Francis POV Nang matapos ang misyon ko ay ibinaling ko ang aking atensyon sa mag-ama ko na ngayon ay kasama kona ngunit patuloy pa rin akong nag-iimbestiga at promoprotekta sa kanila. Pag-uwi ko sa amin ay nagulat ako nang makita ko si Khalev habang nakatulog ito sa sopa. “ A-anong ginagawa niya dito?” Bulong ko sa aking sarili. Ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa anh bag ko at umupo sa tabi niya. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo kaya siguro di ko siya magawang kalimutan. “ Baka matunaw ako sa paninitig mo.” Napalunok naman ako nang magsalita ito at sabay pa nitong kinuskos ang mga mata niya. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kaniya. “ Pinagnanasahan mo na ako ah.” Pang-aasar niya pa sa akin kaya't nahampas ko siya sa braso. “ Ang cute mo namang kiligin,” muling pang-aasar n

