Khalev POV Nawalan ng saysay ang buhay ko simula nung mawala sa akin ang mag-ina ko. Naging alak ang naging sandalan ko. Ilang babae na ang nireto sa akin ng pamilya pero wala ni-isa sa mga ito ang pinatulan ko. Babaero ako noon pero nagbago na ako simula nung makilala ko si Francis kaya ngayon naging traumatic ito sa akin. Paulit-ulit kong naaalala ang mga masasayang sandali kasama sila. Ang mga tawanan namin tuwing umaga, at ang mga yakap at halik na nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo. Pero ngayon, tila nawalan na ng kulay ang bawat araw ko. Sa bawat bote ng alak na iniinom ko, pilit kong nilulunod ang sakit at pangungulila. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis ang kirot sa puso ko. Naging traumatic na sa akin ang magkaroon ng relasyon dahil sa takot na muling masaktan a

