Francis's POV Nasapo niya ang kaniyang mukha nang malaman ang rason ko. Totoo naman talaga eh kapag nalaman niyang buntis ako sa anak niya ay itatanggi niya rin ito. At t'saka pagkatapos ng mga salitang binitawan niya sa akin? May gana pa akong aminin sa kaniya na buntis ako? “ Hindi iyan ang valid reason, Francis. May karapatan ako sa batang iyan kaya you have no right para itago mo iyan sa akin.” giit niya pa at sabay na itinuro ang tiyan ko. Nah? Ano pa ang mali sa aming dalawa. Bahala siya, mag-wa-walkout nalang ako. Kausapin niya ang sarili niya. Buang siya. Tumalikod na ako sa kaniya. “ Wait! Hindi pa tayo tapos mag-usap!” pigil niya pa sa akin. Muli akong nilingon. Sinenyasan na kasi ako ng mga kasama ko eh, may cctv footage pa naman sa restaurant na pinagtrabahuan ko, baka mawal

