Chapter 2

1006 Words
Hazel POV One year ago(Part O2) Napahawak ako sa dibdib ko nang makalabas ako nang opisina niya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatagpo nang lalaking katulad niya. “Greyson Lewis, ang playboy billionaire na akala ‘ata lahat nang babae luluhod sa harapan niya” Napahawak ako sa mukha ko pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko sa mga nasaksihan ko kanina…… “Ma’am ayos lang ba kayo?” “A-Ahm ayos lang may ano kasi—malaki na ano—” Gusto kong batukan ang sarili ko sa mga lumalabas sa bibig ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang natatagong parte ni Mr. Lewis. Ngayong araw namulat ang isipan ko sa makamundong bagay. “Do you have an appointment with Sir Lewis?” Nakataas ang kilay nito at ilang beses na pinasadahan ako nang tingin. Katulad nang babaeng nakita ko kanina pareho silang manamit nang babaeng kaharap ko. Halos kita na ang kaluluwa sa suot nitong maikling skirt at mababang neckline na pang-itaas na damit. “A-Ahm, Oo. Nakaharap ko na ang bastos mong boss. Sige mauna na ako” Kahit hindi ako magtanong alam kong Assistant ni Mr. Lewis ang kaharap ko. Mukhang mahilig talaga eto sa mga babaeng maganda ang katawan at malaki ang hinaharap. Hindi ko na hinayaang makapag-salita ang babae agad na akong tumalima patungo sa elevator. Ang tanging hiling ko lang sana hindi ko na muling makaharap si Mr. Lewis na playboy. Nasa labas na ako nang elevator nang marinig ko ang boses nito na ikalingon ko sa kanila. Matamis na ngumiti ang babae at inipit ang buhok sa kanyang tainga. Halatang nagpapa-cute eto kay Mr. Lewis at ang ang babaerong si Mr. Lewis nakatingin sa cleavage nitong exposed na exposed. Tumaas ang kilay ko nang ngiting-ngiti ang babae sa sinasabi nito. Hindi ko alam kong anong sinasabi ni Mr. Lewis at parang kinikiliti eto at kilig na kilig. Pinaikot ko ang mata ko. Bakit may mga babaeng nagpapadala sa angking ka-gwapohan at mga salita nang playboy na ‘yon? “Blair get your things, you’re coming with me” Agad kong inalis ang tingin sa kanila at humarap ako sa elevator. “First name basis with his Assistant. Close siguro sila. Baka sa sobrang close lumuluhod din eto sa harapan niya—Ay! Ano ba yan nagiging mahalay na ang isipan ko dahil sa bastos na si Mr. Lewis” Mahina kong turan at itinirik ko ang mata ko. Nang una ko siyang makita sobrang na-gwapohan ako sa kanya. Afamlicious pa nga ang itinawag ko sa kanya. Ang maganda niyang mata parang hinihigop ang kaluluwa ko……Tall, handsome, with a beautifully proportioned body…… “Ay! Ano ba yan bakit naisip ko pa ‘yon” mahina kong turan. Ang katulad niyang lalaki ay malaking red flag, hindi dapat pinag-uukolan nang oras. Tiyak na puro sakit lang ang dulot nito sa babaeng magmamahal sa kanya. Hindi dapat siya pinagkakatiwalaan. “Hindi pinaguukolan nang oras, pinupuri mo nga” turan nang pakialamerang konsensiya ko. “Hindi ko kaya siya pinupuri!” depensa nang isip ko. Agad akong napalingon nang may tumikhim sa likoran ko, gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko si Mr. Lewis at ang tinawag niyang Blair. Hindi ko namalayan na nasa likoran ko na pala eto. Pumasok ako sa elevator nang bumukas eto. Isiniksik ko ang sarili ko sa pinakagilid nang pumasok si Mr. Lewis at ang Assistant niya na kanina pa ako sinasamaan nang tingin. “Ano bang problema niya? Maka-tingin akala mo minamascre na ako sa isipan niya” sa isip ko. Nang mapatingin ako kay Mr. Lewis ngumiti eto sa akin bago muling humarap sa harapan ng elevator. Lumabas ang pantay-pantay at maputing ngipin nito. Ang ngiting nakakaakit. Siguro kong hindi ko nasaksihan ang ginagawa nito kanina sa loob nang opisina baka nagka-crush pa ako sa kanya. Naaakit pa naman ako sa lalaking may magandang ngiti at lalaking-lalaki tingnan…… Hinagod ko nang tingin ang kabuoan niya……He had an intelligent face and charm to match. Malapad na balikat at mahabang binte. He looked very powerful, his chest broad and his muscular body na halatang nagbabad sa gym……He was chiseled perfection, a storybook prince na lagi kong pinapangarap noon na mapangasawa ko…… “Hindi siya prinsipe kundi isang porn star” Ang dapat na sa isip ko lang naibulalas ko na sabay na ikalingon nang dalawa sa akin. I felt a hot blush settle over my cheeks. Gusto ko na lang kainin nang lupa sa kahihiyang nagawa ko. “Miss anong sinasabi mong porn star?” tanong nang babaeng nag-ngangalang Blair. “A-Ahm ‘yong lalaki na nakita ko sa magazine mukhang prinsipe pero porn star pala……Bigla ko lang naisip” “Maybe your thinking someone, Miss? A real prince? Don’t you think? The prince who can take you to a heaven of pleasure” Pinanglakihan ko nang mata si Mr. Lewis. Halatang pinipigilan nitong tumawa. “Bakit ba ang tagal nang elevator na ‘to makarating sa lobby? Bakit nakasabay ko pa ang lalaking ‘to? Lalaking gwapong-gwapo sa sarili niya tsk tsk” “You know, I can hear you” “Alam ko naririnig mo ako, hindi ka naman siguro bingi. At sinadya ko talagang iparinig sa’yo” Pagtatatay ko sa kanya. Wala na akong pakialam kong marinig nang babaeng kasama niya. “I like you. Ikaw lang ang babaeng kayang tanggihan ang katulad ko” seryoso nitong turan at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko. He bit his lower lip while looking at me. Tinaasan ko siya nang kilay. “I don’t like you. Ang katulad mong lalaki ang pinaka-ayaw ko” turan ko habang nakatingin sa mata niya. Nakita ko ang amusement sa mata nito. Nang tumunog ang elevator at bumukas agad akong lumabas. Malalaki ang hakbang ko patungo sa pintoan palabas nang building. Hindi na ako lumingon pa sa lalaking kinaiinisan ko nang husto. Siya lang ang lalaking nagpapakulo nang dugo ko pero nakakapanghina nang tuhod tuwing matitigan ako nang mata niya. Those deep blue eyes na nakakaakit……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD