Chapter 3

1572 Words
Chapter 3: Deal with Agent Dimalusao Francis Arianna's POV Iyong ngiti sa mga labi nila ay hindi mapantayan ng pera kaya lalo akong magsusumikap sa buhay. Habang nakatingin ako sa mga conjoined twins ko at kay Lola Urzula ay biglang nagring ang phone ko sa loob ng aking bulsa kaya agad ko itong kinuha at tinignan. Ano'ng kailangan ni Agent Dimalusao sa akin? Bakit siya tumatawag? I answer his call at sabay akong lumabas ng bahay. Mahina kasi ang signal sa loob ng bahay namin. “ Agent Dimalusao? What do you want?” bungad kong tanong sa kaniya nang mailapat ko sa aking tenga ang phone ko. “ We need to talk, meet me at 6:00 pm. Itetext ko saiyo ang location.” deretsong sagot niya sa akin. Napakamot naman ako sa aking batok. “ Okay,” naiiritang sagot ko sa kaniya at sabay na ibinaba ang tawag. Kaagad akong pumasok sa loob ng bahay at nagpalit ng damit. Nagpaalam ako sa kanila. “ Mag-iingat ka apo. Wag ka masyadong magpagabi, delekado sa daan.” mahigpit na bilin ni Lolo Urzula sakin at hinalikan ko siya sa pisngi. . Nang makalabas ako ng bahay ay agad akong pumara ng tricycle. “ Nicolas Restaurant nga po kuya. ” saad ko pa sa tricycle driver na si Manong Isko. Kabisado na kasi niya ang pasikot-sikot ng siudad na ito. It took twenty minutes bago kami nakarating sa Nicolas Restaurant. Dumukot ako ng isang daan sa aking pitaka at inabot ito kay Manong Isko. Sinuklian niya naman ako ng sitento pesos, trenta kasi ang singil niya. Nang makababa ako ng tricycle ni Manong Isko ay agad akong pumasok sa loob ng restaurant. Agad naman akong naghanap ng mauupuan at saktong-sakto iyong malapit sa bintana ay walang nakaupo. Maya-maya ay may humintong itim na kotse sa tapat ng restaurant kung nasaan ako. It's him, si Agent Dimalusao iyong lumabas ng kotse at agad niya namang inayos ang kaniyang salamin bago pumasok. Inayos ko rin ang aking sarili. Pagpasok niya sa loob ay ikinaway ko ang aking kaliwang kamay sa kanya. Ang eskpresyon ng mukha niya ay nanatiling blangko, di manlang ngumingiti. Ang dalang niyang ngumiti. “ Good evening, Agent Dimalusao” bati ko sa kaniya at tumango lamang siya sa akin. Isang ngiti naman diyan, Agent Dimalusao. Ayaw niya talagang ngumiti. Umupo siya tapat ko. “ Ano pala ang maipaglilingkod ko saiyo, Agent Dimalusao?” seryosong tanong ko sa kaniya. “ Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Agent Torres. I want you to back in our agency, our clients badly need your protection.” ayan na naman siya. AYOKO na talagang bumalik pa doon, kung babastusin at pagsasalitaan lamang ako ng masama ni Sir Khalev. “ Dodoblehin namin ang monthy sahod mo, bumalik kalang, Agent Torres.” dagdag pa niya. Pagkatapos nila akong kantyawan? Gusto nila akong bumalik sa agency nila? Wala ba silang ibang agents na ipapalit sa pwesto ko? “ I know what you're thinking, Agent Torres! Siniguro naming hindi na iyon mauulit pa. Nakausap na namin so Sir Khalev, ikaw ang gusto niyang maging protector niya.” Yatis! Magdesisyon kana, Francis kailangan mo rin naman ang trabahong iyon upang buhayin ang conjoined twins at iyong Lola Urzula mo. They badly needs you. O sige, babalik ako don para sa kanila. “ It's part of your job na masigawan at makantyawan. Isipin mo ang kinabukasan ng pamilya mo, Agent Torres.” turan niya pa. “ Okay babalik ako sa pagiging agent/ bodyguard ni Mr. Khalev but in one condition.” tumaas naman ang isang kilay niya. “Ano naman iyon?” “ At iyon ay ngumiti ka.” mas lalong lumukot ang noo niya. Simply lang naman ang hiling ko eh ang makita kong nakangiti siya. Mahirap ba iyon gawin? “ Wala bang iba bukod diyan, Agent Torres?”umiling-iling ako sa kaniya at siya naman ay napalagok. “ Hindi ko ata magagawa iyan.” mariing tanggi niya. My ghad! Ngiti lang di niya pa magawa? Nagkatrauma kaya siya sa isang ngiti. Jusmiyo! “ Then hindi ako babalik sa pagiging secret agent/ bodyguard ng client niyo.” “ Okay-okay kung iyan ang gusto mo.” napilitan siya sa gusto kong mangyari. Wala naman siyang ibang choice eh, kasi nakasalalay sa akin ang promotion niya. Napangiti naman ako. Ngumingiti lang siya kapag nakangisi ako sa kaniya. Umorder siya pagkatapos ng dalawang slice ng cake at juice. At siya na mismo ang nagbayad. Mahirap lang ako, di ko afford ang mamahaling restaurant. Pagkatapos ay nakipagkamay siya sa akin at sabay na ngumiti. Nakikita ko sa mga mata niya na napipilitan lang siyang ngumiti dahil sa kundisyon ko sa kaniya. Pagkatapos ay hinatid na niya ako pauwi sa amin. “ Salamat sa paghatid, Agent Dimalusao. ” saad ko nang makababa ako ng kotse niya. Mag-aalas siyete na ng gabi nang dumating ako sa amin. He nodded his head. Agad naman siyang umalis at ako naman ay naglakad papasok sa isang eskinita. As usual pagpasok ko ay nadatnan ko sina Mikay at Mikoy habang minamasahe si Lola Urzula. “ Ate!