Hazel POV
One year ago(Part 3)
“Walanghiya ka nang dahil sa’yo nawala si Cole sa akin. Akala mo ba matatakasan mo ako. Wala kang utang na loob, nang dahil sa akin kaya nakapag-aral ka!” Malakas na sigaw ni Ate Loraine kasabay nang malakas na sampal niya sa mukha ko. Tumabingi ang mukha ko sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin. Alam kong magiiwan nang marka ang palad niya sa pisngi ko.
“Ate Loraine hindi ko kayang gawin ang pinag-uutos mo. Napakabait ni Sir Cole sa akin. Hindi ko kayang manakit nang kahit sinong tao”
“Tunta! Nang dahil sa’yo nawala lahat sa amin ni Daddy. Ang bilyonaryong si Cole Ortega na dapat ang magsasalba sa kompanya at dapat magpapasasa na ako sa kayamanan niya pero dahil sa katangahan mo nawala ang lahat sa amin”
Muli niya akong sinampal. Hilam na ang mata ko sa luha. Hindi ko siya malabanan dahil siya pa rin ang nakatatandang kapatid ko at alam kong nang dahil sa akin kaya nawala sa kanya ang lahat. Wala akong pinagsisihan sa pagsasabi kay Sir Cole nang mga plano nila ni Daddy dahil hindi ko maaatim na may taong masaktan at mawala nang dahil sa pagkaganid nila sa pera.
“A-Ate tama na please” pagmamakaawa ko nang hilain niya ang mahaba kong buhok at hinila ako palabas nang bahay. Bago pa kami tuloyang makalabas tumatakbong lumapit si Luis sa amin.
“Bitawan mo ang ate ko!” Sigaw ni Luis ang nakababata kong kapatid. Hindi nakinig si Ate Loraine kinakaldkad niya pa rin ako. Masakit na masakit na ang anit ko at katawan ko sa pananakit niya. Parang walang naririnig si Ate Loraine punong-puno nang galit ang puso niya.
“Ang sama-sama mo bitawan mo ang Ate ko” muling sigaw ni Luis at pinaghahampas niya si Ate Loraine nang hawak niyang walis. Tinulak siya ni Ate kaya napaupo si Luis sa sahig. Nanglaban ako nang makita ko ang ginawa ni Ate Loraine kay Luis. Ayos lang sa akin na saktan niya ako huwag lang si Luis na pinakamamahal ko at ang taong pinakamahalaga sa buhay ko.
Nakawala ako kay Ate saka ko siya kinaladkad patungo sa pintoan at pabalya ko siyang tinulak kaya napaupo eto sa sementadong daan. Bumangon eto at akmang susugorin ako nang humarang si Kyle ang mabait kong kapitbahay na naging kaibigan ko na. Dumating din sina Moneth and Georgina na mga naging kaibigan ko din. Tinulak ni Kyle si Ate Loraine kaya muli etong napaupo.
“Walanghiya ka talaga Hazel. Pagbabayaran mo ang lahat nang eto. Sa pagbabalik ko sisiguradohin kong magbabayad ka!” Sigaw ni Ate Loraine. Nanglilisik ang kanyang mga mata. Tumayo eto at bago eto tuloyang umalis nagbabagang tingin ang pinukol niya sa akin.
Isang taon na simula nang umalis kami ni Luis sa Maynila at dito kami nanirahan sa Cebu. Hindi ko alam kong paano kami natagpuan ni Ate Loraine. Tinakbo ko si Luis at agad kong niyakap.
“Sino ba ang babaeng ‘yon Hazel? Nakakatakot naman ang babaeng ‘yon” turan ni Georgina. Iginiya ko si Luis patungo sa sala. Pinaupo ko siya at pinunasan ang luha niya.
“Luis huwag ka na umiyak. Makakasama sa puso mo. Pangako hinding-hindi na ako papayag na saktan ka pa niya at saktan niya ako”
Pilit kong pinipigilan ang muling pagbuhos nang luha ko para kay Luis. Masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil nang pag-iyak.
“Painomin mo muna nang tubig si Luis” Turan ni Moneth na may hawak na baso na may lamang tubig. Inabot ko eto kay Luis at pinainom ko sa kanya. Nang tumigil sa pag-iyak si Luis dinala ko siya sa kanyang silid.
“Magpahinga ka na Luis. Lalabas lang si Ate kakausapin ko lang sila”
Humiga si Luis. Kinumotan ko siya at hinalikan sa noo.
