Hazel POV
One year ago(Part 4)
“You look so different best friend. Sigurado ka na ba d’yan sa naisip mong baguhin ang katauhan mo? People can bully you sa ganyang ayos mo?”
Isang linggo na ang nakaraan simula nang makabalik kami nang Maynila ni Luis. Sa tulong nang matalik kung kaibigan na si Alyana nagkaroon kami nang tirahan. Alyana has been my best friend since we were in high school. Ang matalik kung kaibigan na lahat na ‘ata nang trabaho gustong pasokin para sa pamilya nito.
“Hazel hindi ka na nagsalita d’yan. Sigurado ka na ba na mag-disguise ka bilang Nerd?”
“Mas gugustohin ko na lang na ganito kasya matagpuan kami nang Ama ko at ni Ate Loraine. Baka may alam kang trabaho na pwede kung pasokan?”
“Ang sama talaga nang Daddy mo at Ate mo. Hindi sila nagkakalayo nang madrasta ko na masama ang ugali at mukhang pera. Kaya nga pala ako nandito kasi naghahanap ang bilyonaryong big boss namin nang Assistant, Ikaw agad ang naisip ko nang sabihin sa akin nang HR manager na urgent ang paghahanap nang bagong Assistant ni Boss, kaya lang baka hindi ka matanggap kong ganyan ang itsura mo pero kung gusto mong subokan bukas punta ka sa interview. Binigay ko na ang information mo sa HR”
Ang tanging alam ko lang nagtatrabaho si Alyana sa multi-billion company bilang receptionist. Isang waiter din si Alyana sa isang kilalang restuarant ang Raindrop Kitchenette.
“Bakit ang hinahanap ba nang CEO nang kompanya n’yo ‘yong mukhang model at sexy kung manamit?”
“Oo hindi mo ba alam na ang big boss namin ay kilalang babaero. ‘Yong dati niyang Assistant napabalitang may something sila at nakatitiyak ako na ang hanap na maging Assistant niya ay maganda at sexy. Alam mo na—”
“Men are always men. Mahihilig sa mga babaeng halos kita na ang kaluluwa kung manamit……At maganda. Pagpapatuloy ko sa iba pang sasabihin ni Alyana. Kaya kami best friend dahil pareho kami nang mga iniisip sa lalaki. We’re not man haters, pareho lang kaming may masakit na nakaraan sa lalaki. Katulad ko pareho kaming may takot na magmahal na muli dahil sa pangluluko nang mga lalaking una naming minahal.
Biglang pumasok sa isipan ko ang paghaharap namin ni Greyson Lewis ang bastos at babaerong lalaking nakilala ko one year ago. Pumikit ako para iwaksi sa isipan ko ang mga nakita ko sa loob nang opisina nito. Sa pagpikit ko pumasok sa imahinasyon ko ang parte nang katawan nito na pinaglalaroan nang babae. Ilang beses na nga ba niyang napanaginipan ang mainit na eksenang nakita niya? Kahit ang itsura at haba nang pagkalalàke nito ay tandang-tanda niya. Humawak siya sa magkabila niyang pisngi. Nag-init nang husto ang mukha niya sa pumapasok sa imahinasyon niya.
“Hazel!”
Sigaw ni Alyana. Nagmulat siya nang mata at hinarap ito.
“Bakit ka ba nakasigaw?”
Nanunudyong tiningnan siya nito. Tinaasan niya eto nang kilay.
“What? Huwag mo nga ako tingnan nang ganyan”
Tumayo si Alyana sa harapan niya at pinagmasdan siyang mabuti.
“May pahawak-hawak ka pa nang mukha d’yan. Ano bang naiisip mo?”
Humalukipkip si Alyana habang naghihintay ng sagot niya. Hindi pa siya nababaliw para sabihin dito ang nasa isip niya. Tiyak na katakot-takot na panunukso ang gagawin nito sa kanya.
“W-Wala naisip ko lang kong matatanggap ako sa trabaho na sinasabi mo bukas”
Nagkunwari akong inaayos ang mesa na nasa harapan ko para hindi ko makita ang mapanudyong mata ni Alyana.
“Bakit namumula ‘yang pisngi mo? Hindi ako naniniwala na ang trabaho ang iniisip mo. Huwag mong sabihin may naiwan kang boyfriend sa Cebu”
Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang hindi siya nasisiyahan sa sagot ko.
“Wala akong naiwan na boyfriend sa Cebu kaya tumigil ka na d’yan. Naisip ko lang talaga ang trabaho na sinasabi mo. Pupuntahan ko pa rin ang sinasabi mong interview kahit ganito ang itsura ko. Kailangan ko na talaga nang trabaho kaunti na lang ang ipon ko. Kailangan nang pang-bayad ng upa at pambili nang gamot ni Luis”
Nawala ang mapanudyong tingin ni Alyana at napalitan nang awa.
