Chapter 2

1594 Words
Francis Arianna's POV Nang makabalik ako sa opisina ng amo ko ay agad akong kumatok ng tatlong beses. Ilang sandali bago niya ako pinagbuksan. Bitbit ko ang tira naming pagkain ni Kenna. “ Where have you been? Kanina pa ako tumatawag sa iyo ah?” ma-awtoridad niyang tanong sa akin. Hindi ko na napansin iyong kabet niya. “ Sorry, Sir Khalev nilibre kasi ako ng kaibigan ko.” sagot ko sa kaniya. “ Sinabi ko ba sa iyo na pwede kang magpunta kahit saan?” umusok ang ilong nito sa galit. So? Pinagbawalan niya akong magpunta kahit saan? Loko 'to ah? Kung makapaghigpit sa akin akala mo naman asawa niya ako. “ S-sorry po, Sir.” nakayukong saad ko sa kaniya. “ Pakitapon iyang bitbit mo, nagdala kapa ng basura sa kumpanya ko.” tukoy niya sa bitbit kong paperbag na may lamang pagkain na natira namin ni Kenna. Ba't ko naman ito itatapon? Sayang ito, at saka di naman ito kaniya kaya bahala siya. “ No, Sir. Para po ito sa mga kapatid ko.” mariing tanggi ko pa sa kaniya. “Itatapon mo iyan? O tatanggalin kita sa trabaho mo?”pagbabanta pa niya. Walangya! Nagawa pa niya akong pagbantaan. Anong karapatan niya? Amo ko lang siya at bodyguard niya lang ako. “ Ayoko po sir, sayang po itong pagkain.” sambit ko pa. Nahilot niya ang kaniyang sentido at sabay na umupo sa kaniyang swivel chair. “ Take off your fvcking clothes!” galit niyang utos sa akin na siyang ikinagulat ko. Ano trip ng amo kong ito? Ano kayang balak ng impaktong ito! Child Abuse na itong ginawa niya sa akin ah? “ Do it what I say!“ Mahigpit kong hinawakan ang uniporme ko. At sabay na umatras.“ Take off your clothers or else I'll will make your life living héll!” hindi niya ako masisindak. At di ko ibibigay sa kaniya ang pagkabirhen ko. Mas mabuti pang tanggalin niya ako sa trabaho. Mamatay muna ako bago niya makuha ang pagkabirhen ko ng ganun kadali. Hindi porket amo ko siya ay pwede niya ng gawin ang nais niya sa mga trabahante niya. “ No! Sir Khalev!” bago paman niya ako mahawakan ay nakalabas na ako ng opisina niya. “ Bumalik ka dito!” nagwala siya sa loob ng opisina. Umalis ako at dumiretso ako sa agency namin. Nireport ko sa aming head ang masamang balak sa akin ng amo kong si Khalev ngunit pinagkakantyawan lamang nila ako. Hindi daw ako iyong tipong babae ni Sir Khalev at di daw ako papatulan ng amo ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko. “ Magreresign nalang po ako sa agency na ito, at di na ako babalik pa sa letseng agency na ito.” sabi ko at sabay na tumayo. “ Miss Torres! Go back to your sit!” “ Maghanap kayo ng ibang bodyguard na kung anong gusto ng Sir Khalev niyo ay ibibigay nito. Irereklamo ko ang agency na ito!“ dagdag ko pa at sabay na lumabas. “ Bumalik ka dito, Miss Torres! ” Hindi ko nilingon pa si Mr. Dimalusao bahala siya. Maghanap nalang siya ng ibang bodyguard na ipapalit niya sa akin 'dun sa walangya kong among manyak. Tenext ko si Kenna at nagkita kaming dalawa sa isang coffee shop. Isang italian coffee shop. Umorder siya ng coffee at siya narin pinapili ko dahil wala akong alam sa mga Italian Coffee na iyan. “ Anong nangyari? Naka-off duty kana ba sa amo mong si Khalev?” seryosong tanong sa akin ni Kenna. “ Magreresign na ako sa trabaho ko. Di ko masikmura ang amo kong iyon! Abusado!” nasapo ni Kenna ang kaniyang bibig. “ Bakit anong ginawa niya sayo?” nag-alalang tanong niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya. “ Sabi niya kasi sa akin, Take off your clothes!” “Ano? Inutos niya iyon sayo?” gulat na tanong ni Kenna sa akin, at di siya makapaniwala sa narinig niya. Tumango-tango lamang ako sa kaniya. “ Hinding-hindi nako babalik pa sa letseng amo kong iyon at sa agency na iyon!“ “ Calm down, Fran. Anong plano mo?” “ Ang ireklamo ang agency ng half-brother ng boyfriend mo. At ipablotter si Sir Khalev.” " Iyan ang wag na wag mong gagawin, Fran. Di mo pa lubusang kilala iyang klalev na iyan at ang half-brother ng boyfriend ko. Ibabasura lamang iyan ng mga pulis dahil hawak nila ang buong kapulisan, Fran. Wala kang laban sa kanila. “ Ano?” di makapaniwalang tanong ko sa kanya. “ Like what I've said, wala kang laban kay Khalev at ng agency na pagmamay-ari ng half-brother ng boyfriend ko dahil si Khalev mismo ang may-ari ng agency na iyon at siya at half-brother ng boyfriend ko.” nanlaki ang mga mata ko sa aking nalaman. Kaya ganun nalang ang reaksyon ni Mr. Dimalusao sa reklamo ko