“Ate sana hindi na bumalik si Ate Loraine. Natatakot ako sa kanya”
“Alisin mo na siya sa isipan mo. Lalayo tayo para hindi niya na tayo magugulo”
Hindi ko alam kong saan na naman kami pupunta ni Luis. Ang alam ko lang kailangan naming umalis sa lugar na eto dahil nakatitiyak akong muling babalik si Ate Loraine……At ngayong alam niya na kung nasaan kami tiyak na sasabihin niya kay Daddy na mas kinatatakotan kung mangyari. Ayaw ko na ring huminge nang tulong kay Sir Cole dahil sobra-sobra na ang naitulong niya sa amin ayaw ko nang makaabala pa.
“Maraming salamat”
Sa loob nang isang taon na paninirahan namin sa Cebu marami na rin akong naging malalapit na kaibigan.
“Sino ba ang babaeng ‘yon? Kahit babae siya sasapakin ko na sana kung hindi lang ako pinigilan ni Moneth” tanong ni Kyle.
“Hindi ka naman pinigilan ni Moneth. Sabihin mo duwag ka lang” Napangiti ako sa tinuran ni Georgina.
“Lagi ka talagang kontra sa mga sinasabi ko. Baka masira ang reputasyon ko pag-nanakit ako nang babae. Ayawan ako nang mga chicks. Sayang naman ang ka-gwapohan ko”
“Tumigil nga kayong dalawa. Kumuha ka nang icepack Kyle. Nakikita n’yo ba ang mukha ni Hazel pulang-pula na at namamaga. Marami din siyang mga galos” turan ni Moneth. Agad na tumalima si, Kyle. Si Moneth ang pikamatanda sa aming apat kaya siya ang tumatayong Ate namin at sa kanya ko din naikwento ang buhay ko.
“Siya ba ang kapatid mong si Loraine?”
Tumango ako. Pumatak ang luha ko. Niyakap ako ni Moneth at hinaplos ang likoran ko. Kahit pa-paano gumaan ang pakiramdam ko. Umayos ako nang upo at pinusan ko ang luha ko nang bitawan ako ni Moneth.
“Bukas na bukas din luluwas kami nang Maynila ni Luis. Kailangan kong protektahan ang kapatid ko” Kahit hindi ko alam kong saan kami mapapadpad ni Luis sa Maynila kailangan naming makaalis sa lugar na eto.
“Paano ang tindahan mo?”
“Please, Moneth ikaw na muna ang bahala sa tindahan ko. Pag maayos na ang lahat babalik kami ni Luis dito. Napamahal na ako sa lugar na eto”
“Nandito lang kami na mga kaibigan mo Hazel. Tawagan mo kami kong kailangan mo nang tulong. Pupuntahan kita sa Manila”
“Salamat”
“Eto na ang icepack”
“Salamat Kyle” Ngumiti si Kyle at umupo sa tabi ko. Hindi niya inabot ang icepack sa akin siya na ang nagdampi sa pisngi ko. Napapitlag ako nang sumayad ang icepack sa pisngi ko. Masakit eto. Noon pa man madalas na akong saktan ni Ate Loraine at Daddy tuwing sumusuway ako sa utos nila. Lahat tiniis ko dahil akala ko mamahalin din ako nang Ama ko katulad nang pagmamahal niya kay Ate Loraine na hindi nangyari.
“Maraming salamat sa inyo”
“Ma-miss ka namin Hazel”
“Mawawala na ang pinakamagandang babae dito sa lugar na eto pag umalis ka na Hazel”
“Hoy Kyle! Parang sinabi mo na pangit kami. Gusto mo ‘ata na masapak”
“Amasona ka talaga Georgina. Maganda ka sana kaya lang ang tapang mo. Baka masira ang ka-gwapohan ko pag sinapak mo ako”
“Ang hangin mo talaga”
Malakas kaming nagtawanan sa tinuran ni Kyle. Gwapo naman talaga si Kyle ‘yon nga lang pinangangalandakan niya sa lahat na kinaiinis lagi ni Georgina.
“Tumigil na nga kayong dalawa. Baka kayo pa ang magkatuloyan” turan ni Moneth.
“Eww! Magpapakamatay na lang ako” turan ni Georgina na ikinasimangot ni Kyle.
Nagagawa kung tumawa dahil sa kanila sa kabila nang malaking problemang kinahaharap ko. Gumagaan ang pakiramdam ko kahit papaano dahil may mga kaibigan akong katulad nila. Sana maging maayos ang buhay namin ni Luis sa pagbabalik namin sa Maynila……