“Kung hindi ka naman matanggap bukas pwede ka mag-apply sa restuarant na pinapasokan ko. Alam mo bestie ‘yang malaking fake na nunal mo nakaka-distract. Huwag mo na kayang ilagay. Kailan ka pa nag pa braces nang ngipin mo? Mukha ka nang Lola na Nerdy sa suot mong bulaklaking mahabang palda at ‘yang malaking itim na salamin mo sa mata naging—Nerdy na Nerd na hindi mo maintindihan kung matandang dalaga na galit sa mundo ang disguise mo”
Malakas na tumawa si Alyana. Kanina nang una niya akong makita na ganito ang itsura ko hindi niya ako nakilala kaya nakatitiyak ako na hindi rin ako makikilala ni, Ate Loraine. Ang dati kung buhok na itim na itim at tuwid na tuwid pinakulot ko at pina-highlights nang dark brown.
“Sige tumawa kang tumawa d’yan mamaya iba na ang lalabas sa’yo. Saka mukhang effective naman ‘tong pagpapanggap kung Nerd hindi mo nga ako naikilala kanina”
Tumigil eto sa pagtawa. Lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“I am always by your side kahit na anong mangyari, huwag mong kalimutan yan bff……At pag may nang bully sa’yo dahil sa ganyang itsura mo ituro mo lang sa akin nang masabunotan ko nang bonggang-bongga”
Napangiti ako. Simula noon si Alyana ang takbuhan ko tuwing may problema ako. Sa kanya ko sinsabi ang lahat. Siya ang kaibigan na hindi ka iiwan.
“Ang tapang mo talaga hindi katulad ko na iyakin at mahina. Nagpapakita nang kaunting tapang kahit sa totoo lang lagi akong may takot”
“Ang payo ko lang bff pag-nakapasok ka sa kompanya magpakita ka nang kaunting tapang huwag kang magpapa-bully kahit kanino. Ang big boss sa main branch lagi nanatili. Bihira siya magpunta sa amin kaya kung matatanggap ka hindi tayo magkakasama sa isang building. Huwag ka din bibigay sa charm niya. Kilalang babaero ang boss namin at sa isang ngiti lang makalaglag panty na. Lahat nang mga kababaihan sa kompanya hinahangaan siya na kinaiinis ko nang husto dahil lalo lang lumalaki ang ulo nang lalaking ‘yon. But not me hinding-hindi ako tutulad sa mga babaeng ‘yon kaya gano’n din gawin mo. Ngayon pa lang binabalaan na kita na huwag na huwag kang mahuhulog sa kanya kung ayaw mong maging parang basura na itatapon niya pag-sawa na. Katulad nang mga nangyari sa babae niya. Kaya nakakainis ang mga babae sa kompanya kulang na lang magsitulo ang laway tuwing nakikita ang big boss. Ang alam ko ang HR Manager ang mag-interview sa’yo bukas. Magdasal ka na matanggap ka kahit ganyan ang itsura mo”
Tiningnan ni Alyana ang itsura ko at ngumisi siya. Kahit ako man ay nangangamba na hindi ako matatanggap dahil sa itsura ko. In the corporate world we need to dress up well lalo na kung magiging Assistant nang CEO dahil humaharap sa iba’t ibang klase nang tao. I’ve been an Assistant for many years nang bilyonaryong si Cole Ortega kaya marami akong alam sa pagiging Assistant. Hindi ko nga lang pwedeng sabihin na naging Assistant ako ni Sir Cole dahil tiyak na malalaman ang katauhan ko. Sa tulong nang kaibigan ko kaya nakakuha ako nang mga documents na Almonte ang apelyido ko at hindi Baltazar.
“Kung hindi ako matanggap ayos lang. Wala namang masama kung susubokan ko pa rin. You know me, dadaanin ko na lang sa pagsagot. Maybe, madala ang interviewer sa katalinuhan ko. Para kang nanay kung magpaalala”
Itinirik ni Alyana ang mga mata.
“Confidence to the highest level bestie”
“Duh! Wala nang beauty kaya confidence and brain na lang ang maipapakita ko”
“Mag best friend talaga tayo. Apir”
Nag apir kami ni Alyana kasabay nang malakas na tawanan. Ang tanging hiling ko lang ay ang matanggap ako bukas. Magiging malaking tulong para sa amin ni Luis ang malaking sahod sa pagiging Assistant. Makakapag-ipon din ako sa pangarap ko na makapagpatayo nang cake shop……At sana lang kasing bait ni sir Cole ang magiging boss ko……At kahit na siya pa ang pinaka-gwapo na lalaki sa buong mundo hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya……