Halos isang oras narin kaming nakaupo dito sa coffee shop, I don't even know bakit bigla kaming nagkakape na magkasama?
Malapit lang sa office itong coffee shop, kaya kabado ako na baka mamaya may makakita sa amin at kung anung isipin.
Habang humihigop ako sa medyo pinalamig ko ng kape, palihim kong tinitigan si Kai.
Nakatingin lang siya sa labas habang hawak yung baso ng kape. Alam mo yung perfect na para siyang painting sa isang museum?
Kakainis ang gwapo. Pero hindi ko sasabihin sa kaniya yun. Sikeretong malupit lang.
"So what's your plan tomorrow?" bigla niyang tanung.
"Sa birthday ba ni Brandy? Normal birthday celebration lang naman. Pero kasi surprise daw eh." Paliwanag ko sa kaniya habang kinakain ko yung cheesecake na order niya.
Nakatingin lang siya sa kin, pero di ko na lang pinapansin. Ayoko maging conscious.
"Gusto sana nila nandun ka, alam mo na para kumpleto tayo diba?" pwede ko bang sabihin na crush siya ni Brandy?
Naku, hwag na lang siguro.
"Are you even close to her?"
Hmm, may point siya sa tanung niya.
"Hindi, pero kilala ko naman siya at minsan nakakausap kahit papaano." Sabi ko.
Bakit kaya niya tinatanung?
"Then, why did you volunteer to even do the preparation for this birthday?"
Natigilan ako.
Ano kayang point niya bakit niya tinatanung?
"Di naman ako nagvolunteer. Nakiusap lang sila. Eh free naman ako. So I guess it's fine ."
He sighed.
"That doesn't mean you have to agree with them and do it. Maiintindihan ko pa kung si Emma yung may birthday, since she's a friend of yours. But it's Brandy and she's a complete stranger to you. What's the point of putting your effort and gain nothing?"
Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi niya yun. Nagagalit ba siya? Pero may point naman talaga siya.
Bakit ba ko pumayag na magplano nun eh hindi ko naman kaibigan si Brandy. Anong point sa masasayang na effort ko?
He's right. Ang kaso di naman ganoon kadali umatras eh-
"I know you think that you can't back out now. Maybe you should consider refusing those kinds of requests next time."
He then sips his coffee and looks at me with those intense eyes.
Hinihintay ba niya na sumagot ako? Napayuko na lang talaga ko.
"A-alam mo kasi Kai, di ko din kasi alam isasagot ko saiyo. Ang totoo niyan, masaya naman ako sa ginagawa ko. Isa pa nageenjoy naman mga tao eh. Pero syempre minsan, gusto ko rin naman na may gumawa nang ganun sa kin-" Natigilan ako.
Napatakip ako ng bibig ko.
Nagulat ako nung nasabi ko yun. Isa yun sa mga dark secret ko na kahit kelan di ko sinabi kahit kanino kahit kay Emma or inentertain man lang sa isip ko yun.
Minsan din naman, gusto mong gawin ng iba yung ginagawa mo para saknila diba? I think that's normal kahit sa isip mo lang.
Pero bakit ko ba nasabi kay Kai 'to? Nakakahiya.
Napainum ako ng kape, at habang umiinum, naaaninag ko sa paningin ko na nakatingin parin siya sakin. Siguro naisip niya na pakinabang talaga yung habol ko kaya ko ginagawa ito.
Hayyy paano ko ba papaliwanag ito?
"Kai kasi-"
"You're right. You just wanted to be treated like how you treated them. Fair enough. And That's completely fine. I feel the same, don't worry." Ngumiti siya sa akin.
Mas nagulat ako nung hinawakan niya yung ulo ko at bahagyang ginulo-gulo yung buhok ko. Waaah! Ano 'to?!
Hala, hala, Lois maglubay ka! Alam kong kahinaan mo to.
Natutuwa lang siya kasi normal ka magisip. At wala ng iba pang rason. Di ko man nakikita sarili ko pero alam kong namumula ako.
Kinagabihan, nagaayos ako ng mga gagamitin para sa party bukas, naggugupit ng mga letterings at iba pa. naparami ata yung nabili ko.
Paano ko matatapos 'to ngayon, panay hinto ko sa paggupit kasi naiisip ko yung nangyari kanina?
Umuwi akong tulala. Kakaiba talaga yung nangyari eh.
May himala ba nitong hapon?
Bakit may paganun si Kai? Nakakagulat lang na may pasermon siya. Tapos he patted my head like sinasabi niya na very good ako. Ganun ba yun?
Nagulat din ako na nagawa kong sabihin sa kaniya ung bagay na nasa isip ko noon pa. Masyado kong naging totoo. Bakit kaya? Dahil kaya sa sinabi niya na yun?
Kahit noon pa naman, naiisip ko din yung sinabi niya. Kahit si Emma panay pangaral sa akin.
It's time na siguro para tumanggi na ko sa susunod.
The next day, ready na lahat para sa party.
Yung mga usual na handa ang nasa table dito sa pantry. Alam naman nating lahat anu ang target ng bawat isang manggagawa, walang iba kundi yung shanghai. Dibaling walang kanin, basta may shanghai, alam ko naman yun, haha. Kasi same.
Napilit ko din si Kai na sumali kahit saglit lang, sya lang naman ang hahawak ng cake pag mag-boblow ng candle si Brandy. Siguradong kikiligin ng husto yun.
"Super busy ah," sarkastikong bati ni Emma sa akin. At alam ko naman ibig niya sabihin.
"Loka, sakto lang naman, sama kaba mamaya?" tanung ko sa kanya habang inaayos ko ung mga paper plates ditto sa mesa.
"No thanks. May date pa ko with my boyfriend eh,"
Letse!
Halos umikot mata ko sa pagirap ko sa kaniya.
Natawa na lang siya.
"Ikaw din, puro ka asikaso ng mga ganitong event pero paghahanap ng boyfriend di mo ginagawa. Baka tumanda kang dalaga," pangaasar niya.
"Manahimik ka nga dyan, Emma. Magkaka-jowa din ako this year,"
"Wow, may this year talaga ha. Malalaman natin yan,"
Di na lang ako sumagot at inirapan ko na lang siya.
Pero alam ko naman sa sarili ko na di pa ko totally healed. Masyadong masakit yung breakup ko with Robin. Umi-echo parin yung mga bagay na sinabi niya sa akin nun.
Ang masakit kasi nun, yung confidence ko masyadong naapektuhan. Hindi ko alam kung paano ko ba maaayos sarili ko.
"Happy Birthday, Brandy!!!"
Masayang sigaw nang halos buong office kay Brandy.
"Oh my gosh, guys! Thank you, you didn't have to do this," maiyak-iyak na sabi ni Brandy with matching teary eyes pa siya.
Syempre maririnig mo yung halos echo na awww kasi daw umiiyak pa siya.
Natahimik naman ang lahat nang makitang lumapit si Kai sa crowd, dala-dala yung cake.
Medyo may mga nagbubulungan, nagkakalabitan at kinikilig para kay Brandy.
Si ate mo Brandy naman di mapalagay sa kinatatayuan, kilig na kilig, halos parang kiti-kiti na siya habang palapit si Kai.
"Waaah, TL Kai," halos di siya makapaniwala sa nakikita niya.
Patawa-tawa lang ako while pinapanuod ko yung mga ganap.
Sa kabila ng maingay na paligid kasi tinutukso si Brandy, panay lingon naman ni Kai na parang may hinahanap.
So automatic na sumimple akong lumapit sa gilid niya.
"Kai, anu un?" mabilis kong tanung.
Nagulat ako ng yumuko siya, at inilapit ang muka niya sa muka ko papunta sa kanan kong tenga.
Bumulong siya. ^///^
Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa tenga ko, at parang kuryente na bumuhay sa dugo ko.
"What am I supposed to do now?"
"H-ha? M-make a wish kamu," bulong ko din sa kanya.
Tpos napatakbo ko palayo, kasi di ko na kaya yung init ng muka ko. Alam kong namumula ko at ayokong may makahalata.
Nakatayo na si Kai sa harap ni Brandy, at lahat ng tao naghihintay sa mangyayari.
"Make a wish and then blow the candle," malayo sa tono ng boses niya pag galit yung ginamit niya ngayon, at alam kong maraming nagulat at halos lahat ng babae, pati ako nagblushed!
Anong ginagawa mo sa amin, Kai?!!
Bahagya akong nakaramdam ng kung anu, kasi ako unang nakarinig na ganun siya ka-gentle magsalita tapos ngayon narinig narin ng iba.
Bakit ako nalungkot?
Panay sigawan parin nung iba, at hinihintay na magsabi ng wish si Brandy.
Pumikit si Brandy, at may paghawak pa sa mga kamay na parang nagwiwish talaga.
"Sana pumayag si TL Kai na maging boyfriend ko," sabi niya, sabay blow ng candle.
Natigilan ang lahat sa pag-cheer, kahit ako hindi kinaya si ate mo Brandy.
At nagsigawan ang lahat after nun.
WTF!?!