“ sabay nilang tawag sa akin. “ Apo,” masayang tawag sa akin ni Lola at agad akong lumapit sa kaniya't yumakap. “ Uminom ka naba ng gamot mo,La?” “ Oo apo, pinainom ako ng mga kapatid mo. Wag kang mag-alala sa akin apo, hindi naman ako pinapabayaan ng mga kapatid mo kahit ganiyan ang kanilang sitwasyon.”sagot naman ni Lola. Fifteen years old na ang conjoined twins ko at ako naman ay baynte-singko anyos na. Isang taon palang sila 'nung iwan ng mga magulang namin sa puder ni Lola. Minsan nga naiisip ko, na kung di nila kami panindigan edi sana di nalang nila kami isinilang ngunit malaki ang utang na loob ko kay Lola Urzula ko. Siya ang naging nanay at tatay sa aming tatlo. Maaga rin kasing kinuha si Lolo Maning, inatake ito sa puso habang nagto-tongits. Di na ito naagapan pa. Ilang taon din bago natanggap ni Lola ang pagkawala ni Lolo Maning. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak sa kwarto niya yakap-yakap ang litrato ni Lolo Maning. Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, pinipiga ang puso ko sa sakit. Kaya 'nung nakapagtapos ako ng kolehiyo ay ipinangako ko sa aking sarili na. Ibabangon ko sila sa kahirapan nang sa ganun ay hindi na kami mahirapan siya sa financial at sa bayarin namin dito sa bahay. Makakapagtayo rin ako ng bahay para sa amin at maipapagamot ko rin si Lola sa sakit niya. Gusto ko ring paoperahan ang conjoines twins ko upang magkahiwalay silang dalawa at malaya na nilang gawin ang gusto nila. Nagdadalaga at nagbibinata pa naman sila. “ Kumain ka naba apo?” tanong ni Lola sa akin. “ Hindi pa po pero busog pa po ako, la. Nilibre kasi ako ni Agent Dimalusao.” sagot ko naman sa kaniya. “ Ate gusto ko pong mag-aral.” saad naman ni Mikay. Hindi ko mapa-aral silang dalawa sa kanilang sitwasyon, natatakot ako na baka ay pagkantyawan lamang sila ng mga estudyante, iyon ang ayaw kong mangyari sa kanila.Mahal na mahal ko silang dalawa kaya't di ko hahayaan na masaktan sila at ibully. “ Balang araw, Mikay. At kapag napa-operahan kona kayong dalawa. Magkakayod-kalabaw muna si Ate ah? Para matupad natin ang pangarap niyo, ang mapaghiwalay ang mga katawan niyo. Tumango-tango naman sila. Kaya't sisikapin kong makaipon ng malaking halaga. Ang pag-asa ko sana ay iyong inoffer ng asawa ni Sir Khalev ngunit natatakot naman ako sa posibleng mangyari, paano kung ako ang mainlove sa asawa niya? Edi ako ang talo. At t'saka paano kung gagamitin lamang ako ng asawa niya? Makakadagdag pa ako pasanin ni Lola. Kaya't magsisikap ako sa mabuting paraan iyong wala akong maaapakang tao o masasaktan. Pumasok na'ko sa loob ng aking kwarto at agad na nagpalit ng pampatulog. Kinabukasan nagising ako sa ungol ni Lola Urzula na nasa kabilang kwarto kasama ang mga kapatid ko. Dali-dali akong bumagon at nagpunta sa kwarto nila. Umiiyak siya nang madatnan ko habang umuungol. “ Maning, wag mo akong iiwan!” tinapik-tapik ko ang pisngi ni Lola at ilang segundo lang ay nagising siya sa ginawa ko. Hinagod-hagod ko ang likod niya. Nagising narin sina Mikay at Mikoy. “ Kumuha kayo ng tubig sa kusina dali!” utos ko na agad naman nilang sinunod. Inabot sa akin ni Mikay ang isang basong tubig at agad ko itong pinainom kay Lola. “ Iyong lolo Maning niyo iniwan ako.” umiiyak na turan ni Lola. “ Hindi niya tayo iniwan, La. Binabantayan niya parin tayo lalo kana. Kailanman ay hindi nawala si Lolo Maning sa puso natin.” saad ko pa kay Lola. Di ako tumigil sa paghagod sa likod niya hanggang sa kumalma ito. “ Salamat apo, mahal na mahal ko kayong tatlo. Wag niyo akong iiwan ah? Dito lang kayo sa piling ko.” pakiusap naman niya sa aming tatlo at tumango-tango naman kami sa kaniya. Di yan mangyayari, walang mang-iiwan sa amin. Kapit-bisig naming haharapin ang mga pagsubok sa buhay. “ Anong nararamdaman mo, la?” nag-alalang tanong ko sa kaniya, ngumiti lamang ito sa akin at sabay na hinawakan ang dalawa kong kamay. “ Ipangako mo sa akin, Apo na kahit anong mangyari ay walang mang-iiwan sa ating apat.” saad niya pa. Pinahiran ko ang luha sa mga mata niya gamit ang palad ko at sabay itong niyakap. Lumapit rin ang conjoined twins ko at nakiyakap narin sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD