarap ng simoy ng hangin, isabay pa ang mababangong bulaklak na nasa paligid lang. Pakiramdam niya, nasa isang paraiso siya. Maraming nagsasayawan na mga paru-paro sa mga nagagandahang bulaklak at masayang nag-aawitan ang mga ibon sa kaniyang uluhan.
Nagpasya siyang magmulat ng mata nang biglang tumigil ang mga ibon. Kumislot ang kaniyang puso sa nakakabinging katahimikan na pumaimbulog sa paligid. Wala na ang mga paru-paro na kanina lang ay masayang naglalaro. Wala na rin ang mga ibon at ang hangin, lumakas iyon at nagbigay iyon ng takot sa kaniya. Naglakas loob siyang ihakbang ang mga paa kahit ang totoo, hindi niya alam kung saan siya pupunta.
Napaigtad siya nang umilaw ang parte ng kaniyang pulsuhan. Hinawi niya ang suot na jacket, nagtaka siya nang makita siyang kakaibang tattoo na nakaukit ro’n. isa itong spiral na pabilog. Tatlong spiral na pabilog at magkadikit. Bawat bilog ay may kaniya-kaniyang kulay. Pula, asul at itim.
“Ano ‘to?”
Mas lalong nadagdagan ang mga katanungan niya sa isip. Sinubukan niyang tanggalin ang tattoong nakaukit sa kaniyang balat. Hindi niya maalalang nagpalagay siya ng tattoo sa balat lalo na at ayaw na ayaw ito ni Zach.
Hindi!
Nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan nang marinig ang malakas ng ungol sa kalayuan. Parang sa isang hayop ito na galit na galit at gutom na gutom. Eksaktong paglingon niya nang magtama ang tingin nila nang malaking osong may dalawang pangil at sungay.
God!
Napaatras siya nang makitang papunta ito sa kaniyang gawi. Ang lakas ng tahip ng kaniyang puso at parang mabibingi siya sa lakas ng t***k ng kaniyang puso. Pakriamdaman niya ay nawalan siya ng dugo nang mga sandaling iyon habang nakatitig sa malaking Oso.
Muling umungol ng malakas ang Oso at doon lang napansin ni Amulet na pulang-pula ang mata nitong parang kulay dugo. Mas lalo siyang nahintakutan! Nag-away ang kaniyang utak at katawan kung ano ang gagawin. Ilang beses din niyang sinampal ang sarili at kinurot sa isiping nasa isang masamang panaginip siya.
Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mata nang makitang tumakbo ang uso papalapit sa kaniyang kinatatayuan! Hindi! Parang may sariling isip ang kaniyang paa na pumihit para tumakbo.
Ano ba ang nangyayari? Litong lito ang kaniyang utak at heto siya ngayon, hinahabol ng malaking oso. Napatili siya ng malakas. Ayaw niyang maging pagkain ng hayop na humahabol sa kaniya ngayon. Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha sa kaniyang mata. Ano ba ang kaya niya? Hindi niya alam kung paano tatakasan ang hayop na humahabol sa kaniya ngayon! Isa lang siyang normal na babae at wala siyang kapangyarihan para harapin ang hayop.
“Aahhhhhh!!!” napatili siya ng malakas nang gumulong siya paibaba at bumagsak sa rumaragasang tubig. Hindi niya napansin na bangin na ang kaniyang napuntahan dahil sa kaniyang pagmamadali na makatakas.
Ito na ba ang kaniyang kamatayan? Hindi! Ang dami pa niyang gustong gawin at gustong abutin. Hindi siya pwedeng mamatay nang ganito! Hindi siya pwedeng sumuko agad pero paano? Paano niya haharapin ang tubig kung ito mismo ang kaniyang kahinaan? Hindi siya marunong lumangoy at ilang beses na rin siyang nalunod dati. Hindi sila kaibigan ng tubig at traydor ang tubig pagdating sa kaniya.
Lubog-litaw ang kaniyang katawan habang inaanod siya sa malakas na daloy ng tubig. Nagpupumilit siyang lumangoy kahit hinid siya marunong. Pinipilit niya ang kaniyang kamay at paa pero walang silbi ang mga iyon. Sunod-sunod siyang nakainom. Kinakapos na siya ng hangin. Napaluha siya at iniisip na panaginip lang ito pero hindi, nasa reyalidad siya at alam niyang sa puntong iyon, doon siya mamamatay. Doon siya mamatay sa lugar na hindi niya alam kung saan lupalop ng mundo.
“Zach...” Ito ang huling nabanggit niyang pangalan. Mapait siyang napangiti at tuluyan inanod ang kaniyang katawan sa malakas na agos tubig.