Hazel POV
One year ago(Part 5)
Sunod-Sunod na pagtunog nang alarm ko ang nagpagising sa akin. Isang oras na mas maaga sa pangkaraniwang gising ko dahil ngayon ang araw nang interview ko at kailangan kung ayosin ang sarili ko na pagiging Nerd. Tuwing lalabas ako nasanay na rin ako na ganito ang ayos ko. Isang linggo na simula nang maging Hazel the Nerd ako. Nasanay na ako sa mga mapang-lait na tingin nang mga tao.
“Good morning self eto na ang araw na kailangan mong galingan para matanggap ka kahit na iba na ang itsura mo” Pagkausap ko sa sarili ko. Simula kagabi nakakaramdam na ako nang kaba na hindi ko maipaliwanag.
Bumangon ako at ilang beses na ginalaw-galaw ang katawan ko para tuloyang magising ang diwa ko. Pumasok ako sa banyo at mabilisang naligo. Suot ko ang mahabang palda na umabot hanggang sa bukong-bukong ko na kulay itim at white long sleeve naman ang pang-itaas ko. Nilagay ko ang fake na nunal sa kaliwang pisngi ko, makapal na kilay at sinuot ko na rin ang itim na salamin kahit hindi naman malabo ang mata ko. Ilang beses pa akong umikot sa salamin para makita ang ayos ko.
“Hanggang kailan ka magiging Hazel na Nerd?” Pagkausap ko sa reflection ko sa salamin. Bigla akong nakaramdam nang lungkot at awa sa sarili ko kasabay nang pagpatak nang luha ko na mabilis kong pinunasan.
“Huwag ka umiyak Hazel darating ang araw na magiging maayos din ang lahat” Mahina kong turan. Hindi ko kailangan kaawaan ang sarili ko dahil kailangan ako nang kapatid kong si Luis. Kailangan ko siyang alagaan at protektahan. Lumabas ako nang silid ko at nagtungo sa silid ni Luis. Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas nang silid niya.
“Hazel!”
“Tita naman nakakagulat ka” Huminga ako nang malalim para mawala ang malakas na kalabog nang puso ko sa pagkagulat kay Tita Amelia.
“Pasensya ka na Hazel. Kahit kailan talaga magugulatin ka”
Hinagod ni Tita Amelia nang tingin ang kabuoan ko. Napailing-iling siya at saka ngumiti. Simula nang bumalik kami ni Luis sa Maynila agad kong kinausap si Tita Amelia na tumira na sa apartment kasama namin ni Luis na agad namang pumayag.
“Hindi ako sana’y na ganyan ang itsura mo. Sa ayos mong yan parang ibang tao ka. Mas sanay ako na makita ang mala-angel mong mukha”
“Tita Amelia kailangan kong gawin ‘to para sa kaligtasan namin ni Luis. Kayo na po bahala kay Luis Tita”
Kahit hindi namin kadugo si Tita Amelia siya ang tumatayong ina namin ni Luis simula nang mamatay si Mama. Matandang dalaga si Tita Amelia at tinuring niya kaming anak.
“Ako nang bahala kay Luis. Sobra mo talagang mahal na mahal ang kapatid mong si Luis. Eleven na ang kapatid mo kaya nakikita niya ang sobrang pag-aalaga mo sa kanya. Twenty-three ka na wala ka pang boyfriend hanggang ngayon, huwag kang gumaya sa akin”
Narinig ko na naman kay Tita ang mga katagang lagi niyang pinapaalala ang edad ko at ang pagiging matandang dalaga niya. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend simula nang masaktan ako sa unang lalaking minahal ko hindi na ako muling nagtiwala sa mga lalaki.
“Tita wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Alis na ako Tita baka malate ako sa interview ko baka lalong hindi ako matanggap”
“Kumain ka nang almusal bago ka umalis nakapagluto na ako”
“Wala na akong oras kumain Tita baka ma-traffic ako. Salamat Tita saka na lang ako kakain pagkatapos nang interview”
Nagmadali na akong makalabas nang bahay. Kahit isang oras pa bago ang time nang interview ko mas gusto kung maaga ako. Patingin-Tingin ako sa orasang pambisig ko nang maipit sa traffic ang bus na sinasakyan ko patungong Alabang. Kalahating oras na lang bago ang itinakdang interview ko nasa bus pa rin ako.
