Hazel POV
Kasalukoyan
“Anong oras na naman kaya ako makakauwi? Ang sama-sama niya talaga lagi na lang akong pinapahirapan” turan ko habang nakaharap sa tambak na papel sa lamesa ko na pinagagawa nang boss kong babaero, conceited at mapang-lait.
Tuwing papahirapan niya ako sa isipan ko lang siya nagagawang tawagin na kung ano-ano sa sobrang pagkainis ko sa kanya. Ilang beses ko na siyang pinagsusuntok sa isipan ko.
Sa loob nang dalawang buwan na pagiging Assistant niya wala siyang ibang ginawa kundi pagtawanan at pahirapan ako. Pinagsisihan kong tinuloy ko ang pagiging Assistant niya. Kung hindi ko lang kailangan ang pera para sa gamot ni Luis matagal na akong nag-resigned.
“Miss Ne—Uhm Miss Almonte kailangan mong taposin ang mga binigay ko sayong document. Huwag kang uuwi hanggang hindi pa tapos ang mga yan. I want that on my desk tomorrow morning”
Ilang beses niya nang sinabi yan. Kagagaling lang namin sa conference room kung saan ginanap ang meeting.
“Okay, Sir Lewis. Kung gusto n’yo dito na ako matulog para matapos lang etong sandamakmak na files na pinapaayos n’yo”
Nakita ko ang pinipigilan niyang pagngiti. Kinasasaya niya ‘ata ang pahirapan ako.
“Are you complaining Miss Almonte? You can’t sleep in here baka magkalat ka pa nang—“
“Nang ano sir? Kapangitan? Huwag po kayong mag-alala tatapusin ko ‘to ngayong araw kahit abotin ako nang hating-gabi. All the revised files will be on your desk early in the morning” Pagpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.
Alam kong ‘yon naman ang sasabihin niya. Bigla etong natahimik at titig na titig sa akin. Ang mata niyang nakakapanghina nang tuhod. Tuwing titigan niya ako kakaiba ang tibók nang puso ko. Ang titig niyang parang matagal ko nang nakita. Parang hindi lang dalawang beses ang pagkikita namin……Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na matagal ko nang kilala si, Mr. Lewis.
Nasasaktan ako sa mga panglalait nang mga tao na nakapaligid sa akin kahit alam kong hindi ako ang Hazel the Nerd sa totoong buhay. I thought I could handle all the insults pero masakit pa rin pala na sa araw-araw makakarinig ka nang mga masasakit na salita sa mga taong nakapaligid sa akin dahil sa itsura ko. Kung noon puro papuri at paghanga ang naririnig ko sa mga tao ngayon pinagtatawanan at inaalipusta dahil sa ayos at pananamit ko.
“I didn't say that. That’s an important document kaya ko pinapatapos sa’yo and I need that tomorrow.”
“Magpaliwanag ka sa judge, Alam ko naman na ‘yon ang sasabihin mo Mr. Greyson Lewis the devil” turan nang pakialamera kong konsensiya na sinang-ayunan naman nang isip ko. Being an assistant of Greyson Lewis is exhausting, nakakapagod na nga sa dami nang pinagagawa niya, nakakapagod pa ang ilang beses akong napapaaway sa mga babaeng pumupunta sa opisina kapag ayaw harapin nang boss kong babaero.
“May sasabihin ka pa ba, Sir?” Tanong ko nang hindi na eto nagsalita at nakatingin lang sa akin.
“Just do your job para hindi na ako paulit-ulit na sinasabihan ka na ayosin mo ang trabaho mo”
Pinaikot ko ang mata ko sa pagkainis sa kanya. Inaayos ko naman ang trabaho ko gusto niya lang ako pahirapan at mukhang masaya siya sa ginagawa niya sa akin.
“Did you just roll your eyes at me, Miss Almonte?”
“Hindi po sir masakit lang ang mata ko……Nakikita kasi kita. Ang sarap mong sapakin” Hininaan ko ang mga huling salitang lumabas sa bibig ko baka lalo niyang dagdagan ang trabahong pinagagawa niya sa akin.
“Don’t roll your eyes again at me. Hindi magandang tingnan pag ikaw ang gumawa, not like a beautiful lady, looks cute when they do that. Ang makapal mong kilay pag-nagsasalubong nakakapangilabot” turan nito kasabay nang tawang mapang-lait.
“Greyson the devil talaga. Who you ka sa akin pag-nakita mo ang totoong ganda ko. Baka maglaway ka pa” bulong ko.
“Stop murmuring, Miss, Nerdy. Kaya ang tagal mong matapos sa trabaho mo dahil nakatunganga ka” turan nito sabay talikod. Kinuha ko ang folder sa ibabaw nang mesa ko at inakmang hahampasin ko siya sa likoran nang bigla etong lumingon……
“What are you doing?”
“A-Ahm—hahampasin ko po ‘yong malaking langaw sir. Hindi n’yo ba nakita?” Pagdadahilan ko at inihampas ko sa mesa ang folder na hawak ko.
“Miss Almonte. I never see a fly in this building. Do your f*****g job hindi ‘yong nakatunganga ka pa d’yan”
“Greyson the devil. Madapa ka sana” bulong ko. Napangiti ako nang mabangga eto sa glass wall nang opisina nito. Sinamaan niya ako nang tingin nang lumingon siya sa akin at makita ang pag-ngiti ko. Pumasok eto sa loob nang opisina niya saka ako naupo para harapin ang sandamakmak na papeles na nasa harapan ko.
“Buti nga sa kanya. Ang sama kasi nang ugali niya. Karma is real” mahina kong turan. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinimulan ang trabaho ko.
Nagpapasalamat ako na kahit salamin ang pagitan nang loob at labas nang opisina niya hindi ko nakikita ang mga kababalaghang ginagawa niya sa loob dahil laging nakasara ang mga blinds nito.
Abalang-Abala ako sa ginagawa sa computer nang tumunog ang telepono na nasa ibabaw nang mesa ko. Ang phone extension sa loob nang opisina ni Greyson the devil.
“Ano na naman kaya ang iuutos niya? Paano ako matatapos sa mga eto kong panay utos niya sa akin?”
Tumayo ako at bubulong-bulong na naglalakad patungo sa opisina niya nang maibaba ko ang telepo.
“Miss Almonte came to my office” Pang-gagaya ko sa sinabi niya.
Kumatok muna ako bago ako pumasok dahil kabilin-bilinan niyang kakatok muna ako bago pumasok sa opisina niya kong saan gumagawa siya nang mga kalandian.
“May ipaguutos po ba kayo, Sir?”
“Bring this document sa HR and after pumunta ka sa office ni Mr. Alvarez sa fourth floor kunin mo ang hinihinge kong document sa kanya”
Inabot niya sa akin ang isang folder at pinasadahan na naman nang tingin ang katawan ko at nakita ko ang pagtaas nang sulok nang labi niya.
“Huwag mo na pigilan ang tawa mo Greyson the devil” sa isip ko.
“Okay po, Sir” Bago ako tumalikod sa kanya nakita ko pa ang nakakalukong ngiti niya. Alam kong sa mga inuutos niya sa akin gusto niya lang akong pahirapan. Lumingon ako sa kanya at matamis ko siyang nginitian. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at tumitig sa akin. Noon pa man lagi sinasabi nang karamihan na nakakaakit ang ngiti ko. Ipapakita ko sa kanyang hindi ako susuko sa ano mang pagpapahirap na gawin niya.
“Get out now, Miss Almonte. Huwag mo akong ngingitian nang ganyan. It's so annoying”
Lihim akong napangiti nang makita ang pagkaasar niya sa akin. Tama si Alyana dapat magkaroon ako nang kaunting tapang dahil sa boss kong bully at sa mga taong mapang-lait sa building na eto. Ako na ngayon si Hazel na Nerd kaya dapat maging matapang na ako para harapin ang mga taong nakapaligid sa akin……Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko ititigil ang pagkatao kong ganito.