dahil amo rin pala si Sir Khalev. Hindi pwede iyon! Sign naba ito na tanggapin ko ang alok ng asawa niya? Kapalit ng dalampu't milyong piso? Ang paibigin ang kaniyang asawa at dudurugin ng pinong-pino ang puso nito? “Wala na pala akong choice kundi tanggapin ang alok ng asawa ni Sir Khalev.” “ Anong inalok ng asawa ni Khalev saiyo, Fran? Hindi kaya magiging dehado ka sa gusto ng asawa niya?” “ Gusto niyang paibigin ko ang asawa niya at saktan ito sa huli kapalit ng twenty-milyon pesos. Lalo na't wala nakong trabaho ngayon, sa akin umaasa ang dalawa kong kapatid at kailangan ko rin ng pera upang maipagamot ang Lola Urzula ko.” “ Wag mong tanggapin ang alok ng asawa ni Khalev, Fran. Mapapahamak ka, at masasangkot pa ang pamilya mo dito.” Anong gagawin ko?“Tutulungan kitang maghanap ng mapapasukang trabaho.” saad niya pa. Ang swerte ko talaga sa bestfriend kong ito dahil palagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko siya. “ Salamat, Kenn.“ “ Wala iyon, Fran. O sige simulan na nating maghanap ng trabaho.” aya niya pa sa akin. Ininom ko na rin ang kapeng binili niya at ganun rin siya. Sumakay ako sa kaniyang kotse. Kung anu-anong trabaho ang inapplayan ko ngunit nireject nila ang application ko. College graduate naman ako, anong problema nila sa application ko? Buong maghapon kaming naghanap ng trabaho ni Kenna ngunit wala parin. Kaya't napaupo ako sa sahig sa gilid ng kalsada. Pinunasan ko ang aking noo dahil pinagpawisan ito sa kakaikot namin ni Kenna. “ Puro rejected ang application ko, Kenn. Pasensya kana kung pati ikaw ay nadamay.” hingal kong sambit sa kaniya. “ Pumasok ka nalang kaya bilang kasambahay sa amin para naman matustusan mo ang pangangailangan ng mga kapatid mo, lalo na iyong ,Lola Urzula mo.” suhetsyon niya naman akin. Ciminilogy graduate ako tapos magiging kasambahay lamang ako? “ Makakahanap rin ako ng trabaho, Kenn. Di pa naman natin nahalughog ang buong siudad eh.“ Balak kong tanggapin ang offer ng asawa ni Sir Khalev. At kapag nagawa ko ang gusto niya ay magpakalayo-layo kami ng pamilya ko. Lahat gagawin ko para sa kanila. Nang makauwi ako sa amin ay nadatnan ko si Lola Urzula habang nagluluto ng kakanin. Agad akong nagmano sa kaniya.“ Oh apo? Ang aga mo atang nakauwi?“ tanong pa ni Lola sa akin. “ Maaga lang po akong pinauwi ng boss ko, La. ” pagdadahilan ko pa. Bukas na bukas ay babalik ako sa pagiging bodyguard ko upang mapadali ang aking misyon.. Agad akong nagbihis ng pambahay.“ Nasan ang mga kapatid ko, la?” seryosong tanong ko kay Lola nang hindi ko nakita ang dalawa kong kapatid na may kapansanan. Magkadikit kasi ang kanilang katawan. May kaniya-kaniya naman silang paa at kamay lalo na ang organs. Magkadikit lang talaga ang kaniyang katawan. At ang sabi ni Dra. Almagro may posibilidad na mapaghiwalay silang dalawa ngunit kailangan ng malaking halaga bago sila maoperahan. Kaya kailangan kong tanggapin ang alok ng asawa ni Sir Khalev upang maibigay ko ang pangarap nilang dalawa at iyon ay magkahiwalay sila ng katawan. Naramdaman ko rin na nahihirapan na sila sa kanilang sitwasyon kaya't bilang ate nila ay gagawin ko ang lahat para sa kanila. Kahit labag ito sa kalooban ko para sa kanila. Kailanhan kong isantabi muna ang aking pride para sa kanila. Conjoined twins silang dalawa. “ Inutusan kong bumili ng vetsin sa kapitbahay natin apo.” sagot ni Lola sa akin. Nang makapagbihis na ako ay sinundo ko ang aking conjoined na kapatid sa tindahan ni Aling Lourdes baka ano pa ang gawin nila. Pinagkakantyawan pa naman nila ang kapatid ko dahil sa kalagayan. “ Ate!“ tawag nila sa akin at agad ko silang niyakap ng mahigpit. Malapit na silang magdebut kaya't gagawin ko ang lahat upang makapagdebut sila kahit simply lang.. “ May pasalubong ako sa inyo, Mika at Mikoy.” saad ko pa sa kanila at bakas sa mga mata nila ang saya nang marinig ito mula sa akin. Nang makauwi kami sa aming maliit na bahay ay kinuha ko sa loob ng aking bag ang paperbag na may lamang pagkain na tira namin ni Kenna sa restaurant. “ Woaaah! Mukhang masarap iyan ate ah?” masayang sambit naman ni Mika sa akin. “ Oo naman, Mika.” “ Hindi iyan lutong pinoy ate.” tanong naman ni Mikoy sa akin. Never pa kasi silang nakatikim ng pagkain sa ibang bansa tulad ng mga dinala ko. “ Kumain kana rin, Lola Urzula tikman niyo po. Masarap po iyan.” aya ko kay Lola Urzula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD