Chapter 16

1269 Words

Khalev's POV Walang kalalagyan sa tuwa ang puso ko nang malaman kong hindi totoong magkapatid sina mama at Francis. Wala ng dahilan pa upang lumayo ang mag-ina ko sa akin. Nagulat din ako nang aminin sa akin ni Francis na magkapatid sila ni Marco. “Paano nangyari iyon?” tanong ko, hindi makapaniwala sa narinig. “Si Marco ay anak ni nanay sa ibang lalaki. Hindi ko ito alam hanggang sa nagkita kami ni Marco at nag-usap tungkol sa mga nangyari sa nakaraan.” “Hindi ko inakalang magkakapatid pala kayo,” sabi ko, habang iniisip ang lahat ng mga nangyari. “Pero masaya ako na nandito kayo pareho para sa akin.” “Khalev, mahalaga ka sa amin,” sabi ni Marco. “Gagawin namin ang lahat para protektahan ka at ang pamilya mo.” Sa mga sumunod na araw, naging mas malapit kami nina Francis at Marco.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD