“Tingin ko isang Fury Legendary Dragon ang nandito!” Napatingin siya kay Orion na siyang nagsalita. Nasa kaniyang likuran ito at balewala rito ang nakikita niyang kumukulong lava sa ibaba. Tingin pa lang, napapaso na siya. “Hindi parehas lahat ng dragon? I mean, may mga kulay ba sila? Hindi ba tulad ng kay Zach na kulay neive?” “Bawat legendary dragon ay may kaniya-kaniyang kulay, Amulet. Maging alisto ka. Its either nakatingin siya sa`tin ngayon o nasa ilalim siya ng lava na ito.” Napalunok siya nang wala sa oras. Tinatagan niya ang kaniyang sarili. Gusto sana niyang sabihin kay Zach at Orion na gamitin ang mga dragon nito para patumbahin nila ang fury na sinasabi nito pero baka pagtawanan siya ng dalawa. Naglakad sila ng dahan-dahan. Ang yelo na kanina ay sobrang kapal lang ay dahan

