Khalev's POV Hanggang ngayon ay di ko pa rin matanggap na lumayo sa akin ang mag-ina ko. At di ko parin magawang iproseso ang lahat. Di ako naniniwala na magkapatid si mommy at si Francis. “ Anak, hindi ka paba kakain?” Tanong ni Mama sa akin at umiling-iling ako. Nasa sala ako habang nanonood ng paborito kong drama sa hapon. Ang abot kamay na pangarap. Mas lalo kong namis ang mag-ina ko. Kumusta na kaya sila? Di ko na makontak si Francis. Blinock niya rin ako sa social media at pa rin niya ako sa contact list kaya't di ko siya matawagan. Makikita ko pa kaya sila ulit? At di parin ako naniniwala na magkapatid silang dalawa ni mommy sa ama ni Francis. Kahit nakita ko na ang DNA Result nilang dalawa, di pa rin ako magawang makumbinsi nito. Maaari kasi ni fake ang DNA Test Result na iyon