Nang makita ko ang nagtatayogang building sa di-kalayuan bumaba na ako. Naisipan kong maglakad na lang kaysa maghintay na umusad ang bus na sinasakyan ko. May pagmamadali ang bawat paghakbang ko at nang marating ko ang building na sinabi ni Alyana tagaktak na ang pawis ko. G&L Realtors Corporation ang nakaukit na pangalan sa matayog na building sa harapan ko.
“Bakit parang pamilyar ang pangalan nang building na ‘to? Hindi pa naman ako nakapunta dito” sa isip ko.
“Manang anong tinatayo-tayo mo d’yan? Bawal dito ang magbinta nang kung ano-ano” turan nang lalaki na nakatayo sa may pintoan nang building. Sa uniform na suot niya nakatitiyak akong guard siya.
“Grabe ka naman maka-manang kuya. Twenty-three pa lang ako. Saka may interview po ako dito nang 10 Am”
Tiningnan ako nang lalaki mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi pa siya naniniwala na may interview ako.
“Sigurado ka ba Miss na dito ang punta mo? Nakikita mo ba ang mga suot nang pumapasok dito?”
Tinaasan ko nang kilay ang lalaki. Alam kong dahil sa itsura ko kaya hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
“Grabe ka naman kuya. Ano bang masama sa suot ko? Ang ganda kaya—”
“Kuya Arthur kaibigan ko yan si Hazel may interview siya ngayon”
Hinila na ako ni Alyana papasok sa loob nang building. Nang lingonin ko ang lalaki nakikita ko ang muling tingin nito na may panglalait. Dapat masanay na ako sa mga taong katulad niya dahil sa itsura ko ngayon. Kamukha ko na ‘yong sikat na palabas noon sa TV na Betty l* f*a.
“Kanina pa kita hinihintay. Alam mo bang si big boss ang mag-interview nang mga applicants ngayon. Kanina nagulat kaming lahat sa biglang pag-dating niya dito. Sa Makati ang main office niya kaya pag-natanggap ka doon ka din papasok. Naku nagkakagulo na naman ang mga kababaihan nang dumating si Boss. Kaya nasagap ko agad ang balita na siya ang mag-interview nang mga applicant. Sa fifteen na aplikante ikaw lang ang ganyang manamit bestie”
Ngumiti si Alyana sa huling sinabi niya.
“Sige laitin mo pa ako. Para kang si kuya guard kanina tinawag pa akong Manang. Subokan mong tumawa hindi na kita paglulutoan nang paborito mong adobo pag-nagpunta ka sa apartment ko”
“Sorry na bestie. Maganda ka pa rin sa paningin ko kahit ganyan ang itsura mo……And behind that Manang ay ang natatagong maganda at mala-model kong bff”
Ngumisi si Alyana. Pinaikot ko ang mata ko.
“Ihatid na kita sa 10th-floor kung saan gagawin ang interview ni big boss”
Bigla akong nakaramdam nang kaba. Napahawak ako sa tapat nang dibdib ko sa malakas na kalabog nang puso ko.
“Himala ang bff ko mukhang kinakabahan. Sanay ka naman sa ganitong mga interview bakit kinakabahan ka?”
“Hindi ko alam bakit ako kinakabahan” Ang tanging sagot ko kay Alyana. Nang makarating kami sa 10th floor pinagtitinginan ako nang mga babaeng nakaupo sa mahabang upoan. Nakikita ko ang pagbulong-bulongan nila habang nakatingin sa akin. May mga tumatawa din.
“Good luck Bestie. Kayang-Kaya mo yan. Malakas ang pakiramdam ko na matatanggap ka”
“Salamat Best”
Umupo ako sa bakanteng upoan sa pinakahuli. Sampong minuto pa ang tinagal bago nag-umpisang tawagin isa-isa ang mga aplikante. Tiningnan ko ang mga aplikante na kasama ko. Ayos na ayos ang kanilang pananamit. Ang iba ang ikli nang mga skirt na suot at halos kita ang mga cleavage. Mayro’n ding ang kakapal nang make-up. Pinatirik ko ang mga mata ko……
“Hi mukhang tayong dalawa ang mahuhuli sa interview. Ako nga pala si Berna, ikaw?”
“Hazel. Oo nga mukhang aabotin pa tayo nang ilang oras dito. Hindi pa naman ako nag-almusal”
Mukhang mabait si Berna at maayos ang pananamit. Katulad ko mukhang sanay din siya sa ganitong interview.
“Ako din. Saka na tayo kumain after nang interview. Ang balita ang mismong CEO ang mag interview sa atin”
“Good luck sa atin”
Ang mga babaeng lumalabas sa pintoan kung saan ginagawa ang interview parang mga kinikilig at malalaki ang ngiti sa labi. Nakakaramdam ako na maaring may natanggap na. Nang lumabas si Berna namumula ang kanyang pisngi at katulad nang mga nauna para din etong nakakita nang lalaking hinahangaan. Para etong naglalakad sa alapaap.
“Ano bang problema nang mga babaeng ‘yon? Bakit parang nakakita nang sobrang gwapong lalaki na tipong makalaglag panga” sa isip ko.
“Miss Almonte”
Napatayo agad ako nang tinawag ang pangalan ko. Nakakaramdam na rin ako nang gutom sa tagal nang interview sa mga nauna. Binuksan niya ang pintoan at pinapasok ako sa loob. Ang lakas nang kalabog nang puso ko. Nakatalikod ang upoan nang kung sino man ang mag-iinterview sa akin kaya hindi ko siya nakikita. Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita.
“Good morning—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pinaikot niya ang upoan at makita ko ang lalaking bastos at lalaking nagmulat sa isipan ko sa makamundong bagay. Ang lalaking lagi kong napapanaginipan……Napasimangot ako. Gusto ko nang makaalis.
“Kung siya ang magiging Boss ko huwag na lang. Baka kong ano-ano pa ang masaksihan ko sa opisina niya” sa isip ko at tumaas ang kilay ko nang pumasok sa isipan ko ang nakita ko isang taon na ang nakararaan pero hindi mawala-wala sa isip ko.
“Miss Almonte of all the applicants ikaw lang ang ganyan manamit at the way you look at me seems like……ayaw mo sa nakikita mo or should I say you don’t like me. Am I right”
Nakatayo pa rin ako sa may pintoan. Hindi ko maihakbang ang paa ko para makaalis na sa loob nang silid na eto. Ayaw kong maging boss ang katulad niya baka sumakit lang ang ulo ko sa kanya. Muling tumaas ang kilay ko at sumimangot ako. Tumalikod na ako at bubuksan ko na ang pintoan nang……
“You’re hired, Miss Almonte. You can start tomorrow. I badly need an Assistant”
Gulat na gulat ako. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Bakit ako? Ang alam ko mahilig siya sa mga babaeng seksi kung manamit at maganda. Katulad nang Assistant niya noon. Kaya nakakapagtaka na ako ang napili niya. Kung hindi ko lang kailangan nang trabaho hinding-hindi ako papasok bilang Assistant niya. Lumingon ako sa kanya.
“Why me?” Hindi ko na napigilang itanong.
“You want an honest answer, Miss Almonte?”
Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang ang sasabihin niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tumawa na kinainis ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Kahit naman nakakaramdam ako nang kaba kailangan kung magpakita nang tapang katulad nang sinabi ni Alyana.
“Dahil kung ikaw ang magiging Assistant ko marami akong trabaho na magagawa. Do you know why?”
“Why?” Mataray kong tanong.
“Because I’m sure, I’m not ‘gonna feel lust toward you, Miss Nerdy”
“Ang sama talaga nang ugali ng lalaking ‘to. Napaka-bully, bastos pa” mahina kung turan.
“May sinasabi ka, Miss Almonte?”
“Wala po sir, what time po ba ako mag-start?”
“Eight in the morning dapat nasa office ka na. Tomorrow sa Makita ka mag report sa main office ko. They will give you all the information paglabas mo nang silid na eto”
“Okay Sir” Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya agad na akong lumabas nang opisina niya………
At eto ako ngayon dalawang buwan nang Assistant nang playboy na si Sir Greyson Lewis na lagi akong pinahihirapan at pinagtatawanan……